Chapter 5

1289 Words
KALEB HINDI ko maipaliwanag ang sayang dala ng kanyang mga ngiti sa aking pagkatao. Halos mapunit ang aking pisngi dahil sa walang puknat kong pag ngiti habang nakatitig kay Charlie na maganang kumakain ng kanyang pananghalian.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano kabilis ang mga pangyayari. One thing, she's mad at me for leaving her after she left me. Then next thing, she's already my girlfriend.  Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang makakatagpo ang ako ng isang babaeng kasing prangka ni Charlie. But I'm not complaining. I would trade anything in this world just to have another chance to meet her in my next life. Habang umiinom ako ng alak ay hindi ko maiwasang mapalingon sa gawi kung saan nakaupo ang babaeng panay ang sulyap at ngiti sa akin. Akala ko ay hindi na ito interesado sa akin dahil sa nakita nitong paghalik ni Charlie sa akin. Pero mukhang hindi ito kagaya ng ibang mga babae na madaling sumuko. Akmang iiwas na ako ng tingin nang marinig ko ang kalansing ng mga kubyertos. Agad akong napabaling ng tingin kay Charlie na ngayon ay nakasimangot habang masama ang tingin sa akin. "What did I do?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot sa akin bagkus ay lumipat ang kanyang tingin sa babaeng nakaupo sa harap ng bar. Makalipas ang ilang segundo ay muli nitong ibinalin ang tingin sa akin. "Mukhang hindi ata malinaw ang sinabi ko kanina," saad niya. "I don't think I'm following you," tugon ko. "Then let me show you how jealous I can be," saad niya saka tumayo at lumapit sa babae. Labis akong kinabahan dahil sa maari niyang gawin. It suddenly crossed my mind that she might be a psycho and that I don't know what am I getting myself into. Ilang minuto rin silang nag-usap at sa ilang sandaling iyon ay bakas na bakas ang biglaang pagbabago sa mukha ng babae habang taimtim na nakikinig sa sinasabi ni Charlie. Panay tango lamang ang naging tugon ng babae. Hindi ko maiwasang matawa habang pinanunuod ang dalawa habang sa kabilang banda ay nakadama ako ng awa para sa babae. She's unfortunate that she picked the wrong day to flirt with me. Maya-maya pa ay nag-umpisa na si Charlie na maglakad pabalik sa aming lamesa. "What did you tell her?" usisa ko. "Nothing. Sinabi ko lang sa kanya na baliw ako at kapag hindi niya tinigilan ang kakalandi sa 'yo, babalatan ko s'ya ng buhay at ipapakain sa mga isda," turan nito. Mariin akong napalunok nang marinig ko ang kanyang sinabi. Parang mas lalong tumindi ang hinala kong may saltik nga talaga ang babaeng ito. "What? Do you still want me to be your girlfriend?" tanong nito habang may pilyang ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi. "And what if I changed my mind? I don't think I am ready to deal with a psycho. That woman might be a better fit," ganting tugon ko rito. I can play her game if she wants to.  Bahagya itong natigilan at agad na nawala ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi. Maybe, I went overboard. Hindi ata nito nagustuhan ang biro ko. Agad kong pinagsisihan ang aking sinabi at akmang babawiin ko iyon nang bigla itong tumayo at saka lumipat sa kabilang bahagi ng lamesa. "If that's the case, then, thank you for the lunch," turan nito sa isang pilit na ngiti gumihit sa kanyang mga labi. Pagkatapos noon ay agad nitong kinuha ang kanyang maliit na sling bag saka nagbadyang aalis. "So, paano, mauuna na ako? Salamat sa libre. Quits na tayo!" turan nito saka mabilis na tumalikod. Naiwan akong tulala at hindi pa lubusang nakababawi sa nangyari. Medyo malayo na ang nalalakad ni Charlie bago ako tuluyang bumalik sa aking katinuan. Hindi ko alam kung magkano ang kinain namin kaya naman nag-iwan na lamang ako buong apat na libo sa lamesa saka dali-daling hinabol ang babae. "Hey, wait up!" hiyaw ko rito ngunit hindi man lang ito nag abalang lumingon. "Charlie!" muli kong tawag ngunit kagaya kanina ay tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. Mas binilisan ko ang aking takbo upang agad ko itong maabutan. Dali-dali akong pumuwesto sa harapan nito upang harangan ito.  Nakataas ang isang kilay itong nakatingin sa akin habang ako ay pilit na hinahabol ang aking hininga. "What?" kunot-noong tanong niya. "Where the hell are you going?" "Ahmm...aalis? Ano sa tingin mo?" "Is that how you treat your boyfriend? Iiwan mo na lang basta-basta ng walang paalam?" "Mukhang hindi ata tayo nagkakaintindihan, alam kong sinabi kong selosa ako. Pero hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko sa taong walang interes sa akin. Ayokong mag-aksaya ng oras sa isang tao kung maaari ko naman iyong gugulin sa iba," turan nito saka akmang lalampasan akong muli.  Ngunit maagap kong nahagip ang kanyang braso upang pigilan ito sa paglalakad. "And when did I tell you that I'm not interested in you?" "No'ng sinabi mo na mas gusto mong kasama ang babaeng 'yon kaysa sa akin. Don't worry, hindi naman ako galit. If you want to be with her, it's fine. Ayaw ko lang mag-aksaya ng panahon habang narito ako sa Baler." "It was meant to be a joke," giit ko. "Well, it doesn't sound like one to me," saad nito. "But it is. And if it offended you, then I'm sorry." "Sinong nagsabi na na-offend ako? Uy! Fling-fling lang 'to. Huwag kang masyadong affected," wika pa nito. "Walang kaso sa akin kung may bet kang iba. Madali naman akong kausap." "But I don't want anybody else," seryosong saad ko. Bahagya naman itong natigilan at tila hindi inaasahan ang aking sinabi. "You sound clingy," wika nito saka ngumisi. "I don't like that," turan niya kasunod nang pagkawala ng kanyang ngisi. Muli nitong tinangkang lampasan ako ngunit maagap akong humarang muli sa kanyang harapan. Bakas ko ang pagkairita sa kanyang mukha.  "What? I'm not clingy!" mariin kong tanggi. Ito ata ang unang pagkakataon na sinabihan ako ng kahit na sino na clingy. Madalas kasi ako ang nagsasabi noon sa mga babaeng nakakasama ko. Saglit niya akong tinitigan na tila ba sinusukat kung nagsasabi ako ng totoo. "Then, why do you keep on following me?" turan niya saka pinagkrus ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. "I-I..." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kahit ako hindi sigurado kung bakit ko siya hinabol. Kung sa ibang pagkakataon marahil ay hinayaan ko lamang itong umalis kagaya ng ibang mga babae nakasama ko noon. But there's something about her that I can't keep hands off. "See. You're clingy," nakataas ang isang kilay nitong turan habang nakataas ang sulok ng kanyang mga labi. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka mariin pumikit bago muling nagsalita. "Fine. I'm clingy. Happy?" pag-amin ko. "See, it's not that hard," wika nito saka pabirong hinampas ang aking dibdib. "I don't want clingy people. Pero dahil guwapo ka, I'll make an exception. But in one condition," saad nito. "Name it," maagap kong tugon. "Ipangako mong hanggang dito lagi sa beach na ito ang hangganan ng magiging relasyon natin. Na kapag oras na para umuwi tayo sa kani-kanilang buhay ay hinding-hindi mo ako hahanapin. Isipin mo na lang na ako ang beach girlfriend mo. Girlfriend mo ako habang narito tayo sa dagat." "That sounds fair," tugon ko. "So, it's a deal?"  "Deal," sagot ko sabay inilahad ang aking kamay bilang tanda ng aming kasunduan. "Didn't you you tell me that this isn't the right way to seal a deal?" mapanuksong wika nito bago marahang lumapit sa aking at mabilis na ipinalupot ang kanyang mga braso sa aking leeg bago nilapatan ng isang mabining halik ang aking mga labi. "Now, it's a done deal," wika niya nang maghiwalay ang aming mga labi. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD