The past 1.3

2098 Words
"Bakit ganyan ang ngitian mo parang may nagahasa ka nanaman babae." "Ulol mo! baka may makarinig sa'yo." sita ni Railey sa kaibigan na nag palingon-lingon at hinanap si Megan. Nakatingin ito sa kanya pero agad na umiwas ng tingin ng makitang nakatingin s'ya kaya pigil ang ngiti ni Railey na tumikhim na lang. "Sino ka make-out mo sa banyo nanaman." bulong na ngisi ni Sky. "Wala." "Puch* naka score ka!" mariin na bulong ni Sky ng makita kung saan pasulyap-sulyap ang kaibigan. 'Tang* hindi, sira ka ba?" ani Railey na sinikmuraan ng mahina ang kaibigan. "O, e bakit ganyan ang suot mo? at Bakit nakay Meganda na ang P.E uniform mo." 'Someone bullied her kanina kinuha ang mga uniform n'ya." 'Wow! edi ikaw pala ang knight in shining amour ni Meganda." tudyo pa ni Skyler. "Manahimik ka na nga lang ang ingay mo, doon ka na nga." tulak pa n'ya sa kaibigan. "Kala ko pa naman naka 1st base ka na. Ano kinakalawang na ba ang mga kamay mo? sabi ko sa'yo hindi kamay ang nag papaligaya sa mga babae. Gamitin mo yan talakitok mo sayang naman ang laki kung nakatago." "Damn it! Skyler." anggil na ni Railey na ikinalingon na ng teacher nila at ilang studyenteng nakarinig sa kanya. Agad naman s'yang humingi ng pasensya sa mga ito. Tatawa naman tumakbo palayo si Skyler saglit na sinulyap pa ni Railey si Megan na halatang hiyang-hiya at iwas na iwas na mapatingin sa kanya o mahuli n'yang nakatingin. ****** "Mila." sigaw ni Railey, napangibit naman si Megan na nag mamadaling nag lakad palayo, katatapos lang n'yang ireport sa guidance ang nangyari sa ladies room. I checheck daw sa CCTV kung sino ang kumuha ng mga uniform n'ya at naki-usap na lang na wag na daw n'yang sabihin sa papa n'ya at ang mga ito na ang gagawa ng paraan na parusahan ang studyante na gumawa sa kanya ng ganun. "Melissa." mas lalo pang binilisan ni Megan ang hakbang. "Maggy." tawag pa ni Railey na narinig na n'yang natawa kaya mas lalo na s'yang nahiyang humarap rito. "Meganda." halos tumakbo na si Megan pero ng titrip talaga si Railey na hinabol pa talaga s'ya. "Hoy! Menggay." turan pa nito ng makasabay na sila pero kasing tigas ng bakal ang leeg n'ya na wag lingunin ito. "Ganda mo today, 'di ko ba nasabi sa'yo na bagay sa'yo ang uniform ko." ngisi pa ni Railey na tuwang-tuwa na paglaruan ang dalaga dahil sobrang pula na ng pisngi nito. "Wag ka ng mahiya sa akin, normal na sa akin na maraming nag kakagusto hindi ka na bago." "Joke lang yun kay Eliza, naniwala ka naman agad." "Ahhhh! Joke lang pala yun. Okay! Madali naman akong ka-usap. Tingin ka na sa akin." hindi naman nabali ang leeg ni Megan mata lang n'ya ang gumalaw kaya malakas na tumawa si Railey na parang tuwang-tuwa. "Tumigil ka na kasi Dimagiba." inis na bulalas ni Megan na napahinto na sa pag lakad at sinigawan na ito na nagulat na nasapo pa ang dibdib na napatingin sa kanya. 'Grabe! Pinabilis mo ang t***k ng puso ko. Ikaw siguro ang soulmate ko." 'di malaman ni Megan kung tatawa o maiinis kay Railey. "Asus! Ngingiti na yan kunwari pa e." "Tumigil ka na kasi." "Oh! nakatigil naman ako. Anong gusto mo yakapin kita?" ngising tanong ni Railey. Inis naman hinampas ni Megan sa braso si Railey. "Hala! Hala! Hala s'ya. Nang hahawak na para-paraan ka rin e. Wag ganun kababae mong tao e." biro pa ni Railey. "Ewan ko sayo mahihiya sa'yo ang batang kulang sa buwan." nag mamadaling tumalikod si Megan na halos tumakbo na palayo pero humabol naman si Railey na nang-aasar pa rin. "Megan." napalingon naman si Megan ng marinig ang boses ni mang Nestor nag mamadaling tumakbo naman si Megan sa driver n'ya at nag mamadaling pumasok sa backseat. Hindi naman na sumunod si Railey na kumaway na lang sa kanya. Napabuga si Megan na sinapo ang mukha. Hindi talaga kinakaya ng powers n'ya si Railey, alam na nito ang secret n'ya daldal naman kasi ni Eliza para tuloy ayaw na n'yang pumasok bukas. Napatingin s'ya sa uniform na suot saka napahinga ng malalim. - - -- - - - - - - Nag lalakad si Megan na parang walag dereksyon ang mga paa, kagagaling lang n'ya sa guidance ipinakita na sa kanya kung sino ang salarin ng pagkawala ng mga uniform n'ya. Tinatanong sa kanya kung ano gusto n'yang parusa pero sinabi na lang n'ya na wag na at hayaan na lang humingi na lang s'ya ng kopya at pina send sa cellphone n'ya. "Hi." napahinto si Megan sa pag hakbang ng may grupo ng mga babae ang humarang sa kanya. Kilala n'ya ang mga ito sa mukha mga ka klase ni Janus mga taga lower section. Minsan na rin n'yang nakita itong kasama noon ni Railey noong nasa 3rd pa lang sila na inakala rin n'yang girlfriend ni Railey noon. "I heard na ikaw ang bagong make-out buddies ni Rail," "What? Am i what?" pakiramdam ni Megan nabingi s'ya bigla sa sinabi nito. "Make-out buddy. Hindi mo ba alam na Rail is not doing relationship with anybody. Hanggang pang make-out lang s'ya tulad ko sa kanya." wika pa nito na parang proud na proud pa sa sinabi habang s'ya ay na didiri. "Feeling mo ba? ikaw ang bukod tanging pinag pala at mag seryoso si Rail sa'____" itinaas ni Megan ang kamay para pahintuin ito sa pag sasalita. "Una sa lahat hindi ako make-out buddy ng kung sino? most specially with Dimagiba, pangalawa wala kaming relasyon ni Railey Dimagiba para harangin n'yo ako ng ganito at pangatlo hindi ko para patulan ang hindi ko ka level. I hope na intindihan n'yo ang sinasabi ko. I'm a Montenegro. Tingin n'yo gugustuhin kong palitan ang apelido ko ng Dimagiba, hell no!" wika n'ya saka tinalikuran ang mga ito. "Sana lang may isang salita ka dahil kami ang unang-unang tatawa kapag nalaman namin na ikaw ang unang babaeng ikakama ni Railey." sigaw pa nito pero hindi na s'ya lumingon. Pagliko n'ya ng hallway nagulat pa s'ya ng makita si Railey at Sky na nakasandal doon obviously nakinig sa usapan nila. "Hindi ako hihingi ng sorry dahil iyon ang totoo kung na offend ka sa sinabi ko. It's up to you." turan ni Megan saka ito tinalikuran. "Megs, kanina pa kita hinahanap ka saan ka ba galing. Hi Sky! Hi Rail." bait pa ni Eliza sa dalawang lalaking tahimik lang na nakasandal sa pader na hindi na pinansin si Eliza na agad na sumunod sa kanya ng dumeretso na s'ya ng lakad. "Masakit ba Buds." tanong pa ni Sky na minasahe pa ang dibdib ng kaibigan na silent mode after ng mga narinig. "Masakit buds." pabuga ng hangin na wika ni Railey. "Kailangan ko ng band-in, na sugatan ata ako buds." natawa naman si Sky. "Gusto sabihin na natin ang totoo kay Megan, kahit kay Megan lang." umiling naman si Railey na napasunod ng tingin sa dalaga na papalayo. "It's just her tongue not her heart. Dila lang n'ya ang matalas pero I know her heart is soft at ako ang laman." "Yan tayo e! Lakas ng fighting spirit kung saan ka masaya buddy supportahan na lang kita." napabuga ng hangin si Railey. "Sa akin din s'ya babagsak sa huli. Trust me Skyler. Itaga mo yan sa bato." wika pa ni Railey. ******** "Gising ka pa?" napadapa sa kama si Megan ng mabasa ang chat ni Railey. Nag-iisip s'yang kung rereplyan ba o hindi pero sa huli na isipan na rin n'yang mag reply. "Bakit?" imbis na mag reply si Railey tumawag ito. Nag-alangan pa s'yang sagutin dahil naka pang tulog na s'ya kaya umayos na lang s'ya ng dapa sa kama at yumakap ng unan para maitago ang kalamnan n'ya. "Bakit gising ka pa. It's almost 12am may pasok pa tayo bukas." "May family diner kasi kami kanina kompleto kaming mag kakapatid kaya medyo late na kami nag hiwa-hiwalay." "Ilan kayong mag kakapatid?" "8. 7 na babae at 1 lalaki." "Wow ang dami n'yo pala. Ang saya siguro ng malaking pamilya." "Oo naman." "Ako kasi isa lang, well actually may dalawa pa akong kapatid pero hindi ko nakakasama ang kapatid ko and I don't know kung kilala ba nila ako o hind." wika pa ni Railey. Iniinay ni Megan na mag kuwento ito pero parang wala itong balak. Nakadapa lang din ito na may yakap na malaking unan habang naka tingin sa screen ng cellphone. "Puwede bang mag tanong?" "Sure, lahat naman kaya kong sagutin." napangiti naman si Megan. "Bakit hindi ka nag gigirlfriend sabi nung babae kanina?" "Ayoko lang?" "So, ibig sabihin totoo ang sinabi nung babae." hindi naka sagot si Railey. "Hindi ko pala kayang sagutin lahat. Iba na lang ang itanong mo." ngiti pa ng binata na ikinangiti n'ya. "But just for the record. You will never be my make-out buddy." seryosong wika ni Railey. "Mahiya ka rin naman if ever dahil hindi naman ako ipinanganak ng nanay ko para lang kalikutin." usal ni Megan na malakas na tinawanan ni Railey na akala mo naman nakarinig ito ng nakakatawang joke. Maluha-luha pa ito ng maka recover pero patawa-tawa pa rin habang napapatingin sa kanya. "God! Meganda, Ganda lang talaga ang meron ka." "Bakit? totoo naman sinasabi ko. Ang make-out para lang sa mga same gender relationship pero kung babae at lalaki ka bakit make-out ano yun lokohan kamayin hanggang sa mapanis. It's a big NO! NO! talaga, dahil for me isang kamanyakan at karumal-dumal na krimen yun." 'Ang sakit mo talagang mag salita. Hindi ba puwedeng I just wanted to be safe." "Safe! my god sa academic ka lang pala matalino pero shonga ka rin in real life. Kung gusto mong safe aba e di wag mong kalikutin rendahan mo yan kamay mo." muling malakas na tumawa si Railey. "Kung wala ka rin naman balak mag seryoso sa babae wag mo ng hawakan kung 'di ka papala ready sa commitment at responsibility buti papala ako. Hindi ako katalinuhan pero ginagamit ko naman ang ulo ko sa ibang bagay." "Mag kaiba ang lalaki at babae." "Yan ang problema sa inyong mga lalaki ganyan lagi ang katwiran n'yo. Ayaw n'yo pa kasi aminin na talagang mas mahilig kayong mga lalaki kesa sa aming mga babae." "Na sasabi mo lang yan kasi bata ka pa?" "Bakit ikaw hindi ba? Mag kasing edad lang tayo wag ako Dimagiba." natawa naman si Railey na umayos ng higa. "Mahirap i explain basta iba ang lalaki sa babae. After 10 years let's meet up again saka mo ako kausapin ng ganyan." "10 years ilan taon na tayo nun 26. Ahh! Wititit matit, virgin pa rin ako that time kaya mga 20 years pa." muling tumawa naman si Railey. "36 na tayo nun." "So, mas maganda nga yun kasi I'm sure parehas na tayong may pamilya that time at may mga anak." "Ilan na kaya anak natin nun ano?" tanong ni Railey na akala mo ay nag iimagine pa pero medyo na lito s'ya sa term na ginamit nito pero nag patay malisya na lang s'ya baka kung ano nanaman isipin n'ya sumemplang nanaman ang puso n'ya. "Gusto ko 8 din parang kayo." wika ni Railey. "Ako ayoko ko gusto ko 2 lang." "Ang hina naman. Hindi masaya ang dalawa kahit man lang 5 okay na ako." kumunot ang noo ni Megan pero pinilit pa rin n'yang i-ignore ang sinasbi ni Railey. "Mahirap kaya mag buntis nakita ko si Mama lagi silang mag kaaway ni Papa kapag na bubuntis si Mama." "Kunwaring galit lang yun pero nag sisi ba ang mama mo ng dumami kayo." napa-isip naman si Megan. Madalas man n'yang nakikitang nakasigaw ang ina at inaaway ang Papa nila pero mas madalas ang tawanan at kulitan ng parents n'ya lalo na't kompleto sila tulad kanina kaya halos 'di na nila napansin ang oras. "Pero still 2 lang ang gusto ko someday if ever na mag-aasawa ako." "Ayoko, ako ang lalaki ako masusunod 5 ang gusto ko." "Teka nga bakit ba? pakiramdam ko pinag titripan mo nanaman ako." tumawa naman si Railey. "Kapag wala na akong choice ikaw na lang pakakasalan ko." "Tangi*** mo!" bulalas ni Megan na mabilis na pinatay ang call pero unti-unting sumilay ang ngiti saka sumubsob sa unan. Buwisit talaga bakit ba ang dali nitong pakiligin s'ya. Hay! ang sarap naman mangarap na silang dalawa ang mag kakatuluyan kahit sinabi pa nitong kapag wala na itong choice at least ibig sabihin kasama pa rin s'ya sa line up ng choice nito. Hay! Sarap lang maging maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD