Bitbit ang bag ni Railey hinanap ng mata n'ya si Railey. Ang sabi nito iintayin s'ya nito sa parking pero asan kaya ito wala naman ito sa parking. Paakyat na s'ya sa hallway ng biglang may humila sa bag na nakasukbit sa balikat n'ya at nakita n'ya si Railey na parang matamlay ang guwapo nitong mukha at ang pulo ng ilong nito.
"May sakit ka?" biglang tanong n'ya rito. Kagabi lang parang ang lakas-lakas nito bakit ngayon parang may sakit ito.
"May sipon lang. Natapos mo ba lahat?" tanong pa nito ng kunin ang bag sa kanya.
"Hindi, ang dami kasi inantok na ako kagabi." tumango naman ito saka s'ya nilampasan na wala man lang thank you kaya napasimangot na lang si Megan. Kinilig pa naman s'ya ng bongga kagabi hay bakit pa s'ya umasa na mag thathank you ito. Sinisisi nga s'ya nito kaya ito nabalian ng daliri. Nag kibit balikat na lang s'ya na nag lakad na papasok na sana s'ya sa classroom nila ng tawagin s'ya ni Railey na nasa pinto ng classroom ng mga ito.
"Sabay tayong mag lunch mamaya." hindi agad naka-imik si Megan.
"Wag mong lagyan na malisya. Ililibre lang kita ng lunch dahil sa ginawa mo ang notes ko." tumikwas naman ang nguso ni Megan.
"Bakit ko naman lalagyan ng malisya?"
"Para kasing nag hugis puso ang mata mo kanina." ngiti pa ni Railey sarap lang talagang mag mura bakit ba ang guwapo-guwapo ng dukhang ito. Bakit ba hindi na lang ito naging anak mayaman para naman kahit s'ya na ang mang ligaw rito. Ang lupit naman ng tadhana.
"Mahilig ka siguro sa kape ano? hinay-hinay sa pag inom parang malakas ang tama sa'yo." wika ni Megan sabay pasok sa loob ng classrom nila. Paupo na sana s'ya sa upuan n'ya ng tumunog ang message alert tone n'ya at si Railey ang nag text.
"Mukhang na sobrahan nga ako sa kape, bumilis kasi bigla ang t***k ng puso ko ng makita ka. Goodmorning Meganda."
putan*** " sigaw ng isip ni Megan na parang gustong mag titili.
Kalma lang self, baka ma cardiac arrest ka dito, text pa lang yan.' sita n'ya sa sarili. Huminga muna s'ya ng malalim saka napupo at sumobson sa mesa n'ya saka parang tangang nag papadyak sa ilalim ng mesa.
'Hoy! Anong nnagyayari sa'yo." tanong ni Eliza na bagong dating na tinapik pa s'ya sa balikat.
"Ha! Ah wala may na isip lang ako biglang nakakakilig." natawa naman si Eliza na nag tungo na sa mesa nito. Tiningnan naman n'ya muli ang cellphone at binasa muli ang text ni Railey mag rereply na sana s'ya ng tumunog ulit iyon at parang gusto n'ya bigla ibato ang phone n'ya ng mabasa ang text nito.
"Sorry, wrong send pala ako." inis na napatipa si Megan sa touchscreen n'ya ng reply n'ya. Bakit ba kinilig agad s'ya 'di n'ya man lang na isip na ng gogoodtime lang ito.
"Ulol ka!" reply n'ya itatago na sana n'ya ang cellphone n'ya ng mag vibrate naman ulit iyon at tiningnan ulit n'ya.
"Alam mo hindi naman ako mayaman para bilihin ang kahapon pero handa kong utangin ang bukas makasama ka lang sa mag hapon." ngingiti na sana si Megan pero agad n'yang pinigilan ng mag text ulit si Railey.
'Copypaste lang yan wag mong seryosohin masyado." na iinis man si Megan pero 'di n'ya maiwasan mapangiti sa kagaguhan ni Railey. Mukha itong may sakit kanina pero ang lakas nitong mang trip ngayon. Napangiti s'ya ng may maisip na kalokohan.
"Naniniwala ka ba sa love at first sight? o, kailangan ko pa ulit dumaan?"
'Hala ka! Seryoso ka?" reply ni Railey sa text n'ya. Natawa naman si Megan.
"Itulog mo na yan, malakas na ang ubo mo sa utak, copypaste lang yan ulol ka."
"Ako kasi seryoso." natulala si Megan sa text na iyon ni Railey.
"Joke lang." biglang reply nito kaya inis na inilagay na n'ya sa block listed ang number nito sa inis n'ya at padabog na itinago na sa bag ang phone n'ya.
********
Nag palinga-linga si Megan sa loob ng canteen naka pila na s'ya sa counter para kumuha ng lunch na bibilihin n'ya pero wala pa si Railey asan kaya ito. Na hihiya naman s'yang itext ito after n'yang i-blocked ito napabuga na lang s'ya ng hangin sana pala sumabay na lang s'ya ng lunch kanina kay Eliza wala tuloy s'yang kasama ngayon mag lunch.
"Bayad na ang lunch mo ni Mr. Dimagiba." wika ng matandang babae sa cashier ng babayaran na n'ya sana ang lunch n'ya.
"Po? dumaan po ba dito si Railey?"
'Hindi si Skyler lang dinala n'ya sa clinic si Railey kanina. Inutusan lang daw s'ya na bayaran ang lunch mo." napatango naman si Megan. After sumubo ng konti agad na nag tinapos na ni Megan ang pag kain at tumingin sa rilo meron pa s'yang 15 minutes para silipin si Railey kung anong lagay nito.
Wala ang attending nurse sa loob ng clinic marahil ay nag lulunch din kaya dahan-dahan s'yang pumasok at hinanap si Railey sa ilang kamang na roon at nakita n'ya ito sa bandang dulo. Nakatagilid ito ng higa at naka kumot dahan-dahan s'yang lumapit rito at naupo sa maliit na monoblock na naroon. Gamit ang index finger idinikit n'ya ang daliri sa noo nito, medyo mainit nga ito at sobrang pula ng ilong. Mabilis naman s'yang napatayo ng magdilat ng mata si Railey lalayo na sana s'ya ng mahagip nito ang kamay n'ya at pigilan s'yang umalis.
"You blocked me." mahinang usal nito habang papikit-pikit pa.
"Give me a reason para wag kitang i blocked."
"I'm just messing around masama talaga ang pakiramdam ko kagabi pa."
"Bakit pumasok ka pa?"
"I want to see you... I mean my note kailangan kong makuha." wika nito na muntik nanaman n'yang lagyan ng malisya kung 'di nito na dugtungan agad.
" May sasakyan kami I can easily send it to you or ibigay ko kay Skyler."
"Ayoko ko rin umabsent."
"E bakit ka ba nag kasakit kagabi naman okay ka pa." tanong na lang n'ya ng bitawan na nito ang kamay n'ya at utusan s'yang maupo ulit. Na sinunod naman n'ya at naupo sa monoblock.
"Ano bang gusto mong isagot ko yung honest o alibi?" kumunot ang noo ni Megan.
"Hindi dapat honest. Anong silbi ng alibi kung hindi naman pala totoo." turan ni Megan.
"Nababad ako sa tubig. Nag babad kasi ako sa bathtub kagabi after kong tingnan yung mga porn picture na phone ko." wika ni Railey na bahagya pang ngumisi na nag dilat ng mata pero agad din pumikit.
"Alam mo sarap mong bunutan ng molar teeth ng walang anestisya." bahagyang tumawa si Railey sa sinabi n'ya.
"Akala ko sasabihin mo, 'sosyal may bathtub kayo?" 'di na pigilan ni Megan ang mapangiti sa sinabi ni Railey.
"Pero infairness may bathtub nga kayo?"
"I tell you a secret."
"Wag na madaldal ako baka masabi ko sa iba." tumawa si Railey.
"Mayaman ako, tagapagmana rin ako someday, meron kaming sariling power plant, tas meron kaming international airline meron din kaming malalaking supermall."
"Talaga! Bakit sino ba ang tatay mo."
"Hindi ko nga alam bigla kasi akong nagising kaya 'di ko nakilala." nasapo naman ni Megan ang sintido habang pigil pigil na wag bumunghalit ng tawa sa kalokohan ni Railey na may sakit na nagawa pang mag biro.
"Akala ko totoo yung panaginip ko It's a prank pala." ngisi pa ni Railey umangat ang kamay ni Megan at parang gustong bigwasan si Railey pero pinigilan n'ya ang sarili na napakagat labi na lang. Nilingon naman s'ya ni Railey at tinitigan medyo na ilang s'ya kaya umiwas na s'ya ng tingin rito ng muli s'yang tumingin rito nakatitig pa rin ito. Ano bang ginagawa ng lalaki to at bakit ganun makatitig pinabibilis lang lalo nito ang t***k ng puso n'ya.
"Babalik na ako sa room mag ti-time na kami." wika n'ya na tatayo na sana ng muli s'yang pigilan sa kamay." napatingin s'ya sa kamay nitong nakahawak sa braso n'ya bago sa mukha nitong na mumula.
"May sasabihin ka pa bang katanga**n?" birong tanong na lang n'ya para bawasan ang kaba sa dibdib n'ya. Ngumiti naman si Railey na binitawan s'ya.
"Pakikuha na lang kay Kim ang gamit ko. Ikaw na ang bahala." tumango naman si Megan saka tumalikod. Nasa may pinto na s'ya ng muli s'yang lumingon naka tagilid na ulit ito ng higa at nag kumot. Bakit kaya hindi na lang ito umuwi at bahay na mag pahinga, wala kaya itong ina na mag aalaga rito. Huminga na lang s'ya ng malalim saka tumalikod.
-
-
-
--
-
-
-
-
"Bakit na sa'yo ang gamit ko?" takang tanong ni Railey ng daanan s'ya ni Kim at Sky sa clinic at makita na hawak ni Kim ang bag n'ya.
"Dinala ko na para hindi ka na dadaan sa classroom." inis na hiningi ni Railey ang phone kay Sky na inabot naman ng kaibigan bago tinawagan si Megan pero naka block pa rin s'ya.
"Hindi ba yan dinaanan sa'yo ni Megan?" tanong n'ya kay Kim hindi naman agad nakasagot si Kim.
"Bakit nag bilin ka ba sa kanya."
'Tsk! Can I barrow your phone." inilahad ni Railey ang kamay kay Sky na inilabas naman ang phone at binigay sa kaibigan.
"Sino bang tinatawagan mo?" hindi sumagot si Railey na inidial na ang number ni Megan na agad naman nag ring pero naka 4 pang ring bago nito sinagot hindi pa ito agad na umimik halatang iniintay s'yang mag salita. Napaka sigurista napabuga na lang s'ya ng hangin.
'Railey." napaderetso naman ng tayo si Railey paano nito nalaman na s'ya ang natawag.
"Hindi ko nakuha ang gamit mo, ayaw ibigay ng girlfriend mo, She said, she already take down notes para sa'yo. O diba bongga!" wika ni Megan na halatang may inis sa boses kaya napa-ngiti na lang si Railey. Nag seselos marahil ito kay Kim, ito na yata ang nag iisang babae na masyadong pa victim. Pilit na itinatago ang totoo feeling pero kusa din lumalabas.
"Unblock me." utos na lang n'ya saka ini-off ang call. Pag tingin n'ya kay Kim tiningnan n'ya muna ito ng masama saka kinuha ang bag rito saka matabang na nag pasalamat tatalikod na sana s'ya ng muli n'yang lingunin si Kim na naka sunod sa kanila ni Sky habang inaalalayan s'ya nito. Medyo bumuti na ang lagay n'ya pero nang hihina pa rin ang katawan n'ya. Totoong nababad s'ya sa bathtub kagabi ng maligo s'ya after n'yang maka-usap si Megan. Call it crazy pero na aadik na s'yang tingnan ang mga picture ni Megan na nakahubad, minsan natatawa na lang s'ya pero madalas nag sasarili lang s'ya habang nag iimagine. Baka mapatay s'ya ni Megan kapag na laman nitong minamanyak na n'ya talaga ito sa isip n'ya kapag mag-isa lang s'ya sa bahay n'ya.
"Wala akong girlfriend at wala pa akong balak na mag girlfriend at mas lalong hindi ikaw ang gusto kong maging girlfriend. Ngayon kung gusto mo pa rin kaming maging kaibigan. Set your boundary kung hanggang saan ka lang dapat." wika ni Railey saka tumalikod na habang alalay ni Sky na pinagalitan pa s'ya dahil sa sinabi n'ya kay Kim pero wala s'yang paki-alam. Hindi n'ya ugaling makipag kaibigan. Si Skyler lang ang nag-iisa n'yang kaibigan at wala s'yang problema dun.
******
Pag dating sa bahay sinubukan n'yang tawagan ulit si Megan at nag riring na ulit iyon sa wakas. Nahiga na muna s'ya sa kama habang iniintay na sagutin ni Megan ang tawag n'ya pero hindi nasagot si Megan naka 3 miscol pa s'ya bago ito sumagot.
"Ang tagal mo naman sumagot." reklamo pa ni Railey ng sagutin ni Megan ang tawag n'ya.
"Hello po! Naliligo po si Ate." kumunot ang noo ni Railey.
"Sino po ito?"
"Ah, Ako si Railey and may I know who's on the line please."
"Blessy po sister ko po si Ate Megan."
"Ahhh, ganun ba?"
"Boyfriend ka ba ni Ate?"
"Hindi. Kaibigan lang."
"Pero liligawan mo si Ate?" pakiramdam ni Railey lalong sasakit ang ulo n'ya sa tanong ng kausap n'ya.
"Siguro."
"Ate lagot ka kay Papa, isusumbong kita nag papaligaw ka na." na alarma naman si Railey sa sinagaw ng babae sa kabilang linya baka mapahamak pa si Megan sa false information na sinabi nito baka magalit ang papa nito at bigla i transfer sa ibang school ang dalaga.
"Hindi ko nililigawan ang Ate mo, Ayokong ligawan ang Ate mo."
"Ha! kung makapag salita ka parang gusto kong mag paligaw sa'yo." napapikit naman na nasapo ni Railey ang noo ng marinig ang boses ni Megan sa kabilang linya.
"It's not what I mean, kinabahan lang ako kasi baka mapahamak ka dahil sa sinabi ng kapatid mo and worst baka bigla kang ilipat ng papa mo ng school." napangiti naman si Megan sa sinabi ni Railey.
"Bakit naman ako ililipat ni papa ng school porket may nanliligaw sa akin?"
"Diba ganun naman ang mayayaman kapag ayaw nila sa lalaki ililipat nila ng ibang school ang anak nila para wag masira ang pag-aaral."
"Ginagawa iyon ng mga magulang kapag nakipag boyfriend agad ng maaga anak nila ng maaga pero kung ligaw-ligaw lang hindi ganun ka babaw ang parents ko, Nag anak pa sila ng maganda kung 'di pala puwedeng ligawan." muntik ng masamid si Railey sa pag tawa dahil sa biglang sinabi ni Megan.
"Sige tawa pa! I boblocked kita."
"Masama ang pakiramdam ko pero bigla pakiramdam ko lumakas ako sa joke mo."
"Bakit hindi ka ba nagagandahan sa akin?"
"Normal lang."
"Ako normal lang? wow hiyang-hiya naman ako sa taglay mong aking kaguwapuhan. E mas maganda pa nga ako sa girlfriend mo."
"She's not my Girlfriend at wala pa akong planong mag girlfriend unless meron isang taong mag bibigay ng love letter sa akin at sasabihin n'ya na Railey will you be my 1st boyfriend and probably my last. Pakakasalan ko agad in the right time."
"Hopelessly romantic ka pala, maaga kang ma babaril sa luneta n'yan."
"Bakit ikaw ba ayaw mo ng ganun? hindi mo ba gusto na ang 1st boyfriend mo s'ya na rin ang last mo."
"Ayoko gusto ko munang mamili."
"Ano naman tingin mo sa aming mga lalaki kakanin na titikman muna kapag 'di masarap hahanap ng iba."
"Ang baboy mo talaga!" Inis na wika ni Megan.
"Wala akong sinabing masama, sagutin mo na lang."
"Bakit ko naman titikman, gusto kong mag ka boyfriend ng mga ilan tatlo siguro pero natural isang lalaki lang ang pag aalayan ko ng sarili ko yun yung lalaking pakakasalan ko, bakit ko naman titikman ang lahat ng lalaki. Hindi naman ako pokpok, buwisit ka wag ka na ngang tatawag."
"Teka lang naman may sasabihin pa ako." mabilis na pigil n'ya sa dalagang napikon.
"Ano!" anggil pa nito.
"Okay lang na mag boyfriend ka ng marami kahit ilang dosena pa pero basta ako ang huli." wika nito saka bigla nawala sa linya.
"Luh! ano daw.. letsetirya talaga naman! kinikilig nanaman ang apdo n'ya.