Chapter 8 - Love Over Friendship

1553 Words
Back to present time.... Humugot siya ng malalim na paghinga bago niya inilapag ang maiksing liham na iyon sa ibabaw ng coffee table. Tumingala siya sa langit upang pigilan ang mga luhang bumagsak. In the past six years, she would often bake a cake on Brad's birthday, kahit wala ito roon para sa okasyon. She would make him his favourite strawberry shortcake. At sa tuwing sumasapit ang araw na iyon ay madalas lang siyang nagkukulong sa silid nilang mag-ina at iiyak hanggang sa wala nang luhang matira. She missed him so badly. Walang araw na hindi niya hiniling sa Diyos na iligtas si Brad at ibalik sa kanila. She needed him. Karl needed his father. Hindi siya kailanman nagsawang hintayin ang pagbabalik nito. He promised to come home so she waited. And she would keep waiting until he comes back. They both promised to each other. At hindi niya sisirain ang pangakong binitiwan niya. Ibinalik niya ang pansin sa wooden box at kinuha ang pangalawang sulat na natanggap niya mula rito. * * * March 2002... K-Ann, If you are going to choose between friendship and love, would you also choose love over our friendship? Please meet me at the sanctuary tomorrow afternoon, I would be waiting. Brad "Bakit ganyan ang mukha mo?" kunot-noong tanong ni Kimmy nang pumasok ito sa kusina. Sandali lang siya nitong sinulyapan bago dumiretso sa fridge at kumukha ng canned juice. Hindi niya sinagot ang kapatid. Ang kaniyang buong pansin ay nasa maiksing sulat na isinilid ni Brad sa bag niya kahapon nang makauwi na sila. Ang sabi nito'y basahin niya iyon bago siya matulog. She did, and that made her awake all night. Iyon ang unang araw ng summer vacation at buong araw siyang hindi lumabas ng bahay. Kapag walang pasok kasi ay madalas na nasa harap lang ng bahay nila sina Brad at Lennard upang ayusin at linisin ang big bike. It would be awkward kung lalabas siya at magkita sila. Ano nga ba ang isasagot niya sa katanungang iyon ni Brad sa sulat? Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam. Ilang buwan na rin simula nang maging malapit silang magkaibigan ni Brad. He became her bestfriend. Noong mag-drop out siya sa volleyball team ay madalas na sila nitong magkita at magkasama. Tuwing breaktime at lunch time ay nagkikita sila nito sa canteen upang sabay na kumain. Karamihan sa mga estudyante roon ay napagkamalan silang magkasintahan na ikinatatawa na lang nila pareho. Brad once mentioned that he liked it when people thought she was his girlfriend— naiiwasan daw nito ang mga babaeng nagpapa-cute rito. At sa tuwing sinasabi nito iyon sa kaniya ay napapa-iling na lamang siya sa pagkamangha. Oh well, alam niyang hindi ito nagsisinungaling o nagyayabang— alam na alam niya kung gaano kato-totoo ang sinabi nitong maraming mga babaeng estudyante sa school nila ang nagpapa-pansin dito. Namamangha lang siya kung papaano itong mag-react sa katotohanang iyon. It was as if... he's used to it. And as if he didn't care? Kung sa ibang lalaki ay ego-booster iyon— pero para kay Brad ay parang ordinaryong bagay na lang na pagkaguluhan ito ng mga babae. Sa nakalipas na mga linggo rin ay naging araw-araw na ang pagsundo nito sa kaniya sa umaga para sabay silang pumasok sakay ng big bike nito, at sa hapon upang sabay silang umuwi. Minsan, ay dumaraan muna sila sa 'sanctuary' upang mag-usap ng kung anu-ano at minsan nama'y pupunta sila sa bayan upang manood ng sine. They became really close na kahit ang kapatid niyang si Kimmy ay nagseselos na dahil wala na raw siyang panahon para rito. Kaya isang beses ay isinama niya ang kapatid sa lakad nila ni Brad na ikinatuwa nito. "Ano 'yan?" Lumapit si Kimmy sa likuran niya at sinilip ang hawak niyang sulat. Hindi siya umiwas at hinayaan itong basahin ang naka-sulat doon. Hanggang sa, "What the heck?!" Itinaob niya ang papel sa mesa at marahas itong nilingon. "Could you shut your mouth? Marinig tayo ni Mama!" "Eh ano naman, wala naman siyang maipipintas kay Brad ah?" anito sabay ikot ng mga mata. Hinampas niya ang kapatid sa braso. "Shut it!" Hinila nito ang upuan sa kaniyang harapan at naupo roon saka nakangisi siyang sinuri ng tingin. "So... today's the day, huh? Sasagutin mo ba siya?" She frowned at her sister. "So... he's— he's really in love with me?" "Ugh!" Sa pagkamangha ay nai-tapik ni Kimmy ang isang palad sa noo. "You are so dense, big sister! Araw-araw kayong magkasama pero hindi mo man lang naramdaman? Isang araw ko lang kayo nakasama sa lakad ninyo at nahalata ko na kaagad! Why do you have to be so dense when it comes to men?" Oh, she honestly didn't know. Akala niya, ang lahat ng mga ipinapakita sa kaniya ni Brad ay bilang kaibigan lang. Ni hindi niya alam na may pag-ibig na ito sa kaniya. Nang may mapagtanto ay kunot-noo niyang tinitigan ang kapatid. "Wait a minute... You are only fourteen and you know better? Saan ka natuto?" Kimmy shrugged her shoulders then she and stood up. Dinala nito sa bibig ang hawak na canned orange juice saka sumimsim bago sumagot. "Because I am an extrovert and you are my opposite. Marami akong nakikilalang mga tao at nakikiramdam ako sa paligid ko 'no. I already know what people think by just staring at their faces. I am gifted that way." Tumalikod na ito at pasipul-sipol na iniwan siya. Napabuntong-hininga siya nang tuluyang makaalis si Kimmy sa kusina. Muli niyang niyuko ang hawak na papel saka binasa ang naka-sulat doon. Oh, she did notice Brad's glances a couple of times, but she didn't give meaning to them. Para sa kaniya, he stared at her that way because he cared for her. Pero iyon na pala iyon? Brad was actually in love with her? Dinala niya ang isang palad sa harap ng dibdib nang maramdaman ang lakas ng pagkakatibok niyon. Kimmy was right. She was so dense not to realize Brad's feelings. But how about her? Do I... like him? Ang totoo ay hindi niya maintindhan ang sarili kung bakit sa tuwing magkasama sila ay sobrang masaya siya. She was like floating in the air. At kapag nagkikita sila nito sa school ay sumisigla siya. Gusto lang ba talaga niya si Brad, o... Do I... love him? Bigla siyang napa-tayo saka ni-hampas ang mga palad sa mesa. She flinched a bit when it hurt her. Kapag nagkita silang mamaya sa sanctuary ay tatanungin niya si Brad kung ang nararamdaman nito ay pareho ng nararamdaman niya. At kapag sinabi nitong oo, then it's confirmed. She's in love! For the first time, she was. Mabilis siyang naglakad palabas ng kusina at pumanhik sa itaas para magbihis. Mag-a-alas cuatro na ng hapon at siguradong naroon na si Brad sa sanctuary. Ilang sandali pa'y sakay na siya ng mountain bike niya na matagal na rin niyang hindi nagagamit. Ang kinaroroonan ng private property ng pamilya nina Brad ay hindi gaanong malayo roon, sigurado siyang mararating niya iyon sa loob lamang ng labinlimang minuto kung bibilisan niya ang pagpedal. Bago mag-alas sinco ng hapon ay narating nga niya ang lugar, subalit pagdating roon ay wala pa si Brad. Wala ang motorbike nito sa lugar kung saan nito iyon parating pina-park. Nagkibit-balikat siya at ini-sandal ang dalang mountain bike sa pader ng lumang gusali saka umakyat sa hagdan patungo sa roof top. Subalit dumating na lang ang gabi, inabot na siya ng alas-siete, ay walang nagpakitang Brad sa kaniya. Laglag ang mga balikat na bumaba na siya at nilisan ang lugar. Samu't saring emosyon ang nag-uunahan sa kaniyang dibdib sa mga oras na iyon. Of course, hindi si Brad ang tipong gagawin iyon sa kaniya. She thought that something might have happened that stopped him from meeting her. Or he probably changed his mind and he realized he wasn't really in love with me? Sunud-sunod siyang umiling upang alisin sa isip ang mga iyon. Kung anuman ang dahilan ni Brad sa hindi pagsipot sa kanilang usapan ay aalamin niya pag-uwi. She would give him a visit at his house. * * * "Kelly! Alam mo na ba ang nangyari?" Hangos na bumaba si Kimmy sa hagdan at sinalubong siya nang pumasok siya sa bahay nila. Laglag pa rin ang mga balikat niya. Matagal siyang nag-doorbell sa bahay ng mga Craig subalit walang nagbukas sa kaniya. Marahil ay wala rin si Mrs. Craig, which was impossible dahil hindi naman ito umaalis doon. Mrs. Craig was the nicest woman she had ever met, parati itong may nakahandang ngiti sa mga labi. She was always at the garden, watering her plants, or inside the house, reading a book or baking muffins. Hindi niya alam kung bakit sa mga oras na iyon ay wala ito sa bahay— pati na rin sina Lennard at Brad. Gusto niyang mag-alala, pero kinakain ng sama ng loob ang dibdib niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya pinansin si Kimmy nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Dire-diretso siya sa kusina upang kumuha ng tubig at uminom. Sinundan siya ni Kimmy at hinawakan sa braso. "Listen to me." Inis siyang humarap sa kapatid. "What do you need? Ayaw ko ng kausap ngayon—" "Si Mrs. Craig ay inatake sa puso kanina at dinala sa ospital!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD