Chapter 9

1623 Words
CHARLIE TAHIMIK kaming nanood ng telebisyon habang umiinom ng beer. Hindi ko na mabilang kung nakailang lata na ako ngunit alam kong medyo marami-rami na rin dahil bahagya na akong nakakaramdam ng pagkahilo. Pasimple akong sumulyap sa gawi ni Kaleb na kasulukuyang nakapako ang mga mata sa harap ng telebisyon. Pakiramdam ko ay lalabas ang aking puso mula sa aking dibdib dahil sa labis na kaba. Halos mabingi ako sa lakas nang t***k ng aking puso. Buo na kasi ang loob ko na ipagkaloob ang aking sarili sa kanya.  Sa tinagal-tagal kong naglalakbay sa iba't ibang panig ng Pilipinas, hindi si Kaleb ang unang lalaki na nagpakita ng interes sa akin. Hindi sa pagmamayabang ngunit hindi rin naman papahuli ang aking angking kagandahan. I'm 5'8" in height. Mas mataas sa karaniwang pinay. Kahit madalas sa dagat ay hindi maipagkakaila ang kinis at puti ng aking kutis. Agaw-pansin rin ang mahaba at kulot kong buhok na hanggang likod. Marami ring nagsasabi na iba ang taglay na ningning ng medyo singkit kong mga mata. Ngunit noon 'yon, dahil ngayon ay wala na ang ningning na dati nitong taglay. Bagama't alam kong hindi naman ako pangit, hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na magkakainteres ang lalaking kasing guwapo ni Kaleb. Siguro namang mas maraming magaganda at kaakit-akit na dalaga sa ibang bansa. Bigla ko tuloy naisip, hindi kaya may girlfriend na ito? Ngunit kung sakali mang mayroon, ano naman ang pinagkaiba noon sa akin? Hindi ba't hindi na rin naman ako malaya? Dahil abala ito sa panonood ay nagkaroon ako ng pagkakataong muling titigan ang nakapaguwapo nitong mukha. Higit na mas matangkad ito sa akin. Kahanga-hanga ang tikas ng kanyang katawan na tila banat sa gym. Ngunit ang mas lalong nagpapatingkad sa kanyang kakisigan ay ang kulay tsokolate nitong mga mata na talaga namang mas lalong tumitingkad sa ilalim ng araw. Ang matangos nitong ilong at ang matalas na mga panga ay mas lalong nakakadagdag sa kanyang angking kakisigan. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila may naudyok sa akin na kabisaduhin ang bawat parte ng kanyang mukha. Dahil alam kong kaunti lamang ang natitirang mga araw para sa aming dalawa. Napapitlag ako nang bigla siyang lumingon sa aking gawi. "What?" nakangiting tanong niya sa akin nang mahuli niya akong nakatitig sa kanyang mukha. "Baka naman matunaw ako n'yan," dagdag pa nito. "Okay lang, papatigasin na lang kita ulit," pilyang turan ko. Napahagalpak ako nang tawa nang makita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at ang pamumula ng kanyang tainga. For a man who spends a lot of time in a liberated country, he seems to be so innoccent. "You should have seen your face," wika ko sa pagitan ng aking mga mata.  Yakap ko ang aking tiyan dahil nagsisimula na itong manakit dahil sa labis kong pagtawa. "And you think that's funny?" iritableng turan nito saka muling sumandal sa mahabang sofa  habang ang isang braso ay nakapataong sa ibabaw ng sandalan ng upuan. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa telebisyon. Ipinagpatuloy nito ang pag-inom ng beer na hawak nito. Bakas pa rin ang pagkainis sa kanyang mukha.  Tumigil ako sa pagtawa nang makita kong seryoso na ito. Napanguso ako saka marahang lumapit sa kanya. Halos magdikit na ang aming mga katawan dahil sa labis naming pagkakalapit. Ipinatong ko ang aking braso sa ibabaw ng kanyang braso na kasalukuyang nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng upuan. Hindi man lamang ito kumibo kahit na halos iilang pulgada na lamang ang pagitan naming dalawa. Mukhang nagtampo nga talaga ito at wala itong balak pansinin ako. "Are you mad?" tanong ko saka mahinang sinundot na kanyang pisngi. Nanatili itong tahimik habang mariing nakatutok ang kanyang mga mata sa telebisyon. Muli kong sinundot ang kanyang pisngi upang kunin ang kanyang atensyon ngunit laking gulat ko nang bigla niyang hinablot ang aking kamay saka iyon dinala sa pagitan ng kanyang mga hita. Laglag ang aking panga dahil sa pagkagulat. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa labis na pagkabigla. Mariin din akong napalunok nang mapagtanto ko kung gaano katigas at kahaba ang kanyang alaga. "You teased me that you'd make me hard, well, congratulations," sarkastikong wika nito saka mabilis na pinalis ang aking kamay mula sa galit niyang p*********i. "Why do you make it sounds like a bad thing? Hindi ba iyan naman talaga ang ipinunta natin dito? Huwag mong sabihing narito tayo para manood ng TV," wika ko saka pinagkrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga bago inilapag ang hawak nitong lata ng beer sa ibabaw ng center table. Matapos iyon ay marahan itong humarap sa akin saka inabot ang aking isang kamay. Tila may kung anong humaplos sa aking puso nang marahan niyang dampian ng masuyong halik. "I already told you, I wanted your first to be special. Maybe you don't want it, but I don't think I could bear into my conscience that I didn't give you the night that you deserve," paliwanag nito. "That's why no matter how h*rny I am right now, I was trying hard to stop myself from claiming you." "Pero sinabi ko na sayo, na hindi importante sa akin ang mga bulaklak at kung ano pang pakulo. What's important to me is that I'll be doing it with you," tugon ko. "I know, and I heard you the first time. But knowing what I just heard a while ago makes me want to make it more special for you. So please, let me do this for you," turan niya. "Tss. Ang dami mo namang arte," pagtataray ko rito. Ngunit ang totoo niyan ay walang paglagyan ang kaligayahan sa aking puso. Hindi ko maiwasang humanga rito kahit sa sandaling panahon pa lamang naming nagkakakilala.  Kung ibang lalaki siguro ito ay agad na sasamantalahin ang pagkakataon at puno nang pag-aatubiling susungguban ang pagkakataong ito. Ngunit ibang-iba si Kaleb. Mas iniisip nito ang aking kalagayan kaysa sa pansarili nitong pangangailangan.  Hindi ko napansin kanina pa pala ako nakatitig sa kanya habang abot-tainga ang ngiti ko. Pinaningkitan niya ako ng tingin bago muling nagsalita, "Sigurado ka bang hindi ka psychopath? Parang kinakabahan na ako d'yan sa ngiti mo, ah," wika nito. Imbis na sumagot ay mabilis akong gumapang papalapit sa kanya saka mabilis na umupo sa kanyang kandungan. Pagkatapos ay walang babala kong sinakop ang kanyang mga labi. Mainit at malalim ang halik na iyon. Ngunit hindi gaya kanina ay saglit lamang iyon dahil alam kong maaaring kung saan pa iyon mapunta. Bagama't alam kong labis ang pagtitimpi na ginagawa ni Kaleb sa kanyang sarili, lalaki pa rin ito at may hangganan ang kanyang pagpipigil. "What was that for?" takang tanong nito nang maghiwalay ang aming mga labi. "To say thank you for respecting me as a woman," tugon ko. "Alam kong hindi mo ito kailangan gawin, but since we met, you've been nothing but a gentleman. And that's one thing I admire about you." "One thing? So, there are other things that you like about me?" kumpiyansa nitong tanong. "Hmmm....Let's save it for later," kunwa'y biro ko saka marahang tinapik ng aking daliri ang tungki ng kanyang ilong. "Looking forward to that," sagot niya. "Come on, let's call it a night. Marami ka na ring nainom at siguradong pagod ka na ring maghapon," saad nito saka walang babala na tumayo mula sa mahabang sofa.  Muntik pa akong mapatili nang bigla niya akong buhatin saka marahang dinala patungo sa kama.  "I assume you're going to spend the night here, right?" paninigurado nito habang marahan niya akong ibinababa sa malambot nitong kama. "Only if you want me to," tugon ko. "I wouldn't want anything in the world than to lay and sleep by your side," seryosong turan nito. "Kapag patuloy kang naging ganito ka-sweet sa akin, baka talaga ma-fall na ako sa 'yo n'yan," biro ko rito. Ngunit sa loob ko, alam kong hindi iyon biro. Dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkahulog ko sa kanya kahit sa maikling panahon lamang. "No one is stopping you, Charlie. I'm all yours," tugon nito saka marahang dinampian ng mabining halik ang aking noo. Pagkatapos noon ay saglit itong umalis upang iligpit ang mga kalat na iniwan namin sa ibabaw ng lamesa. "You want my help?" tanong ko. "No need, love. Stay there and take a rest. I got this," turan nito. Pakiramdam ko ay lumipad papalabas ng bintana ang aking puso nang marinig kong tawagin niya akong "love". I know it's a simple endearment, but it never fails to make my heart flutters. Lalo na't galing kay Kaleb ang mga katagang iyon. Nakangiti ako habang pinanonood ang bawat niyang galaw. Nang matapos ito ay agad nitong pinatay ang mga ilaw saka lumapit sa kama. Halos mabingi ako sa lakas nang t***k ng aking puso habang hinihintay itong humiga sa aking tabi. Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang pag-uga ng kama indikasyon na humiga na ito sa aking tabi. Mas lalong nadagdagan ang aking kaba nang masuyo niyang hapitin ang aking baywang papalapit sa kanya. Marahan niyang iniangat ang aking ulo saka ipinatong iyon sa kanyang braso. "Sweet dreams, love," mahina niyang bulong sa aking tainga saka muling hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Mariin akong napapikit upang namnamin ang init ng kanyang mga yakap. Gusto kong memoryahin ang bawat detalye ng gabing ito upang baunin ko kapag dumating na ang takdang panahon na hindi na ako magiging malaya. Sa huling pagkakataon, gusto kong maranasan kung paano ang magmahal nang walang alinlangan. Simula sa gabing ito, pansamantala kong kakalimutan ang tungkol sa aking responsibilidad. Kahit ngayon lang, pipiliin ko munang maging makasarili. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Kaleb na nasa aking ulunan. May ngiti sa mga labi akong natulog nang gabing iyon. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD