Chapter 2

2176 Words
CHAPTER 2 Pagsapit ng alas sais y media na kinatok na ako ng isa sa mga maid para sabihin na nakahanda na daw ang dinner. Hindi na ako nag-atubiling lumabas tutal ay nakapagpahinga na din ako ng kaunti. At saka, tiyak dumating na rin si papa sa mga oras na ito galing trabaho. Hindi rin puwedeng hindi kami magkasabay kumain na nakaugalian na namin. Hindi ko na rin nireplayan pa si Charlton tungkol sa balak na pagpunta niya dito. Hindi ko masyado sineryoso sa huli. Sa ugali ng isang 'yon, paniguradong pinagtitripan lang niya ako. Bukod pa doon ay marami pa akong gagawin bukod sa paghahanda sa papalapit na play. Kailangan ko rin mag-aral o hindi kaya ay mag-advance reading na lang. Kapag okay na, sisilip na lang ako sa mga socials ko at matutulog na. Kung tungkol kay Chance naman, bihira na kami mag-usap sa ngayon. May sinalihan din siyang event para sa Foundation Week kaya naitindihan ko din 'yon. Sigurado din ako na kasama na rin doon na pinopormahan na niya sa Elyse nang oras na nakuha na niya ang numero nito. Iyon pa ba? "Good evening, papa!" maligayang salubong ko kay papa na kakapasok lang niya ng bahay. Dala niya ang kaniyang bag, while his business coat were hanging on his arm. Medyo maluwag na din ang necktie niya. "Good evening din, iha." nakangiting balik-bati niya sa akin. Niyakap niya ako saka dinampian ng halik sa noo tulad ng dati. "Your mama texted me. She cooked something good tonight. I can't wait to taste her specialty. I'm already starving while I'm on my way home." I tilted my head. "You look exhausted, papa. There's something wrong at work?" I asked worriedly. "I'm fine, iha." sagot niya saka inakbayan na niya ako. Sabay na kaming dumalo sa Dining Area. Nadatnan namin ang dining table na nakahanda na nag mga plato, mga baso pati na rin ang mga kurbyertos. Lumapit ang isa sa mga maid sa amin. Ibinigay ni papa ang kaniyang mga gamit doon para makaupo na siya. Ganoon din ako. Sakto rin na lumabas mula sa Kusina si mama na may dala nang roasted chicken. Nakasunod sa kaniya ang isa pang maid na may dalang kanin at mga prutas. Pinapanood lang namin sila kung papaano nila inilapag ang mga pagkain sa hapag. "Hmm, mukhang masarap." nagagalak na sambit ni papa habang nakatingin sa mga nakahanda. "Of course! It's a special night for us. Especially for you, my dear husband, Andrew!" masiglang bulalas ni mama nang tuluyan na niyang inilapag ang dala niyang serving plate. Umupo na din siya sa kaniyang pwesto. "Special night?" kunot-noo kong wika. Bumaling ako kay papa na may pagtatakang tingin. "Ano po ang meron, mama, papa?" Ngumiti si papa habang si mama naman ay hindi nabubura ang malapad na ngiti. "Your papa got a closed and new business deal. He need to fly in Las Vegas to build a new chains of business. Our business is finally got an extension, April." mama announced. Namilog ang mga mata ko sa hindi inaasahang balita. "Is that true, papa?" halos tumili ako nang tanungin ko siya. Ngumiti saka tumango siya bilang kumpirmasyon sa aking tanong. I can't help to clap my hands and wide my smile. "Congratulations, papa! You finally made it! I'm so proud of you!" hindi pa ako nakontento, tumayo pa ako para yakapin siya kahit na nanatili siyang nakaupo. He hugged me back, rinig ko rin ang mahina niyang tawa. He feel I'm really happy for him! "Thank you, iha. Thank you." Bigla nang sumingit si mama. Sinasabi niya na baka lalamig na ang pagkain na inihanda niya kaya sinimulan na namin ang pagkain. Pero biglang dumating ang isa sa maid. "Ma'm, sir, may bisita po." Napatingin kami sa kaniya nang sabihin niya 'yon. "Sino daw, manang?" si mama ang nagtanong. "Nagpakilala daw po siyang Charlton Hochengco po." Halos mabitawan ko na ang hawak kong kutsara't tinidor. Napalunok ako na nanglalaki ang mga mata. Kumunot ang noo ni papa, si mama naman qy napasinghap. "At sadya niya daw po si Miss April." Sabay tumingin sa akin sina mama at papa. Pareho nila akong ginawaran ng pagtatakang tingin. Imbis na sagutin ko 'yon ay tumayo na ako pero agad din ako pinigilan ni mama. "Papasukin mo na lang siya, manang. Thank you." "Sige po, ma'm." tinalikuran na niya kami para papasukin nga si Charlton. "Palabas ng isa pang plato. Also spoon and fork." sunod na utos ni mama sa maid na malapit lang sa amin. Agad din itong kumilos. "Are you two are close?" taas-kilay na tanong ni papa. Hindi nabubura ang sobrang pagtataka niya sa nangyayari. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkaupo. Ngumiwi ako. "Actually, part na rin po siya ng sinalihan kong drama club..." "Oh, I see." then he leaned backwards. "Good evening po." rinig kong boses ni Charlton sa hindi kalayuan. Sabay kaming napatingin sa kaniya. Nagsitayuan na rin kami para salubungin siya. "Oh, welcome, iho!" si mama ang unang bumati. Nakipagbeso-beso pa siya sa bagong dating. "Biglaan ang pagpunta mo dito, iho. Pasensya na at hindi kami nakapaghanda." si papa sabay mahina niyang tinatapik ang isang balikat nito. "Hindi mo kasama si Chance?" Alam din kasi ng parents ko na bestfriend ko Chance kaya hindi na rin nakapagtataka na ang pumunta rito ay si Charlton, hindi ang kilala na bestfriend ko! "Hindi po. Ako dapat po ang magpasensya dahil biglaan din po ang punta ko dito na walang pasabi." nakangiting wika niya sa mga magulang ko. "And you suppose to pay a visit for April, right?" maingat na tanong ni mama na bumaba ang tingin niya sa hawak ni Charlton, isang box ng chocolate! "Ah, yes, ma'm." saka ngumiti siya. "Oh! Then, since you're here already, why don't you join us? Kumain ka na ba?" parang nagingislap ang mga mata ni mama sa tanong na 'yon. Napaletra-o naman ang bibig niya. "Sure po. Hindi pa naman po ako nakakapagdinner." sabay sulyap sa akin. Hindi nawawala ang mapaglaro niyang ngiti. Wow ha! At talagang may lakas siya ng loob na makikain sa amin? At talagang totohanan ang sinabi niya na pupunta siya dito? Para saan ba at pumunta siya dito? No wala nga siyang sinabi sa message niya kung ano ang gagawin niya dito. Kung manggugulo lang siya, wala akong panahon at marami pa akong gagawin pagkatapos nito! Base rin sa obserbasyon ko, mukhang tuwang-tuwa pa si mama sa pagpunta ng kapatid ni Chance dito. Para mawala din ang awkward atmosphere sa dining ay nag-open siya ng topic. Iilang tanong din ang ibinato niya dito. All of them are basic questions. Samantalang ako naman ay tahimik na nanonood sa kanila. Wala rin akong balak na kausapin ito kaya ang plano ko ay itataboy ko na siya sa oras ng pagkain. And after dinner, abala na ang mga maid sa pagligpit ng pinagkainan. Ang parents ko naman ay umakyat na sa kanilang kuwarto as if they giving us a privacy. And I grab this opportunity to do my plan. Gagawin ko na sana ang binabalak ko na itaboy siya. Pero hindi 'yon naaayon sa gusto ko nang nagsalita siya. "I'm here to run some lines with you if you're asking." seryoso niyang sabi nang nasa Salas kami. Natigilan ako saglit. Hindi parin ako nagpatinag. "Pwede naman natin gawin 'yon habang nasa school tayo. Bakit kailangan mo pang pumunta dito? You're giving my parents a wrong idea, Charlton." mariin kong sambit. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "What do you mean I'm giving them a wrong idea?" at talagang pa-inosente pa siya sa lagay na 'yan! Bumaba ang tingin niya sa kaniyang kamay. Tumitig siya doon ng ilang segundo hanggang sa may napagtanto siya. "Oh, about this?" sabay pakita niya sa akin ang hawak niyang tsokolate. Nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya. Seryosong tingin. "Because this is your favorite, right?" Tumaas ang isang kilay ko. "Eh ano naman kung paborito ko ang chocolates?" Nagkibit-balikat siya. “Napansin ko lang na may dalang ganito si Chance tuwing pupunta siya dito. Ginagaya ko lang.” matabang niyang tugon. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. “So, saan tayo magpapraktis?” Kumunot ang noo ko. “Magpapraktis?” Ulit ko pa. Ibig sabihin, hindi talaga siya nagbibiro? Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. “Oo, kaya nga narito ako ngayon, diba?” Ngumiwi ako. “Pero hindi mo dala ang script mo.” “Ah, narito na.” Sabay turo niya sa kaniyang ulo kung nasaan ang kaniyang utak. Natigilan ako sa inakto niya. Hindi ko namalayan na umawang na ang aking bibig. Dahan-dahan akong umiling. “N-no… No way.” Tell me, niyayabangan lang ako ng lalaking ito! Parang kanina lang binigay sa kaniya ang official script para sa play tapos kabisado na niya agad? Seryoso ba siya? “You’re kidding, Charlton.” Mariin kong wika. Tumaas ang isang kilay niya. Seryoso siyang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. “Hindi ako nagbibiro pagdating sa ‘yo, April.” Kahit ang boses niya ay may bahid na rin na kaseryosohan. Huminga ako ng malalim. I need to composed myself first bago ulit ako nagsalita. “Siya aakyat muna ako para kunin ang script ko. D’yan ka lang.” Sabay turo ko sa kaniya ang sofa na nasa tabi lang namin. “Alright.” Saka umupo nga siya sa itinuro kong sofa. Prente siyang umupo doon. Agad ko siya tinalikuran. Nagmamadali akong umakyat patungo sa aking kuwarto para kunin ang script sa aking bag. Hindi rin nagtagal ay bumaba na ako patungong Salas. Wala na akong naabutang Charlton sa sofa. Imbis ay nakatayo ito at nakayuko. Isa-isa niyang tinitingnan ang mga litrato na nakapatong sa mesa. Mas ipinagtataka ko lang kung bakit nakangiti ang mokong na ito? Naghahanap ba siya ng pwedeng pang-asar sa akin sa pamamagitan ng pagtingin niya sa mga childhood pictures ko na ‘yan? Naputol lamang siya sa ginagawa niya nang maramdaman niya ang presensya ko. Tumingin siya sa akin saka tuwid na tumayo. Lumapit ako sa kaniya nang nakasimangot. “Mahilig ka pala talaga sa dress.” He mumbled. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi. “I bet your favorite color is yellow.” “Oo, pero hindi na ngayon.” Malamig kong turan. Sinimulan ko nang buklatin ang hawak ko na script. “Mag-umpisa na tayo at hindi ka pwedeng gabihin. At saka marami pa akong gagawin. I’m giving you an hour tapos umuwi ka na.” dire-diretso kong sabi habang nakatuon ang tingin ko sa mga pahina. “Why? Ano pa bang gagawin mo?” Tumingin ako sa kaniya pero nanatili akong nakayuko. “Marami. Mag-aadvance reading ako. Sasagutan ko pa ang nga assignments ko.” Umupo siya sa handrest ng sofa. Diretso na tingin pa rin ang iginawad niya sa akin. “I can help you with that. In your assignments.” “No, thanks. Kaya ko naman.” Matigas ngunit mahina kong pagtatanggi. “Well, pinakamababa mong subject ay math, right?” Doon na ako naglakas-loob na tingin siya na may inis. Parang mapupugto na ang pasensya ko. Hindi ko malaman kung sa pangyayabang niya, sa pang-aasar niya o dahil sa katotohanan na kaniyan inihayag. “And how did you know?” Nagkibit-balikat siya. “I just heard by Chance kapag ikaw ang topic.” Humalukipkip siya. “And you hate reporting and drawing. Kaya bihira ka rin makapagpasya ng projects.” “Ano bang pakialam mo sa mga bagay na ayaw ko?” Tumayo siya. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Nanlaki ang mga mata ko sa biglang paglapit ng mukha niya sa akin. Gustuhin ko man umiwas ay naunahan na niya ako! Nagawa niya akong ikulong sa pader sa pamamagitan ng mga palad niya na dumapo doon. Maski ang mga tingin ko ay nagawa niyang ikulong sa kaniya kaya wala akong magawa kungdi makipagtagisan ng tingin na rin. “Charlton…” “I just wanna know everything about you, April. Everything.” Hindi ko magawang umimik. “Even your likes and dislikes, I wanna know all of them. And you asked kung anong pakialam ko sa mga bagay na ayaw mo? Because I am your opposite. I like math. I love reporting in front of my class, and drawing is my first love. How about you, April? Maliban sa pag-arte na minamahal mo, ano pa ang mga gusto mong bagay?” Sa mga tingin na ‘yan, parang kakapusin na ako ng hininga! Ramdam ko na rin ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Parang pagpapawisan pa ako ng malamig kahit na may lamig naman sa paligid gawa ng aircon? Lumunok ako. Walang sabi na lumihis ang tingin ko sa ibang direksyon. Makatakas lang sa intensidad na bumabalot sa aking pagkatao, nang dahil sa mga tingin niya! “M-marami! At pwede ba, umalis ka d’yan!” Nagawa ko na siyang itulak kahit mahina lang ‘yon. “Akala ko ba magpapraktis na tayo? Eh di magpraktis na tayo.” Rinig ko pa ang mahina niyang tawa. “Alright, sexy dork.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD