PROLOGUE

910 Words
CHARLIE Ilaw mula sa rumagasang sasakyan ang bumulaga sa akin. Mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lamang na tumalsik ang aking katawan patungo sa gilid ng kalsada. Kasunod noon ang malakas na tunog ng sasakyan na bumangga sa kung ano. Masakit ang dulot ng mga galos sa aking katawan ngunit lahat ng iyon ay nawala ng makita ko ang walang malay at duguang katawan nya. Dali-dali akong lumapit sa kanya. "Please, wake up," umiiyak na turan ko habang ang kanyang ulo ay nakaunan sa aking mga binti. Mahina ko syang inalog at tinangkang gisingin ngunit ayaw dumilat ng kanyang mga mata. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang katawan. "Pakiusap gumising ka!" sigaw ko sa kanya, nagbabaka-sakaling magising sya sa lakas ng aking sigaw. Kasalanan ko 'to. "Anak ko!" malakas na sigaw ni Tita Martha. "Dalhin natin sya agad sa hospital!" humahangos na turan ni Tito Christopher. Tulala akong nakakatitig sa aking mga kamay na puno ng dugo. Walang nagtangkang magsalita sa kanila habang nasa loob kami ng sasakyan patungo sa hospital. Hindi ko na namalayan ang kasunod na nangyari dahil nawalan na rin ako ng malay.  ************* Nagising ako sa loob ng isang puting kwarto. "Mom? Dad?" tawag ko sa aking mga magulang. "Thank God you're awake! Sobra mo kaming pinag-alala," naluluhang turan ni Mommy. "Mom, si Garrett po? How's Garrett?" tanong ko nang unti-unting bumalik sa aking alala ang mga nangyari. "Magpalakas ka na muna, hija," turan ni Dad. I know something was wrong and they were hiding it from me. Pilit kong iniangat ang aking katawan. Kahit na namimilipit sa sakit ay pinilit ko pa ring tumayo upang puntahan si Garrett. "Charlie, stop!" malakas na sigaw ni Dad. "No, you stop, Dad! Both of you! Sawang-sawa na ako sa mga paglilihim n'yo. I need to see Garrett! I need to know what happened to him!" giit ko. "Anak..." umiiyak na turan ni Mom. But I'm done with those tears. Hindi na ako kailanman madadala sa mga luha niya. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. "I want to see Garrett," giit kong muli. Wala silang nagawa kung hindi alalayan ako upang makarating sa silid kung saan naroon si Garrett, ang kababata ko. Naroon lamang ito sa katabing kwarto kung saan ako naroon kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang puntahan siya. Ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay dinig na dinig ko ang malalakas na sigaw ni Garrett mula sa pinto. "No! No! No!" humihiyaw nitong turan. "This can't be happening, Mommy! Please do something!" nagwawala nitong sigaw. Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Mom sa aking balikat na tila ba pinipigilan akong pumasok sa loob ngunit hindi ko iyon hinayaang maging sagabal upang damayan ko ang aking kaibigan. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ay narinig kong nagsalita ang si Tita Martha. "Doc, gawin n'yo po ang lahat upang makalakad muli ang anak ko," umiiyak na turan ni Tita Martha.  Natuptop ko ang aking bibig dahil sa aking narinig. Para akong napako sa aking kinatatayuan. "He's spine is severely damage and it we will do everything we can. But we can't promise anything. All we can do for now is pray and hope that everything will be okay," anang doktor. "Garrett?" wika ko nang magkaroon ako ng lakas ng loob na ipaalam sa mga ito ang presensya ko. "What are you—" kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Tita Martha. "Mom! It's not her fault!" agap na sigaw ni Garrett. "Martha, halika na muna sa labas. Hayaan natin ang mga batang mag-usap," turan ni Tito Mike, na ama ni Garrett. Ramdam na ramdam ko ang matalim na titig ni Tita Martha sa akin. Hindi ko siya masisi. Nasa ganitong kalagayan ang kanyang anak dahil sa akin. "H-How are you?" nauutal kong tanong nang tuluyan na kaming magpag-isa sa loob ng silid. Garrett didn't answer ngunit kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagsuko at kawalan ng pag-asa. "Don't," wika ko dahilan upang kunot-noo siyang mapabaling sa akin. "Don't give up yet. I won't let you give up on life. Sasamahan kita hanggang sa dulo," turan ko. "If you're saying that because you're feeling guilty about what happened, then don't. Desisyon ko ang iligtas ka at walang kahit na sino ang may kasalanan nang nangyari," wika ni Garrett. "I'm not," kaila ko. Ngunit ang totoo, gusto kong parusahan ang aking sarili dahil sa nangyari. Dinamay ko ang aking kaibigan sa gusot ng buhay ko. For me, I don't own my life now. Handa akong iaalay ang buhay ko para kay Garrett. "Marry me," diretsong turan ko na labis niyang ikinabigla. "Are you out of your mind?" gulat na turan ni Garrett. "I don't need your pity. Kung sinasabi mo 'yan dahil sa tingin mo ay wala na akong silbi, pwes! Hindi ko kailangan ang awa mo," malamig na turan ni Garrett. "You can't do anything that will change my mind. I'm determine to marry you, Garrett. Kung hindi ka man muling makalakad, I will be there to guide you, to be your strength, and be your feet," seryosong turan ko. "I'll never leave by your side. I'm bound to you. You own my life now," dagdag ko pa. "Charlie..." "You can't do or say anything that will make me change my mind. I will marry you, Garrett," I firmly told him. And just like that, my life is bound to only one direction, and that is to marry Garrett no matter what. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD