Muling isinara ng mga lalaki ang pinto at wala na naman kaming magawa kung hindi ang makulong dito. Hindi na rin namin sinasayang ang mga boses namin para humingi ng tulong dahil wala rin namang makaririnig sa amin. Wala na kaming pag-asa pa at panghabang-buhay na lang na makulong dito. Maging sunod-sunuran sa gusto ni Manuel.
"Faith!" umiiyak na sambit ni Kuya nang makita ako.
"Kuya, kumusta sila Mama?" tanong ko. Gusto kong malaman ang kalagayan nila.
"Nasa hospital si Papa. Inatake sa puso..." Humagulgolnito. "S-si M-mama."
"Ano? Ano ang nangyari kay Mama?" pag-aalala ko. Hindi ito makasagot at umiiyak lang. Kinakabahan ako. "K-kuya? S-si M-mama?"
"Wala na siya!" sigaw nito.
"Anong wala? Umalis siya ng bahay?" tanong ko. Sana ganoon nga. Sana mali ako.
"Inatake sa puso si Mama nang ipinaglaban ka sa panghuhusga ng mga tindera't tindero sa palengke. Patay na si Mama, Faith. Hindi siya umabot sa hospital." Natulala ako sa narinig ko. "Viral kasi ang mga s*x tape niyo ni Kyle. People think na nagtanan kayong dalawa. Pero hindi kami naniniwala roon. Nakita namin sa CCTV ang pagdampot ng mga lalaki sa inyo na sakay sa puting van. Ewan ko sa ibang tao kung bakit nila pinipilit na intensyon niyo talagang ginawa iyon. Sirang-sira na ang pangalan niyong dalawa! Ipinaglaban kayo ni Mama sa kanila."
Napiling ako. Hindi ito totoo. Panaginip lang ang lahat ng ito. Buhay pa si Mama! Buhay pa siya!
Tahimik akong umiiyak habang niyayakap ni Kuya. Bakit ba ito nangyari sa amin? Nasaan na ba ang Diyos? Meron ba talagang Diyos? Bakit niya hinayaan itong mangyari sa amin. Mabait ang pamilya ko. Hindi kami makakasalanan na tao, pero bakit kami ang pinaparusahan niyo nang ganito? Nagkulang ba kami sa pananampalataya upang matikman ang galit niyo!? Bakit si Mama pa? Bakit hindi na lang ako? Tapos agaw buhay rin si papa ngayon sa hospital! Ano na? Kulang pa talaga? Pati ang Kuya ko dinamay niyo? Akala ko ba nandiyan ka lagi? Akala ko ba mahal niyo kaming nilikha niyo? Pero bakit? Ang daming bakit!? Bakit! Bakit! Bakit! Walang Diyos. Humagulgol ako. Walang Diyos. Ang Diyos ay isang salita lang na pinaniniwalaan kahit hindi makatotohanan.
Napatigil ako sa pag-iyak nang bumukas ang pinto. Pumasok si Manuel dala ang kaniyang baril. Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lang siya nang masama. Pagbabayaran niya ang lahat ng ito! Lahat sila! Makukulong sila! Silang lahat!
"Pakawalan niyo kami! Ikaw pala ang may pakana ng lahat ng ito! Ang kapal mong magbigay ng pabuya sa makakakita sa pamangkin mo. Ikaw lang naman pala ang kumidnap sa kanya! Baliw!" sigaw ni Kuya. At dahil sa mga nabitawan niyang salita ay nasampal siya nito ng baril.
"Maghubad ka!" sigaw ni Manuel sabay tutok ng baril sa noo ni Kuya. "Hubad!"
"Baliw ka, uncle!" sigaw ni Kyle.
"Talaga? Ano ang tawag mo sa sarili mo?" pang-aasar ni Manuel.
"Shut up! He's still your nephew!" sigaw ko habang umiiyak. "Hindi siya katulad mo na isang demonyo!"
"Talaga? Paano kung barilin ko sa harapan mo ang kapatid mo?" Tumawa ito. "Demonyo pala, ah." Nagpaputok ito ng baril sa kisame kaya napasigaw ako sa sobrang takot. "Ikaw!" sabi nito kay Kuya. "Magbuhad ka na! Bilis!"
Napatingin ako kay Kuya at nanginginig na ito sa takot habang dahan-dahan na hinubad ang damit niya.
"Kuya 'wag!" sigaw ko.
~~~