"Ano'ng nangyari r'yan sa sportswear at running shoes mo, Kelly?" gulat na tanong ni Moira nang abutan siya nitong maluha-luhang nililinis ang mga gamit na nadumihan ng putik.
Iyon ang araw na pinaka-hihintay niya— ang sports fest— at excited siyang maglaro sa pinaka-unang volleyball game niya. Subalit nang pumasok siya sa locker room upang sana'y magbihis ng uniporme nila ay nagulantang siya nang makitang naka-bukas ang locker niya at ang mga gamit sa loob ay nadumihan ng putik.
"Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito, pero hindi ko na ito maisu-suot para sa practice, Moira..." aniya, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.
Inis na nagpakawala ng malalim na paghinga si Moira. "Alam kong alam mo kung sino ang maaaring gumawa nito sa mga gamit mo, Kelly. Hali ka, isumbong natin siya kay Coach—"
Umiling siya habang patuloy na ikinu-kuskos ang basahan sa nadumihan niyang puting running shoes. "H'wag na, Moi. Abala ang team sa first game."
"Pero Kelly, nang dahil d'yan sa ginawa nila Elda sa mga gamit mo ay baka hindi ka makapag-laro ngayon—"
"It's okay." Tumingala siya rito at pilit na nagpakawala ng ngiti kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang humagulgol. "Marami pa namang pagkakataon."
Akmang sasagot si Moira nang marinig nila sa speaker ang announcement na mag-uumpisa na ang game. Nanlulumo itong lumuhod sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Pwede nating itanong kay Coach kung may extra shirt and shoes siya para—"
"No, okay lang talaga. Pumunta ka na roon at sabihin mo na lang kay Coach na biglang sumama ang pakiramdam ko."
Moira teared up. "Kelly..."
Hinawakan niya ito sa pisngi at bahagyang tinapik-tapik. "It's alright. Hindi pa rin naman ako ganoon ka-galing at baka hindi rin ako gaanong makatulong sa team. Isa pa, baka nga nasa bangko lang ako buong araw." Muli siyang nagpakawala ng pilit na ngiti. "Sige na, pumunta ka na roon. Isama mo ako sa bawat spike at serve mo."
Mahabang diskusyon pa muna ang dumaan bago niya napilit si Moira na umalis na. Nagsabi itong ire-report sa coach nila ang ginawa ni Elda, at hindi na siya nakipagtalo pa para umalis na ito at bumalik sa field.
Nang maiwan siyang mag-isa sa locker room ay saka niya pinakawalan ang mga luha. Nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng mga kasamahan, lalo na si Elda, pero hindi niya magawang magalit sa mga ito. Hindi siya ang tipo ng taong nagtatanim ng galit sa dibdib. Kaya naman minabuti na lamang niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob sa pag-iyak.
Makalipas ang mahabang sandali ay bahagya nang huminahon ang pakiramdam niya. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit saka lumabas ng locker room. Pero nang nasa labas na siya'y malinaw niyang narinig ang masayang sigawan sa field, dahilan upang muling bumalik ang sama ng loob niya.
Halos takbuhin niya ang daan patungo sa gate ng school— gusto niyang umuwi at magkulong sa kaniyang silid. Hindi niya kayang manatili roon ng matagal.
Tuluy-tuloy lang siyang payukong naglakad at hindi pinansin ang mga nakasalubong na mga estudyanteng nagtataka sa pagluha niya. Hanggang sa nahinto siya nang may makasalubong siyang pumigil sa magkabilang braso niya.
Nag-angat siya ng tingin, at nang makitang si Brad ang nasa harapan ay hindi na niya napigilan ang pag-hagulgol.
"Hindi ako makapaglaro," umiiyak na sumbong niya rito.
"I know. Hindi kita nakita kanina sa field kaya nilapitan ko ang kaibigan mong si Moira at tinanong. Sinabi niya sa akin ang nangyari."
"Matagal kong hinintay ang araw na ito," aniya, patuloy sa pag-iyak na parang bata.
Si Brad ay nagpakawala ng malalim na paghinga bago masuyong hinaplos ang kaniyang buhok. He was trying to comfort her. Sandali siya nitong hinayaang umiyak nang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob. Hanggang sa hindi na ito nakatiis at muling nagsalita,
"Hush now," he said as he softly wiped her tears with his thumb. "I have an idea. Wait for me at the front gate, I'll just get my bike."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Pumunta ito sa parking space ng school habang siya nama'y dumiretso na sa gate. Doon ay patuloy pa rin siya sa tahimik na pag-iyak habang kipkip ang tote bag kung saan naka-silid ang mga nadumihan niyang gamit.
Hindi nagtagal ay may narinig siyang papalapit na motorbike. Nag-angat siya ng tingin at nakita si Brad sakay niyon. Inihinto nito ang bike sa harap siya at kinuha ang tote bag na bitbit niya saka inabot sa kaniya ang helmet na kanina'y nakasabit sa handle rod ng motor nito.
"Please put it in."
Wala sa loob na inabot niya ang helmet mula rito at kunot-noo iyong sinuri ng tingin.
"Tsk, come one." Inabot siya nito at hinila sa pagkamangha niya. Kinuha nito sa kaniya ang helmet at saka maingat na isinuot sa ulo niya.
Namamanghang napatingala siya rito. "S—Saan tayo pupunta?"
"You'll see," sagot nito sabay ngiti. "Hop in."
Binawi niya ang tingin mula rito saka sinulyapan ang motorsiklo. Nagdadalawang-isip siya dahil kailanman ay hindi pa siya naka-sa-sakay sa ganoon ka-taas na motorbike— hindi niya alam kung papaanong sasampa.
"Come." Inabot ni Brad ang kaniyang kamay saka ipinatong iyon sa balikat nito. "Just put your hands on my shoulder and then pull yourself up."
She followed his instruction. And it was easier than she ever imagined.
Nang makaupo na siya sa likuran nito'y muli siyang napasinghap nang kunin nito ang dalawang kamay niya at ipinulupot iyon sa bewang nito. At nang dumikit ang pisngi niya sa likod nito'y kamuntikan na niyang ipikit ang mga mata.
"Hold on tight, it's gonna be a rough ride," babala nito bago pinaharurot ng mabilis ang motorsiklo na ikina-tili niya.
Mahigpit siyang yumakap dito at mariing ipinikit ang mga mata.
Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, dahil sa tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata ay napapansin niyang wala sila sa tamang daan patungo sa subdivision na kinaroroonan ng bahay nila.
Bumili ng bumilis ang pagpapatakbo nito na ikinakapit niya lalo at ikinapikit pa ng mga mata.
She was too nervous to move a single muscle, let alone speak a single word. Nang maramdaman niya ang unti-unting pagbagal ng takbo ng motor ay saka siya nagmulat. Huminto ito sa harap ng isang mini-mart na nasa gilid ng highway.
"Wait here," anito bago bumaba at pumasok sa loob.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas din ito na may bitbit nang isang paperbag. Inabot nito iyon sa kaniya saka muling sumampa sa motor.
"Pwede ba'ng bagalan mo ng kaunti ang pagpapatakbo?"
He looked over his shoulder and grinned at her. "Nope."
At nang muli na naman nitong patakbuhin ang motor ay muli na naman siyang napakapit ng mahigpit sa bewang nito at napa-pikit ng mga mata.
Mabilis nitong pinatakbo ang motor hanggang sa muli niyang naramdaman ang pagbagal niyon at ang tuluyang paghinto. Doon niya muling iminulat ang mga mata at inikot ang tingin sa paligid.
Maraming puno ang naroon at walang kabahayan, maliban sa isang tatlong palapag na gusali na abandonado na dahil sa mga halamang baging na nasa paligid niyon. A wrecked building in the middle of nowhere.
Sa loob ng labimpitong taong paninirahan niya sa Santa Martha ay noon lang niya narating ang lugar na iyon.
Pinatay ni Brad ang makina ng motor saka niya nito bahagyang nilingon."Still alive?"
Nang matauhan ay hinampas niya ito ng malakas sa likod. "You dumbass, papatayin mo ba ako sa takot?! Ito ang unang beses na umangkas ako sa motor, gusto mo ba akong ma-trauma?!"
Ramdam niya ang init sa magkabilang mga pisngi sa sobrang inis. Mabilis siyang bumaba at inis na hinubad ang helmet. Nararamdaman niya ang panginginig ng mga binti sa sobrang nerbyos.
Si Brad ay natatawang bumaba saka kinuha sa kaniya ang hawak niyang paperbag at ang helmet na hinubad niya saka iyon ipinatong sa ibabaw ng motor.
"Come, I'll show you my sanctuary," anito saka siya hinila papasok sa lumang gusali.
Habang naglalakad sila papasok ay nakapako lang ang mga tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Kung bakit nag-uumalpas ang puso niya sa pagkakadkit ng mga balat nila'y hindi niya alam. Hindi niya maipaliwanag.
Nang tuluyan na silang makapasok sa gusali ay saka lang niya inalis ang mga mata mula sa kamay nito saka inikot ang tingin sa loob.
Ang gusaling iyon mula sa labas ay mukhang nakatatakot subalit sa loob ay kakaiba ang dating. It was like a hidden paradise, dahil ang mga pader sa loob ay napuno ng baging, ligaw na halaman, at bulaklak. Sa hula niya'y hindi natapos ang pagpapagawa ng gusaling iyon at hindi pa nagagamit dahil sa nakausling mga bakal sa hindi natapos na malalaking mga bintana at gilid ng hagdan. Ang konkretong sahig ay nabiyak na at doon ay may tumubong mga damo.
Umakyat sila sa hagdan at sa pangalawang palapag ay napansin niyang di hamak na mas malinis iyon kumpara sa ibaba. Sa pader ay gumapang na rin ang mga halamang baging at may mga lumot. Sa pangatlong palapag ay ganoon rin ang kondisyon, pero doon ay mag ilang mga silid na hindi rin natapos gawin.
Isa pang sampung baitang na hagdan ang inakyat nila bago nila narating ang roof top. Pagkarating doon ay inikot niya ang tingin. Malinis iyon at walang kahit na anong halaman. Subalit sa gitna niyon ay mayroong malaking tent at sa loob ay may makapal na comforter at mga unan. At mula sa kinatatayuan nila at nakikita niya ang buong paligid. Doon niya napagtantong ang lugar na iyon ay hindi kalayuan sa main road dahil natatanaw niya mula roon ang convenient store na dinaanan nila kanina. Sa dako pa roon ay nakikita niya ang malawak na flower field.
Ang gusaling iyon ay pinalilibutan ng mga malalaking puno ng mangga, niyog, at kung anu-ano pang mga puno na hindi niya alam kung ano ang tawag. She never knew there was an abandoned place like that in their town.
"What is this place?" she asked as she continued to survey the area.
"My sanctuary," sagot lang nito bago ibinagsak ang sarili sa comforter. "This is actually a private property, pag-aari ng mga magulang ni Mama. They built this place thirty years ago para gawing ancestral house. But then, my grandparents died in an accident and my mother married my father, and they moved to the States."
"Hmm, I see." Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
Itinukod ni Brad ang mga kamay sa likuran saka tumingala sa langit na sa mga oras na iyon ay nag-umpisa nang maging kulay-kahel sanhi ng papalubog na araw. Ang mga panghapong ibon ay nasa langit rin at ang mga kuliglig sa mga puno ay nagsisimula na ring mag-ingay.
"Simula nang dumating kami rito ay madalas akong bumibisita sa lugar na ito," he started while staring at the sky. "Mom said I can do whatever I want to this place, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa madesisyunan kung ano ang gagawin ko."
Niyakap niya ang mga tuhod at tumingala rin sa kalangitan, watching the birds circling around the small forrest.
"Oh, I almost forgot." Kinuha ni Brad dalang paperbag at inabot sa kaniya.
Kunot-noo niya iyong tinanggap. "For me?"
"Yep, open it."
Salubong pa rin ang mga kilay na binuksan niya iyon at inilabas ang laman. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang nakabalot iyon sa makapal na newspaper. "What's this?"
"That's the reason why I hit the maximum speed. Ayaw kong matunaw."
"Matunaw?" parang loka niyang ulit sa sinabi nito bago tinanggal ang newspaper na nakabalot. At nang bumungad sa kaniya ang laman niyon ay marahan siyang napasinghap.
It was a half gallon of vanilla ice cream.
She was touched, hindi niya akalaing sa simpleng gesture nito ay gagaan nang tuluyan ang kaniyang pakiramdam. Napangiti siya at nlingon ito, upang mahuling nakatingin din ito sa kaniya. "Thank you."
He smiled back. Hinawakan siya nito sa ulo saka masuyong ginulo ang buhok niya. He was fond of doing that, at hindi niya alam kung bakit.
"Are you feeling better now? Do you still feel like crying?"
Umiling siya saka muling niyuko ang ice cream. Sa ibabaw ng takip ay may nakadikit nang plastic spoon. Walang ibang salitang binuksan niya ang takip at inumpisahang kainin ang bahagya nang natunaw na ice cream. Naka-ilang scoop na siya nang may biglang maalala.
She turned to Brad— only to find him watching her intently. She blushed and swallowed the ice cream stuffed in her mouth. "D—Do you want some?"
Ngumiti ito saka umiling. "I don't like vanilla."
Yumuko siya at nahihiyang itinuloy ang pagkain. "Kung ganoon, bakit ito ang binili mo?"
"For you. They say women stop crying when they eat sweets. I can't find chocolates so I settled for ice cream, at iyan lang ang available flavor."
Hindi na siya sumagot pa at tahimik na lang na itinuloy ang pagkain. Bahagya na iyong natunaw subalit wala siyang pakealam. Masaya siyang may isang taong nagbibigay halaga sa kaniya at sa nararamdaman niya.
Wait.. Nagbibigay halaga sa kaniya?
Napalingon siyang muli kay Brad na patuloy pa rin sa tahimik na pagmamasid sa kaniya. She frowned at him. Sandali niyang tigilan ang pagkain at dahan-dahang ibinaba ang container sa tabi kasama ang kutsara.
Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Why are you... doing this, Brad?"
He shrugged nonchalantly. "Because we're friends."
"Since when?" naguguluhan niyang tanong. Hindi niya maalalang naging pormal silang magkaibigan nito.
Malibang nagkikita sila nito sa harap ng bahay nila tuwing madaling araw para mag-training ay wala naman silang naging malalim na samahan. Their relationship was professional— he was her trainer, and she was his thesis assistant.
O baka siya lang ang nag-iisip ng ganoon? Dahil ano ba ang alam niya sa pakikipagkaibigan?
Simula elementary hanggang highschool ay wala siyang naging matalik na kaibigan. May mga classmates siyang mababait sa kaniya but they never really became her close friends. At noong nakaraang taon lang ay nakilala niya si Moira, she was nice to her that's why she liked her. Kung iisiping mabuti, hindi pa talaga niya alam kung papaanong nag-uumpisa ang pagkakaibigan.
"Since when?" ulit ni Brad sa tanong niya. "Since the day we made a deal. Simula noon ay ni-trato na kitang kaibigan. Don't tell me na ako lang ang nag-iisip ng ganoon?"
Umiwas siya ng tingin. "I... just didn't know how friendship starts."
"Well, it starts with caring for each other. And then, making this person feel loved. And then—" Bigla itong natigilan, at doon ay muli niya itong nilingon.
"What's wrong?" tanong niya rito nang mapansin ang pagkagulat sa anyo nito.
Brad cleared his throat and looked away. "It's nothing."
Hindi niya naiwasang ngumiti nang makita ang pamumula ng pisngi nito. Brad was half American, purong Amerikano ang ama nito, subalit ang balat nito'y nakuha sa ina. Mapusyaw na kayumanggi. Pero sa kabila no'n ay malinaw niyang nakikita ang pamumula ng magkabilang mga pisngi nito.
A hunk who blush, that's a first.
"Thank you for taking care of me," aniya rito. "Napag-isip-isip kong hindi ko na kailangang ipilit ang sarili kong mapabilang sa volleyball team para lang makahanap ng mga kaibigan. You as a friend is more than enough."
Sandali itong natigilan sa sinabi niya, hanggang sa lingunin siya nito. "Does that mean you're dropping out from the team?"
Tumango siya.
Doon ito napangiti, na halos ika-pugto ng hininga niya.
Itinaas ni Brad ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at akma sanang guguluhin ang kaniyang buhok nang maagap siyang umiwas.
"Why do you keep playing and touching my hair? Stop it," reklamo niya na ikinatawa nito.
"Your hair feels so smooth in my hands it makes me happy every time I touch it, so let me be." Muli nitong hinawakan ang ulo niya, at sa pagkakataong iyon ay hindi nito ginulo ang buhok niya, sa halip ay pinaglandas nito ang mga daliri sa mahaba niyang buhok.
Pinigilan niya ang sariling pumikit at damhin ang masarap na pakiramdam sa ginawa nito.
Nagkunwari siyang nairita at umusog ng upo palayo rito.
Natawa itong muli sa kaniya saka ibinalik ang pansin sa langit na unti-unti nang dumidilim.
Naalala niya ang itinabing ice cream, kinuha niya iyon at inumpisahan muling kainin.
"What's your favorite ice cream flavour?"
"I don't really like ice cream," sagot nito habang nasa langit pa rin ang pansin.
"What's your favorite dessert then?"
"Strawberry shortcake."
Tumango siya. "When is your birthday?"
Nakangiti siya nitong nilingon. "What, igagawa mo ako ng strawberry shortcake on my birthday?"
"If you want?"
Tumango ito at tila batang ngumisi.
She smiled back. "That's a promise then. A strawberry shortcake on your birthday."