Prologue

1666 Words
Gusto kong tumakas pero hindi ko magawa. Kahit anong gawin ko upang dumistansya sa kaniya, natatagpuan nalang ang sarili ko na sa kaniya pa rin. Na kahit saan ako magpunta, nakaukit na ang pangalan niya sa puso't isipan ko na kulang nalang ay sabihin na pagmamay-ari pa rin niya ako. Napatingala ako nang marinig ko ang anunsyo ng kapitan ng eroplano na malapit nang kaming lumapag sa airport. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at marahang kumawala ng isang buntong-hininga. Kasabay na ramdam ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso, pinaghalong kaba at takot. Kinakabahan ako kung anong sasalubong sa akin sa oras na nakabalik na ako sa Pilipinas sa loob ng apat na taon. Natatakot ako sa oras na nasa harap ko na naman siya, manunumbalik na naman sa akin ang lahat ng alaala. Uurong ang dila ko, babalik na namna sa akin ang mga alaala at mga dahilan kung bakit ko siya minahal. Calm down, April. It's been years, tiyak marami nang nagbago. Marahan ko ding idinilat ang mga mata ko. Bumaling ako sa bintana ng eroplano na nasa tabi ko lang. Natatanaw ko na ang kapatagan at karagatan ng Maynila. Hindi ko maiwasang hindi yakapin ang aking sarili nang sumagi sa aking isipan ang ugat kung bakit nako naririto sa sitwasyon na ito... Malapit na magkaibigan nina papa at mama ang mag-asawang Engr. Vaughn at Mrs. Shakki Hochengco. Sa pagkakaalam ko ay nakilala din ni papa si Engr. Vaughn Hochengco sa isang malapit na kaibigan, ang sabi pa ay gusto iparenovate ni papa ang bahay namin noon, hindi tumanggi ang Hochengco, naging kliyente niya si papa hanggang sa naging magkaibigan na sila't nakilala na din ni mama ang asawa ni Engr. Hochengco na si Mrs. Hochengco na ang sabi ay dati itong arkitekto. Sino bang mag-aakala na halos pareho kaming ipinanganak ni Chance, nauna lang siya sa akin ng isang araw pero sa iisang Ospital lang kami. Magkatabi pa kami sa nursery ng Ospital noon hanggang sa palagi na kaming magkasama at magkalaro. Masasabi ko na siya ang bestfriend ko. "Akin na 'yan!" halos patili na ako nang biglang inagaw ng kaklase kong lalaki ang baon kong pagkain. "Bleh! Hindi ko ibibigay sa iyo ito. Akin na ito!" saka kinain niya ang pagkain ko sa harap ko. Sinadya pa niyang ipakita sa akin iyon na dahilan upang mas lalo pa ako maiyak. Hindi ko lang maitindihan kung bakit tuwang-tuwa pa siya kapag may pinapaiyak sila. Dahil ba sa tingin nila, malakas na sila? Na nagiging dominante sila? Na may luluhod at makikiusap sa kanila? Sige pa rin ang pag-agos ang aking luha. Kahit anong punas ko at pilit kong maging tahimik ay hindi iyon sapat para mapatahan ako. "Aray!" rinig kong daing niya. Bigla ako natahimik at tumingin sa kaklase kong lalaki. Hindi ko mapigilang magulat nang makita kong nakahandusay na ito sa playground. Tiningnan ko kung sino ang nagpatumba sa kaniya—si Chance! Nakahalukipkip ito at seryoso ang mukha. "Sino ka para kunin mo ang pagkain ni April, ha?!" malakas niyang tanong. Hindi pa siya kuntento, nilapitan pa niya ang bully at kinuwelyuhan pa niya ito. "Bayaran mo ang pagkain niya!" utos niya. "W-wala akong pambayad!" "Humingi ka sa nanay mo para hindi ka maubusan ng pagkain! Mag-sorry ka kay April kung ayaw mong matikim ng sapak! Bilisan mo!" Natarantang lumapit sa akin ang kaklase kong bully at nanginginig na humingi ng sorry, pagkatapos ay tumakbo na siya palayo sa amin. Nakaawang ang bibig ko na sinundan ko ito ng tingin. "Heto, oh." rinig kong boses ni Chance. Bumaling ako sa kaniya, bakas pa rin sa mukha ko na hindi makapaniwala. Lumipat ang tingin ko sa kaniyang palad. May inabot siya sa aking isang bar ng chocolate. "C-Chance..." mahina kong tawag sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilagay niya ang tsokolate sa aking palad. "Favorite mo ito, hindi ba? Kunin mo na para makakain ka na. Huwag mo lang ubusin para hindi masakit ang ngipin mo." tumingin siya sa akin. "Napakaiyakin mo talaga, kahit kailan." marahas siyang kumawala ng buntong-hininga. "S-salamat..." Kung saan ako nag-aaral ay doon din siya nag-aaral. Madalas ko siya nakikita at nakakasama dahil kaklase ko pa siya hanggang sa tumuntong kami ng high school. Nagkahiwalay lang kami dahil sa mga club activities. Kasali siya pati ang mga kapatida t pinsan sa isang basketball team, habang ako naman ay kasali sa Drama Club dahil gusto kong maging artista, pangarap ko na 'yon noong bata palang ako. "Guys, may problema tayo..." frustrated na tawag sa amin ng club leader namin. Napatingin kami sa kaniya at nilapitan namin siya para mapakinggan namin ang gagawin niyang anunsyo. "Nagkasakit si Tommy, hindi niya magagampanan ang role niya bilang Mr. Bingley sa susunod na linggo." Rinig ko ang boses na panghihinayang. Kahit ako ay nalungkot dahil mahihirapan na naman kami sa paghahanap kung sino ang pupwede maging Mr. Bingley dahil sa susunod na linggo na palabas namin. Isa din ako sa pangunahing karakter sa naturang kwento. "Tanging isang paraan nalang ang naiisip ko." pahayag ng lider namin habang hinihilot niya ang kaniyang sentido. Bigla siyang bumaling sa akin. "April, hindi ba, malapit ka naman sa mga Hochengco? Lalo na kay Chance?" Tahimik akong tumango bilang sagot. "Eh di nakakausap mo din ang kuya niya na si Charlton?" dagdga pa niya. Doon ako nabato sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Charl. Ang kapatid ni Chance. "Bakit...?" "Siya nalang ang pag-asa ko para magampanan niya ang role ni Mr. Bingley. Mababagay kasi sa kaniya ang role na 'yon, at isa pa, matalino siya't makakabisado niya ang mga linya kung mapapayag din siya na sumali dito." Napangiwi ako. Hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko siya. Dahil ang totoo niyan ay hindi kami madalas nagkakausap dahil iniiwasan ko siya. Dahil nagkaroon kami ng rules ng regulations ni Chance para sa friendship na meron kami. Ang sabi niya sa akin, pupwede kami magkaroon ng crush, huwag lang daw sa kuya niya o sa isa pa niyang kapatid na si Massimo. Huwag na huwag daw niyang malalaman na makikipagrelasyon ako sa mga ito dahil hinding hindi daw niya matatanggap. Ayoko din naman masira at magtapos ang pagkakaibigan namin ni Chance sa hindi magandang rason kaya sinunod ko nalang. Importante sa akin ang bestfriend ko. Halos libutin ko na ang buong Unibersidad mahanap ko lang si Charl. Pinuntahan ko na din ang mga lugar kung saan siya madalas siya natambay. Nakasalubong ko na din ang mga pinsan niya at sa kanila ako nagtanong pero wala silang maibigay na sagot sa akin. Hindi ko rin matanong si Chance dahil abala ito sa pag-eensayo niya sa basketball kaya hindi na ako nag-abala pa. Hanggang sa napadpad na ako sa rooftop. Ito nalang ang tanging paraan ko para mas mapapdali ang paghahanap ko sa kaniya. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng school, mahanap ko lang ni bakas niya. Lumaylay ang magkabilang balikat ko dahil bigo ako na mahanap siya. "Charl naman... Nakikiliti ako." bigla ko narinig ang boses ng isang babae sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko sabay sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Umawang ang bibig ko. Hinding hindi ako nagkakamali, narinig ko ang boses ni Charl! Ibig sabihin, narito lang siya! Humakbang pa ako. Mas naririnig ko pa ang hagikgik nilang dalawa. Bumubuhay din ang kuryusidad sa aking sistema kung anong ginagawa nila. Hanggang nasa harap ko na sila. Namilog ang mga mata ko nang nakasaksi ako ng isang kababalaghan! Halos hubad na ang pang-itaas ng schoolmate kong babae, nakatingala ito, si Charl naman ay abala pinaghahalikan ang leeg ng babae! Panay ungol nilang dalawa. Samantala ako, para akong binuhusan ng tubig sa nakikita ko. Ramdam ko din ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Hindi ko na rin mapigilang mapasinghap na dahilan upang mapukaw ko ang kanilang atensyon. Gulat na gulat silang tumingin sa direksyon ko. Tarantang isinuot ng babae ang kaniyang damit at walang sabi na tumakbo siya palayo sa amin. Naiwan lang kami ni Charl dito. "S-sorry!" malakas kong sabi sa kaniya. Hindi pa rin mawala ang init ng magkabilang pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?!" iritado niyang tanong sabay ginulo ang buhok niya. "A-ano kasi... Kanina pa kita hanahanap." hindi ko malaman kung bakit bigla ako ginapangan ng kaba sa puntong ito. "Ano bang kailangan mo?" humakbang siya palapit sa akin habang nasa mga bulsa ang magkabilang kamay niya. "We didn't even that close enough to talk to me, April." seryoso niyang pahayag. Lumunok ako. "H-hihingi sana ako ng pabor..." umiwas ako ng tingin. "Nagkasakit kasi ang leading man ko, o-okay lang ba kung ikaw ang gaganap... bilang kapalit niya?" Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Sa halip ay mas ikinawindang ko pa na bigla niya akong isinandal sa pader. Nang tumingin ako sa kaniya ay halos tumigil sa t***k ang puso ko dahil sobrang lapit na pala ng mukha niya sa akin! Nagtama ang mga tingin namin. Ramdam ko nalang na namamawis ang mga kamay ko, hindi ko lang malaman kung dahil sa ba kaba o sa takot. "I don't deserve as a reservation, April." mariin niyang sambit. "C-Charl..." mahina kong tawag sa kaniya. Binawi ko ang tingin ko at yumuko. "Ayaw kong maging leading man ng isang babae dahil wala na siyang mahanap. I am not like that, Ms. De Blas." patuloy pa niya. He touched my chin and lift it up. Muli na naman nagtama ang mga tingin namin. "Hindi ako masokista..." "A-anong problema mo?" "Nothing." siya naman ang umiwas ng tingin. "May kissing scene ba 'yan?" "A-ayon sa script, wala...." I heard him tsk-ed. "Ready your lips, sexy dork." "H-ha..." Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Nagiging abnormal na talaga ang paghinga ko. "Papayag akong maging leading man kung ikaw ang leading lady, April." naging masuyo ang pagsabi niya. "A-ako nga ang leading lady..." wala sa sarili kong sambit. I saw him grinned. "Good, so shall we start the practice? The kissing scene?" What...The...Hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD