•••
Mahigit tatlong buwan na ang lumipas nang nandito kami sa puting kuwarto. Paulit-ulit lang ang pinapagawa sa amin. Walang araw na hindi kami nagtatalik ni Kyle.
Sa mga buwan na kasama ko siya rito, napag-alaman kong may personality disorder siya. Pero hindi ko alam kung ano talaga roon. Puwedeng dual, maaari ring multiple. Hindi ako doctor, may malaking posibilidad na mali ako, pero sa mga nababasa ko at may posibilidad na may sakit siyang ganoon. Sagkakaalam ko, ang sakit na iyon ay nakukuha sa isang hindi magandang karanasan. Maaaring ang dahilan nito ay ang panggagahasa ng uncle Manuel niya simula noong bata pa siya.
Sa buwan na dumaan, nadiskubre kong dalawa ang katauhan niya, pilyong Kyle sa umaga at mabait naman sa gabi. Sa totoo lang, natutuwa ako sa dalawang katauhan niyang iyon. Para na ring tatlo kaming nandito sa puting kuwarto na ito.
Napag-alaman ko rin na sa tuwing nag-iiba siya ng katauhan ay hindi niya na matatandaan ang nangyari. Ang ginagawa ko na lang ay pinagpapalit ko siya ng damit. Ibinabalik ko ang damit niya kung saan iyon ang suot niya nang hindi pa siya nagpalit ng katauhan para hindi malito. Noong unang linggo kasi namin dito, palagi niyang inuuntog ang ulo sa pader kapag naguguluhan siya sa nangyari.
Sa aming dalawa, ako ang nasa tamang pag-iisip kaya ako ang mag-adjust sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ko talaga alam ang lunas ng sakit niya. Pero ang sigurado ako, kailangan niya ng pagmamahal at pag-unawa.
Sa dalawang katauhan ni Kyle ay mas lalo akong namangha sa kanya. Dalawang cool na lalaki ang kasama ko. Tawanan sa umaga at seryosong usapan naman sa gabi. At aaminin ko, mahal ko na ang buong siya.
Habang nagtatawanan kami ng pilyong Kyle, may naririnig kaming sigaw ng isang lalaki na paparating. Familiar ang boses na iyon na labis na ikinagulat ko. It can't be, it's my brother, Dilan!
Pagbukas ng pinto, napatulo na lang ang luha ko. Hindi nga ako nagkamali sa narinig ko. Hinuli rin nila ang kapatid kong lalaki. Ano ba ang binabalak nila?! Tinulak nila ang kapatid ko na walang awa. Mga hayop sila!
"Kuya!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kapatid ko.
~~~