Chapter 5 - The Underdog

2324 Words
Nagmadali si Kelly na sundan ang mga kasama habang nag-wa-warm up ang mga ito. Tumakbo sila at inikot ang buong field— isa lamang iyon sa mga exercises na kailangan nilang gawin bago umpisahan ang practice game. At kanina pa siya halos hindi makasabay sa mga ka-grupo. Ang kaninang limang talampakang pagitan niya sa mga ito ay naging sampung metro na. She could not catch up with them, her knees have started to sway, and she knew that anytime soon, she would just drop herself on the ground. Hindi talaga kaya ng katawan niya ang matagalang physical activity. Hindi rin niya alam kung bakit malumanay siya. Kung bakit mahina siya at malumbay ang mga katawan. Hindi siya sobrang payat, kung tutuusin, sakto kang ang laki ng katawan niya sa tangkad niya. Hindi rin siya sakitin, hindi lang talaga kaya ng katawan niyang tumakbo ng matagal at mabilis. Mabilis din siyang mapagod at hindi niya kayang magbuhat ng mga maibibigat. Naniniwala siyang kulang lang siya ng training kaya ganoon. Kung may tao sanang maaaring tumulong sa kaniya upang mapag-tibay niya ang kaniyang katawan, sigurado siyang hindi siya matatanggal sa team. Nanlumo siya at lalong bumagal ang pagtakbo nang pumasok sa isip ang kondisyong ibinigay sa kaniya ng coach nila. Kinausap siya nito noong nakaraang araw at sinabi nito sa kaniya na maliban sa wala siyang skills sa sports, mahina rin ang katawan niya. She was told that she didn't have the agility and strength that they needed for a team member. She couldn't even hit the ball. So their coach told her that she needed to improve herself and get stronger, otherwise, she will be kicked out from the team. AGAIN. Pangatlong team na ito na sinalihan ko, ayoko nang pumalpak. Ang nais lang naman niya ay mapabilang sa mga sports team ng school nang sagayon ay magkaroon siya ng maraming kakilala at mga kaibigan. She had always wanted to have a big circle of friends, kaya lang ay hindi siya gusto ng mga ka-klase niyang babae. They avoided her as if she had a contagious disease. Inisip niyang siguro, dahil iyon sa pagiging malamya niya. I really need to do something about my weakness... "Kelly, watch out!" Ang sigaw na iyon ni Moira ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Pag-angat niya ng tingin ay huli na ang lahat— dahil tumama na ang bola sa noo niya at huli na para umiwas. She was hit by the ball again, and this time, it knocked her off. Bumagsak siya at sandaling nagdilim ang paningin. Ilang beses na nagpalit ang dilim at liwanag sa balintanaw niya, hanggang sa makita niya ang malabong anyo ni Moira na lumapit at lumuhod sa tabi niya. "Kelly!" Alam niyang nagsalita si Moira at tinawag ang pangalan niya, pero hindi niya iyon gaanong narinig. Na-bingi siya sa lakas ng pagkakatama ng bola sa noo niya— pati ang kaniyang paningin ay nanlabo. She could also feel something coming out from her nose. "Fudge!" tarantang sigaw ni Moira, kasunod nang pagpahid nito ng palad sa kaniyang mukha. "Tumawag kayo ng medics, please! Kelly's nose is bleading!" Bleeding...? Oh, I'm scared of blood... aniya sa isip habang unti-unti nang sinasakop ng dilim ang kaniyang paningin. Ang sumunod na mga nangyari ay hindi na niya naalala pa. Her thoughts were hazy, but she could faintly hear the commotion and Moira's frantic voice. Hanggang sa may bigla na lang bumuhos sa mukha niya dahilan upang mapasinghap siya at mapa-bangon. Para siyang nalunod na umahon at sunud-sunod na naghabol ng paghinga. "You're awake now?" Umangat ang tingin niya sa nagsalita at pilit itong inaninag. Nang tuluyan nang naging malinaw ang paningin niya ay nakita niya si Elda na nakayuko sa kaniya nang may ngisi sa mga labi— sa kamay nito ay ang nakabukas na tumbler. "Why did you..." hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin nang muli itong nagsalita. "I did that to wake you up," sagot nito saka nilingon ang mga junior students sa hindi kalayuan na naglalaro ng baseball. "Tinamaan ka ng bola nila sa ulo. Hindi kaya sign na ito na hindi ka talaga nararapat sa field, Kelly?" Ibinalik nito ang tingin sa kaniya at muli siyang nginisihan. "Stop forcing yourself, will you? Kahihiyan lang ang idudulot mo sa team na ito. Hindi ko alam kung bakit binigyan ka pa ni Coach ng isang buwan na evaluation samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na walang tiyansang makatulong ka sa team na 'to. Just give up already. Maaapektuhan mo lang ang lahat sa mga kapalpakan mo." Tumalikod na ito at niyaya ang iba pa nilang mga kasama na ituloy ang pag-ja-jog. Si Moira na minabuting tulungan siya kaysa makipagtalo kay Elda ay inalalayan siyang tumayo. "That Elda... Ire-report natin siya sa guidance counselor, hindi na makatao ang ginagawa niya sa'yo. Hindi por que siya ang team captain natin ay—" "It's okay," agap niya rito. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Moira dahil nahihilo pa rin siya mula sa pagkakatama ng bola sa ulo niya. "Kung hindi niya ako binuhusan ng tubig ay baka tuluyan akong nawalan ng malay at naabala ko pa kayong lahat." "How can you still think of that after what she did to you?" "Because I don't easily hate people, Moira. Mas naiinis ako sa sarili ko dahil kung hindi ako mahina at malamya, hindi sa akin maiinis si Elda. Kung ikaw sa lugar niya ay baka mainis ka rin sa kalamyaan ko—" "Kung ako ang nasa lugar niya ay mas tutulungan pa kitang matutuo. I will focus more on you and help you improve. Mali ang mindset ng babaeng iyon." Napangiti siya sa kay Moira saka pinahiran ang basang mukha gamit ang manggas ng PE shirt niya. "Thank you for your kindness. Masaya akong naging malapit tayo." Tipid na gumanti ng ngiti si Moira, ang pag-aalala ay nasa anyo pa rin nito. "Hali ka na nga, patingnan na natin iyang bukol mo sa clinic." Tumango siya at nagpaalalay rito sa paglalakad. At habang marahan silang humahakbang ay binalingan ni Moira ang mga junior students na nakatunghay sa kanila sa hindi kalayuan. "At kayo! May area kayo para magtractice, doon kayo nang sagayon ay wala kayong natatamaan dito!" Takbuhan palayo ang mga junior students sa lakas ng sigaw ni Moira. * * * Kasalukuyang nakatayo si Kelly sa labas ng school building matapos ang klase at nag-iisip kung aling daan ang tatahakin — daan pauwi, o daan patungo sa field kung saan naroon ang buong team para mag-practice game. May naka-schedule silang practice game sa araw na iyon subalit nagdalawang isip siya kung pupunta sa field para sumali o uuwi na lang dahil nag-aalala siyang maging pabigat at abala na naman sa mga kasama. Uuwi na lang ba ako? Pero ano ang gagawin ko sa bahay? Walang mangyayari sa akin kung hindi ako magpu-pursigi. Itinuwid niya ang sarili, itinaas ang mukha, at sinulyapan ang daan patungo sa field. Walang mangyayari kung susuko siya. Papaano siya makahahanap ng maraming kaibigan kung susukuan niya ang hamon ng team nila? At papaano niya mapapatunayan sa mga ito na hindi habang buhay ay ganoon lang siya? Okay, I'm joining the practice game today. Gusto ng utak niyang humakbang patungo sa field subalit ayaw makisama ng kaniyang mga paa. Sinapo niya ang ulo nang muli na naman siyang nagdalawang-isip. Dalawang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong nakikitang improvement sa performance ko— para nga ba sa akin ang sports? Should I keep trying or... just give up on it? Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Siguro nga ay mas makabubuting umuwi na lang ako at mag-yoga. Bukas na ako sasali sa practice game... Mabilis na sumunod ang kaniyang mga paa sa naging pasiya niya. Subalit hindi pa man siya naka-ilang hakbang ay pilit siyang huminto, mariing pumikit, saka umiling-iling. "Ano ba 'tong ginagawa ko? Imbes na lalo akong magsumikap ay nagpapakatamad ako." Nilingon niya ang daan patungo sa field. "I have to do this." Kipkip ang dalawang makakapal na libro at folder na may lamang mga test papers niya ay bumalik siya sa kinaroroonan kanina at tuluy-tuloy na binaybay ang daan patungo sa field. Papaliko na siya likod ng school building kung saan naroon ang field nang may mabanggang lalaki. At dahil likas siyang lampa ay bumuway ang pagkakahawak niya sa mga dala-dala. Muntikan din siyang matumba kung hindi lang siya kaagad na naka-balanse kasunod nang pagkatumba niya. Ang libro at mga testpapers ay kasabay niyang bumagsak sa lupa. "Ohh," ungol niya nang kumirot ang balakang sa pagkakatumba. Sinulyapan niya ang mga test papers na nagkalat sa tabi niya, at nang makitang ang ibang sa mga iyon ay bumagsak malapit sa kanal ay nanlaki ang mga mata niya. Importante sa kaniyang mai-uwi ang mga iyon dahil nais niyang ipakita ang mga iyon sa Papa nila na nagta-trabaho sa Germany. Her high scores and grades were some of the things that motivated their father. Nakasanayan na nila ni Kimmy na ipadala ang mga test papers nila sa tatay nila kalakip ang kanilang mga sulat. Kaya bago pa man mahulog nang tuluyan ang mga iyon sa kanal ay mabilis siyang kumilos— tumayo siya at isa-isang dinampot ang mga papel. Ang lalaking nakabanggaan niya ay yumuko rin at tinulungan siyang damputin ang mga gamit niya. "T—Thank you..." she muttered without looking. Tuluy-tuloy lang siya sa pagkuha ng mga test papers habang nag-iingat na hindi marumihan ang mga iyon. "Wow, look at these scores," usal ng lalaki na ikina-tigil niya. "I have to say, these are impressive. You must be really smart?" Nilingon niya ito at nang makita kung sino ang nakabanggaan niya'y pinanlakihan siya ng mga mata. Bernard Craig! Mula sa pag-suri sa hawak nitong test paper ay nag-angat ng tingin si Brad. "Sorry, inagaw ng scores mo ang pansin ko. Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Napa-himas siya sa balakang. Bahagya iyong kumikirot pero hindi niya iyon sasabihin kay Brad. "I'm fine," she answered instead. "Ano ba'ng mayroon sa atin at madalas tayong nagkakabanggaan?" Brad asked in amusement. "We were like magnets— we attract and collide." Hindi niya ito sinagot— sa halip ay kinuha niya mula rito ang test paper na hawak nito at ang dalawang libro. "Thanks for helping," aniya nang hindi makatingin ng diretso rito. "So, you're an engineering student, huh?" tanong pa nito bago isinuksok ang mga kamay sa pagkabilang bulsa ng pantalon. Tumango siya bilang pagsagot. "Hmm, I see." Naibalik na niya ang lahat ng lumipad na test papers sa loob ng folder nang muli niya itong balingan. "I have to go now," aniya bago ito nilampasan. Pangiwi siyang nagpatuloy sa paglalakad dahil sa kumi-kirot pa ring balakang— at ayaw niyang makita ni Brad ang pag-ngiwi niyang iyon kaya mabilis na niya itong iniwan. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ng husto ay narinig niyang muli ang tinig nito. "Hey." Huminto siya subalit hindi lumingon, "W—What do you need?" "What's your name again?" Salubong ang mga kilay na nilingon niya ito at manghang tinapunan ng tingin. "Hindi ba at nagpakilala na kami ng kapatid ko noong nakaraan sa harap ng bahay niyo?" Brad shrugged his shoulders nonchalantly. "Sorry, I suck at remembering names. So, would you mind giving me yours again?" Buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago sinagot ang hiling nito. "Kelly Antonette." Malapad na ngumiti si Brad. "Your name suits you." At katulad noong nakaraang pinuri nito ang suot niyang T-shirt ay muli siyang pinamulahan ng mukha. Hindi niya gustong ipakita rito ang pagmumula niya, kaya yumuko siya at akma na sanang itutuloy ang paglalakad nang muli itong nagsalita. "Why are you letting that woman bully you every time? Why won't you fight back?" Muli siyang nahinto at kunot-noong hinarap ito. "What?" "Noong araw na tinamaan ka ng bola ng mga estudyanteng naglalaro ng baseball sa field habang kayo ng mga ka-team mo ay nag-jo-jog, I was there sitting on the bench nearby. Nakita ko ang lahat ng nangyari, lalo na noong binuhusan ka niya ng tubig sa mukha. I thought you would confront her, but you didn't. Again." Again? Nagpatuloy si Brad. "Hindi iyon ang unang beses na nakita ko siyang pinag-trip-an ka. But you remained nonchalant about it, giving that woman the right to do it to you over and over again. Kaya, bakit?" Napasinghap siya. "W—Were you always watching us when we do our exercise and practice game?" Balewalang nagkibit-balikat si Brad. "Can't help it, madalas akong nagpapalipas ng oras sa field after classes, at sa tuwing naroon ako'y naroon din kayo para mag-practice. You were so helpless— sigurado ka ba talagang gusto mong makasali sa ganitong team? Nakakaawa kang tingnan sa tuwing sadya kang binabato ng bola ng mga team mates mo. Look at you," mabilis siya nitong pinasadahan ng tingin. "You look so vulnerable and weak." Umiwas siya ng tingin. Alam niyang hindi siya nito ini-insulto, sa halip ay nahihimigan niya ang simpatya sa tinig nito. "Wala kang... pakealam." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "You should try defending yourself sometimes. Kapag nanatili kang tahimik at hinayaan siyang gawin sa'yo ang ganoon, she will never stop. And it could get worse, you know?" Siya naman ang sunod na huminga ng malalim. "I am doing my best to—" "Would you like me to help you?" Natigilan siya at muli itong tiningala. "Help me? H—how?" "First, you need to get stronger. And I can be your personal trainer." She leered at him. "I don't have money to pay for your services." Natawa ito sa sinabi niya, and by God, she was mesmerized. "Don't worry, I don't need your money. But I have a deal to make." Humigpit ang pagkipkip niya sa mga gamit at salubong ang kilay na nagsalita, "Well, okay. Go ahead and tell me." "I'm really not interested in doing my thesis, but I need it to graduate. Maybe you can help me with that?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD