The past

2065 Words
Nakatingin si Megan sa kamay ni Railey na naka cast pag pasok kinabukasan. Nakasimangot itong nakatingin sa kanya dati-dati kapag nag kikita sila sa umaga, kung ano-anong pangalan na ang itatawag nito sa kanya para lang lingunin n'ya ito. Ngayon naman ang sama ng tingin nito sa kanya. Kasalanan ba n'ya na bigla nitong sinapak si Janus hindi naman n'ya ito inutusan pero bakit sa kanya ito nagagalit. Para itong hangin na lumampas lang sa kanya at 'di n'ya maiwasan na makonsensya dahil 'di s'ya sanay na ganun si Railey sa kanya. Suplado si Railey sa iba nilang schoolmate pero sa kanya hindi man sila friend pero kahit kelan hindi naman s'ya nito sinupladuhan. Papansin nga ito palagi kaya minsan feeling n'ya may crush sa kanya si Railey pero minsan naman assumera lang s'ya. Napabuga na lang s'ya ng hangin na pumasok na din sa classroom nila. "Melody!" tawag nanaman ni Railey agad naman s'yang lumingon papalapit si Railey na nagulat pa s'ya ng ihagis nito ang bag sa kanya na buti na lang sinalo n'ya. "May mga notes d'yan, kopyahin mo lahat. Lecture namin yan para ngayon araw na ito. Hindi ako nakapag take down ng notes dahil bali ang daliri ko kaya na ka cast. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin nun." ngumuso si Megan s'ya nga tamad na tamad na mag sulat tapos s'ya ang uutusan nitong mag sulat. Mabilis s'ya lumapit rito at ibinalik rito ang bag. "Mag hanap ka na lang ng ibang uutusan mo, sarili ko ngang notes hindi ko na maintindihan sa'yo pa kaya." "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nabali ang daliri ko at nalagyan ng cast." "Bakit ako? mukha ko ba ang pinasabog mo diba hindi." "Mr. Dimagiba? Are you leaving?' tanong ng isang teacher na mukhang hinabol pa ito." "Yes, po ma'am. May problema po ba?" "Actually yes! Pinatatawag ka ng school principal dahil sa nangyari kahapon pananakit mo sa isang studyante at it happen na dumating ang parents n'ya and they want to expel you." na alarma si Megan sa narinig na napatingin kay Railey na halatang nag-alala rin pero sumama ito sa teacher. Agad naman s'yang humabol sa binata at kinuha ang bag nito na pinag taka pa ni Railey. "Sige na ako na muna bahala sa lahat ng notes mo." hindi umimik si Railey na tumalikod na. Nag mamadali naman tumakbo sa kotse nila si Megan. Nag taka si Mang Nestor ng hinihingal pa s'yang nag mamadaling tinawagan ang Papa n'ya. Hindi n'ya ugaling gamitin nag kapangyarihan ng parents n'ya sa school nila pero kailangan n'ya ngayon at s'ya rin naman ang talagang dahilan kung bakit possibleng ma expel si Railey. ******* "Maraming salamat dahil pinag bigyan mo ang resquest ko Mr. Molina, hindi na rarapat ang isang ____." hindi natapos ni Mr. Reyes ang sasabihin na napalingon ng biglang bumalandra ang pinto ng principal office ng pumasok sila ng Papa n'ya. Nag mamadali naman lumapit ang prinicipal sa Papa n'ya at nag bigay galang. Ang Papa n'ya ang major sponsor ng school kaya takot ang principal sa papa n'ya. "Mr. Molina, I heard something really bothering me and makes me really mad." napatingin naman sa kanya ang Principal basa pa ng luha ang mga mata n'ya dahil sinadya n'yang ibabad ang mata sa tubig kanina at nag hilamos para lang mag mukha s'yang umiyak. "What's wrong Ms. Montenegro may problema ba?" "Asan po si Mr. Dimagiba?" tanong n'ya ng 'di na nila abutan si Railey sa office. "Naka-alis na s'ya." "Na expel po ba s'ya?" nag-alalang tanong n'ya na kunwari ay iiyak nanaman. "Yes, Miss Montenegro. Nilabag n'ya ang rules ng sku_____ "How can you expel a good man na pinag tanggol lang n'ya ang anak ko sa isang bastos na lalaki." "I beg your pardon Mr. Montenegro."galit na wika ni Mr. Reyes na parang nun lang napansin ng ama n'ya. "So, ikaw ba ang ama ng lalaking bumastos sa anak ko?" tanong pa ng ama na hindi man lang ginalang ang kaharap kahit kilala mayor ito ng ibang probinsya. "Hindi n'ya binastos ang anak mo, my son told me, na girlfriend n'ya ang anak mo pero nag break na sila and he trying to win her back pero naki-alam daw ang bagong suitor ng anak mo." sunod-sunod ang iling ni Megan na humawak sa braso ng ama. "Hindi po totoo yun Papa, meron po kami mga convo ni Janus hindi ko po binubura, binolocked ko po s'ya Papa kasi binabastos n'ya po ako, ayaw n'ya po akong tigilan tapos kahapon po bigla na lang s'yang lumapit at dinakot ang puwet ko. Sasampalin ko po sana s'ya kaso po dumating po si Dimagiba. He protected me sa pag babastos ni Janus." mahabang paliwag ni Megan. "Ibalik n'yo yung batang nag tanggol sa anak ko kapag 'di nyo ibinalik dito ang batang yun ipapagiba ko lahat ng building na ako ang nag patayo rito." galit na wika ni Ivo sabay baling kay Mr. Reyes. "Hindi ko ipapa expel ang anak mo sa school pero dahil 18 na ang anak mo as I know pero nasa high school pa rin. Mag kita na lang tayo sa korte." "Mr. Montenegro." Na alarma naman si Mr.Reyes sa narinig pero hindi ito pinansin ng ama na lumabas na ng principal office. Nanatili pang nakayakap si Megan sa braso ng ama. "Kinailangan pa may ma expel bago ka mag susumbong, nakakaawa yun batang nadamay Megan." sita pa ng ama. "Hindi na s'ya bata pa, kasing edad ko na s'ya." "Still bata pa rin. Sa susunod kapag may problema mag sabi ka agad sa amin ng Mama mo o kahit sa kuya mo." "Makukulong po ba si Janus Pa," "Ipapakulong ko s'ya ng magtanda s'ya pero hindi naman s'ya makukulong ng matagal tiyak na mag pipiyansa ang ama n'ya pero titiyakin kong hindi na s'ya makakabalik dito sa school mo." Napahinto naman si Ivo sa harapan ng bulletin board nanlaki naman ang mata ni Megan na hila-hila ang ama na halatang hinaganap ang pangalan n'ya. "Really Megan top 78, My god! na bata ka sayang lang sayo ang allowance na binibigay ko sa'yo iling ni Ivo." napangiting napakamot ng ulo si Megan. "Hindi dapat puro ganda lang anak, kailangan may utak din." wika pa ng ama. 'Thank you pa dahil pinuntahan n'yo agad ako dito kahit nasa meeting kayo iniwan n'yo pa." "Mas priority ko kayong mag kakapatid kesa sa kikitain ng company kaya kapag may problema mag sabi agad ng nagagawan agad ng paraan. Balitaan mo ako sa mangyayari dun sa classmate mong na expel okay." "Yes Pa." "Sige na umuwi ka na, babalik na ako ng office at sabihin mo sa Mama, mag luto ng sinigang ha! Maaga akong uuwi." bilin pa ng ama bago hinalikan s'ya sa sintido at umalis na. ***** *** Napa tuwid ng upo si Megan ng makita ang pangalan ni Railey sa phone n'ya. Nag mamadaling sinagot n'ya iyon bago tumikhin muna bago nag salita. "Nag chat ako." wika nito saka nawala sa agad sa kabilang linya. Kaya naman nagtungo s'ya sa messenger at tiningnan ang message request meron nga. "patingin ng notes ko." basa n'ya sa chat nito. Napatngin naman s'ya sa notebook ni railey na sinusulat pa n'ya. Pinicturan naman n'ya saka send rito pero ilang sandali pa nag ring na ang phone n'ya at natawag na ito Vcall. Nag mamadaling nag suklay muna s'ya at nag polbo saka sinagot. "Ha! Nag powder ka pa talaga." ngisi ni Railey napatikwas naman ang labi ni Megan na napahawak sa psingi at tiningnan ang sarili sa maliit na salamin na nakapatong study table n'ya. May ilang bahid pa pala ng powder ang mukha n'ya kaya nalaman nito ang ginawa. "Hindi mo na kailangan mag paganda dahil gabi na inaantok na ako hindi ka na gaganda sa paningin ko." wika pa ni Railey. 'Ang sama ng ugali mo, ang sakit-sakit na ng daliri ko kakasulat. Ang dami-dami n'yo naman lecture." reklamo pa ni Megan na ipinakita pa ang daliri na n'yang na mumula kakasulat. "Matulog ka na." utos pa ni Railey. "Nakahiga ka na?" tanong n'ya rito buti pa ito mukhang matutulog na samantalang s'ya naka-upo pa sa study table n'ya. Binaligtad ni Railey ang camera at ipinakita ang maraming glow in the dark nitong mga star. "Wow! Ang astid naman ng kuwarto mo para kang nasa milky way." puri pa ni Megan ng 'di mapigilan humanga. "Kuwarto mo ba yan o kuwarto ni Skyler." "This is my room." wika pa nito na ipinaikot pa ang camera sa buong kuwato bagamat madilim na meron naman mga pin light sa sulok ng kuwarto kaya medyo nag sinag pa ng liwanag. "Ang dami mo naman computer." "I love computers." "Halata naman." "I heard what you did kanina sa school." napabuga naman ng hangin si Megan. "Ginawa ko lang yung tama, No need to thank me." "bakit naman kita pasasalamatan e kasalanan mo naman kung bakit muntik akong ma expel." "Bakit kasi naki-epal ka pa, sasampalin ko na sana e." "Tingin mo kapag sinampal mo si Janus matatapos lang sa sampal ang ginawa n'ya sa'yo. He probably kiss you." "Isusumbong ko naman s'ya kay Papa." ani Megan na tumayo na at nagtungo na rin sa kama s'ya at nahiga ng padapa habang kausap si Railey. "Isusumbong mo sa Papa mo pero he took already your first kiss." 'Sino naman may sabi sa'yo na first kiss ko yun." takang tanong ni Megan. Hindi naman agad naka-imik si Railey bakit nga ba n'ya sinabi yun, mahahalata pa tuloy s'ya ng 'di oras. "Bakit at your age may first kiss ka na?" kunwari na lang gulat na tanong ni Railey. This time si Megan naman ang hindi naka-imik. "Hay! change topic na nga lang. Basta pumasok ka na bukas, ipag susulat na lang kita ng mga notes mo hanggang hindi mo pa kayang mag-sulat." "Bakit parang galit ka pa?" "Hindi kaya sige na babye na." 'Teka lang Megan." natigil ang tangkang pag patay ni Megan ng pigilan s'ya ni Railey. "Thank you for not letting me expel, akala ko kailangan ko pang puntahan ang totoo kong Papa para lang humingi ng tulong." kumunot ang noo ni Megan na napatingin kay Railey. 'Totoong Papa." ngumiti si Railey. "Oo, feeling ko kasi anak ako ng isang mayamang pamilya." natawa naman si Megan sa joke ni Railey akala pa naman n'ya totoo at seryoso ito yung pala nag bibiro lang. 'Ano nga kaya kung isa pala akong taga pag mana ano tapos mas mayaman pala ako kesa sa'yo." 'Naku! Itulog mo na yan Dimagiba, may ubo na ang utak mo baka lumala pa yan maapektuhan ang pag-aaral mo." "Dami sigurong babaeng mag hahabol sa akin ano tulad ni Skyler." "Bakit marami ka din naman fans kahit anak ka ng driver ni Skyler." "Pero hindi lahat ng babae gusto ako." "ha? paano mo naman na sabi may 3rd eye ka ba?"tanong ni Megan. "ikaw na ang living proof na hindi lahat ng babae nakukuha lang sa kaguwapuhan at kahit matalino pa kung hindi ka mayaman hindi lahat ng babae makukuha ng isang tulad ko." hindi naman naka-imik si Megan. "Tingnan mo speechless ka bigla kasi totoo ang sinasabi ko right." ngiting wika ni Railey. "Siguro nga pero itulog mo na lang yan iniisip mo. Ang dami ng problema ng Pilipinas ang bata-bata mo pa yan na agad ang inisiip mo. Malay mo yumaman ka someday bumili ka ng babaeng gusto mo." biro na lang ni Megan. "For sale ka pa kaya pag yumaman na ako." natawan naman si Megan pero deep inside parang gusto ng mag titili ni Megan sa banat na iyon ni Railey. Mukhang 'di s'ya makakatulog ng ayos nito. "Parang ang sarap mo kasing gawin keychain sa bibilihin kong bahay isasama kita sa mga susi." umasim naman bigla ang ngiti ni Megan sa binanat ni Railey. Kala pa naman n'ya seryoso ito ng sabihin yun yung pala ng titrip lang. "Matulog ka na. kinakabag na ang utak mo pati ako mahahawa sa'yo." "Sige na! Goodnight na Meganda. Sana may iganda ka pa bukas." "Ewan ko sa'yo. Goodnight na Dimagiba, sana bangungutin ka." "Okay lang bangungutin basta ikaw ang aaswang sa akin." ani Railey sabay patay ng Vcall. Unti-unti naman sumilay ang ngiti ni Megan sa labi sabay impit na tumili sa unan n'ya. Buwisit na Railey Dimagiba na yun ang lakas mag pakilig ng walang ka effort effor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD