Chapter 1

969 Words
Enjoy reading! Zaphire's PoV, PAGKATAPOS ng graduation ko ay pinapunta ako ni daddy sa Italy para doon magpatayo ng sarili kong negosyo at dahil narin sa kagustuhan ko na lumayo muna. Nagpatayo ako ng sarili kong restaurant at ako ang namamahala. Gusto kong kalimutan ang sakit. Dahil hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko si Denzel. Kamusta na kaya siya ngayon? May asawa na kaya siya? May mga anak na kaya siya? Siguro masaya na siya ngayon. Napatawad na niya kaya ako sa ginawa ko?  "Hoy lumilipad na naman yang utak mo!"napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Crystal. Magkasama kami dito sa Italy. Si Dianne lang ang naiwan sa Pilipinas dahil hindi siya pinayagan ng magulang niya na pumunta sa ibang bansa. Si Crystal ang nagluluto sa Restaurant ko dahil masarap siyang magluto. Kaya kapag tapos na siya sa pagluluto ay dito siya tumatambay sa office ko.  "Sino ba yang iniisip mo ha?"tanong niya. Napahilamos nalang ako ng mukha. Ilang taon na ako dito sa Italy pero hindi ko parin makalimutan iyon.  "W-wala. Nag-iisip lang ako ng bagong recipe na lulutuin mo"palusot ko. Tiningnan niya ako na may pagdududa. Naniningkit pa ang mga mata niya na para bang binabasa ang iniisip ko. "Seryoso? E kakasabi mo lang kahapon sakin ang bagong recipe na lulutuin ko ah"napabuntong hininga nalang ako. Leche! Akala ko makakalusot na ako.  "Parang alam ko na ang iniisip mo. Tungkol na naman 'yan sa nakaraan noh? Yung ginawa nating kalokohan dati kay Denzel? Di mo parin makalimutan?"nanunuk­so niyang sabi. Napayuko nalang ako. "My ghad Zap! It's been 5 years. Hindi mo parin 'yun makalimutan?"hindi makapaniwalang sabi niya. Sa ginawa kong 'yun hindi ko makakalimutan 'yun. Alam ko nasaktan ko yung tao. At nakokonsensya ako sa ginawa kong 'yun.  Napatingin kami ni Crystal sa pinto ng may kumatok doon at pumasok ang isang tauhan ko. "Ma'am Mr. Nathan Gonzales is here. He wants to talk to you"nagulat ako ng bigla siyang pumasok at nakangiti pa.  "Hello beautiful"nakangiti niyang sabi. Si Nathan ay nanliligaw sa'kin. Isa din siyang pilipino. Kaya siya nandito sa Italy dahil meron siyang business dito. Nagkakilala kami dito rin sa Restaurant ko. Natapunan kasi siya ng isang tauhan ko ng juice kaya ako na ang humingi ng paumanhin sakanya. Doon kami nagkakilala.  "Nathan! Ngayon ka lang ulit nagpakita. Anong nangyari sayo?"tanong ko. "Bakit na miss mo ba ako?"tanong niya. "Syempre naman. Na miss ko yung pagka makulit mo"sagot ko. "Excuse me lang ha. Mukang ubos na yata ang mga pagkain. Kailangan ko nang magluto ulit"singit ni Crystal at lumabas na. Napangiti nalang ako. "Kamusta?"tanong niya nang lumabas na si Crystal. "I'm fine. How about you?"tanong ko. "Okay lang naman. Medyo busy"sagot niya. Kung busy siya bakit nandito siya? "Busy ka pala eh. Bakit kapa pumunta dito?"tanong ko. "Don't worry sweetheart. I have time management"mayabang niyang sagot. Inirapan ko nalang siya sa kayabangan niya. "May gagawin kaba mamaya?"tanong niya. Umiling ako. "Wala naman. Bakit?"tanong ko. "Let's date"sagot niya. Kahit kailan talaga kapag umakto to parang girlfriend na niya ako. Kaya minsan napagkamalan kami eh. "Sige"payag ako. Namiss ko kasi ang kumag na t'o. "Yess! Thank you Zap! Sunduin kita mamaya"sabi niya habang malapad ang ngiti. Napa-iling nalang ako. ——— GABI na ng umuwi ako dahil lumabas kami ni Nathan. At habang naka upo ako sa sofa ay biglang tumunog ang cellphone ko na nasa table. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Daddy. Agad kong sinagot. "Hello dad?"sagot ko. "Iha anak. Kamusta?"tanong niya. Naririnig ko rin ang boses ni mommy. "Okay lang dad. How about you and mom?"tanong ko. "Okay lang din kami. Namimiss kana namin ni mommy mo. Kailan ka uuwi?"tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong umuwi. Dahil kapag umuwi ako naaalala ko lang ang ginawa ko kay Denzel. At baka magkita kami kapag umuwi ako.  "Iha anak. Nandyan kapa ba?"si dad. "Yeah dad. Hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi eh."tanging sagot ko. "Sige. Basta tawagan mo kami ng mommy mo kung uuwi kana ha"sagot ni dad.  "Okay dad"sagot ko. "Sige na. Matulog kana. Bye" "Bye dad."sagot ko at binaba na ang phone. Sa totoo lang miss na miss ko na rin sina mom at dad. Pero natatakot akong umuwi. Natatakot ako na baka magkita kami ulit. Baka galit pa siya sa'kin. Hindi ko pa kayang makaharap siya. Dahil hanggang ngayon nakokonsensya parin ako sa ginawa ko. Siguro hindi pa talaga pwedeng umuwi ako. Tsaka na kapag nagka lakas loob na akong umuwi. Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama. ----- LUMIPAS ang ilang linggo na puro trabaho ang inaatupag ko. Ako ang taga luto sa Restaurant ko dahil umuwi si Crystal ng Pilipinas para magbakasyon. Nakaka inggit nga dahil nakauwi siya habang ako nandito busy sa Restaurant ko. Pagkatapos kong magluto ay agad na akong pumunta sa office ko. Maaga pa akong pumunta dito kanina dahil nga magluluto pa ako. Kaya ngayon antok na antok ako.  Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ng biglang tumunog ang phone ko. Si mommy ang tumatawag kaya agad kong sinagot. "Hello mommy"sagot ko. "Hello anak! Ang d-daddy mo dinala namin sa h-hospital"umiiyak na sabi ni mommy sa kabilang linya. Agad akong napaayos ng upo sa narinig ko. "Bakit po? Anong nangyari kay daddy?"tanong ko. "Inatake siya sa puso anak. Mabuti nadala namin kaagad sa hospital"sagot ni mommy.  "Kamusta ang lagay niya mommy?"nag-aalalang tanong ko. "Okay na siya ngayon. Anak kailangan mong umuwi. May pag-uusapan kayo ng daddy mo"sabi ni mommy. Kailangan ko na talagang umuwi. Kahit ayaw ko wala akong magagawa. Kailangan kong alagaan si daddy. "Sige mommy. Uuwi po ako"sagot ko. "Salamat anak. Hihintayin ka namin ng daddy mo"sagot ni mommy. "Sige mom. Bye"sabi ko at binaba na ang phone ko. Kailangan kong umuwi. Kaya dapat handa na rin akong harapin siya kapag nagkita kami. Iiwan ko muna ang Restaurant ko kay Nathan. Wala din kasi si Crystal kaya kay Nathan ko muna ipagkakatiwala ang Restaurant ko. Dahil bukas na bukas din kailangan ko nang umuwi ng Pilipinas. •••••••• Thank you po sa pagbabasa. ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2017
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD