Kaleb
MATAPOS kong ihatid si Garett pabalik sa kanilang hacienda sa Batangas ay nagpasya akong tumuloy sa Baler, Aurora upang magkapagsurfing. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mananatili rito sa Pilipinas kaya gusto kong sulitin ang bawat araw nang pananatili ko rito.
Inanyayahan kong sumama si Garett ngunit hindi ko ito mapilit. Nangangamba itong maging pabigat lamang siya sa aming lakad at hindi ko lubusang ma-enjoy ang aking bakasyon. Gusto ko sana itong pilitin dahil sa totoo lang ay wala namang kaso kung palagi ko siyang alalayan buong biyahe namin.
Malaki ang utang na loob ko kay Garett dahil siya lamang ang tanging taong naniwala sa akin noong mga panahong kahit ang aking mga magulang ay sumuko na rin sa akin sa pag aakalang wala nang magiging direksyon ang aking buhay. Ngunit ni minsan ay hindi iyon ang naging tingin ni Garett sa akin. Naniniwala siyang malayo ang mararating ko. At hindi nga siya nagkamali.
Kahit labag man sa kalooban ko dahil gusto kong makasama pa siya nang matagal ay hindi ko na rin ito pinilit.
Tanghaling tapat nang makarating ako sa Baler. Agad akong nagtungo sa hotel na aking tutuluyan sa loob ng ilang araw na pananatili ko rito. Matapos kong mailagak ang aking mga gamit sa hotel kung saan ako tutuloy ay agad akong nagpalit ng boardshort. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng pang-itaas dahil balak kong maligo sa dagat.
Nang makarating ako sa tabing dagat ay agad akong nagtungo sa rentahan ng surfing board. "Manong, isang board nga po," turan ko nang makalapit ako sa may edad na lalaking nagbabantay sa shop.
"Ilang oras, hijo?" tanong nito.
"Dalawang oras ho," tugon ko.
"Oh, sige. Pumili ka na muna riyan."
Kinuha ko ang isang kulay asul na surfing board saka iyon ipinakita sa lalaki.
"Three hundred fifty per hour lang d'yan, hijo," tukoy nito sa halaga ng renta sa board. "May deposit lamang kaming isang libo pero makukuha mo rin iyon pagkatapos mong ibalik ang board," dagdag pa nito.
Hindi na ako nagsalita at inabot ko na lang ang buong isang libo rito saka agad na tumalikod. Mabilis akong naglakad patungo sa dagat nang mapukaw ang aking atensyon ng isang dalagang kasalukuyang nakikipaglaro sa alon.
Bagama't malayo ay hinding-hindi maipagkakaila ang taglay nitong ganda. Nangingibaw ang mala-porselana nitong balat sa mga kasabayan nitong nagsi-surf. Labis akong namangha habang pinapanood ko ang walang takot nitong pag-indayog sa ibabaw ng mga alon. Tila isa itong sirena at ang mga alon ay sumusunod sa bawat nitong kumpas. Makailang ulit nitong sinakyan ang mga naglalakihang alon nang walang takot at pangamba. At sa tuwing mahuhulog ito mula sa kanyang surfing board ay ang masiglang ngiti ang bumungad sa kanyang pag-ahon.
Daig ko pa ang isang mangingisda na nahulog sa patibong ng isang mapanganib na sirena. Hindi ko maintindihan ngunit labis ang t***k ng aking puso nang mas lalo akong magkaroon ng pagkakataong makita nang malinaw ang mukha ng babaeng kanina lamang ay nakikipagbono sa mga alon.
It was her! gulat kong turan sa aking sarili habang nanlalaki ang aking mga mata. Mariin akong napalunok nang makita ko ang halos hubad at perpektong hugis ng kanyang katawan nang dumaan ito sa aking harapan. Nakasuot lamang ito ng two-piece swimsuit na kulay pula na sadyang bumagay sa makinis nitong balat.
"It's you!" Hindi ko napigilang ibulalas nang makita ko ito nang malapitan.
Agad naman siyang lumingon sa aking gabi at hindi mapagkaila ang gulat sa kanyang mukha. "You again? Sunusundan mo ba ako?" maarteng turan nito. "Pero hindi naman kita masisi kung hindi mo na makalimutan ang ganda ko. Kaya sige ako na lang ang mag-a-adjust," dagdag pa nito saka maarteng hinawin ang kanyang basang buhok.
"Shouldn't I be the one telling you that? Are you stalking me?" ganting tugon ko.
