Chapter 2

1499 Words
"BWISIT na 'yon!" inis na turan ni Charlie nang makarating ito sa kanyang bahay. "Oh, anong nangyari sa 'yo at puro putik ang buong katawan mo?" tanong ng kanyang ina nang salubingin siya nito papasok ng bahay. "May pogi akong tinulungan doon sa may bukid. Aba'y akalain mong matapos kong tulungang ayusin ang sasakyan n'ya ay pinakaripas nang takbo ang sasakyan n'ya. Hindi man lang ako tinulungan no'ng nalaglag ako sa may palayan. Bwisit na 'yon!" inis na kwento niya. "May araw din sa akin ang lalaking 'yon! Sayang pogi pa naman s'ya," dagdag na niya. "Charlie!" saway sa kanya ng kanyang ina. "Baka nakakalimutan mong may fiancé ka na. Hindi ka na dapat nagsasalita ng ganyan." "Alam naman ni Garrett 'yon, Mom. Saka may usapan kami na pwede kong gawin lahat kahit ano habang hindi pa kami kasal," sagot niya. "Hay, ewan ko ba sa 'yong bata ka. Hindi ka naman pinipilit ni Garrett na magpakasal sa kanya, eh," wika ng kanyang ina. "Anak, hindi ka dapat magpakasal sa taong hindi mo mahal. Love is the main purpose of marriage," paliwanag pa nito. "Mommy, kahit ano pong sabihin n'yo, hindi n'yo na po mababago ang isip ko. Magpapakasal po ako kay Garrett sa takdang panahon," giit niya. "Eh, paano kung ma-in love ka sa iba?" turan muli ng kanyang ina. "Oh, e di mamahalin ko s'ya. Pero hindi ko itatago sa kanya ang sitwasyon ko at kung sakaling iwan niya ako dahil doon, irerespeto ko ang desisyon n'ya pero si Garrett pa rin ang pakakasalan ko," paliwanag niya. "Hay, naku! Bahala ka na nga. Malaki ka na, alam mo na ang ginagawa mo," turan ng kanyang ina. "Pumasok ka na sa banyo at maligo ka na. Ang baho mo. Itapon mo na yang puting damit mo na iyon. Papahirapan mo pa akong labhan iyan," habol pa ng kanyang ina. "Yes, Mom!" she answered before rolling her eyes behind her mother's back. "Dudukutin ko 'yang mga mata mo, Charlie," banta nito. "Hindi na po!" wika niya bago kumaripas ng takbo patungo sa loob ng kanyang silid bago nagtungo sa kanyang banyo. Hindi niya maiwasang mapangiti sa kanyang sarili habang hinihubad ang kanyang mga damit. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang gwapong mukha ng lalaking tinulungan niya kanina. Pakiramdam niya noon lamang siya nakakita ng ganoon kaperpektong mukha. Ang abohin nitong mga mata ay tila ba inaarok ang kaibuturan ng kanyang kaluluwa habang ang mapupula nitong mga labi ay tila ba isang bawal na prutas na kay sarap pitasin at papakin. Ang makakapal nitong kilay tila sadyang nililok upang umakma sa perpektong hugis ng kanyang mukha. Hindi rin niya maiwasang alalahanin ang matitipuno nitong mga braso na tila ba kay sarap magpabilanggo at manatili sa loob ng mainit niyang mga yakap.  She can't help but imagine herself in the arms of that handsome adonis. His hands are slowly roaming around her body. His every touch leaves traces of tingling sensation that started to engulf her whole body. "Charlie, are you okay?!" malakas na sigaw ng kanyang ina dahilan upang mahinto siya sa pagnanasa sa lalaking  nakilala kanina. "I'm fine, Mom!" mabilis niyang sagot saka agad na binuksan ang shower upang puksain ang init na nagsisimulang gumapang sa kanyang katawan dulot ng lalaking nakilala niya kanina. "I didn't even get his name," turan niya sa kanyang sarili bago mabilis na pinalis ang imahe ng gwapong lalaki sa kanyang isip. Mabilis niyang tinapos ang kanyang pagligo at saka lumabas ng banyo. Agad siyang nagpalit ng damit saka tinuyo ang kanyang buhok. Her mom is inside her walk-in closet at inaayos ang mga tiniklop nitong mga damit. Mayroon silang mga kasambahay but her mom insisted on doing this for her and her dad. She said, that way she still feels needed. "Garrett is downstairs, Anak," turan ng kanyang ina. "I'll be down in a bit," sagot niya saka ipinagpatuloy ang patutuyo ng kanyang buhok. "Okay," sagot ng kanyang ina bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. Dalawang taon na rin mula nang mangyari ang aksidente at ipinangako niya ang kanyang sarili kay Garrett. She's was 23 years old back then, she's now 25. She's not ready to settle down but a promised is a promised. Ang usapan nila ni Garrett ay magpapakasal sila kapag parehas na silang handa. But Garrett's parents insisted on pushing the wedding to happen this year. Kahit labag sa kanyang loob ay walang siyang pagpipilian kung hindi ang sumang-ayon. She vowed to fulfill her promise to Garrett no matter what happened at wala siyang balak na talikuran iyon. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago lumabas ng kanyang silid at bumaba upang harapin si Garrett.  Isang malapad na ngiti ang sinalubong sa akin ni Garrett habang nakaupo ito sa kanyang wheelchair.  "Bakit naman pumunta ka pa dito? Sana sinabi mo na lang sa akin para ako na lang ang pumunta sa mansyon mo," bungad niyang wika sa lalaki. "Pilay ako, Charlie, hindi inbalido," tugon nito sa kanya. "That's not what I mean," seryosong turan ni Charlie. "Hey! I'm just kidding. No need to be serious. Twenty five ka pa lang pero parang mas aburido ka pa kaysa sa akin," asar pa nito. "So, aminado kang matanda ka na?" pigil ang ngiting sagot nito. "Hey! Kalabaw lang ang tumatanda, okay?" giit pang muli ng lalaki. Isang mahinang tawa lamang ang iginanti niya rito. "So, what brings you here?" tanong niya kay Garrett. "I went here to tell you that I'd be gone for a couple of days. My best friend got back from abroad and he wanted us to spend some time together," he explained. "That sounds not so straight. Are you sure you're best friend is not gay?" she curiously asked. "Not that I have anything against gay. I'm just curious," depensa niya. "I'm one hundred percent sure that he's straight. Daig pa noon ang gigolo kung magpalit ng babae," natatawang turan nito. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagiliw nito sa kaibigan. "Naku! Baka kung saan-saan ka naman dalhin n'yang bestfriend mo. Baka mambabae lang kayo do'n," pabirong turan ni Charlie na agad naman niyang pinagsisihan. "We both know I can't," seryosong turan ni Garrett. Kasabay ng pagkawala ng kakayahan niyang maglakad ay nawala rin ang kakayahan niyang sekswal.  He's become impotent since that accident. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas lalong tumibay ang desisyon niyang magpakasal kay Garrett. He can't afford to live alone dahil sa kalagayan niya. At wala ring kasiguraduhan na may babaeng tatanggap sa kanya at gugustuhin siyang makasama habang buhay sa ganoong kalagayan. "You can still change your decision, Charlie. I won't mind," seryosong turan ni Garrett. "I never blamed you for what happened at hindi ko rin gustong pilitin kang magpakasal sa aking out of guilt." "Stop, Garrett. Buo na ang desisyon ko. There's nothing you can say or can do that will make me change my decision," seryosong sagot niya. "I'll spend the rest of my life with you whether you like it or not. Kaya ngayon pa lang ay masanay ka na sa presensya because I'll never leave you," wika ni Charlie saka masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Basta lagi mong tatandaan, Charlie. You are free to leave. Hindi mo kailangang—" Ginawaran ni Charlie ng isang mabilis at mabining halik ang mga labi ni Garrett upang pigilan ito sa kung ano mang sasabihin nito. "It's late. You should go home now," wika ko. "Gusto mo bang ihatid kita?" alok niya. "No need. Mapapagod ka lang. Kasama ko si Mang Henry. You should go back to your room and rest," turan nito saka marahang hinapit ang kanyang batok. Akala ni Charlie ang muli siya nitong hahalikan sa labi ngunit ang mga labi ni Garrett ay lumapat sa kanyang noo. "Goodnight," mabining turan ni Garrett bago siya tuluyang pinakawalan. "G-Goodnight," nauutal niyang sagot. Pakiramdam niya ay may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinigil ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Itinulak niya ang wheelchair ni Garrett patungo sa sasakyan nito. Agad naman silang sinalubong ni Mang Henry upang iangat si Garrett at isakay sa loob ng sasakyan. Nang makalayo na ang sasakyan ni Garrett ay saka lamang niya hinayaang dumaloy ang masagana niyang luha. Tila nakaramdam siya ng awa para sa kanyang sarili at gayon na rin Garrett. They didn't love each other but they are bound together by one accident. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Garrett. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi ang kanyang sarili. He used to be a cheerful and happy man. Ngunit lahat nang iyon ay naglaho dahil sa pagiging makasarili niya. If she hadn't rush into things that night, all of this wouldn't happen. Kung hinayaan lamang sana niyang magpaliwanag ang kanyang mga magulang at hindi tumakbo upang takasan ang problema, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa kanyang silid at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.  I need to be strong. Kaya ko 'to! ***********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD