Katulad ng napag-usapan, si Bernard Craig ay tumayong trainer niya araw-araw para mapagtibay niya ang katawan, samantalang siya nama'y tumayong assistant nito sa pag-gawa ng thesis.
Madaling araw pa lang ay lumalabas sila na sila para mag-jogging. He would make her run around the neighborhood for hours— until she dropped on the ground and gasped for air. Kapag bumagal lang siya ng takbo ay sisitahin siya nito. Kapag humingi naman siya ng break ay hindi pumapayag— ang sabi'y kailan niyang labanan ang sariling katamaran. Like hell? She was asking for break because she could feel her bones breaking apart! Hindi dahil tamad na siyang magpatuloy!
Pero hindi siya nagreklamo at sinunod na lang ang lahat ng sabihin nito. Kahit pa nga ba pakiramdam niya'y maghihiwa-hiwalay na ang mga buto niya sa sobrang sakit ng kaniyang katawan kada matapos sila sa mga exercises nila, at kahit na halos gapangin na niya ang akyat-panaog sa hagdan— hindi siya nagreklamo.
Maaaring tama si Brad— na tamang disiplina lang sa sarili ang kailangan niya. Sinabi nitong kalaunan ay masasanay din ang katawan niya, basta raw hindi lang siya sumuko at ituloy lang nang ituloy.
They focused on cardio in the first week— jogging, jumping jacks, jump ropes, and squat jumps. Ang sabi ni Brad ay kailangang pagtibayin muna niya ang kaniyang mga binti. It was tough— Brad was a tough trainor. Sa likod pala ng mga ngiti nito'y may pagka-istrikto ito.
Hanggang sa dumating ang ika-anim na araw ng linggong iyon at hindi na siya nakaramdam ng pananakit sa mga binti. Sa ika-anim na umaga'y hindi na siya gumapang sa hagdan nila— at hindi niya iyon napansin, not until Kimmy joked about it. At natuwa siya dahil doon niya napagtantong nasanay na rin sa wakas ang katawan niya. Brad's training was effective after all.
In the second week, they focused on weights. Brad made her carry heavy stuff like a gallon of water and a backpack full of rocks while she walked around the neighborhood. Kahit ang mga kinakain niya ay bantay sarado nito. Definitely no junk foods— just all healthy, protein-rich foods.
Kung may pananakit man siya sa likod o braso sa mga weight training nila ay hindi niya naramdaman— dahila nasasanay na ang stamina niya. And she was proud of herself for those little achievements.
Bago matapos ang ikalawang linggong pagte-training nila ay isang buong gabi siyang tinuruan ni Brad ng mga key moves sa volleyball. He taught her how to serve, spike, and reach over the net to get the ball. She had no idea that he knew how to play— gusto niyang itanong rito kung ano ang hindi nito kayang gawin. Makalipas lang ang dalawang araw ay malaki na ang improvement niya sa laro.
Makalipas ang dalawang linggong training nila na iyon ay nagawa na niyang makipag-sabayan sa mga kasama niya sa team tuwing magwa-warm up sila. Hindi na siya nadapa, at nagawa na niyang saluhin ang bolang sadyang ibinabato ni Elda sa direksyon niya.
She became physically and mentally active, na ipinagtaka ng team mates niya at ikina-taas ng kilay ni Elda. Imbes na matuwa ito sa improvement niya ay may palagay siyang lalo pa itong nainis sa kaniya.
Isang hapon ay mainit ang ulo nito at siya ang pinagbuntungan ng inis. Elda was yelling at her for no reason at all. Kahit instructions ay pasigaw nitong sinasabi sa kaniya. She felt bad but she didn't let it show. Inisip niyang maaaring nasi-stress lang ito dahil sa nalalapit na sports fest, at sa kaniya nito naisip na pakawalan ang lahat ng stress na iyon.
Nang matapos ang practice game nang hapong iyon ay sadya pa siyang binangga ni Elda, at dahil nakatalikod siya'y hindi siya naka-iwas. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya naka-kapit kaagad kay Moira na kasabay niyang naglalakad. Ang iba sa mga team nilang nakita ang ginawa ni Elda ay malakas na nagtawanan, habang si Moira nama'y munti na naman sumugod kung hindi lang niya ulit pinigilan.
Masama ang loob niya sa ginagawa sa kaniya ni Elda— akala pa man din niya'y matutuwa na ito sa kaniya dahil nag-improve siya. Pero sa palagay niya'y iba ang dahilan kung bakit mabigat ang loob nito sa kaniya. At nalulungkot siya dahil hindi niya alam kung ano pa ang ibang gagawin upang tanggapin siya nito.
Pero ang lungkot niya nang hapong iyon ay kaagad na napawi at napalitan ng tuwa nang makatanggap siya ng maiksing sulat mula kay Brad. Sulat na ipinahatid nito sa isang estudyante doon sa locker room nila.
K-Ann,
You must be wondering why I am writing this letter to you. I just want you to know that you are strong no matter what others say and do to you. If they don't want you around, don't worry. It's not the end of the world.
Meet me at the front gate. I need an update on my thesis.
Brad
Salamat kay Brad at gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. She was just so grateful that he was there for her —as a trainer and motivator.
The good news was that, her coach started to acknowledge her improvement. Na-kumbinsi na itong manatili siya sa team at sumali sa gaganaping sports fest na labis niyang ikinatuwa.
And again, it was all thanks to Brad. He definitely did his part of the deal.
*
*
*
"K-Ann."
Umangat ang tingin niya mula sa pagkakayuko at pagbawi ng hininga nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Brad. Hingal na hingal siya matapos siyang patakbuhin nito ng dalawang kilometro. Kahit na na-kumbinsi na niya ang coach nila na hindi na siya tanggalin sa team ay patuloy pa rin ang training at work out nila.
"Ano'ng itinawag mo sa akin?" tanong niya habang habul-habol pa rin ang paghinga.
"You heard me. I said, K-Ann," sagot nito habang diretsong nakatingin sa kaniya. Ang mga kamay nito'y parehong nakapatong sa bewang habang pinagmamasdan siya.
"Why are you giving me these nicknames? Noong nakaraan ay tinawag mo akong 'Lazy-feet'. And then sometimes, you'd call me Weaky. Now, K-Ann?"
Balewala itong nagkibit-balikat. "I told you, I suck at remembering names, and yours has too many letters. K-Ann sounds way better than Weaky, don't you think?"
Gustong umikot ng mga mata niya sa sinabi nito. Tumuwid siya ng tayo at pinahiran ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad. "Whatever," sagot lang niya rito.
Nilingon nito ang papalubog na araw at sandali iyong pinagmasdan bago muling nagsalita, "Anyway, can I ask you a question?"
"Yeah, go ahead."
"Bakit ganoon na lang ang pagnanais mong manatili sa team sa kabila ng pam-bu-bully sa'yo ng team captain ninyo? You are pushing yourself too much just to belong in the volleyball team where nobody there actually likes you."
Napatingin din siya sa papalubog na araw at sandaling nag-isip ng tamang sagot sa katanungan nito. Ilang sandali pa'y, "Well... kasama ko sa team si Moira at mabait siya sa akin—"
"Yeah, pero maliban sa kaniya ay wala nang ibang may gustong manatili ka sa team. Madalas kang napagti-tripan ng team captain ninyo noon dahil parati kang nagkakamali. Ngayong naging maayos na ang performance mo ay hindi pa rin siya natutuwa sa'yo. Bakit mo siya hinahayaang tratuhin ka ng ganoon?"
Huminga siya ng malalim saka tumingin sa malayo. "I... I just want to make friends with people. Hindi ko alam kung bakit ayaw sa akin ng ibang mga ka-klase kong babae. Since high school ay wala akong gaanong kaibigan, maliban kay Moira na nakilala ko lang noong nakaraang taon. I just want to... make friends. Umaasa akong isang araw ay unti-unti akong magugustuhan ng mga kasama ko sa team. At si Elda... ayaw kong patulan ang mga ginagawa niya dahil ayaw kong lalong lumalim ang inis niya sa akin."
Natahimik si Brad sa naging sagot niya. Ilang sandali pa'y humarap ito, humakbang palapit sa kaniya, at hinawakan siya sa balikat.
"Listen. The sports field isn't the only place you can find friends. You are smart. Pwede kang sumali sa mga curricular activities and there you will surely find friends. Secondly, if nobody wants you to be their friend, here I am. Take me— we can be best friends. Third and last but not least, the reason why other girls don't like you is because you are prettier than them."
Napa-maang siya sa sinabi nito. "P—Pretty? Y—You think I'm... pretty?" Hindi siya makapaniwala. Alam niyang hindi siya pangit pero ni minsan ay hindi niya naisip na ang mukha niya ay magiging issue sa pakikipag-kaibigan niya sa ibang mga babae.
"Yes, you are pretty. And to think you aren't even smiling yet." Nginitian siya nito. "If you start smiling, you'd get even prettier. And if you do, men like me would probably start falling in love with you."
Para siyang loka na napa-atras sa sinabi nito.
Men like... him?
Si Brad, nang makita ang naging reaksyon niya, ay malakas na tumawa. Itinaas nito ang isang kamay, ipinatong sa ulo niya saka ginulo ang kaniyang buhok.
"Just kidding," aliw na sabi nito. "Let's go, you have two kilometers more to run."
Tumalikod na ito at itinuloy na ang pagtakbo, habang siya nama'y napa-nguso sa biglang kabig nito sa sinabi.