SPG-MATURE CONTENT CHARLIE GAYA nang nais ni Kaleb, wala na kaming inaksayang oras at agad na ni-rebook ang ticket upang maakalis kami nang araw ding iyon. Kahit malayo at mahaba ang biyahe ay hindi ko alintana ang pagod lalo na't naging maalaga at palaging nakaalalay si Kaleb sa akin. Sa tuwing kasama ko siya ay pakiramdam ko, napakabilis lumipas ng oras. Ganoon ata talaga kapag mas nakatutok ang atensyon mo sa isang tao. Hindi mo na namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Malalim na ang gabi nang makatapak kami sa Siargao Airport. Agad kaming sinalubong nang ilang tauhan ng hotel na inahanda ni Kaleb. Wala akong ideya kung saan kami tutuloy dahil mukhang naplano na nito ang lahat. Hindi na rin ako sumubok magtanong at hinayaan ko na lamang ito sa mga gusto niyang gawin. "Welcome