Chapter 6

2433 Words
KALEB "SO, what's our official business as a couple?" I asked. "Na-ah! It's too soon for that!" mariin nitong turan. "What? I haven't said anything?" wika ko habang may pilyong ngiti ang naglalaro sa aking isip. Sa totoo niyan ay wala naman talaga sa isip ko ang bagay na iyon. Sa palagay ko nga ay ito ang unang pagkakataon na may kasama akong napakagandang babae ngunit ni minsan ay hindi man lamang sumagi sa isip ko ang makatalik ito. Hindi ko itinatanggi na may malilikot na imaheng naglalaro sa isip ko ngunit hindi iyon sapat upang nainisin kong maikama ito kahit pa ito ang unang araw na lubusan kaming nagkakilala.   Ngunit dahil sa kanya na rin mismo nagmula ang paksang iyon, hindi ko maiwasang tuksuhin ito. "I know men like you. Also, I don't sleep with a man I just met," dahilan nito. "Who says about sleeping together? I was talking about a date," kunwa'y maang-maangan ko. "Tsk, tsk. I have no idea that my girlfriend has a dirty mind," dagdag kong asar dito. "Dirty mind pala, ha? Bahala ka sa buhay mo!" inis nitong turan saka mabilis na tumalikod at naglakad pabalik sa tabig dagat. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila kay sarap nitong asarin. May kakaibang ang galak ang dulot sa aking puso sa tuwing makikita ko ang kanyang iba't ibang reaksyon. "Hey, wait for me!" hiyaw ko habang hinahabol ito. "Tse! Huwag mo akong sundan!" turan nito. "I can't do that. I can't let my girlfriend wander alone," turan ko sabay akbay nang maabutan ko ito. "Feeling much?" "Why not? Ilang araw ko lang naman mae-enjoy ang pagiging boyfriend mo kaya susulitin ko na," wika ko saka malawak na ngumiti. Bumaling siya saglit sa akin saka mariin akong inirapan bago mahinang siniko ang aking tagiliran. Nagpanggap naman ako na tila nasaktan dahil sa kanyang ginawa. "Puro ka kalokohan. Mag-surfing na lang tayo," aya niya sa akin. "I have a better idea. Why don't we have a contest? The winner gets to have whatever he wants," wika ko. "Or she wants," pagtatama niya. "Okay, or whatever she wants," tugon ko na agad kong sinundan ng isang pilyong ngiti. "Call. But first, buy me a drink," utos niya sa akin. "Iinom ka habang nagsi-surf? Alam mo ba kung gaano kadelikado 'yon?" kunot noong turan ko sa kanya. "Nakita mo ako kaninang nags-surf hindi ba?" "Yes," tugon ko ngunit hindi ako sigurado kung ano nga bang pinupunto niya. "Then, you already know that I can perfectly hold my beer," kumpiyansang turan nito. "What?" gulat kong tanong. "Akala mo ba iyan ang unang bote ko ng alak sa araw na ito?" nakingising tanong nito. "The more reason that I shouldn't let you go and take the waves. No one is going to surf today," giit ko. I don't know, but I suddenly felt a particular need to protect this woman. Pakiramdam ko kasi ay wala itong pakialam sa kaligtasan niya. Is she trying to get herself killed? "Ang killjoy mo alam mo ba 'yon? Para sa isang lalaki na matagal na nanirahan sa ibang bansa, you seems to be so uptight," wika nito. "How did you know?" takang tanong ko. Dahil sa pagkakaalala ko ay wala pa akong binabanggit sa kanyang tungkol sa pagtira ko sa ibang bansa. "I didn't. I just assume because of your accent." Napapailing na lamang ako habang nangingiti sa aking sarili. Kakaiba talaga ang babaeng ito sa ibang mga nakilala ko. Kaya siguro ganoon na lamang din kahirap para sa akin ang iwasan ito. Para itong isang magnet na pilit akong hinihila papalapit sa kanya kahit wala itong gawin. "You're good," komento ko bago marahang tumango rito. "So, are we settled? P'wede na ba tayong mag-surf?" tanong nito. "The answer is no. We'll surf tomorrow when you're sober." "Bakit ba ang kulit mo. Mataas ang alcohol tolerance ko, okay? Saka matagal ko nang ginagawa ito," giit nito "It may be true. Maari ngang kaya mong dalhin ang sarili mo pero hindi ko hahayaang ilagay mo ang sarili mo sa alanganin. Not on my watch," serysoyong turan ko rito. "Kaya kung ako sa 'yo, mag-isip ka na nang ibang gagawin, because surfing is not going to happen, definitely not today." Saglit itong natigilan at tumitig sa aking mukha. Kumunot naman ang aking noo at ako ay natigilan dahil sa biglaan nitong pananahimik. Inaasahan ko ang mga matatalas nitong sagot at patutsada ngunit sa pagkakataong ito nanatili lamang siyang nakatitig sa akin na tila ba kinakabisa ang aking mukha. "What?" Hindi ko napigilang itanong. Ilang segundo pa ang nakalipas bago muling sumilay ang ngiti sa kanya mga labi bago muling nagsalita. "Huwag kang masyadong maging maalalahanin, baka ma-fall ako sa 'yo n'yan. Bahala ka," nakangiting turan nito. "I thought it's the golden rule that we are not allowed to fall in love with each other?" ganting biro ko sa kanya. "No, it's not," nakangising turan niya. "Ang sabi ko, bawal na bawal kang ma-in love sa akin. Pero hindi ko sinabing bawal akong ma-in love sa 'yo." "That seems unfair," nakangiting turan ko. Kagaya kanina ay muling nabahiran ng lungkot ang kanyang mga ngiti. Malayo na ito sa nauna niyang ngiti na umaabot ang ningning hanggang sa kanyang mata. "Life is unfair, Kaleb." Pagkatapos noon ay agad na itong tumalikod at nagtungo sa reclining seat na nasa harap ng isang restaurant at malapit sa tabing-dagat. Nais ko pa sanang magtanong dito ngunit nagpasya na lamang akong igalang ang pribado niyang buhay. Sinundan ko na lamang ito. Naabutan ko siyang nakahiga sa reclining seat habang nakapikit. "Go buy me a beer," agad niyang utos sa akin nang makalapit ako. "I'm not your chauffer," kunwa'y reklamo ko. "But you are my boyfriend." Dumilat ito saka ngumisi sa akin. "You're bossy," naiiling kong turan sa kanya. "So, I'm told," tugon nito. Nangingiti na lamang akong nagtungo sa loob ng restaurant upang um-order ng isang bucket ng beer. Matapos ko iyong bayaran ay itinuro ko sa staff kung saan kami nakapuwesto upang doon niya dalhin ang aking inorder. Sinamahan ko na rin iyon ng ilang snacks na maaari naming gawing pulutan. Matapos kong bayaran ang lahat ng iyon ay bumalik na ko kung saan naroon si Charlie saka umupo sa bakanteng reclining seat sa kanyang tabi. "Where's my beer?" she asked. "It's coming, Your Highness," pabirong turan ko. Mariin lamang siyang umirap sa akin bilang tugon. Mahina akong tumawa saka humiga sa reclining seat at ninamnam ang sariwang hangin. Ilang minuto kaming tahimik na nahiga roon habang nagpapahinga nang makarinig ako nang mahinang tawa mula sa hindi kalayuan. Bahagya kong iniangat ang aking ulo upang silipin kung ano iyon. Dumako ang aking tingin sa kumpol ng mga babae na panay ang sulyap sa aming gawi habang nagbubulungan. Hindi ko maiwasang mapailing. I don't want to sound smug, but that's what my effect on women. Something that I can't help with. "You do know how to attract women, don't you?"  Narinig kong turan ni Charlie mula sa aking tabi dahilan upang mapabaling ako sa kanyang gawi. "What can I say? I'm charming," kumpiyansa kong tugon saka muling bumalik sa pagkakahiga. Muli kong ipinikit ang aking mga mata ngunit patuloy ko pa ring naririnig ang mahinang tawanan ng mga babae. Kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman ko ang mabigat na bagay ang dumagan sa akin. Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Nagulat pa ako nang makita kong nakaupo si Charlie sa aking kandungan. "What are you doing?" takang tanong ko sa kanya. "I told you, I'm a very jealous woman. And I wanted to send a message," wika nito habang marahang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. "And what message is that?"  "That you shouldn't glance at other woman's man," mapang-akit nitong turan. At bago ko pa man mapagtanto kung anong tinutukoy niya, maagap na lumapat ang kanyang labi sa akin. Ilang minuto rin ang itinagal bago ako tuluyang nakabawi at tinugon ang maalab niyang halik.  Malikot at mapaghanap ang kanyang dila na kumikislot sa loob ng aking bibig. Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang dahang-dahang paggapang ng kiliti sa aking katawan. Unti-unti ko ring naramdaman ang paninigas ng aking p*********i. Ilang minuto ring tumagal ang maalab naming halik ngunit ako ang unang bumitaw at marahan siyang tinulak. "What?" takang tanong nito nang maghiwalay ang aming mga labi. "W-We should stop," turan ko. "Why? I'm not than showing those women—" Bahagya itong natigilan bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Bahagya pa akong napaatras nang marahan niyang inilapit ang kangyang mukha sa akin. "You're hard," mahina niyang bulong habang tila sinasadya niyang tudyuin ang aking mga labi sa pamamagitan nang paglapit niya sa kanyang mukha. "I am. So, you better get off me," turan ko rito saka marahan itong itinulok. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang sa halip umalis sa aking ibabaw ay mas lalo lamang niyang diniinan ang pagkakaupo sa ibabaw ng aking naninigas na p*********i. "F*ck!" hindi ko napigilang mapamura nang maramdaman ako ng kakaibang kiliti dahil sa pagkakadikit ng aming mga kaselanan.  "You're saying something, love?" tudyo niyang muli. "Don't poke the bear if you don't want to get bitten," ganting tugon ko. "And what if I wanted to? You can even devour me if you want," pabulong nitong turan habang halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. "You are such a tease," naiiling kong turan dito saka pilit itong inalis sa aking ibabaw saka mabilis na ibinaba ang paa sa gilid ng reclining seat saka umayos ng upo. "Tinatanggihan mo ako?" takang tanong nito habang mariing nakakunot ang kanyang noo. "No and yes," makahulugang tugon ko. "Ang gulo mo," reklamo nito saka matalim na umirap. "Look, I don't want to spoil anything. I'm enjoying your company. It makes my stay here less boring." "Anong tingin mo sa 'kin, clown?" kunwa'y wika nito na maayos na ring nakaupo sa aking tabi. "You have no idea how much I wanted to take you right here, right now. But I don't want his to be just about s*x. My point is, I think it's too soon for that. Besides, we didn't even know each other that well." "That's the main point of a one-night stand, Kaleb. You're not supposed to know anything about the other person," katwiran nito. "But I don't want this to become a one-night thing. I wanted to spend the rest of my days here with you. The moment we crossed that line, I bet you'll be gone the second you get a chance," wika ko. "Tss!" Ngumuso ito saka matalim na umirap. "Alam mo ikaw, hindi na talaga ako magugulat kung bukas-bukas in love na ako sa 'yo. Ang galing mong magpa-fall, eh. Tsk!" saad nito saka muling lumagok mula sa bote ng alak nitong hawak. "P'wede naman, eh. Handa naman akong saluhin ka," sakay ko sa kanyang sinabi. "Tss! Bolero," ganting turan nito saka muling uminom na halos maubos na ang laman ng bote ng alak nitong hawak. Naiiling na lamang ako habang pinagmamasdan kung gaano kalakas uminom ang babaeng ito.  "That's enough," saad ko saka mabilis na inagaw ang bote mula sa kanyang kamay. "Hey!" reklamo nito. "Let's go take a swim. Para bumababa 'yang alak sa katawan mo," saad ko. "Are you saying I'm drunk?" natatawang turan nito. "Sinasabi ko sa 'yo, kulang ang isang bucket na binili mo para lasingin ako." "For your information, wala akong balak lasingin ka. Come on, pumunta ako rito sa beach para maligo hindi para magpakalunod sa alak," wika ko sabay hila sa kanyang kamay. Wala na itong ibang nagawa kung 'di ang sumunod sa akin. Nagtungo kami sa may parteng hindi masyadong malakas ang alon. Medyo may kalayuan ito sa kumpol ng mga tao. "It's f*cking cold!" sigaw nito nang magsimula kaming maglakad papalapit sa tubig. Pinaningkitan ko ito nang tingin. "Is that your way for me to cuddle you? Because if I can remember it right, you didn't have a problem riding the waves a while ago," natatawang turan ko rito. "Tss! Napaka-KJ mo talaga. Hindi ka marunong lumandi," turan nito. Nangingit akong lumapit sa kanya at hinapit ang kanyang baywang. Kasalukuyang kaming nakatayo sa parte ng dagat kung saan abot hanggang dibdib niya ang tubig. Mas matangka ako sa kanya kaya halos lampas tiyan ko pa lamang ang tubig. "You don't have to use any of your tricks on me. You can go ahead and ask, and I'll be willing to oblige," turan ko. Mahina itong tumawa saka isinabit ang kanyang braso sa aking batok. "Then I want you to kiss me," utos nito. "Your wish is my command," masayang tugon ko saka mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Walang panahon akong sinayang. Mariin kong pinagbutihan ang pagsakop sa kanyang mga labi. Hindi katulad kanina, wala na ang pagtitimpi na mayroon ako. Hinipit ko siya nang maghigpit papalapit sa aking katawan. Habang patuloy na magkasugpong ang aming mga labi. "Hmmm..." Mariin akong napaungol nang bigla niyang ipulupot ang kanyang mga hita sa aking baywang. Dahilan upang magtama ang aming mga kaselanan. Ang aking mga kamay ay marahang gumapang pababa sa kanyang pang-upo upang saluhin ito. "Sh*t!" mariin kong mura sa pagitan ng aming mga labi nang simulan niyang ikiskis ang kanyang gitna sa aking naninigas na p*********i. Hindi katulad kanina, ngayon ay mas malakas at mas mariin ang kanyang pag indayog na mas lalong nagpapatindi sa aking pagnanasa.  This woman is such a tease. She's a vixen that no man would dare to decline. "You are really trying my patience," turan ko habang habol ko ang aking hininga nang matapos ang maalab naming halik. "So, are you going to take me to bed now?" nakangising tanong nito. "No, I would claim you right here. It's your punishment for making me horny that I couldn't even wait to get back to my hotel because I want to claim your soft and delicate body right now," saad ko.  Sa pagkakataong ito ay ako naman ang may nakakalokong ngisi sa aking mga labi habang bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat. Kitang-kita ko ang paglundo ng kanyang lalamunan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis ko siyang binuhat at saka iniligay sa aking balikat bago nagsimulang maglakad patungo sa tago at mabatong bahagi ng dagat. "Kaleb, I'm just joking!" hiyaw nito habang pilit ang pagpupumiglas mula sa aking balikat. "It's too late for that, love," nakangising turan ko saka malakas na pinalo ang kanyang pang upo. "Kaleb!" hiyaw nitong muli. Isang malakas na halakhak lamang ang aking tinugon habang patuloy sa paglalakad. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD