Chapter 1

1236 Words
"F*CK!" malakas na sigaw ni Kaleb nang mapaso siya nang hawakan niya ang radiator ng kanyang sasakyan dahil sa pagkataranta. Mukhang naubusan ng tubig ito ng tubig at nakalimutan niyang lagyan ng coolant kaya marahil ito nag overheat. Patungo siya sa hacienda ng matalik niyang kaibigan nung nasa koleheyo pa lamang siya sa Maynila. Balita niya ay naaksidente raw ito dalawang taon na ang nakakaraan dahilan upang tuluyan itong hindi makalakad at matali sa kanyang wheelchair. Kakabalik pa lamang niya mula sa Paris kung saan siya nagpakalubhasa sa kurso niyang Architecture. Upang hindi na rin mahirapan ang kanyang kaibigan na dalawin siya upang magkita sila ay nagpasya siyang dalawin na lamang ito sa kanyang hacienda dito sa Batangas. Ngunit kung mamalasin nga naman ay sa gitna pa ng kabukiran pa siya nasiraan. Mukha ring madalang ang mga tao at sasakyan na dumaraan dito. Binunot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. "Sh*t!" mura niyang muli nang makitang walang signal sa parteng iyon. "F*ck!" malakas niyang sigaw dahil sa inis. "Psst!"  Narinig niyang sitsit mula sa kung saan. Tila bigla siyang kinilabutan nang mapagtantong malapit nang kainin ng dilim ang kapaligiran. Marahan siyang napaatras at luminga-linga ngunti wala siyang ibang nakita maliban sa mga palay na sumasayaw sa ihip ng hangin. "Psst!"  Muli niyang narinig. Sa pagkakataong iyon ay mas malinaw na iyon na tila ba nasa malapit lamang nanggagaling ang tunog. Nagsimulang magtayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa takot.  "Pogi!" turan ng isang pambabaeng tinig mula sa kanyang likod. Halos mapatalon si Kaleb dahil sa takot. "Jesus Christ!" malakas niyang sigaw bago nagsimulang magdasal. Ilang segundo din siyang nananatiling nakapikit habang sinasambit ang lahat ng dasal na alam niya, nang bigla siyang makarinig ng isang malutong na halakhak. Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata at imahe ng isang babae ang tumambad sa kanya. Hindi niya napigilang titigan ang napaka-amo nitong mukha kahit pa nga halos maglupasay na ito sa kakatawa. Ang tila porselana nitong balat ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa kapaligirang nagsisimula nang kainin ng dilim. Ang mapupula nitong labi ay tila ba kasing tamis ng mansanas na kay sarap tikman. At ang mga halakhak nito ay tila musika na sumasabay sa huni ng mga kulisap na siyang nagsisilbing musika sa katahimakan ng paligid. Nakasuot ito ng puting bestida na tunay nga namang umakma sa amo ng kanyang mukha. Tila isa itong diwata na naligaw sa mundo ng mga tao. "You should have seen your face!" turan ng babae sa pagitan ng kanyang mga halakhak. Saka lamang bumalik si Kaleb sa kanyang katinuan matapos niyang masinsinang pagmasdan ang nakahahalinang imahe ng babae sa kanyang harapan. Bahagya niyang nakunot ang kanyang noo nang marinig niyang mag-english ang babae sa kanyang harapan. So, she's not a ghost? turan niya sa kanyang sarili. "You should have not jump on a man's back like that! Paano kung bigla kitang nasuntok dahil sa gulat?!" inis niyang sigaw sa babae ng tuluyan na siyang bumalik sa katinuan. "Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo naman ako pinapansin," nakangusong turan ng babae. "Ano bang problema ng sasakyan mo?" usisa nito bago sinimulang sipatin ang loob ng kanyang makina. "Mukhang hindi mo tiningnan ang tubig ng radiator mo bago ka bumyahe," wika nito saka yumuko at tinitigan ang kanyang makina. "May tubig ka d'yan?" tanong nito ng bumaling kay Kaleb. Tumango si Kaleb saka mabilis na binuksan ang likod ng kanyang sasakyan at kinuha ang isang galon na tubig na baon niya palagi para sa ganitong sitwasyon.  "May basahan ka d'yan?" tanong muli ng babae.  Bagama't naguguluhan ay hindi mapigilang mamangha ni Kaleb dahil sa inaakto nito. Tila alam na alam nito ang dapat gawin sa ganitong pagkakataon. Umikot siyang muli upang pumunta sa likod ng kanyang sasakyan at saka naghanap ng basahan ngunit wala siyang makita. Kaya minarapat na lang niyang kunin ang isang spare tshirt niyang nasa likod ng sasakyan. "I don't have one. Pwede na ba 'to?" tanong ni Kaleb bago inabot ang isang t-shirt. "Burberry shirt for a rug?" sarkastikong turan ng babae. "Wow! I've never felt so poor until now," dagdag pa nitong bago tinupi ang t-shirt at pinatong iyon sa knob ng radiator. Pagkatapos ay binusuhan niya ito ng tubig ang t-shirt na nakapatong sa radiator upang pababain ang temperatura nito. Agad na umusok ang makina nang malapatan ito ng tubig. Nang bahagya ng humina ang usok na dulot ng mainit na sasakyan ay sinimulang ipihit ng babae ang knob ng radiator. Pagkatapos buksan ay sinimulan na nitong lagyan ng tubig ang radiator na hindi pa rin tumitigil sa pagkulo dahil sa init. "You know your stuff, huh?" puna ni Kaleb na mariin lamang nanonood sa ginagawa ng babae. "My Dad loves car kaya nahilig na rin ako. He also said that it if you'll drive a car, you need to know to change a flat tire or calm down an overheating radiator," wika nito habang abala sa paglalagay ng tubig sa radiator. "Do you have coolant?" tanong pa nito. "I think so. Let me check," wika ni Kaleb saka muling tiningnan ang likod ng kanyang sasakyan. "Is this the coolant?" tanong nito nang muling makalapit sa babae habang hawak ang isang kulay asul na plastic na bote. "Yeah, that's it," sagot nito matapos lumingon saglit. Nang mawala na ang pagkulo ng makina ay sinimulan na niyang ilagay ang coolant na inabot ni Kaleb. Nang matapos ay agad niyang ibinalik ang takip ng radiator saka bumaling sa lalake. "This will do for now, go on and check it. Aabot ka na niyan habang sa susunod na bayan. Pero kung ako sa 'yo, ipapatingin ko muna iyan sa talyer bago ko ibyahe muli ng malayo. Mukhang may problema ang fan ng radiator mo," paliwanag pang muli ng babae. Agad na pumasok si Kaleb sa loob ng sasakyan at sinimulang buksan ang makina ng kanyang sasakyan. Mababa na ang bars ng kanyang thermostat indikasyon na bahagya nang lumamig ang kanyang makina. Mariin niyang tinapakan ang silinyador upang tingnan kung hindi na agad tataas ang thermostat ng kanyang sasakyan. Nang makuntento ay muli niyang dinungaw ang babaeng tumulong sa kanya. Ngunit laking gulat niya nang wala kahit anong bakas ng babae ang naroon. Bumaba siya ng sasakyan at saka nagpalinga-linga upang hanapin ang babae ngunit wala siyang nakita roon maliban sa madilim na paligid. "A-aa--argh..T-Tulong..." isang mahinang ungol na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa ang kanyang narinig. Nagsimulang tumindig ang kanyang mga balihibo dahil sa nakakatakot na ungol na kanyang narinig. Muli siyang nagpalinga-linga ngunit hindi na niya muling nakita ang babae.  "F*ck!" malakas niyang sigaw bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang sasakyan at saka mabilis na pinahaharurot ang kanyang sasakyan dahil sa takot. He doesn't fully understand what happened. How did that women banished into thin air? At saan galing ang nakakatakot na ungol na iyon? Then she's really a ghost? Kahit nang marakating si Kaleb sa karatig bayan ay hindi pa rin mawala ang kilabot na dumadaloy sa kanyang katawan. "Sir, namumutla ho kayo. Para ho kayong nakakita ng multo," puno ng isang mekaniko sa talyer na napuntahan niya. "I-I think I saw a ghost," nauutal niyang turan. "Naku! Mukhang may biktima na naman ang white lady natin doon," natatawang turan ng isang matandang mekaniko. "W-White lady?!" gulat na gulat at nanlalaki ang matang turan ni Kaleb sa dalawang mekaniko. Isang makahulugang tingin lamang ang tinugon sa kanya ng dalawa. ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD