Enjoy reading!
Zaphire's PoV,
KINABUKASAN maaga kong inayos ang mga gamit ni daddy. Ayaw ko ng tumagal sa hospital na ito. Hindi ko kayang makita at makasama sa isang hospital ang lalaking dati kong niloko. Dahil hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako sa ginawa kong 'yon.
"Mommy, dito lang po kayo sandali. Magbabayad lang po ako ng bill ni daddy," sabi ko. Tumango lang si mommy. Kaya naglakad na ako palabas ng kwarto.
Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko dahil nagte-text ako kay Crystal at dahil doon ay may nabangga ako. Alam kong lalaki iyon dahil sa tigas ng katawan niya. Napa-angat ako ng tingin at napalaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino iyon. Si Denzel. Ang sama ng tingin niya sa akin.
"Sorry..." Sabi ko at maglalakad na sana nang hawakan niya ang braso ko.
"Zaphire..." Banggit niya sa pangalan ko.
Tumitingin ako sa paligid namin dahil baka makita kami ng mga tao. Ayw ko pa naman ma chismis! Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero sadyang malakas siya kay sa akin.
"Bitiwan mo ang braso ko. Please lang," mahina kong sabi sa kanya. Pero hindi niya iyon pinansin.
"Sabi ng doctor ng daddy mo kinausap mo daw siya. Bakit nagmamadali kang makalabas ang daddy mo? Iniiwasan mo ba ako?" Seryoso niyang tanong. Habang ang sama pa rin ng tingin sa akin.
"H-hindi. B-bakit naman ako iiwas sa 'yo?" Nauutal kong sagot sa kanya. God, help me. Tiningnan niya lang ako. Tinitingnan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Magbabayad pa ako ng bill ng daddy ko." Sabi ko at buong lakas na tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Pagkatapos ay iniwan ko siya na nakatayo pa rin doon.
———
PAGDATING namin sa bahay, hinatid ko muna si daddy sa kwarto niya. Mamaya pa raw pupunta ang magiging private nurse niya. Kaya habang wala pa siyang tagapag-alaga ay ako muna ang mag-aalaga sa kanya. Pagkatapos ko siyang ihatid sa kwarto niya ay kumuha pa ako ng gamot niya.
"Dad, 'wag mong kalimutan ang gamot mo ha," sabi ko. Tumango lang siya bilang sagot. Umupo ako sa tabi niya.
"Anak, kailangan mong pumunta sa kompanya natin ngayon. Iyon ang asikasuhin mo. Kaya ko na ang sarili ko." Sabi niya.
"Dad, 'wag po kayong mag-alala. Bukas na po ako pupunta doon. Sa ngayon po hayaan mong alagaan kita muna. Okay?" Sagot ko.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "Fine."
Naroon lang ako sa kwarto niya hanggang sa makatulog siya. Kinumutan ko muna siya bago lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. At pagkatapos kong uminom ay pupunta na sana ako sa kwarto ko namg makita ko si mommy sa sala. Meron siyang kausap sa cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinintay ko na matapos ang pakikipag-usap niya sa cellphone.
"Sige, Kevin. Bukas ay nandyan na ang anak ko para siya na mismo ang makikipag-usap sa client natin. Bye." Rinig kong sabi ni mommy at binaba ang cellphone niya.
"Sino 'yon, mommy?" Tanong ko.
"Secretary ng daddy mo. Kailangan mong pumunta bukas sa company dahil may ka meeting ka. At i-announce na rin namin ng daddy mo na ikaw na ang bagong CEO." Nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti lang ako. Ayaw kong sirain ang tiwala nila sa 'kin. Kaya bahala na.
"Kaya dapat alagaan mo ang kompanya natin. Dahil 'yan ang ipapamana namin sa 'yo ng daddy mo." Dagdag pa niya. Tumango lang ako bilang sagot.
———
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil may ka meeting pa ako sa kompanya. Si mommy pa mismo ang gumising sa akin. Dahil baka raw ma-late ako sa meeting ko.
Gaano ba ka importante 'yong meeting na 'yon? Siguradong matanda lang naman ang makakaharap ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko at bumaba na. Pumunta ako sa kusina at nakita ko roon si mommy at daddy na kumakain na.
"O anak. Halika na kumain ka na." Aya sa 'kin ni mommy. Umupo ako sa kaharap niya at kumuha ng plato.
Habang kumakain kami ay nag-uusap si mommy at daddy tungkol sa ka-meeting ko raw mamaya. Gaano ba talaga ka importante 'yon? Bakit parang pinaghahandaan talaga nila? Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng kusina. Hinintay ko sina mommy at daddy sa sala. Sasama sila papunta sa kompanya dahil gusto raw nila akong ipakilala.
Pagdating namin sa company ay nakatingin lahat sa amin. Halatang ngayon lang nila ako nakita. Dahil matagal na rin noong huli kong punta rito.
Lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa amin. Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong pinagtitinginan ako ng mga tao. Kaya kahit nakakahiya ay ngumiti lang ako sa kanila. Pinatawag kasi silang lahat. Dahil ipapakilala na raw ako ni daddy.
"Good morning everyone. Pinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin," pagkatapos magsalita ni daddy ay maraming nagbubulong-bulungan. Kinakabahan ako. Paano kung ayaw nila sa akin. Ang bata ko pa para mamahala sa isang kompanya.
"Listen everyone. Matagal akong namahala sa kompanya ko. Sa tagal ng pamamahala ko rito ay napamahal na kayo sa 'kin. At ngayon, kailangan ko ng bitawan ang kompanyang ito. At ipagkakatiwala ko na ito sa aking anak. She's Zaphire Saavedra, my one and only daughter." Lahat sila ay napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila.
Ganito pala ang feeling kapag lahat ng tao nakatingin sa 'yo. Kinakabahan ka at hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo.
"G-good morning po sa inyong lahat," iyon lang ang sinabi ko. Tumango lang sila.
Pagkatapos ng pagpapakilala sa 'kin ni daddy ay pumunta na kami sa office niya kung saan ay magiging office ko na rin. Kasama namin ang secretary niya. Nagulat pa ako dahil lalaki ang secretary niya at mukhang ka-edad ko lang din. Pagkapasok na pagkapasok namin sa office ay agad na nagsalita ang secretary niya.
"Miss Saavedra, meron po kayong meeting. Five minutes na lang po ang natitira niyo," napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala may ka meeting pala ako ngayon. Pati si mommy at daddy ay nakalimutan din nila.
"O my ghad, anak. Pumunta ka na sa conference room. Doon daw kayo magme-meeting no'n," utos ni mommy sa 'kin.
"Kevin, samahan mo siya." Utos ni daddy sa secretary niya. Tumango naman siya at nauna ng naglakad palabas ng office. At bago ako lumabas ay tinawag ako ni daddy.
"Anak," napalingon ako sa kanya.
"Goodluck." Sabi niya. Ngumiti lang ako bilang sagot at lumabas na ng office.
First time kong maranasan ito. At sana nga makumbinsi ko kung sino man ang ka-meeting ko. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko man lang alam kung sino iyon. Kahit apelyido niya o kaya pangalan hindi ko man lang alam.
©Miss_Terious02