Chapter 7

2269 Words
CHARLIE MARAHAN niya akong inilapag sa buhangin sa likod nang matatayog na bato. Hindi ito nag-aksaya ng pagkakataon at mabilis na sinakop ang aking mga labi. Mapusok at mapaghanap ang kanyang mga halik. Tila ba isa itong hayop na hayok sa pagkaing nakahantad sa kanyang harapan. Damang-dama ko sa pagitan ng aking mga hita ang naghuhumindig niyang p*********i. Hudyat iyon nang labis niyang pananabik sa akin. Kissing a man during my trip wasn't my usual go to. Ito ang unang pagkakataon hinayaan kong paulit-ulit na angkin ng isang lalaki ang aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa unang pagkakataon sa miserable kong buhay, nakaramdam ako ng kapayapaan sa piling niya. Sa loob ng mahabang panahon, kinalimutan ko na ang tungkol sa pagmamahal. Dahil alam kong kahit anong mangyari ay nakatali na ang aking kinabukasan sa lalaking hindi ko mahal. Kaleb is a bad news. Sa mga iilang pagkakataong nakasama ko siya ay hindi ito nagmimintis na iparamdam sa akin kung paano maging masaya. Ngunit kahit gaano pa man kasaya ang manatili sa kanyang mga bisig, hindi noon mababago ang katotohanang hindi na ako malaya. "Hmmm..." Hindi ko napigialng mapaungol nang simulan niyang masasahihin ang aking kanang dibdib. Habang ang kanyang mga labi ay patuloy sa pakikipagduwelo sa aking bibig. Mariin akong napapikit nang unti-unting dumausdos ang kanyang labi pababa sa aking leeg at nilapatan iyon ng mabibining mga halik. Napaliyad ako nang mas lalo pang bumaba ang kanyang mga labi sa aking dibdib. Kasunod noon ay walang babala niyang hinawi ang aking pang-itaas dahilan upang bumulaga sa kanya ang aking malusog na dibdib. Wala itong inaksayang oras, mabilis nitong ipinasok sa mainit niyang bibig ang aking korona. "Aaahhh..." malakas kong ungol habang hindi ko malaman kung saan ibabaling ang aking ulo dahil sa labis na sarap na dulot ng kanyang bihasang mga labi. Hindi ko alintana ang buhanging unti-unting bumabalot sa aming mga katawan. This isn't what I was dreaming of to be my first experience, but with this man, it doesn't really matter. Hindi mahalaga para sa akin kung saan niya ako angkinin, ang importante ay siya ang makakasalo ko sa panibagong karanasan na ito. "As much as I wanted to devour you even more, hindi na ako makapaghintay," mapang-akit niyang bulong sa akin nang bahagya nitong iangat ang kanyang ulo mula sa pagkakasubsob sa aking dibdib. Mariin na lamang akong pumikit habang hinihintay ang kasunod niyang gagawin. Bahagya pa akong napaigtad nang maramdaman ko ang paghagod ng kanyang daliri sa aking gitna. "You are so f*cking wet," mapang-akit niyang bulong sa akin. "It's because I just got off from the water, genius," kunwa'y sarkastikong turan ko sa kanya. "Really? Let's see," nakangising tugon nito bago marahang hinawi ang aking swimsuit upang tumambad sa kanya ang aking basang hiwa. Mariin akong napalunok nang makita kong inilabas niya mula sa kanyang boardshort ang kanyang kahandaan. I already had an idea that he was huge but I wasn't he expecting that he was this massive. Bumaon ang aking mga kuko sa kanyang balikat nang simulan niyang ikiskis ang ulo ng kanyang p*********i sa aking lagusan. Napangiwi ako saka mariing napapikit nang simulan niyang ipasok ang kanyang p*********i sa aking hiyas. Hindi ko inakalang ganito pala kasakit ang pakikipagniig. Malayong-malayo ito sa mga napapanood ko at sa mga nababasa ko sa mga nobela. "F*ck! F*ck! F*ck!" Mabilis akong napadilat dahil sa labis na pagkagulat. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakakatitig sa kanya. Nakatayo na ito sa aking harapan habang pabalik-balik nang lakad. "Why didn't you tell me, for Pete's sake!" he snarled. "Didn't tell you what?" takang tanong ko saka mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga sa buhangin. "Why didn't you tell me you're a virgin?" galit nitong tanong. "Why are you taking it against me?" ganting tanong ko. "What difference does it make?" dagdag ko pa habang inaayos ang aking sarili. "What difference does it make? Really?" tila hindi makapaniwalang turan nito. "You're a f*cking virgin, Charlie!" "So, what?!" ganting sigaw ko rito. "It's my body. I can't do whatever I want. My body, my rules. Ngayon, kung ayaw mo sa katawan ko, eh 'di 'wag! Maghahanap na lang ako ng ibang lalaking—" bago ko pa man matapos ang aking sasabihin ay mabilis niyang hinapit ang aking baywang saka marahas na inangkin ang aking mga labi. Hindi ito katulad ng mga halik niya kanina. Malayo sa masuyo at maingat nitong mga galaw. Mapaghanap at mapagparusa ang kanyang mga labi sa pagkakataong ito. Wala na ang init ng bawat dampi ng kanyang mga labi. Napalitan na iyon ng rahas. Inipon ko ang aking buong lakas saka mariin itong itinulak. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay mabilis na dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Tila bahagya na rin itong nahimasmasan dahil sa nangyari. "I-I'm..." Hindi ko na pinatapos pa kung anuman ang kanyang sasabihin. Mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik sa dati naming kinauupuan. "Charlie, wait!" malakas niyang tawag sa akin. Ngunit hindi ako nag-abalang lingunin ito. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng kanyang galit. Eh, ano naman kung wala pa akong karanasan? Why does virginity seems to be a big deal nowadays? Would he react the way that he does if he found out that I'm not virigin anymore? Hindi ba dapat mas matuwa pa nga s'ya? Minsan talaga malapit na akong maniwala na wierdo ang lalaking iyon. "Charlie, wait! I'm sorry," habol nitong hiyaw sa akin. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit mula sa upuan saka mabilis na umalis. Ngunit bago pa man ako makalayo ay mabilis niyang nahawakan ang aking braso. "Wait, please. Let's talk," wika nito. "You know what, you're too complicated for me. Ilang oras pa lang tayong nagkakakilala, hindi ko na agad mabilang sa daliri ko kung ilang beses akong nag-walk out at ilang beses tayong nagtalo. I don't like this kind of relationship. Kahit fake relationship lang 'to, ayaw ko pa rin sa masyadong complicated, kaya break na tayo," wika ko saka muling nagtangkang tumalikod dito. Wala akong narinig na pagtutol mula rito ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang aking braso. Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago marahang binitawan ang aking braso.  "But before you leave..." turan nito saka tinawag ang aking waiter.  Agad namang lumapit ang lalaking tinawag nito. Humingi ito ng kapirasong papel saka humiram ng ballpen. Nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Matapos magsulat sa kapirasong papel ay muli niyang ibinalik ang ballpen na hawak at agad namang umalis ang lalaki. "Here's my hotel and room number. Come to me if you change your mind," wika nito saka inabot sa aking ang kapirasong papel. "I won't," kumpiyansa kong sagot saka mabilis itong tinalikuran. Ngunit hindi ko alam kung bakit tila wala akong lakas na itapon ang kapirasong papel na inabot niya sa akin. Nababaliw na ata talaga ako, wika ko sa aking sarili habang naiiling. * * * Dumiretso ako pabalik sa aking hotel kung saan ako nananatili. Agad akong naligo at nagpalit ng tuyong damit. Isinampay ko sa terrace ng aking silid ang mga basang damit upang matuyo iyon. Matapos iyon ay agad akong nagtungo sa aking kama saka binuksan ang aking laptop habang tinutuyo ang aking buhok. Ito ang huling taon ng usapan namin ni Garrett. Ang huling taon ko nang pagiging malaya. Dahil bago matapos ang taong ito ay nakatakda na ang aming kasal. May limang buwan pa kong natitira upang gawin ang lahat ng nais kong gawin. Sana lamang ay maging sapat ang mga buwan na iyon upang magawa ko ang lahat ng mga nais kong gawin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa aking sarili nang maalala ko ang mainit naming halikan ni Kaleb. Wala sa sarili kong nakapa ang aking labi habang nanunumbalik sa aking alala ang init ng kanyang mga halik, ang kiliti na dulot ng kanyang mga palad na humahaplos sa bawat parte ng aking katawan. Lalo na ang mainit niyang labi na walang humpay na nagpapaligaya sa aking dibdib. Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Muli akong nanumbalik sa aking katinuan at agad na kinuha ang aking cellphone upang tingnan kung sino ang tumatawag. Malungkot akong napabuntonghininga nang makita ko ang pangalan ni Garrett. Bumuga muna ako ng malakas na hangin bago iyon tuluyang sinagot. "Hi, Garrett!" bati ko habang pilit na pinapasigla ang aking tinig. "Nakabalik ka na ba?" tanong ko rito. "Oo, kahapon pa. He was planning for another trip but I declined. Alam ko namang magiging pabigat lang ako sa kanya," kuwento nito. Agad na nabahiran ng lungkot ang aking puso nang marinig ko ang kanyang sinabi. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lamang sana ako nagpadalos-dalos nang gabi iyon, sana ay hindi kinailangang ni Garrett na iligtas ako. Wala sana kami sa sitwasyong ito ngayon. "Charlie, are you okay? Bigla ka na lang nawalan ng imik," untag ni Garrett sa kabilang linya. "Ah, eh, o-okay lang ako. May iniisip lang ako," pagdadahilan ko. "T-This friend of yours, saan ka niya kamo inaaya?" pag-iiba ko sa paksa. "He said wanted to go to the beach. Pero hindi na ko pumayag. Hindi rin naman ako makakalangoy. Baka makaabala pa 'ko sa kanya," wika nito. "Garrett, how many times do I have to tell you? Hindi ka pabigat. And if your friend thinks otherwise, then he's not your friend at all," wika ko. "He's a good man, Charlie. Napagod lang din siguro ako sa nauna naming biyahe kaya hindi ko na rin ginustong sumama. But you know what? You should meet him sometime. Tiyak magkakasundo kayong dalawa. Parehas kayong adventurous," wika nito. "Are you trying to pair me with your friend?" birong turan ko rito. "Well, I have bad news for you, Mr. Velasquez, I'm sorry to inform you, but you can't get rid of me," dagdag ko pa. "Well, you can't blame this man for trying," ganting biro nito. "Oh, too bad. Because you're stuck with me," saad ko saka ko iyon sinundan ng mahinang tawa. Narinig ko rin ang pagtawa ni Garrett mula sa kabilang linya. "Teka nga, bakit ka pala napatawag?" tanong ko nang matapos akong tumawa. Saglit itong natahimik na tila ba hindi nito agad masabi kung ano talaga ang kanyang pakay. "Garrett?" muli kong tawag dito. "They want the wedding to happen in two months," wika nito. Sa pagkakataong ito, ako naman ang bahagyang natigilan. Ang buong akala ko kasi ay may limang buwan pa akong maaaring gugulin para sa aking sarili bago ko tuluyang isuko ang buong buhay ko sa pagsisilbi kay Garrett. "P-Pero ang usapan natin ay sa katapusan pa ng taon," saad ko. "I know, and I'm sorry. Pinilit ko sila Lolo at Lola pero mapilit sila. Gusto na raw nilang makita nila tayong ikasal dahil baka raw hindi natin masabi at bigla na lamang silang bawiin ng Panginoon," paliwanag ni Garrett. "Garrett! Don't say that! Mahaba pa ang buhay nila. Bakit ba nagmamadali sila?" wika ko na sinundan ko agad ng isang malalim na buntonghininga. "I told them that. Pero mapilit sila. They wanted the wedding to happen sooner rather than later." Muli akong napabuga nang malakas na hangin. Alam kong darating ang araw na ito ngunit hindi ko inaasahang kakaunti na lamang pala ang panahon ko.  "It's fine. Tell them I agreed," wika ko. "Charlie, we don't have to do this," turan ni Garrett. "I know. But I want to. Tama naman sila. Bakit pa papatagalin, doon din naman ang punta natin." "They wanted to announce our engagement pagbalik na pagbalik mo. They already planning for a grand annoucement," dagdag pa nito. "Tell them to do whatever will make them happy," wika ko habang malungkot na nakangiti. "How about you, Charlie? Are you happy?"  Bahagya akong natigilan sa kanyang tanong. Gusto kong sumagot ng "oo" pero walang lumalabas ang aking bibig. Tila ba iyon ang isang bagay sa mundo na hindi ko kayang sabihin kung hindi iyon ang tunay kong nararamdaman. Ano nga ba ang magpapasaya sa akin? I know Garrett will always be loyal to me and he will never do anything to hurt me. Pero iyon nga ba ang magpapaligaya sa akin? Ang habangbuhay na manatili sa comfort zone ko? But what choice do I have? Kahit gusto kong hanapin ang bagay na tunay na magpapaligaya sa akin, alam kong wala akong karapatan. "I-I have to go, Garrett. T-Tatawagan na lang kita kapag nakabalik na ako." Hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong kaya naman mas pinili ko na lamang magpaalam dito. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot dahil agad ko nang pinatay ang tawag. Nanghihina ako napasandal sa headboard ng kama. Napadako ang aking mga mata sa kapirasong papel na nasa ibabaw ng bedside table. Marahan ko iyong dinampot at tinitigan. "Kaleb Maddox Dela Costa," mahinang basa ko sa pangalang nakasulat sa kapirasong papel na ibinigay niya sa akin kanina. Habang nakatitig ako sa mga titik ng kanyang pangalan ay muling nanumbalik ang saya na dala ng kanyang mga ngiti. Pati na rin ang init ng kanyang mga halik at yakap. Pakiramdam ko, sa unang pagkakataon ay nagtapuan ko ang kahulugan ng pagiging masaya. Sa sandaling nakasama ko siya ay natutunan kong kalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Walang kahit ano sa isip ko kung 'di ang saya habang kasama ko s'ya. Dahil sa kaalamang kakaunti na lamang ang natitirang panahon sa akin ay nagpasya akong sulitin ang bawat minutong natitira. Gagawin ko ang lahat ng mga bagay na gusto kong gawin habang may pagkakataon pa ako. Kahit ngayon lang, gusto kong piliin ang sarili ko. Gusto kong maging masaya. **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD