SPG-MATURE CONTENT CHARLIE WE ended up going on the trip that Kaleb arranged for us. Ayaw ko na sanang pumunta sa mga lugar na kanyang binanggit dahil napuntahan ko na ang mga iyon noong unang nagpunta ako rito sa Baler. Kung saan-saang lugar ako napapadpad simula nang mangako ako kay Garrett. Gusto ko kasing sulitin ang mga nalalabing mga araw ko bilang isang malaya. Dahil pinangako ko sa aking sarili na oras na makasal na kami ni Garrett ay kakalimutan ko na ang aking sarili at ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya upang pagsilbihan siya. Nang unang mapadpad ako rito sa Baler ay agad akong napamahal sa magandang tanawin. Lalo na ang pagsi-surf. Pakiramdam ko kasi sa tuwing nasa ibabaw ako ng mga alon ay panandalian kong nakakalimutan ang lahat. Nararamdaman ko lamang ang pagiging