Enjoy reading! Zaphire's PoV, HABANG naglalakad ako papunta sa conference room ay hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Siguro dahil ito ang una kong maranasan na humarap sa isang bigatin na businessman. Nakasunod lang ako kay Kevin nang bigla siyang huminto sa isang pintuan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Ano ba 'to! Bakit ganito? Gusto kong umatras. "Relax, Miss Saavedra. Nandyan na siya sa loob kanina pa naghihintay. Hindi na ako papasok kung may kailangan ka tawagin mo lang ako. Dito lang ako sa labas." Iyon lang ang sinabi niya at binuksan na ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Ramdam ko kaagad ang malamig na temperatura dahil sa aircon. "Hello, Miss Saavedra." Muntikan na akong sumigaw dahil sa narinig kong boses. Ala