KALEB
MALALIM na ang gabi nang makarating ako sa bahay ng matalik kong kaibigan na si Garett. Hindi pa rin lubusang naaayos ang aking sasakyan kaya naman iniwan na lamang muna iyon sa talyer.
Nang makarating ako sa gate ng malaking bahay ng aking kaibigan hatid ng traysikel kung saan ako lulan ay agad akong sinalubong ni Garett habang nakaupo sa kanyang wheelchair. Matapos naming magtapos sa kolehiyo noon ay hindi na kami muling nagkita dahil na rin agad akong lumipad patungo sa ibang bansa upang pamahalaan ang aming negosyo roon.
Noong nabalitaan ko ang nangyari sa aking matalik na kaibigan ay hindi ako agad nakauwi upang kumustahin ito. Nataon ding kasing dumaranas nang matinding krisis ang aming kompanya noon kaya hindi ko magawang basta-basta na lamang iwan iyon.
"Nice to see you, bro!" masiglang bati ni Garett sa akin. Kahit na nakatali na ito sa kanyang wheelchair ay bakas pa rin ang pagiging positibo nito. Bagama't kapansin-pansin ang pagkawala ng kislap ng kanyang mga mata ay pilit pa rin nitong ipinapakita sa iba na ayos lamang siya.
Ngunit isa ako sa mga taong hinding-hindi niya kayang pagtaguan ng kanyang nararamdaman. Kilala ko ang bawat niyang galaw. Alam ko kung kailan at kung kailan peke ang kanyang mga ngiti.
"I'm sorry kung ngayon lamang kita nadalaw," seryosong turan ko.
"It's fine, bud. Ang importante ay umuwi ka para sa engagement party ko."
"Congratulations by the way," masiglang bati ko sa kanya saka ito niyakap nang mahigpit. "I'm happy for you, that finally you found a woman who you want to spend your life with," turan ko.
"Salamat," malungkot itong ngumiti.
"Bakit naman biglang nalukot 'yang mukha mo? Sa lahat naman ata nang magpapakasal ay ikaw ang pinakamalungkot. Aminin mo nga, pinikot ka lang ba?" pabiro kong turan. "Sabihin mo agad, itatakas kita rito."
Mahina itong tumawa dahil sa aking biro. "Siraulo ka talaga. Pumasok ka na nga. Teka, ano palang nangyari sa 'yo at traysikel ang naghatid sa 'yo rito? Nasaan ang kotse mo?" sunud-sunod nitong tanong habang tulak-tulak ko siya papasok ng kanilang bahay.
"I had trouble all the way here. And I left my charger at home. Kaya naman hindi kita agad natawagan no'ng nasiraan ako sa daan. But you know what's weird? I met a beautiful woman in white. At pagkatapos bigla na lang nawala. I'm a logical person but I can't help but believe that, finally, I encountered a ghost," mahabang kuwento ko.
"A ghost? Really, Kaleb? Sa tanda mo ng 'yan ay naniniwala ka pa rin sa multo?"
"Then, how do you explain what happened? Multo lang ang may kakayahang maglaho na parang bula katulad no'n."
Naiiling lamang siya habang nakikinig sa aking kuwento.
"I swear that woman is a ghost. O baka naman engkanto," I insisted.
"Naku! Baka ang diwata ng San Andres ang tinutukoy mo, hijo! Sinasabi ko sa inyo totoo ang diwatang iyon!"
Sabay kaming napalingon sa matandang babaeng pababa ng hagdan.
"Lola Andeng!" masiglang bati ko saka patakbong yumakap sa matanda. "Mabuti naman po at buhay pa kayo," birong turan ko.
Malakas niya akong hinampas sa aking braso. "Salbahe ka talagang bata ka! Kita mong mas malakas pa ako sa kalabaw. Baka maabutan ko pa ang mga apo sa talampakan sa inyo!"
Napangiwi na lamang ako nang maramdaman ko ang kirot ng kanyang paghampas. Kahit matanda na ito ay mayroon pa rin itong angking lakas. Kaya naman napakasarap biruin ng lola ni Garett.
"Dapat lang po, Lola. Aba ay ang lagay kami lang ni Garett ang makakatikim nang pamatay n'yong palo? Dapat pati mga anak namin," saad ko.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Napakapilyo mo pa rin," naiiling nitong turan. "Teka nga, ikaw ba ay kailan ka mag-aasawa? Buti itong si Garett ay malapit nang ikasal," baling nito kay Garett.
Gaya kanina ay nakita ko na naman ang biglaang pagkalat ng lungkot sa kanyang mukha. Tila ba hindi ito lubos na maligaya sa tuwing mababanggit ang tungkol sa kanyang kasal. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na mayroong mali sa kasalang magaganap.
"Lola, hindi ko pa po nakikilala ang babaeng magtatali sa akin," Or maybe I did. Kung hindi lang sana siya isang multo.
Muling nanumbalik sa aking alaala ang mukha ng babaeng tumulong sa akin nang masiraan ako sa gitna ng daan. Tumatak sa aking isipan ang mapupula niyang mga labi, ang makinis nitong balat, at hubog nitong mababakas sa manipis niyang damit na talaga namang nakahahalina. Kung totoo man siya, siguradong kahit sinong lalaki ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga palad dahil sa akin niyang alindog. Kung sana nga lang talaga ay hindi ito multo at totoong tao ay baka hilahin ko na siya patungo sa simbahan at ayaing magpakasal.
"Puro ka talaga kalokohang bata ka. Ikaw ba ay naghapunan na? Halika at ipaghahanda kita sa kusina," turan ni Lola Andeng.
"Hindi na po, Lola. Malalim na po ang gabi. Magpahinga na kayo. Kumain na rin po ako sa labas bago pumunta rito," turan ko.
"Salbahe ka talaga!" turan nito saka muli akong hinampas sa aking braso.
"'La!" reklamo ko.
"Sinabi ko sa 'yong ipagluluto kita ng paborito mong sinigang na baboy. Bakit ka kumain sa labas?" nagtatampo nitong saad.
"Sorry na, 'La. Nasiraan po kasi ako kaya ginabi na ako masyado. Hayaan n'yo at bukas ng umaga ay iyan ang aalmusalin ko," pangako ko.
"Pangako 'yan, ha?" nakangusong turan ni Lola Andeng. "Oh, s'ya, sige na. Mauuna na akong umakyat sa inyo at alam ko namang marami pa kayong pagkukuwentuhan. Bukas pa ang dating ng mga magulang ni Garett kaya kayo na muna ang bahala rito," bilin nito.
"Sige po, Lola. Magpahinga na po kayo, basta huwag n'yo lang kalimutang gumising," pahabol kong biro.
"Napakasalbahe mo talagang bata ka!" inis nitong turan bago tuluyang tumalikod.
"Napakahilig mo talagang biruin si Lola. Buti hindi 'yan inaatake sa puso dahil sa konsumisyon sa 'yo," wika ni Garett habang masayang nakatitig lamang sa amin kanina at pinapanood ang biruan namin ni Lola Andeng.
"Alam mo namang sanay na si Lola Andeng sa akin. Saka mahal na mahal ako no'n. Baka nga mas mahal pa ko no'n kaysa sa 'yo, eh," biro ko.
"Oo na, sige na. Ikaw na ang paborito," naiiling nitong turan. "Gusto mo na bang magpahinga? Ipinahanda ko na ang kuwarto para sa 'yo."
"Mukhang hindi ako agad dadalawin ng antok. Gusto mong uminom?" aya ko sa kanya.
Humugot ito ng isang malalim na hininga saka malungkot na ngumiti. "Why not?" turan nito saka pinaikot ang gulong ng kanyang wheelchair patungo sa bar area ng kanilang bahay.
Akmang tutulungan ko itong magtulak nang marinig ko itong magsalita. "Don't," malamig nitong turan. "I don't need help. Kaya ko pang kumilos mag-isa," turan nito.
"Hindi naman para sa 'yo kaya gusto kong itulak ang wheelchair mo. Ang balak mo kasi, inom na inom na ko," kunwa'y biro ko upang kahit papaano ay pagaanin ang sitwasyon.
"Ayaw ko lang maramdaman na pabigat ako sa kahit kanino," malungkot nitong turan.
Tahimik lamang akong nakikinig sa kanyang sinasabi habang sinisimulang magsalin ng whiskey sa baso. Kumuha na rin ako ng yelo na nasa loob ng maliit na ref sa loob ng bar.
"Nawalan lang ako nang kakayahang maglakad pero pakiramdam ko, ang turing ng lahat sa akin ay walang silbi."
"Ayaw ka lang nilang mahirapan kasi mahal ka nila. Kahit ako, hangga't kaya ko, tutulungan kita. Bakit naman hindi kung mapapagaan noon ang pamumuhay mo at magiging maayos ang lahat."
"Pero hindi 'yon ang kailangan ko," giit nito.
"Is that the reason why you're rushing the wedding?" tanong ko. "And what's with the face? You don't look excited. Mas mukha ka pang napipilitan kaysa masaya. Saka sino ba 'tong mysterious fianceé mo? We've been friends for a long time but I haven't heard of her," dagdag ko pa.
"She's my childhood friend and madalang lang kaming magkita noong college tayo. Busy rin kasi s'ya sa pag-aaral saka kung saan-saan 'yon nagpupunta kaya siguro hindi kayo nagkatagpong magkita. Beside, I don't want to introduce her to you. Sigurado akong hindi mo papalampasin 'yon. Sa tinik mo ba namang 'yan," turan nito.
He didn't answer my first question. Pero hindi ko na rin ipinilit. Baka hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol doon.
"If you told me she's off-limits, I would definitely back off. But since, when did you two got in a relationship? I haven't heard from you since the accident, then the next I knew, magpapakasal ka na."
"She did this because she's blaming herself about what happened," malungkot nitong turan.
"Is it though?" tanong ko. "Is it her fault that you were tied in a wheelchair for your whole life?"
"It's not. No matter how many times I told her that it isn't her fault, she keeps on insisting that it is. Kahit anong paliwanag ko sa kanyan na desisyon ko ang nangyari, ipinagpipilitan pa rin niya na s'ya ang may kasalanan."
"Is that why she's marrying you?" muli kong usisa.
Tahimik siyang tumango. Malalim na kumunot ang aking noo.
"But dude, you're a firm believer of love before marriage. How could you marry someone you don't love?"
Malungkot itong ngumiti, "You are mistaken, bro. I love her. Bakit sa tingin mo hindi ko s'ya pinakilala noon sa 'yo?" saad niya. "Dahil alam kong kahit na sabihin kong off-limits siya, wala pa ring kasiguraduhan iyon na hindi siya mahuhulog sa 'yo," sagot niya sa sarili niyang tanong.
"Dude, you're overpraising," pabiro kong turan. "Does she loves you?" hindi ko napigilang itanong.
"I hope so. Umaasa akong matutunan din niya akong mahalin," turan nito saka malungkot na ngumiti.
"That's so f****d up, dude," habol kong biro. "Mabuti na lang at pumayag sila Tita Martha at Tito Christopher na kidnap-in kita," dagdag ko pa.
Mahina lamang itong tumawa saka pinagpatuloy ang pag-inom. "Actually, they didn't want to. Nagpumilit lang ako kaya sila pumayag."
"I'm hurt! Wala ba silang tiwala sa akin?" kunwa'y akto kong tila nasaktan.
"Wala. Paano naman sila magkakaron ng tiwala sa 'yo, eh, puro kalokohan ang ginagawa natin no'ng college pa tayo," saad ni Garett.
Masaya akong napangiti nang maalala ako ang mga masasayang sandali namin noon bago siya maaksidente.
"I just hope she can make you happy, bud. You deserve to be happy."
"More than my happiness, I wanted her to be happy. Dahil ang kaligayahan niya ang tunay kong kaligayahan. Hindi ko maaatim na maging miserable s'ya dahil sa akin."
"You must have loved her deeply for you to think about her happiness more than yours," komento ko.
Kitang-kita ko ang kislap sa kanyang mga mata habang nagkukuwento tungkol sa babaeng papakasalan niya. Masaya akong makita na kahit papaano, sa kabila nang lahat nang nangyari sa kanya, mayroon pa ring isang bagay na lubos na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan.
"Tama na nga ang pag-uusap natin tungkol sa lovelife ko," pag-iiba nito sa paksa. "How about you? How's New York? Kumusta ang glass production business n'yo?"
"It's fine. Striving but we're fine. Medyo nakakabawi na kami from the losses last year. And we're actually expanding. I closed the deal with a big company in New York, that's why Dad allowed me to go back here to the Philippines for your engagement. Hopefully, payagan n'ya rin ako on your wedding day," turan ko. "I was planning of opening a branch here in the Philippines, para dito na lang din ako manatili."
"I'm really glad you came, Kaleb. This means a lot to me," wika niya.
"You're my best friend. Of course, I'll be there."
"I'm your only friend, Kaleb," kontra niya.
"Hey, that's not true!" tanggi ko.
But as a matter of fact, it's true. People saw me as arrogant and snob, but the truth is it's hard for me to trust anyone. It seems like people nowadays make it a habit of using someone for their own advantage. Si Garett lamang ang kaisa-isang taong nakilala ko na busilak ang loob at tapat na kaibigan. I don't know what did I do to deserve him. I would do everything for him. He's more like a brother to me than a friend.
"Fine, name a friend other than me," hamon nito.
"Piolo," tugon ko.
"Pascual?" dugtong niya.
Mariin ko siyang sinimangutan habang nakakunot noo itong pinapanood habang tumatawa. Iyong tawang umaabot hanggang mata. Masaya ako na kahit papaano, sa kabila nang lahat ng nangyari ay nagagawa pa rin niyang tunay na magin masaya. Sana lamang ay magawa siyang pasiyahin ng babaeng kanyang papakasalan.
*********************