Nanatiling tikom ang aking bibig habang naglalakad kami patungo sa auditorium kung saan kami nagpapraktis ng play. Nasa likuran ko lang si Charlton, tahimik din na nakasunod sa akin. Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya. Madalas pa ay may nakakabatian siya habang naglalakad. Hindi naman matagal ang pag-uusap nila. Pero halos kakilala niya ang bawat estudyante na nakakasalubong namin. O sadyang sikat lang siya maski ang mga pinsan niya sa Unibersidad na ito?
Kumsabagay, sino ba naman hindi makakakilala sa angkan ng Hochengco at mga Chua? Halos lahat ay dito sila nag-aaral. Sa tuwing lunch break o kaya recess ay halos sila ang magkakasama kaya doon din nalaman ng mga schoolmate namin na iba ang bonding ng magpipinsan na ito. Pero sa kaso ko, alam ko na 'yan dahil halos sinabi na rin sa akin ni Chance kung ano ang pamilya na mayroon sila kahit nga na anak daw sa labas ang kanilang ama na si Engr. Vaughn Ho ay nabanggit na sa akin. Sa una pa nga ay hindi ako makapaniwala kasi bilang outsider's view, alomost perfect ang angkan nila. Wala kang makikitang mali sa kanila, it's like they are ideal family that you never had.
Pero parang isang flaw lang ang nakikita ko. Si Charlton. Hamak na playboy ang isang ito. Tulad ng naabutan ko kanina, may babae siyang kasama at muntikan pang gumawa ng milagro! Hindi ko nga malaman kung bakit dinami-dami na hobby ang pupwede niyang gawin ay mga babae ang gustong hobby kahit na sinasabi ng karamihan na likas na loyal daw pagdating sa mga babae ang angkan nila, tss. Well, Charlton Hochengco is an exception. Kaya naniniwala ako na once a cheater is always a cheater!
Huminto lamang kami nang nakapasok na kami sa auditorium. Naabutan ko na halos nagliligpit na ang iba sa kanila. Ayos lang naman dahil anong oras na din. Ang purpose lang naman namin dito ngayon ay para iinform ang club members na pumapayag na si Charlton sa hiningi naming pabor sa kaniya. At saka, ilang araw na lang din ang nalalabi ay big day ko na!
"Oh, April! Patapo-" hind madugtungan ng cub leader namin ang sasabihin nang mahagip ng kaniyang paningin si Charlton na nasa likuran ko. Napasapo siya sa kaniyang bibig na nanlalaki ang mga mata. Naiitindihan ko siya sa patrte na 'yan. Sino ba naman kasi maniniwala na isang playboy na tulad ng kasama ko ay papayag na umakting sa isang teatro? "Oh my! Mr. Charlton Hochengco, you're here!" hindi niya mapigilang bulalas sabay lapit pa niya sa amin.
"Yeah, humingi ng pabor si April." biglang naging pormal na saad ni Charlton sa kanila na ipinagtataka ko.
Hindi agad nagsalita ang club leader. Sa halip ay namimilog ang mga matang bumaling. Hindi pa niya nasisink in kung ano ang nangyayari kahit na siya rin ay humingi ng pabor na kuminsi ko ang isang ito na maging leading man ko man lang para sa gaganaping play. Medyo nakamove-on na siya nang inilipat na niya ang kaniyang tingin kay Charlton. "Yeah! Tama! Tama! Humingi kasi kami ng pabor kay April na makausap ka... Na ikaw muna sana ang papalit sa ka-club member namin bilang Mr. Bingley. Nagkasakit kasi ang supposed to be leading man ni April. Wala naman kaming maisip na pwedeng pumalit sa kaniya. Sana ay okay lang sa iyo." he tried to convince Charlton more.
Lumabi si Charlton saka nagkibit-balikat. "Wala naman akong ginagawa so far kaya ayos lang." saka tumingin siya sa akin na dahilan upang tumindig ang balahibo ko. Hindi ko lang matukoy kung para saan ang tingin niyang 'yon! At bakit pakiramdam ko ay malagkit siya kung makatingin sa akin!? O sadyang nagmalik-mata lang ako?!
Parang nagliwanag ang mukha ng club leader namin sa naging sagot ni Charlton sa kaniya. Pumapalakpak siya sa galak. "So ikaw na ang nagaganap na Mr. Bingley, ha? Malakas ang pananalig ko na matatapos mong kabisaduhin ang mga linya na ito." sabay abot niya ang script na agad din tinanggap ni Charlton.
Hindi agad sumagot si Charlton. Tahimik niyang binuklat ang hawak na script. Parang may tinitingnan siya doon. Habang ginagawa niya 'yon ay nagkatinginan kami ng club leader, kumunot agad ang noo ko nang binigyan niya ako ng isang mapaglarong ngiti sabay kindat pa sa akin! Teka, para saan 'yon?
"Walang kissing scene..." rinig namin mula kay Charlton.
Mabilis lumipat ang tingin namin sa kaniya. Pareho pang namimilog ang mga mata namin. Parang hindi simpleng sabi 'yon, it's sounds like more than a request!
"Wala talagang kissing scene 'yan, Charlton. Bakit pala?"
Nanatili itong nakayuko pero nagawa pa rin niyang tumingin sa amin. "I think it's good if you added a kissing scene here since it's an adaptation, hindi naman natin kailangan sundin ang lahat ng linya na narito. I just thinking the kiss is the climax here..." saka taas-noo niya kaming tiningnan.
Napalunok ako nang matindi nang nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Muli kami nagkatinginan ng club leader. Base sa nababasa ko sa ekspresyon niya, kaunti na lang ay makukumbinsi na siya ni Charlton na idadagdag ang kissing scene na kanina pa niyang ginigiit. Atsaka, bakit ba gustung-gusto niya na idagdag 'yon? Para saan? Alam naman siguro niya na maraming manonood ng mga oras na 'yon! At kabilang na doon si Chance! Kaya dahan-dahan akong umiling para tumanggi siya! That I'm hoping na huwag pakinggan ang suggestion ng baliw na ito!
Lumapad muli ang ngiti ng club leader saka ibinalik ang tingin sa kausap namin. Bigla itong pumalakpak! "Sure! We can add that!" ang naging tugon niya.
Napasinghap ako na nanlalaki ang mga mata. Hindi makapaniwala sa naging resulta!
Mabilis ding itiniklop ni Charlton ang hawak na script. Iwinagayway pa niya ito sa ere. "Good! I'll starting to memorize this one." tumingin siya sa akin, sumilay ang mapaglarong ngiti. "So... See you."
Hinatid lang namin siya ng tingin nang tinalikuran na niya at nauna nang umalis dito sa Auditorium. Nang nawala na siya sa aming paningin ay doon na ako nakakuha ng pagkakataon na bumuwelta sa club leader namin!
"What the heck? Bakit ka pumayag sa gusto niya, leader?!" halos masigawan ko na siya. Pilit ko pa pinipigilan ang sarili ko dahil sa ginawa niya.
Marahas siyang bumuga ng malalim na hininga. Seryoso siyang tumingin nang diretso sa aking mga mata. "Kung hinid ako papayag, mawawala ang pagkakataon natin na tuluyan nang maging parte ng play si Charlton Ho, April! And look, he's also popular! Sa oras na malaman ng mga nagkakandarapa sa kaniya na gaganap siya sa isang role play, tiyak na maraming manonood sa atin! Hinding hindi masasayang ang ticket! Ang budget ng club natin! Syempre, ayokong masara ito!" pagpapaliwanag pa niya.
Hindi ako makapagsalita. Nawiwindang pa rin sa nangyayari.
"So please, April? Ngayon lang, please?" halos nagmamakaawa na siya sa lagay na 'yan.
Lumunok ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sa huli ay nagbuntong-hininga ako saka lumaylay ang mga balikat ko. "Fine." ang tanging nasagot ko. Mukhang wala na akong magagawa pa. Bahala na kung anuman ang mangyayari sa susunod.
After a short practice and meeting, nagpasya na rin ang club leader ng dismissal. Agad ko na dinaluhan ang aking bag pack na nakapatong lang sa mahabang mesa na nasa gilid. Sinuot ko na ito. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa ng mga club members, including the leader. May mga pumasok na rin na janitor para maglinis dito.
"Hey!"
Si Chance ang bumungad sa akin paglabas ko ng auditorium. Wala na siyang suot na coat na kasama ng uniporme namin pati kurbata. Nakaputing long sleeves polo shirt na lang siya, blue slacks and black leather shoes na sumisigaw ng branded na pagalan. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin. Wala siyang dalang bag dahil natitiyak kong nasa kotse na nila 'yon. At isa pa, bihira siya magpakita sa akin kapag ganitong pagkakataon. Madalas lang kami magkita sa bahay nila kapag pinapapunta niya ako o sa bahay namin kapag trip niya lang tumambay. Kaya nawindang ako sa pagpunta niya dito.
"Oh, anong meron?" ang bungad kong tanong sa kaniya.
Bago niya ako sagutin ay sumilay ang mapaglaro niyang ngiti na akala mo ay may gagawin na naman siyang kalokohan. "May hihingin akong pabor sa iyo, Apeng."
Agad akong sumimangot dahil talagang tinawag niya ako sa palayaw na binigay niya sa akin. Talagang gusto ako asarin ng isang 'to, e!
"Anong pabor ba 'yan?" taas-kilay kong tanong.
"Baka alam mo ang numero ng kaklase mo na si Elise? Pahingi naman."
Ngumiwi ako. "Sabi na, e." naiiling-iling ako pagkatapos.
Expected naman talaga na makukuha ni Elyse ang atensyon kahit ang isang Hochengco kasi maganda siya. Mestiza, galing sa promanenteng pamilya. Mayaman din siya. Madalas pa nga ay siya ang ginagawang pampabato ng department namin para sa isang pageant, maski sa labas ng school. Kahit siguro pang-internation ay pasok na siya doon kasi matalino rin siya. Hindi siya nawawala sa top ng school.
"Maraming manliligaw doon, Chancelot."
"Ano naman?"
Binalingan ko siya na nanlalaki ang mga mata. Bakas na hindi makapaniwala sa tugon niya. "Wow, ha! Masyado ka yatang confident kasi Hochengco ka?"
Hindi nawawala ang ngiti niya. "Hindi naman. Interesado lang ako sa kaniya. Sige na, bigay mo na para makausap ko na siya." sabay labas niya ng iphone mula sa kaniyang bulsa.
Nagbuntong-hininga ako. Wala na rin akong choice kungdi inilabas ko na rin ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking palda. Nagtipa ako doon saka hinahanap ko sa phonebook ko ang pangalan at nmero ni Elyse. Nang nahanap ko ay agad ko kinopya saka sinend kay Chance sa pamamagitan ng messenger.
Hindi rin nagtagal ay tumunog ang kaniyang iphone. Nagmadali siyang sinilip 'yon. Lumawak ang ngiti niya nang makita niya ang numero na ipinasa ko sa kaniya.
"Huwag na huwag mong sasabihin na ako ang nagbigay, ha?"
Sumulyap siya sa akin saka inangat niya ang hawak niyang phone sa ere. "Sure thing. Sige na, una na ako." sabay tapik niya sa akin ulo bago siya umalis sa harap ko. Medyo nagmamadali na yata siya at hinihintay na siya ng driver nila.
Hinatid ko lang siya ng tingin pero hindi nawawala ang ngiwi ko. Muli ako nagbuntong-hininga at nagpasya nang humakbang na para puntahan ko na ang parking lot ng unibersidad dahil may naghihintay na rin sa akin doon ang family driver namin.
Bago ko man marating mismo ang parking lot ay madadaanan ko muna ang oval at ang outdoor basketball court. Meron din namang indoor pero mas marami talaga ang tumatambay na estudyante sa outdoor court.
Hindi ko maiwasang mapatinigin sa outdoor court nang may narinig akong tilian at hiyawan. Dahil na rin sa kuryusidad ay lumihis ako ng daan. Imbis na dumiretso sa parking lot ay nilapitan ko ang court kahit na may nakarang na fence mesh, ay tanaw ko pa rin kung ano ang kaganapan sa loob ng court. Tulad ng inaasahan ay may mga naglalaro doon.
Pero isang tao ang nakaagaw ng atensyon ko, si Charlton. Pawisan na siya at magulo na ang buhok na medyo namamasa na rin ng pawis pero wala siyang pakialam. Hindi rin maitanggi na tumitingkad pa rin ang kaguwapuhan niya kahit na ganoon na ang kalagayan niya. He looks like a typical boy next door but his attitude is definitely a player! Panay pangalan niya ang tinitili ng mga babae sa gilid ng court. Panay cheer pa sa kaniya lalo na't nakapuntos siya para sa team nila. Lumapit ang mga ka-teammates niya para makipag-highfive.
Natigilan lang ako. Umawang nang kaunti ang aking bibig nang nahagip yata ako ng kaniyang paningin. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag. He's just give me an intense glance na akala mo hind niya ako kilala. Okay, I understand. Although bestfriend ko ang kapatid niyang si Chance, kahit na may pagkakataon na nagkakasalubong kami sa kanilang bahay sa oras na napapagawi ako doon, we have a borderline eversince. And no one dare to cross that line and until now.
Binawi niya ang kaniyang tingin na siya naman na may lumapit sa kaniya na isang babae na may dalang panyo. Pinunasan siya nito saka niyakap pa at hinalikan sa pisngi.
"Oh, himala narito ka pa." isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking kaliwa. Tumingin ako at si Massimo na pala ang nasa tabi ko. Ang bunsong kapatid nina Charlton at Chancelot. "Parang nakita ko ang sasakyan ninyo kanina sa parking lot."
"Yeah, pauwi na din naman ako." malamig kong turan saka tinalikuran ko na ang outdoor court. "Una na ako." nilagpasan ko na siya.
"April," tawag sa akin ni Massimo, akmang pinipigilan ako.
"What?" tamad ko siyang nilingon.
"Balita ko sumali si Charlton sa drama club ninyo."
Naniningkit ang mga mata ko. "And how did you know that?" ang bilis naman yata lumipad ang balita.
Lumabi siya. "I just heard. Mula talaga kay ahia."
"Alam ba ni Chance ito?"
Tumango naman siya. "Yeah, he knows and he acts like he doesn't care though."
"Ahh, sige. Una na talaga ako. See you na lang, Massimo." nagsimula na akong humakbang palayo sa kaniya.
"Ingat ka sa pag-uwi!" pahabol pa niya.
"Ikaw din!" saka binawi ko na ang tingin ko saka dumiretso na ako sa parking lot kung saan nga naghihintay si manong.
Nang makita na niya ako ay agad siyang lumipat sa tabi ng backseat para pagbuksan ako.
"Pasensya na po at natagalan ako, manong."
"Wala pong probleman, Miss April."
Ngumiti ako saka pumasok na sa loob. Hinubad ko na rin ang aking back pack. Sinilip ko na rin ang aking cellphone pero kumunot ang noo ko nang may isang unknown number na tumambad sa aking screen. Hindi ako nagdalawang-isip na basahin 'yon.
From Unknown Number :
Hey, it's Charlton. Just save my number so I can contact you regarding the drama club.
Napalunok ako. Nakatitig lamang ako sa screen. Nang napagtanto ko na medyo matagal na pala ako nakatitig doon ay sinave ko nga lang ang numero niya sa phone book at nagbigay din ng mensahe pabalik.
To Charlton :
Ok.
Inilapag ko muna ang cellphone saka dumungaw sa window pane pero isang mensahe na naman ang natanggap ko mula sa kaniya.
From Charlton :
Pauwi ka na ba?
Doon na kumunot ang noo ko. Ang akala ko ba para sa drama club kaya isesave ko ang number niya? Eh ano ito?
May sunod na naman siyang mensahe kahit hindi pa ako nagrereply.
From Charlton :
Nakausap ka na daw ni Massimo. Pauwi ka na daw. Ingat, sexy dork *winked emoji*
Ano bang problema ng isang ito? Parang kanina nairita siya kasi naudlot ang bebe time nila ng babae niya tapos biglang ganito?
Pinili ko na lang na huwag sagutin ang mensahe.
Nang dumating na ang kotseng sinasakyan ko sa bahay ay agad na rin akong lumabas. Dumiretso na ako sa loob ay nakasalubong ko si mama. She's wearing her typical style - floral summer dress. Nakapusod din ang kaniyang buhok. Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti.
"April, iha!"
"Hello, ma." balik-bati ko sa kaniya. Ako na ang lumapit pa sa kaniya para halikan siya sa pisngi.
"How's school?"
"It's fine. Aakyat po muna ako para makapagpahinga po sana." tinatamad kongsambit.
"Oh, sure, iha! Tatawagin ka na lang ba for dinner or magpapahatid ako ng meryenda para sa iyo?"
"Bababa na lang po ako para sa dinner, ma. Thank you!"
Hindi ko na hinintay pa si mama sa kaniyang sagot. Mabilis akong nakaakyat ng hagdan patungo sa kuwarto ko. Hindi pa ako tuluyang humiga. Imbis ay tinungo ko muna ang walk-in closet ko para kumuha ng damit para makapag-shower muna dahil galing ako sa labas.
It took thirty minutes bago ako tuluyang nakahiga sa aking kama. I stretched my arms and legs. Hindi ko mapigilang mapangiti. Bigla tuloy sumarap ang pakiramdam ko. Ngayon, balak ko umidlip kasi pagod na nga katawan ko, pagod din utak ko pero mukhang mauudlot pa dahil tumunog ang cellphone ko na ipinatong ko sa side table kanina bago ako pumasok sa banyo. Gumulong pa ako para maabot 'yon. Hindi ko inaasahan na makatanggap na naman ako ng mensahe mula kay Charlton.
From Charlton :
Nakauwi ka na?
Nagtipa ako ng isasagot ko.
To Charlton :
Oo.
Then I hit send.
Nagtataka na talaga ako sa lalaking ito. Ano bang binabalak niya at ako ang pinagdiskitahan? O sadyang ginantihan niya ako ngayon kasi naistorbo ko siya kanina?
Ilang saglit pa ay muli siya nagreply.
From Charlton :
Punta ako mamaya d'yan sa inyo. Anong gusto mo? Chocolate or anything else?
Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ko ang mensahe niya. Gulat na gulat ang nakaukit sa aking mukha. Sobrang nagtataka na sa nangyayari!
At anong itong sinasabi niya na pupunta siya dito? Ano naman ang gagawin niya dito?!