Enjoy reading!
Zaphire's PoV,
KINABUKASAN pagkagising ni daddy ay agad kaming nag-usap. Pinag-uusapan namin ngayon ay tungkol sa kompanya. Gusto niyang ako na mismo ang mamahala ng kompanya namin. Pero iniisip ko ang restaurant na naiwan ko sa Italy. Hindi ko rin pwedeng iwan iyon.
"Pero dad. Paano po yung restaurant ko sa Italy?" Tanong ko sa kanya.
"Ipagkatiwala mo na iyon kay Crystal. Ang asikasuhin mo ay ang kompanya natin." Sagot niya.
Mukhang hindi na talaga mababago ang desisyon niya. At mukhang dito na talaga ako titira sa Pilipinas. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ni daddy.
Pagkatapos naming mag-usap ni daddy ay lumabas muna ako dahil hindi pa ako kumakain.
Pumunta ako sa canteen sa baba. Bumili ako ng kanin at ulam ko. Pagkatapos ay umupo ako sa isang bakanteng mesa. At nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang may nakita akong isang lalaki na naglalakad papasok. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakayuko siya at nakaharap sa cellphone niya. Pero pamilyar ang mukha niya sa 'kin. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan ko siya nakita.
Nang malapit na siya sa mesa ko ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyon. No! Hindi pwede! Hindi siya 'yan! Namamalik-mata lang siguro ako. O 'di kaya ay dahil lang sa gutom kaya nakikita ko sa mukha ng lalaki si Denzel. Imposibleng narito siya sa hospital na ito.
Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla siyang napatingin sa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin at yumuko. Hindi pwedeng makita niya ako. Hindi pa ako handa na makaharap siya. Hindi pwede! At kung minamalas ka nga naman ay huminto pa siya sa harap ng mesa ko. Leche!
"Zaphire?" Hindi ko alam kung i-aangat ko ba ang mukha ko o aalis na ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko. God, help me!
"E-excuse me. Aalis na ako." Nauutal kong sabi at tumayo na. Akmang maglalakad na ako nang hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Where do you think you're going?" Seryoso niyang sabi. Lupa kainin mo na ako! Ayaw kong makaharap ang lalaking ito. Not now!
"K-kailangan ko ng u-umalis. Pakitanggal po ang kamay mo sa braso ko." Pilit kong tinatagan ang boses ko. Ayaw kong mautal.
Ngumiti siya. "Hindi mo man lang ba kakausapin ang tumulong sa 'yo dati?" Diniinan niya ang salitang 'tumulong' at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang umalis sa harap niya.
"Kailangan ko na talagang umalis ngayon. Pupuntahan ko pa ang daddy ko." Sagot ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Gaano ba kahirap na kausapin ako, Zaphire? Kahit saglit lang." Tanong niya. Masamang tingin ang binigay niya sa 'kin. Kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Ano bang pag-uusapan natin ha? Kung walang kwenta lang naman ang pag-uusapan natin 'wag na lang." Seryosong sagot ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao na kumakain.
He smirked. "Kung makapag salita ka parang wala tayong pinagsamahan dati." Alam ko ang tinutukoy niyang iyon. Hindi ko na lang pinansin iyon.
"Kailangan ko ng umalis." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko at umalis na.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tinitingnan pa rin ako ng mga tao habang palabas ako ng canteen. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa elevator. Ano kaya ang ginagawa niya rito? Sa dami-dami ng pwede naming pagtagpuan, dito po sa hospital.
Nang makarating ako sa kwarto ni daddy ay hindi na ako lumabas. Ayaw kong makita siya ulit na pagala-gala rito sa hospital. Nahalata naman ni daddy na para bang hindi ako mapakali habang nakaupo sa sofa. Gusto ko na talagang umalis sa hospital na ito.
"Anak, are you ok?" Tanong ni dad.
"Yes dad. I'm ok. Kailan po ba kayo makakalabas dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam anak. Tanungin natin mamaya ang doctor." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon.
Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok at pumasok ang dalawa kong kaibigan.
"Zap," si Dianne. Umupo sila sa tabi ko. Kailangan kong sabihin sa kanila ang nangyari kanina.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Crystal.
"Oo nga," dagdag naman ni Dianne.
Napahilamos muna ako ng mukha bago nagsalita. "I saw him." Maikling sagot ko. Napakunot noo naman ang dalawa.
"Who?" Sabay nilang tanong.
"Denzel." Simpleng sagot ko.
"Oh my god! Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Crystal. Tumango lang ako bilang sagot. Habang si Dianne ay parang hindi man lang nagulat.
"Sabi ko na nga ba e." Mahinang sabi ni Dianne. Sapat lang para marinig namin ni Crystal.
"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"Talagang makikita mo siya dito sa hospital, Zap." Sabi niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Mukhang si Crystal ay naguguluhan din sa mga sinasabi ni Dianne. Ayaw na lang kasi sabihin.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Si Denzel Rivera ang may-ari ng Hospital na ito." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. No! Hindi pwede. Paanong nangyari iyon?
"Oh my god!" Gulat na sambit ni Crystal.
"B-bakit hindi mo kaagad sinabi sa 'kin?" Sabi ko. E 'di sana inilipat ko ng ibang hospital si daddy.
"Sasabihin ko naman sana e. Kaso biglang pumasok yung doctor kahapon kaya hindi natuloy." Sagot niya. Damn!
Kailangan na talaga namin umalis dito. Base sa mukha kanina ni Denzel ay galit pa rin siya sa 'kin. Hindi niya pa rin ba ako napapatawad?
"Kailangan namin umalis dito ni daddy sa lalong madaling panahon. Kailangan kong makausap ang doctor ni dad." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Okay relax lang. Kakausapin natin ang doctor." Pagpapakalma sa 'kin ni Dianne.
Pagkatapos namin mag-usap ay agad kong pinuntahan ang doctor ni daddy. Kailangan ko siyang maka-usap. At bukas na bukas din ay lalabas na kami rito ni daddy. Kukuha na lang ako ng private nurse para mag-alaga sa kanya sa bahay.
"Good morning po, doc." Bati ko. Nandito ako ngayon sa opisina ng doctor ni daddy.
"Good morning din Miss Saavedra. Maupo ka," sabi niya at tinuro ang kaharap niyang upuan. Agad naman akong umupo.
"What I can do for you Miss Saavedra?" Tanong niya.
"Doc, kailan po makakalabas ang daddy ko?" Tanong ko.
"Mga tatlong araw pa. Why?" Sagot niya.
"Wala lang po doc. Pwede po bang bukas na lang po siya lumabas?" Tanong ko.
"Hija, kailangan pang obserbahan ang daddy mo," sagot niya.
"Kukuha na lang po ako ng private nurse para magbantay sa kanya." Sagot ko. Sandali muna siyang nanahimik bago nagsalita.
"O sige. Pero kailangan mong pumirma dito. Para kung anong mangyari sa daddy mo ay hindi na namin kasalanan," sabi niya at binigay sa 'kin ang isang papel. Agad ko namang kinuha 'yon at pinirmahan.
"Okay, bukas pwede na kayong lumabas." Sabi niya. Napangiti ako dahil pumayag din siya sa wakas.
"Thank you, doc." Sabi ko. Tumango lang siya. Tumayo na ako at nagpaalaman na sa kanya at lumabas na ng opisina niya.
Pero hindi pa ako naka hakbang ay may kamay na humila sa 'kin. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Denzel. Pinapasok niya ako sa isang opisina. Bigla akong kinabahan. Nagulat pa ako dahil sa lakas ng pagsara niya ng pinto.
"B-bakit mo ako dinala d-dito?" Hindi ko mapigilang mautal dahil sa kaba. Umupo siya sa swivel chair.
"Ganyan mo ba talaga babatiin ang tumulong sa 'yo dati?" Seryoso niyang tanong. Malaki na talaga ang pinagbago niya. Hindi na siya ang Denzel na kilala ko noon. Ang Denzel na nerd at payat.
Ngayon ay wala na ang malaki niyang salamin. Malaki na rin ang katawan niya at halatang alaga sa pag-gym. At hindi na rin siya pangit manamit.
"Titigan mo na lang ba ako?" Sabi niya na may nakakalokong ngiti.
"Denzel kailangan ko ng umalis. It's nice to see you again." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Sinamaan niya ako ng tingin. Patay! Pero hindi ko pinansin iyon.
Agad kong binuksan ang pinto at dali-daling naglakad pabalik sa kwarto ni daddy. Bukas na bukas din aalis na kami rito sa hospital na ito.
©Miss_Terious02