Chapter 4 - Welcoming Neighbors

1498 Words
"Kelly, Kimmy, hali nga kayo at dalhin ninyo ito sa kabila.” Nagkatinginan ang magkapatid nang marinig ang sinabi ng kanilang ina. Kanina pa sila nito pinipilit na pumunta sa kabilang bahay at ihatid ang niluto nitong kaldereta at baked raisin cookies para ihandog sa mga bagong lipat nilang kapit-bahay, subalit pareho silang kanina pa nagbibingi-bingihan. Kimmy was just lazy to get up from laying in the couch, while she was too shy to meet their neighbours. Nakasanayan na sa lugar nila na maghatid ng pagkain sa mga bagong kapitbahay para i-welcome ang mga ito. No big deal, parati naman nilang ginagawa iyon, kaya lang ay hindi maiwasan ni Kelly na makaramdam ng hiya matapos ang nangyari kahapon. "May assignment pa akong tatapusin, Ma," sabi ng katorse anyos niyang kapatid na si Kimmy. Bumangon ito mula sa pagkakahilata sa couch at pinatay ang TV. Akma na sana itong aakyat patungo sa silid sa itaas nang muling magsalita ang mama nila. “Mamayang gabi mo na tapusin ang assignments mo, dalhin niyo muna ito ni Kelly sa kabila. Kayong dalawa na lang dito sa area natin ang hindi pa nagpapakilala sa pamilya Craigs.” "Craigs?" ulit ni Kimmy na saglit na huminto. "Foreigner ang bago nating kapitbahay, Ma? Aba, aba!” "Purong Pilipina si Mrs. Craig pero nakapag-asawa ng Amerikano. May dalawa silang anak na lalaki na kasama niyang umuwi rito habang ang asawa ay sandaling naiwan sa States. Parang tayo lang din, ang papa ninyo ay nasa Germany para kumayod nang mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Hala, sige na't dalhin niyo na ang mga ito roon habang mainit pa itong kaldereta. Magpakilala kayo ng maayos, ha? At Kelly, tumingin ka ng diretso sa mga mata ng kausap mo. Alisin mo na iyang hiya mo sa katawan mo,” mahabang lintanya ng mama nila bago tumalikod at bumalik sa kusina. Nanulis ang nguso niya sa sinabi ng ina. Si Kimmy naman ay nilapitan siya at hinila sa braso.  “Hali ka na Kelly,  at silipin na natin ang mga half-breed nating kapitbahay. Hindi ka ba nako-curious na makita sila?” Lalo siyang napa-nguso.  Eh nakita ko na ang isa sa kanila noong isang araw at...  Huminga siya ng malalim. Siguradong hindi siya titigilan ni Kimmy kung hindi siya susunod, kaya napilitan siyang tumayo at nagpahila rito patungo sa kusina.  Pagdating doon ay nakita nila sa ibabaw ng mesa ang isang ceramin container kung saan nakalagay ang kaldereta at isang glass jar ng raisin cookies na mainit-init pa. Sabay silang lumapit sa mesa; she took the jar of cookies and Kimmy took the dish. “O, mag-ingat kayo sa paghakbang at baka matisod kayo’t mabitiwan ang mga lalagyan. Naku, kukutusan ko talaga kayo,” pahabol pa ng mama nila bago sila lumabas sa back door.  Nakayuko siyang sumunod kay Kimmy nang tuluyan na silang nakalabas. Nanguna ito sa paglalakad patungo sa kabilang bahay. Linggo ang araw na iyon at siguradong naroon ang mag-anak sa bahay ng mga ito. Pagkarating nila sa front door ay doon na siya nakaramdam ng panginging ng tuhod. Ni hindi niya alam kung bakit iyon nangyayari sa kaniya— hindi niya alam kung natural iyon kapag nahihiya ang tao?  Irrespective, she knew she had to calm herself down, otherwise, she would embarass herself all the more.  Si Kimmy ay inayos muna ang alun-alon na buhok bago kumatok. Makaraan ang ilang sandali ay pareho nilang narinig ang tunog ng rim lock mula sa loob, kasunod ng pagbukas ng pinto.  Sabay silang napatingala ni Kimmy nang bumungad sa kanila ang isang matangkad na lalaki na ang mukha’y wala man lang bahid ng kahit anong emosyon.  It wasn’t the man she met the other day. It was someone else— someone who looked similar to that Bernard Craig. "May I help you?" tanong nito. Kung paanong walang ka-emo-emosyon ang mukha nito’y ganoon din ang tinig. He was like a person with a dead soul. Kung tama ang hula niya, ang lalaking kaharap nila sa mga oras na iyon ay kapatid ng lalaking nakilala niya kahapon. They looked alike— and the only difference was their skin tone.  Because the guy she met the other day had a typical Filipino skin color—  while the guy in front of them right now had a fair skin, tipikal sa mga may puting lahi. Halos sakupin ng lalaki ang buong pinto sa tangkad nito— ang katawan ay may kalakihan din na tila batak sa work out. He looked younger compared to the man she met though, so she would assume that he’s the younger brother. “Good morning!" masiglang bati ni Kimmy nang makabawi sa pagkatigalgal. “We brought some food to welcome you to the neigborhood. Our house is just next to yours.” Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki sa kabila ng siglang ipinakita ni Kimmy at malapad na mga ngiti. Doon lang niya napansin na magkasalubong rin ang mga kilay nito at tila kay mahal ng mga ngiti.  Sino ba ang nanakit sa lalaking ito? mangha niyang tanong sa isip. "Who is it?” Napasinghap siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon sa likod ng bahagyang nakabukas na pinto. Bago pa siya maka-atras at makatakbo pauwi sa bahay nila ay tuluyan nang bumukas ang pinto at lumitaw sa kanilang harapan ang lalaking nakilala niya kahapon The dashing Bernard Craig. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Kimmy nang bumungad sa paningin nito ang lalaki. Oh well, hindi niya masisi ang kapatid…  Si Bernard Craig ay nakatayo sa tabi ng lalaking nagbukas ng pinto sa kanila, wearing a white sleeveless top and a jogger pants. Tagaktak ang pawis nito at halos bumakat na ang suot na puting sando sa katawan. He's taller and had a biggger body compared to the cranky-looking man. She gulped for no reason at all— lalo na nang dumapo ang tingin nito sa kaniya.  "Holy cow..." bulong ni Kimmy sabay hila sa laylayan ng T-shirt niya. "Nasa labas yata ang dalawang ‘to at may bitbit na drum sa likod nang magpaulan ang Diyos ng ka-gwapuhan, Kelly.” Disimulado niyang siniko ang kapatid. "Manahimik ka, ano'ng alam mo sa bagay na ‘yan?” “Eh, kasi naman, Kelly…” ramdam niya ang panginginig ng kapatid— hindi dahil sa takot o lamig, kung hindi dahil sa kilig. Lalo nang biglang ngumisi si Bernard. "I'll take that as a compliment, Miss.” Sabay na nanlaki ang mga mata nila sa narinig, kasunod ng pag-tanong nila ng,  “Naka-i-intindi ka ng Tagalog?” The cranky-looking guy sneered. "We have a Filipina mother, what do you expect?” “Oh,” sabay din nilang usal na magkapatid.  Si Kimmy, na kaagad na nakabawi, ay muling nagsalita, "By the way, my name is Kimmy Margarette and this is my sister Kelly Antonette. You can call us Kimmy and Kelly.” Si Bernard ay sandaling inalis ang tingin sa kaniya at hinarap si Kimmy. Nagpakawala ito ng ngiti na muling ikina-singhap ng kapatid niya.  “Hi, Kimmy,” he started. “My name is Bernard but you can call me Brad. And this is my brother Lennard, you can address him as Len—“ “Lennard,” putol ng kapatid ni Brad na hindi pa rin nagbabago ang anyo. “You can address me as Lennard, and nothing but Lennard.” Napangisi si Brad at ginulo ang buhok ng kapatid. “Chill, man. Be nice to them.” Ibinalik ni Brad ang pansin kay Kimmy. “You can call him Lenny— he likes it when people call him that.” Si Kimmy ay ibinaling ang tingin kay Lennard na umasim ang mukha sa sinabi ng kapatid.  “I despise it when other people call me that,” sagot nito sa anyong hindi nagbago. “Hindi ba at pambabaeng pangalan ang Lenny?” salubong ang kilay na tanong ni Kim na ikina-tawa ni Brad at ikina-talim ng mga mata ni Lennard.  Akmang sasagot ang lalaki nang tapikin ito sa balikat ni Brad. “That’s enough. They’re here to offer kindness, hindi ka dapat nakikipagtalo.” Hindi na sumagot pa si Lennard at umismid na lang. Si Brad ay muling ibinalik ang pansin kay Kimmy na nagsalubong ang mga kilay sa pagsusuplado ng kapatid, nginitian ito, bago siya hinarap. Brad’s smile widened as he looked at her with fondness.  “Hi,” anito.  “H—Hi,” utal niyang sagot.  “You look different without your school uniform.” “Well, I—“ Niyuko niya ang sarili at sinuri ang suot. She was wearing a pink shirt with monkey character imprinted on it, and a white above-the-knee cargo shorts. On her feet was a pair of skin-tone slippers. Napa-ngiwi siya— mukha siyang pitong taong gulang na bata sa suot niya.  “I like your shirt,” sabi pa ni Brad na ang ngiti ay permanente na yatang naka-paskil sa mukha nito. “You look cute in it,” dagdag nito na ikina-taranta niya.  Unti-unti niyang naramdaman ang pag-init ng mukha, lalo pa nang lingunin siya ni Kimmy at ngisihan nang may panunukso. Bago pa man mapansin ni Brad ang pamumula ng magkabila niyang mga pisngi ay mabilis na siyang lumapit dito at walang ibang salitang inabot rito ang cookie jar saka tumalikod. Halos tumakbo siya pauwi sa kanila, at hindi na pinansin pa ang pagtawag ni Kimmy sa kaniya.  *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD