CHARLIE MABILIS na lumipas ang mga araw. Hindi ko na namalayan na halos isang linggo na pala ang nakalipas. Kaleb has been nothing but sweet and caring throughout those days. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa dahil sa pag-aalaga niya sa akin. Wala na akong mahihiling pa sa mga oras na ito. At kung sakali mang mawala ako sa mundong ito, pakiramdam ko ay buong-buo na ako. Halos malibot na namin ang buong Baler. Bawat araw ay mahalaga sa amin. Pinipilit naming maging makabuluhan ang mga nalalabing araw namin na magkasama. Pero ngayong araw ay napilitan kaming manatili lamang sa aming hotel dahil may mga trabaho siyang kailangang tapusin. Simula kaninang umaga ay hindi na ito tumikal sa kanyang laptop. Ang mga mata nito ay mariing nakatutok doon. Kaya naman mas lalo akong humanga sa kan