KALEB I haven't slept a wink. Kahit na halos umaga na rin nang matapos kami sa walang tigil na pagniniig ay hindi ko pa rin magawang matulog ng mahimbing. Hindi ko alam kung bakit ngunit may takot sa aking puso na tila ba anumang oras ay maaari akong magising at ang lahat ng ito ay isa lamang panaginip. Last night was magical. I admit that it wasn't my first like she does, but what I felt was different. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman habang magkaisa ang aming mga katawan. Hindi mapalis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha. Nakatatak sa aking isip ang bawat init ng yakap at halik na aming pinagsaluhan kagabi. Kung maaari lamang akong humiling na sana huwag nang matapos ang masasayang araw na ito. Ngunit alam kong malabong mangya