"Excuse me! Mukhang kararating mo lang dito habang ako nagkapagsurfing na. Ibig sabihin mas nauna akong dumating dito, kaya sino sa atin ngayon ang stalker?" nakataas ang isang kilay nitong turan.
Malayong-malayo ito sa kalmado at mahinhing babae na nakilala ko noon sa Batangas nang masiraan ako ng sasakyan. I didn't know that a person can had two personality that was a total opposite.
"Teka! Baka akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo sa akin. Ikaw 'yong walang modong lalaki na iniwan ako pagkatapos kong tulungan na maayos ang sasakyan n'ya!" Nakapaymaywang nitong saad habang nakaturo sa aking kanyang daliri.
"So, it's really you. And you're not a ghost," saad ko.
"Multo? Naglaglag ako sa kanal at hindi mo ako tinulungan, damuho ka!"
"I'm sorry for that. But what do you want me to do? Bigla ka na lang nawala pagkatapos ay bigla ka na lang umungol na akala mo ay galing sa ilalim ng lupa," dahilan ko.
"Tss! Ang laki-laki mong tao takot sa multo. Mas mabilis ka pa sa alaga kong kabayo kung kumaripas ng takbo," turan nito saka matalim akong inirapan.
"Hey! In my defense, you look like a ghost that night," katwiran ko.
"Whatever," saad nito saka matalim na umirap sa akin. Nagsimula itong maglakad at akmang lalampasan ako nang bigla akong maisip na gawin upang bumawi rito.
"Why don't I treat you for lunch? Para makabawi ako sa ginawa mong pagtulong sa akin," saad ko.
Nakataas ang isang kilay saka marahang naglakad pabalik bago tumayo sa aking harapan. Abot baba ko lamang ang kanyang tangkad kaya naman bahagya akong nakayuko upang makita ang maamo nitong mukha. Hindi ko maiwasang mamangha sa angkin nitong ganda ngayong natitigan ko na ang kanyang mukha nang malapitan.
"Una, hindi ako nagpapabayad sa ginawa kong pagtulong sa 'yo. Pangalawa, hindi sapat ang libreng tanghalian lang para sa ginawa mo sa akin," turan nito sa akin habang nakapamaywang.
"Then, what do you want? Name it," turan ko.
"Ilibre mo ako ng tanghalian..." saad nito na agad na ikinakunot ng aking noo.
Isn't that what I offered her a while ago?
"...hapunan, umagahan, at meryenda."
Akala ko ay tapos na ito sa kanyang mga kondisyon nang muli itong magsalita.
"Habang nandito ako sa Baler," dagdag nito.
Bahagya akong natawa, "Is that all?"
"Sa ngayon, 'yan na muna. Saka na ako mag-iisip nang iba pa," wika nito saka mabilis na tumalikod.
Naiwan akong naiiling habang hindi mapigilan ang mapangiti dahil sa pagiging prangka nito. Ilang segundo lamang ang nakalipas nang tumigil ito sa paglalakad at saka muling bumaling sa aking gawi.
"Ano pang hinihintay mo riyan? Halika na, gutom na ko!" hiyaw nito saka muling tumalikod.
Naiiling akong sumunod dito. Lumapit muna ito sa isang shop kung saan ko rin hiniram ang aking surfing board. Ibinalik nito ang surfing board na ginamit saka kinuha ang kanyang deposito. Dahil iisa lamang ang tindahan na pinaghiraman namin, ibinalik ko na lang din ang hiniram kong board at hindi na kinuha ang aking bayad.
May dinukot ang babae mula sa kanyang bag. Inilabas niya mula roon ang isang maong na short. Pagkatapos ay doon na niya iyon isinuot at ipinatong sa kanyang basang swimming wear.
"Tara!" aya nito nang matapos itong magbihis.
Hindi na ako nag-abalang tanungin ito kung saan niya gustong kumain dahil ito na mismo ang pumili ng restaurant na aming kakainan. Agad kaming pumasok sa loob ng restaurant saka umupo sa isang bakanteng lamesa. Pinili nito ang parte kung saan matatanaw pa rin ang dagat sa aming kinatatayuan. Agad itong humingi ng menu saka mabilis na pumili ng gusto nitong kainin.
She radiate a sense of independence. Sa palagay ko ay siya ang tipo ng babaeng alam kung ano ang gusto at ayaw.
Hindi ko maintinidihan ngunit tila may kung anong mahikang dala ang babaeng ito kaya't ganoon na lamang niya akong kadaling mapasunod sa kanyang mga gusto. There's something about her that mesmerize me. But at the same time, I can feel that she's hiding something behind that glorious smile. May lungkot na nagtatago sa kanyang mga mata na hindi kayang takpan ng kahit anong ngiti.
Para itong isang bagay na kay sarap tuklasin ang nakapaloob ditong hiwaga.
"Hoy! Kanina ka pa nakatitig sa akin," puna niya sa akin nang hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. "Huwag mong sabihing na love at first sight sa ka sa 'kin?"
Hindi ko masiguro kung seryoso ba ito kanyang sinabi o nagbibiro lamang ito.
"Pero hindi naman talaga kita masisisi. Kakaiba talaga ang ganda ko, kaya sige lang, dahil mabait ako ngayon hahayaan kitang titigan ang mukha ko," nakangiting turan nito saka pilyang kumindat bago muling ibinalik ang tingin sa menu.
I can't help but be amaze as time goes by. Tila ba mas ninanais kong makilala ito ng lubusan.
Maya-maya pa ay kumaway na ito ng waiter upang ibigay ang kanyang order.
"Isang order ng sisig, ala carte. Isang lechong kawali, crispy pata, at saka talaba. Samahan mo na rin ng isang boteng beer. Samahan mo na rin ng limang kanin," turan nito sa waiter. "Ikaw?" baling niya sa akin.
"Me?" takang tanong ko.
"Oo, ikaw. Anong order mo?" muli nitong tanong.
Halos mapanganga ako nang mapagtantong para sa kanya lamang pala ang lahat ng kanyang inorder.
"A bucket of beer for me," nangingiting turan ko sa waiter na agad namang tumango.
"Walang kang order? Huwag kang mahiya, order ka lang. Ikaw naman mababayad nito, eh," saad nito saka ngumisi.
Naiiling na lamang ako habang nakangiti.
Naunang dumating ang isang bucket ng beer na aking inorder na mayroong laman na anim na bote. Binuksan ko ang isang bote saka pinunasan ang nguso noon bago iyon tinungga. Maya-maya pa ay nagbukas rin ito ng isang bote para sa sarili.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na rin ang mga pagkaing inorder niya.
"Sigurado ka hindi ka oorder?" paniniguro nito.
Ngumiti lamang ako saka umiling. Tiningnan niya ako habang nanliliit ang kanyang mga mata na tila ba sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Sige na nga, baka sabihin mo matakaw ako. P'wede ka nang kumuha sa pagkain ko," saad niya.
Halos hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang pinakikinggan ang kanyang mga sinasabi.
"I'm fine. Sige na, kumain ko na," turan ko sa kanya.
Ngumuso muna ito habang tila tinatantiya ang aking sinabi. Sa huli ay nagpasya na rin itong magsimulang kumain. Hindi ko maiwasang panoorin ito habang sarap na sarap sa kanyang kinakain. Ilang minuto pa ang nakalipas bago nito mapansin ang aking pagtitig.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya.
"Nothing. I just realized that until now, I haven't got your name," wika ko.
Agad naman itong tumuwid ng upo saka pinagpag ang kanyang mga kamay sa kanyang short saka iyon iniliahad upang makipagkamay. "I'm Charlie, you?" pakilala nito.
"I'm Kaleb," tugon ko saka inabot ang nakalahad nitong kamay. Hindi ko maintindihan ngunit tila may kung anong kuryente ang dulot nang pagkakadaiti ng aming mga palad.
"Nice to meet you, Kaleb," saad niya saka matamis na ngumiti. Muli nitong ibinalik ang atensyon sa pagkain.
Tahimik lamang akong nakamasid sa kanya nang maagaw ang aking pansin ng isang babaeng na nakaupo sa harap ng bar at kanina pa panay sulyap sa aking gawi. Nilingon ko ito at nagtama ang aming paningin. Agad nitong iniangat ang kanyang baso saka mapang-akit na ngumiti sa akin.
Bilang respeto ay pilit akong ngumiti rito at saka iniangat ang bote kong hawak bilang tugon. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang tumayo si Charlie mula sa kanyang kinauupuan. Akala ko ay aalis na ito ngunit mabilis itong lumipat sa aking gawi at saka pilit na umupo sa aking tabi.
"Move," utos nito nang hindi ako agad kumilos.
Wala sa sarili akong napausog habang buong pagtataka na nakatitig sa kanya. Tila naman wala lang rito ang inakto at pinagpatuloy lamang ang kanyang pagkain. Naiiling na lamang ako habang naguguluhan sa kanyang inaakto.
Nang muling dumako ang aking tingin sa babaeng nakaupo sa harap ng bar ay wala na ang matamis nitong ngiti. Bagkus ay nakasimangot na ito. Napabaling ako ng tingin kay Charlie na patuloy pa rin sa pagkain.
Saka lamang ito lumingon sa aking gawi nang maramdaman niya ang aking pagtitig.
"Bakit?" maang-maangan nito.
"What was that?" natatawang tanong ko.
"Nagpapacute sa 'yo 'yong babaeng 'yon and I don't like it," direstsong sagot nito.
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya saka ipinatong ang aking braso sa sandalan ng kanyang inuupuan dahilan upang tila makulong ito sa aking mga bisig.
"And why is that?" tanong ko habang may pilyong ngiti ang nalalaro sa aking mga labi.
"Gusto mo ako kaya mo ako sinundan dito, hindi ba?" prankang saad nito.
"Come again?" hindi makapaniwalang saad ko.
"So, hindi mo ako gusto?"
"I didn't say that," maagap kong sagot.
"Oh, eh, 'di tama ako. May gusto ka sa akin kaya hindi ka na maaaring makipaglandian sa ibang babae habang kasama mo ako. Selosa kaya ako," direstong saad nito.
Hindi ko maiwasang mapabunghalit ng tawa dahil sa aking narinig. I think this is the first time that I met a woman as straightforward as her.
"Anong nakakatawa?" takang tanong niya.
"You," saad ko. "We met twice and you're already staking a claim on me."
"Why not? Sabi mo gusto mo ako. Ikaw, guwapo ka naman kaya p'wede ka na rin sa akin," saad nito na mas lalong ikinalakas ng aking tawa. "Anong nakakatawa?"
"I never thought that I would meet someone as bold as you here in the Philippines. Akala ko mga foreigners lang ang liberated."
"I'm not liberated, Kaleb. Ayaw ko lang ng maraming paligoy-ligoy. Aksaya lang ng oras 'yan. Bakit ka pa magtitiyaga sa pagsikot-sikot kung p'wede mo namang diretsohin. Saka kung gusto natin ang isa't isa, hindi ba dapat sulitin natin ang bawat oras na magkasama tayo kaysa aksayahin sa walang kuwentang bagay," mahabang paliwanag nito.
"You sounds like you're living on borrowed time."
Bahagya itong natigilan. Tila nagsisi akong inungkat ko ang paksang iyon lalo na nang makita ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Ang kanyang mga ngiti ay dahan-dahang nawala nang marinig niya ang aking sinabi.
"I am," malungkot nitong sagot.
Parang may kung anong bagay ang pumiga sa aking puso. Parang gusto kong akuin ang kung ano mang bagay ang bumabagabag sa kanya. Gusto kong pawiin ang kung anumang sakit ang kanyang dinadala. Gusto ko siyang paligayahin kahit sa mga natitirang sandali ng kanyang buhay.
"I'm sorry," malungkot kong saad. "Why don't we enjoy our stay here? Kalimutan mo muna ang lahat ng problemang mayroon ka habang kasama mo ako. Let me be your boyfriend while we're staying here in Baler," suhestiyon ko.
Saglit itong tumitig sa aking mukha na tila ba malalim ang iniisip. "Papayag lang ako sa isang kondisyon," turan nito.
"What is it?"
"You won't fall in love with me in any circumstances," saad niya.
Mahina akong natawa. "Well, you're lucky because I don't do love. It's a win-win situation. You got to enjoy the presence and company of a Greek God like me, and I got to flirt with no commitment," saad nito.
"Tss! Playboy," komento nito saka matalim na umirap sa hangin.
Mahina akong natawa, "So, do we have a deal?"
"Fine," umirap muna ito sa hangin saka inabot ang kanyang kamay. "Deal," saad nito.
Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalahad. "That's not how you seal a deal, hon," turan ko saka mabilis na inangkin ang kanyang mga labi.
Dama ko ang kanyang pagkagulat dahilan upang hindi ito agad nakatugon sa aking halik. Ilang minuto rin ang nakalipas bago ito tuluyang makabawi at magsimulang tugunin ang aking halik. Hindi ko na mabilang kung gaano katagal naming pinagsaluhan ang mainit na halik na iyon. Parehas naming habol ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Your lips taste like sisig," I can't help but tease her when I saw how red her face is.
"Bwisit ka talaga!" inis nitong tugon saka malakas na hinampas ang aking braso.
Isang malutong na halakhak lamang ang aking naging tugon.
*********************