Chapter 8

1940 Words
CHARLIE HINDI ko matandaan kung ilang oras akong nakatitig sa kapirasong papel na naglalaman ng pangalan, hotel, at room number ni Kaleb. Makailang ulit akong nakipagtalo sa aking sarili bago tuluyang nakapagpasya.  Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng pinto ng kanyang silid. Bilang na bilang ko kung gaano na nga ba ako katagal nakatayo sa labas ng kanyang pinto. Labinlimang minuto, iyon ang saktong bilang simula nang tumayo ako rito. Mailang ulit akong humugot ng malalim na hininga bago ako nagkaroon nang lakas ng loob na kumatok sa pinto. Tatlong mahihinang katok ang aking ginawa. Walang pang ilang segundo ay agad na bumukas ang pinto ng kanyang silid. Marahan akong napangiti nang makita ko ang gulat sa kanyang mukha na tila ba hindi nito inaasahan na dara  gulat na gulat? Binigay mo sa akin ang room number mo pagkatapos magugulat ka kapag pumunta ako," wika ko saka walang babalang hinawi ang kanyang katawan at pumasok sa loob ng kanyang silid. "I-I thought you're not going to come," nauutal nitong turan. "Well, I'm here. So, what's up?" saad ko saka pasalampak na naupo sa mahabang sofa na naroon. May kalakihan ang kanyang silid. Hindi ito katulad nang tinutuluyan ko. Hindi na rin ako nagtatakang masyado dahil sa porma pa lamang niya ay mukha na itong may kaya. Mula sa mamahaling sasakyan na gamit nito noong una kaming magkita hanggang sa mamahaling damit nito na gusto niyang gawing basahan. "I-I would like to say I'm sorry about how I created a while ago," simula nito. "Hindi nga kita maintindihan, eh. Kung ibang lalaki siguro 'yon baka tuwang-tuwa dahil sila ang nakauna sa akin. Pero ikaw..." binitin ko ang aking sasabihin. "...Hindi ko maintindihan kung bakit. Mas lalo tuloy lumakas ang kutob kong wierdo ka," dagdag ko. Mahina itong natawa saka marahang naglakad papalapit sa aking kinauupuan. Bahagya akong napangiti sa aking sarili nang sa halip na tumabi ito sa akin sa mahabang sofa ay naupo ito sa pang-isahang upuan sa tapat ko. What a perfect gentleman, wika ko sa aking sarili. "that's the point, Charlie. It's not that I don't want it. To be honest, I can't be more ecstatic knowing that you are willing to give me your virginity. You have no idea how much I wanted to do that the moment I have laid my eyes on you," paliwanag nito. Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa naging paliwanag niya. Mas lalo lamang tumindi ang aking pagtataka kung bakit ganoon na lamang ang galit niya nang malaman iyon. "Then, why?" takang tanong ko. "Because I don't want your memory of your first time to be in the filthy sand behind those rocks. You deserve flowers, hot bathe, and a room full of petals and scented candles," wika nito. Hindi ko alam kung bakit ngunit ganoon na lamang ang bilis nang t***k ng aking puso. Tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagdudulot nang hindi maipaliwanag na kaligayahan sa aking buong pagkatao. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang isipin ang mga bagay na iyon gayong wala pang isang araw simula nang magkakilala kami. Bukod pa roon ay hindi naman ito magtatagal dahil pagkatapos nito ay babalik na kami aming mga kanya-kanyang buhay. Dahil sa kanyang mga sinabi ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuan saka mabilis na nilandas ang pagitan naming dalawa. Walang babala akong kumandong sa kanyang mga hita na agad niyang ikinagulat. "W-What are you doing?" gulat na gulat nitong tanong. Ngunit sa halip na sagutin ay mabilis kong sinakop ang kanyang mga labi. Ninamnam ko ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Ang init ng kanyang mga halik ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa aking katawan.  Ilang minuto lamang na natigilan si Kaleb bago tuluyang nakabawi. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang marahas na paggalaw ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Paghanap ang kanyang mga halik at punong-puno nang pagnanasa. Ngunit kaakibat noon ay ang ibayong pag-iingat na tila ba isa akong babasaging kristal na kailangan niyang ingatan.  Makalipas ang ilang minuto ay naghiwalay ang aming mga labi. Kasalukuyan pa rin akong nasa kandungan niya habang ang kanyang mga braso ay nakapulupot sa aking baywang. Ang aking mga braso naman ay nakabitin sa kanyang batok. "What was that?" takang tanong nito matapos habulin ang kanyang hininga. "All those words you said, I had the sudden urge to kiss you. At kung hindi ka titigil sa mga mabubulak mong salita, I might actually fall in love with you," biro ko. "And so what if you fall in love with me? I'm single," wika nito saka mahinang tumawa. Bahagya akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. "We had a deal," seryosong turan ko. "Yes, and I have every intention of acknowledging that deal. But we can't stop ourselves from having feelings towards one another," giit nito. "I-I can't..." sagot ko saka nagtangnkang umalis mula sa kanyang kandungan. "You know what, why don't we have s*x already? Tutal 'yon naman talaga ang pinunta ko rito, eh." "You know what, you're kinda aggressive for a virgin. And it makes me want to ravish you right now," halos pabulong nitong turan.  "So, what are you going to do about it?" mapang-akit kong saad sa kanya. Bahagya nang nawala ang pagkailang namin dahil sa aking sinabi. Mahina itong natawa. Ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong buhatin at saka ibinagsak sa mahabang sofa. "As much as I want to take you right now, I won't do it," saad nito. "Why not?" gulat kong tanong saka sinundan ito nang tingin habang papalapit sa refrigerator na naroon. Kumuha ito ng dalawang lata ng beer saka inabot ang isa sa akin. Nakanguso ko itong tinanggap habang matalim na nakatitig sa kanya. "What?" nangingiting tanong nito nang makita niya ang talim ng aking titig. "Bakit ayaw mong makipag-s*x sa akin?" kunot-noong tanong ko. "Who says I don't want to?" tugon nito saka umupo sa pang-isahang upuan at sumandal sa backrest ng sofa saka ipinatong ang kanyang isang braso sa armrest. "Kakasabi mo lang—" "I said, "I won't" I didn't say "I don't," pagtatama niya. "So what, parehas pa ring ibig sabihin no'n na hindi natin gagawin," nakangusong turan ko saka binuksan ang lata ng beer na inabot nito. "Why are you such in a hurry? Daig mo pa may metro ng taxi. Mamamatay ka na ba?" biro niya. Bigla akong natigilan dahil sa kanyang tanong. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya kung bakit ako nagmamadali? Paano ko ipapaiintindi sa kanya ang sitwasyon ko nang hindi siya pinapapasok sa buhay? Natatakot akong kapag sinabi ko ang totoo sa kanya, baka magbago ang isip ko tungkol sa pagpapakasal kay Garrett. Hindi ko iyon maaaring gawin sa kanya. Binigo ko na siya noon, hindi ko na ulit gagawin iyon. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pakawalan ang lalaking unti-unting umuuka ng lugar niya sa aking puso. "D-Don't tell me, y-you're dying?" gulat na gulat nitong turan. Mukhang iyon ang pagkakaintindi sa aking pananahimik. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig upang itama ito ngunit nawalan ako ng lakas. Hindi ko maamin sa kanya na nakatakda na akong ikasal. He's a man of principle. May kutob ako na kapag sinabi ko ang tungkol sa bagay na iyon, maaaring magbago ang isip niya at iwasan ako. Muli akong nanahimik at yumuko na lamang saka tumitig sa aking mga daliri. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. I don't want to lie to him. Pero ito lamang ang naiisip kong paraan upang manatili siya sa aking tabi kahit sa maiklling panahon lamang. "F*ck! You're dying?" ulit nitong muli. Hindi na nito napigilang mapatayo sa kanyang kinauupuan. Napasabunot ito sa sarili nitong buhok dahil sa pagkabalisa. Mahina akong napatawa habang pinapanood kung paano nito tinatanggap ang kasinungalingan ko. Kung siguro sa ibang pagkakataon lamang baka pinakasalan ko na ang lalaking ito. Napakaperpekto nito sa kahit anong aspeto.  Kunot-noo siyang napabaling sa akin nang marinig niya ang mahina kong tawa. "You're smiling? How can you smile in a situation like this?" Bakas ang inis sa kanyang mukha.  Hindi ako makapaniwalang kaya niyang mag-alala nang ganito ka-grabe sa taong kakakilala pa lamang niya. Ang sarap sigurong niyang maging asawa kung sakali. Kung hindi nga lang talaga ako nakatakdang ikasal sa iba, baka hindi ko na pinakawalan ang lalaking ito. Baliw lang ang aayaw sa ganitong klaseng lalaki. At isa na ako sa mga baliw na iyon. Dahil kahit gaano ko pa siya gustong makasama at manatili sa kanyang tabi, alam kong pagkatapos ng bakasyon naming ito, pipiliin ko pa rin ang iwan siya. "Masama bang masaya dahil nakikita kong grabe ang pag-aalala mo sa akin?" nakangiting tugon ko. Bumuga ito nang malalim na hininga saka bagsak ang balikat na lumakad papalapit sa akin saka umupo sa aking tabi. "How long?" tanong nito nang makaupo siya sa mahabang sofa katabi ko. "Ha?" takang tanong ko. "How long do you still have before you know..." ulit nito. Muntik ko nang makalimutan na hinayaan ko nga pala siyang maniwala na may taning na ang buhay ko. Mabuti na rin ito. Para kung sakaling dumating ang pagkakataong maghihiwalay na kami, hindi na niya ako magagawang hanapin. "Huwag na nating pag-usapan 'yon. Tara, uminom na lang tayo," pagbabago ko sa paksa. Bagama't alam kong nagsinungaling na ko sa kanya dahil panananhimik ko. Ayaw ko pa ring tuluyan siyang linlangin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin. Mukhang apektado talaga ito sa nalaman niya. "Hey, cheer up! Daig mo pa namatayan," biro ko. Mabilis itong lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin. Mukhang hindi ata nito nagustuhan ang biro ko. "Sorry na!" wika ko sa nag-peace sign dito. "Ang seryoso mo kasi. Huwag mo na ngang isipin 'yon. Narito tayo para kalimutan ang lahat ng bagahe natin sa buhay. Huwag mong hayaang masira ang mga natitirang araw natin dito sa Baler," saad ko. Humugot muli ito ng isang malalim na hininga. "Fine, what do you want to do? Malalim na ang gabi pero sigurado namang may mga bukas pang bar sa mga oras na ito. Gusto mo bang uminom sa labas?" tanong niya. "Hindi na. Okay na sa 'kin 'tong beer na 'to. Saka napagod na ko buong araw sa pagsi-surf. Gusto ko lang muna magpahinga ngayong gabi." "Okay. Then, let's just watch movie," suhestiyon nito. "Perfect! May pulutan ba tayo?" tanong ko. Bahagya itong lumingon-lingon sa kanyang paligid. Napakamot ito ng ulo nang mapagtantong wala ang aking hinahanap. "I don't have. But I think the hotel has room service. I'll call them. Do you want anything?" tanong niya. "Nah! Ikaw na bahala," tugon ko habang abala sa pagpindot ng remote at pagpili ng panonoorin. Pigil ko ang aking ngiti nang marinig ko kung gaano karami ang in-order nito. Akala mo ay may bibitayin dahil sa dami ng pagkain pinahatid nito sa silid. Matapos ibaba ang telepono ay agad ding siyang bumalik sa aking tabi. Nang makabalik ito ay agad kong ipinatong ang aking binti sa ibabaw ng kanyang hita. Mabilis itong napalingon sa akin ngunit nagpanggap akong nakapako ang aking mga mata sa telebisyon. Nakita ko pa sa aking gilid ang bahagya niyang pag-iling saka ibinaling ang mga mata sa harap. Pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa na sabay na nagpapahinga pagkatapos nang mahabang araw sa trabaho. Nagsimulang maglaro sa aking isip ang imahe namin dalawa ni Kaleb bilang mag-asawa. May kakaibang galak ang dulot ng imahinasyong iyon sa aking puso. Ngunit kasabay noon ay biglang pagbalot ng lungkot sa aking puso. Dahil alam kong kahit gaano ko pangarapin ang bagay na iyon, kahit kailan ay hindi ito mangyayari. **************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD