The past 1.2

2556 Words
Nakapangalumbaba si Megan habang nasa ilalim ng puno ng accacia. Kanina pa s'ya nag mememorize ng exam nila pero ayaw mag sink-in sa utak n'ya ang ina-aral n'ya. Ang laman ng utak n'ya kagabi ay ang sinabi ni Railey na gusto nitong may mag bigay rito ng love letter at anong sabi nito kahit daw mag boyfriend pa s'ya ng marami okay lang basta ito ang huli. Ano yun joke nanaman ba yun? dapat ba s'yang mag-assume baka ng tini-trip nanaman s'ya ni Railey Dimagiba. Napa-angat ang tingin n'ya ng mapansin sina Skyler at Railey na paparating sa likuran ng mga ito si Kimberly na may kausap sa phone. Usually, mag kakasabay mag lakad ang tatlo kapag nasa campus. Kahapon kinukuha n'ya rito ang bag ni Railey ayaw nitong ibigay dahil no need na daw dahil naka pag take down notes na daw ito. Ipinilit pa n'yang kunin dahil iyon nga ang bilin ni Railey pero ayaw nitong ibigay dahil obligasyon daw ng isang girlfriend na asikasuhin ang nobyo. Akala talaga n'ya girlfriend ito ni Railey yung pala isa lang din sa mga babaeng assumera ng taon. Mabilis n'yang itinakip ang libro na hawak sa mukha bago pa s'ya makita ng mga ito, Wala si Eliza ngayon dahil busy ito sa school event sa nalalapit na senior prom nila. Nag-iisip pa s'ya kung aattend ba s'ya ng Senior Prom o hindi tinatamad s'ya pero may na idrawing na s'yang damit na gusto n'ya isuot. Kung sa academic mahina ang utak n'ya pero pag drawingin s'ya ng mga style na gown at mga damit sisiw lang sa kanya dahil natutuwa s'ya kapag nakakapag drawingin s'ya ng magandang mga damit. "Aattend ka ba ng Senior prom?" tanong pa ni Skyler ng maupo ang mga ito sa kabilang side ng accacia kung saan meron paikot na malapad na upuan. "Hindi ko pa alam, depende pa?" "Depende sa 1st love mo kung aattend o hindi." tukso pa ni Skyler may 1st love na ito? Sino naman kaya ang 1st love nito baka iisa ang tinutukoy nitong babae na gusto nitong mag bigay ng love letter rito pero bakit sinabi nito sa kanya na ito ang last kapag nag boyfriend s'ya. "Oo." "Bakit hindi ba aattend?" "Hindi ko pa nga alam itatanong ko pa mamaya." "Megan." napangiwi pa si Megan ng tawagin s'ya ni Kimberly nag panggap s'yang walang na ririnig buti na lang may headset na naka palsak sa tenga n'ya. Napataas pa s'ya ng tingin ng makitang biglang tumayo sa harapan n'ya si Railey, Patay malisya naman s'yang tumaas ang kilay na inalis ang headseat. Na nag palipat-lipat ng tingin kay Kim at Railey na nasa magkabilang gilid n'ya. 'What?" kunwari ay na iinis pang tanong n'ya. "Kanina ka pa d'yan?" tanong ni Railey. "Oo, nag rereview ako." iniharap pa ni Megan ang libro kay Railey. "May narinig ka ba?" tanong pa ni Railey napatingin s'ya kay Skyler na may kakaibang ngiti sa labi na tumabi sa kaibigan na umakbay pa. "Narinig na ano?" patay malisya na tanong n'ya. 'Are you listening to music?" tanong pa ni Railey na nakatingin sa headset na nasa balikat na n'ya. 'Hindi ba obvious bakit ba?" tanong n'ya na tumayo na at itinago na sa bag ang libro na hawak at kunwari pinatay ang cellphone. "Saan ka pupunta?" tanong pa ni Railey ng pigilan s'ya sa braso. "Mag hahanap ng mas tahimik na lugar, kanina kasi tahimik dito ngayon hindi na." "As if naman makakapasa ka." bulong pa ni Kim na ikinalingon n'ya rito. "E ano naman paki-alam mo kung 'di ako pumasa. Bakit? ikaw ba nag babayad ng tuition fee ko?" mataray na tanong ni Megan. Sa totoo lang suplada at mataray s'ya kaya ilag sa kanya ang ilang studyante at classmate n'ya kaya wala s'yang masyadong kaibigan. Idagdag pa na alam ng kapwa n'ya studyante na isa s'yang Montenegro at kilala halos ng lahat ng angkan nila dahil sa laki ng billboard ng papa n'ya sa Edsa kasama ng ilang young business tycoon na tinitingala sa Pilipinas at ilang beses ng lumabas sa new ang ama kaya ilag ang mga ito sa kanya. Akala matapobre s'ya pero naka base lang din kasi ang attitude n'ya sa kaharap n'ya. Ayaw lang n'yang makipag plastikan. "I never heard naman na bumagsak ka, kaya wag mo na lang pansinin si Kimberly mainit lang ang ulo n'yang kasi basted kay Railey." umirap naman si Kim na halatang na pikon kaya biglang nag walk out dahil napahiya. 'See, nag inarte nanaman. Saglit susundan ko lang kukunin ko yung notes ko hiniram n'ya kanina e." mabilis na tumakbo si Sky at naiwan silang dalawa. "Tutulungan kitang mag review baka sakaling umangat ka kahit konti sa top 78." ngisi pa nito na parang nang-aasar pa ang ngitian. "Mabait ang parents ko hindi nila ako inu-obliga na taasan ang mga grades ko basta walang babagsak kaya thanks but no thanks." irap n'ya na muli na sanang tatalikod ng hilahin s'ya ni Railey pa upo at ito na ang nag labas ng mga notes at book n'ya at ipinatong din sa pabilog na mesa na katabi rin ng accacia. "Mas maganda pa rin sa babae ang matalino at maganda." wika pa nito. "Si Kimberly na ang bahala sa category na yun. Kontento na ako kung ano lang kaya ng utak ko." "Hindi ka ba na iingit sa kanya you have the face and the body deserve mo na mapasali sa mga beauty pageant dito sa school natin." tumaas ang kilay ni Megan. "At ibalandra ang katawan ko sa harapan ng mga schoolmate natin for what? for the sake of the title. No way! Ngayon pa nga lang maganda pa lang ako na hihirapan na ako sa mga suitors ko paano pa kapag nag swimsuit na ako at nakita ng lahat ang katawan ko tingin mo magiging normal pa ang buhay ko." napangiti si Railey sa haba ng sinabi ng dalaga. "Sabagay you have your point. Possible ngang maging iyan ang scenario sige wag ka ng mag review ako na lang ang tulungan mong mag review." Inilabas ni Railey ang mga notes nito at libro. Napatingin s'ya sa kamay nitong naka cast. Ang kaliwang kamay lang nito ang malayang nakakakilos. "Kelan daw aalis yang cast mo?" "A month, tamang-tama saktong senior prom natin." ani Railey na inabot sa kanya ang highlighter nito at inutos sa kanya na lagyan ng highlight ang mga importanteng words sa book na i rereview nito habang itinuturo sa kanya isa-isa. "Bakit aattend ka ng Senior Prom?" tanong ni Megan habang busy sa mag ha-highlight ng mga keyword na sinasbi ni Railey. "Hindi pa ako sure, Ikaw ba aattend ka?" "Ayoko wala akong kasama nakakahiya." "Edi sasamahan kita." sagot ni RAiley na ikinagulat ni Megan kaya napahaba ang pag kakaguhit ng highlighter sa book nito. "Hala ka! Anong ginawa mo?" natatawang tanong pa ni Railey ng makita ang mahabang guhit. Napatingin si Megan kay Railey at 'di n'ya maiwasan na itanong sa sarili na s'ya ba ang tinutukoy ni Skyler na 1st love ni Railey? possible ba yun. "Ano tulala ka nanaman d'yan." "Kung aattend man ako hindi ikaw ang date ko." "At bakit naman? hiyang-hiya naman ako sa gandang babae mo?" "Look around you mo kaya." ani Megan na itinuro ang paligid gamit ang hawak na highlighter na ginawa naman ni Railey. "Anong napapansin mo?" hindi umimik si Railey na ibinalik ang tingin sa libro. Halos kasi lahat ng naka tambay sa iba pang ilalim ng puno panay ang lingon sa kanila. Ang iba napapadaan lang tas titingin sa kanila at mag bubulungan. "Most of them may gusto sa'yo pero takot silang lumapit sa'yo kasi nga suplado ka 'di gaya ni Skyler na very accomodating pero hindi ibig sabihin nun deadma lang sila as always. Oras na ikaw ang maging date ko sa prom night siguradong maraming kakalat na tsimis at iyon ang iwasan natin dahil baka magulat na lang ako nag lalakad ako sa hallway biglang may mag buhos sa akin ng tubig." "Ang dami mo naman sinasabi. Sige na forget what I said, ituloy mo na lang tong ginagawa mo." tamad na wika ni Railey. - - -- - - - - - - "Nanliligaw ba sa'yo si Railey?" tanong ni Eliza habang nasa loob sila ng classroom nila at wala pa ang teacher nila. Kumunot naman ang noo ni Megan. "Saan mo naman na pulot ang fakenews na yan?" "So, hindi totoo ang latest chika?" "Malamang, buti pa sila alam nila." tamad na sagot ni Megan. "E bakit lagi kayong nag kikita tuwing uwian at saka nung last time nakita kayong sabay na nag rereview tapos lagi mong dala ang bag ni Railey." tumarak naman ang mata ni Megan na humarap sa kaibigan. "Ako ang sinisisi ni Dimayuga kaya nabali ang daliri n'ya sa pag suntok kay Janus." "Speaking of Janus, I heard na idenimanda s'ya ng Papa mo kaya nag drop out dito." "You know what happen kaya s'ya napa demanda." "Pero infairness naman at least hindi na expel si Railey dahil you helped him." "Ayoko lang bangungutin araw-araw at ma konsensya dahil meron na expel dahil sa akin." ngumiti naman si Eliza na hinawakan ang kamay n'ya. "Kulang na ang araw ko kung na expel si Railey, akala ko talaga nanliligaw s'ya sa'yo mag luluksa na sana ako." natawa naman si Megan. "Pero girl if ever bang manligaw sa'yo si Railey sasagutin mo." "Oo naman." natawa naman si Eliza sa sagot n'ya. "Akala ko hindi." "bakit naman hindi, napaka choosy ko naman kung hindi. Saka boyfriend lang naman diba experience iyon ay kung manliligaw.' ng tumunog ang recess bell agad na silang tumayo ni Eliza para mag punta ng canteen. "Mag palit na din tayo ng P.E uniform natin tas dumeretso na tayo sa field." tumango naman si Megan. ******** Kumunot ang noo ni Railey habang nasa field hindi n'ya makita si Megan, nakita pa n'ya ito kanina na kasama si Eliza na papunta ng restroom pero si Eliza nasa field na pero wala pa si Megan. Combine ang P.E nila ngayon, tumakbo s'ya pabalik sa bag n'yang nakapatong sa bench at saglit na nag text kay Megan pero walang reply hindi ito nag rereply kaya tinawagan na n'ya. Naka-ilang ring pa bago pa ito sumagot at usual hindi nanaman ito umimik pero kumunot ang noo n'ya ng marinig na parang pinipigilan nitong huminga at suminghot. "Are you crying?" sa pagkatanong n'yang iyon bigla na lang lamakasa ang hikbi ni Megan kaya napatayo si Railey at napatakbo pero hindi n'ya alam kung saan dereksyon s'ya pupunta. "Where are you?" pero hindi ito na sagot basta na hikbi lang ito. "Damn it! Menggay where are you?" sigaw na ni Railey. "Sa restroom I'm naked someone took all my uniform and my P.E as well. Hindi na sagot si Eliza ng tawag ko." wika ni Megan sa pagitan ng pag-iyak nito na marahil dala ng hopeless na sitwasyon. "Intayin mo ako d'yan." wika ni Railey at binaba na ang phone at mabilis ng tumakbo sa locker room at mabilis na nag bihis ng uniform sa katabing restroom ng mga babae kung saan n'ya nakita si Megan na pumasok kanina. Nag palinga-linga muna s'ya bago s'ya pumasok sa loob ng ladies room ng matiyak na walang makakakita sa kanya. "Melanie." sigaw pa ni Railey. "Gago ka bakit ka pumasok dito, gusto mo bang mapahamak tayong dalawa." anggil ni Megan ng marinig ang boses ni Railey sa loob ng banyo. Nakita pa ni Megan ng isampay ni Railey ang isang ternong P.E uniform na agad naman n'yang hinila, agad n'yang na amoy ang pabango ni Railey sa uniform. "Isuot mo na wag ka ng maarte, wala ka rin naman choice, kakasuot ko lang yan kanina at hindi naman ako baho." sigaw pa ni Railey na marahil alam na hindi pa s'ya nag bibihis. "Wala bang iba?" na hihiya pang tanong n'ya. 'Hindi kita girlfriend para ibili pa kita ng damit na isusuot mo. Kaya isuot mo na yan para ma ireport mo na sa guidance ang ginawa sa'yo." napabuga naman ng hangin si Megan at napilitan ng isuot ang uniform ni Railey. Pakiramdam tuloy n'ya yakap s'ya ni Railey ng maisuot ang P.E uniform ni Railey amoy na amoy kasi ang pabango nito sa uniform nakagat pa n'ya ang ibabang bahagi ng labi dahil medyo kinikilig s'ya na inamoy pa ulit ang damit ni Railey. Narinig pa n'ya ang pag katok ni Railey kaya napatayo na s'ya ng tuwid. "Bilis labas na late na tayo sa P.E." anito kaya lumabas na s'ya bahagya pang tumawa si Railey ng makita s'ya at pinag masdan kaya inirapan na lang n'ya itong nag punta sa harapan ng salamin at tiningnan ang sarili. Medyo malaki sa kanya ang tshirt pero yung pants hindi halata dahil itinupi n'ya sa bewang para umiksi ng konti ang haba. Hindi naman nag kakalayo ang height nila ni Railey pero dahil lalaki ito iba talaga ang laki ng uniform ng mga ito kumpara sa uniform nilang pang P.E na mga babae. "Paano ka mag P- P.E?" tanong n'ya rito habang nakatingin sa reflection nila sa salamin saka inayos ang pag kaka messy bun ng buhok n'ya. "Excuse ako sa P.E." anito sabay taas ng kamay na may cast. Oo nga pala hindi ito makaka P.E dahil sa kamay nito. "Tara na." utos pa nito tumango naman si Megan at agad ng tumalikod palabas ng pinto pero nagulat si Megan ng makita si Eliza na tumatakbo patungo sa restroom kaya napabalik s'ya ng pasok sa loob at aksidenteng tumama sa ilong nya ang labi ni Railey na naka sunod pala agad sa kanya. Parehas pang nanlaki ang mata nilang dalawa at na tuptop pa ni Railey ang bibig pero wala na s'yang time na mag react. Mabilis n'ya itong pinag tulakan papasok ng isang cubicle. "Wag kang maingay nandyan si Eliza." bilin pa nya at hinila pasarado ang pinto at tumakbo s'ya sa harapan ng salamin saktong naman bukas ang pinto at iniluwa si Eliza. "Hoy! Ano nangyari sa'yo kanina ka pa hinahanap ni Ma'am ang tagal mong nag bihis." wika pa ni Eliza. "Someone bullied mo and took my uniforms." "Kay Railey ba ang uniform na yan?" biglang tanong pa nito na inamoy pa s'ya literal. "Hindi no." "Wag kang sinungaling. Kilala ko ang pabango ng asawa ko." napangiwi pa si Megan. "Mamaya na ako mag eexplain tara na." "Kayo na ba?" 'Hindi nga pasaway ka. Halika na!" "E bat suot mo ang uniform nya e suot na n'ya yan kanina. Kaya pala bigla s'yang nawala sa field kanina." "Mamaya na ako mag-eexplain tara na." yaya pa ni Megan sa kaibigan bago pa ito makapag salita ng maririnig ni Railey na nasa loob lang ng cubicle. "Mag pakipot ka naman kahit konti, hindi porket gusto mo s'yang maging boyfriend sasagutin mo agad." napapikit na Megan na napangibit na pinilit ng hilahin si Eliza. 'Ano bang pinag sasabi mo." "Ang sabi mo diba gusto mo s'ya maging_____Aray! naman sandali lang maka hila ka para kang nahila ng tali ah." reklamo na ni Eliza ng haltakin na n'ya ito palabas. Tiyak na narinig na ni Railey ang mga sinabi ni Eliza kailangan maka-isip s'ya ng magandang alibi if ever na tanungin s'ya ni Railey. Hay kaloka naman kasi Si Eliza na lagay tuloy s'ya sa alanganin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD