Past sad ending 1

2286 Words
Nakasahod ang kamay ni Megan sa patak ng ulan na nag gagaling sa bubong nag waiting shed sa parking. Naipit daw sa traffic si Mang Nestor kay nag bilin ito na wag daw muna s'yang lalabas at malakas ang ulan perp wala na s'yang classmate sa loob ng classroom nila. Kaya nag pasya s'yang sa canteen na sana mag intay, iniiwasan rin n'ya si Railey, after that night na nag joke ito na s'ya na lang ang pakakasalan kapag wala na itong choice s'ya na lang ang papakasalan nito. Masyado na nitong binubulabog ang puso n'ya at 'di na s'ya na tutuwa, dati naman kontento na s'yang makita ito pero ngayon masyado na itong pumapapel sa kanya. Yung biro-biro nito parang 'di na n'ya kayang i-take as a biro pakiramdam n'ya totoo na at masyado na s'yang nag aassume. Marahil iniisip nito porket narinig na gusto n'ya itong maging boyfriend akala ni Railey isa na s'yang easy to get na babae kaya dinadaan s'ya sa biro baka nga naman sumakay agad s'ya. Puwes nag kakamali ito, dalagang pilipina pa rin s'ya at 'di mangyayari na makukuha agad s'ya ng ganun kadali. Napalingon naman si Megan ng makitang may paparating ito nanaman yung grupo ng mga babae nung nakaraan na jowa ni Janus. Hindi na sana n'ya papansinin ang mga ito pero pag tingin n'ya sa kabilang side grupo naman ni Janus ang paparating na pinag taka n'ya kasunod ang biglang paglabas ni Janus mula sa isang kotse na nasa parking lot. Na alarma s'ya ng maramdaman na s'ya ang pakay naman ng mga ito kaya bago pa s'ya malapitan ng mga ito agad na s'yang tumakbo pa punta sa guard house kahit umuulan narinig pa n'yang nag tawanan ang mga ito. Wala na masyadong studyante sa paligid kaya guard na lang ang pag-asa n'ya ngunit pag dating roon wala naman ang guard. "Where are you going baby?" tanong pa ni Janus pero mabilis na s'yang tumakbo palabas ng gate at sana makasalubong na n'ya si Mang Nestor. Basang-basa na s'ya ng ulan sa pag takbo, nakaramdam pa s'ya ng takot ng makitang lumabas na din mula sa gate ang kotse ni Janus. Mas binilisan n'ya ang takbo at nagulat pa s'ya ng malakas itong bumusina dahilan para madapa s'ya at bumagsak s'ya sa kalsada. Huminto sa tabi n'ya ang sasakyan ng mga ito na sakay ang mga babaeng nag tatawanan. "Get her na bilis sa tambayan na natin pag laruan." utos ng babae. Mabilis s'yang napa-atras sa takot na hawakan s'ya ng dalawang lalaki na inutusan ni Janus na bumaba mula sa hillux pick up na dala nito. Gusto na n'yang maiyak sa takot sa possibleng mangyari kapag nakuha s'ya ng mga ito. Isang malakas na sunod-sunod na busina ang nag patigil sa dalawang palapit sa kanya, mula sa kotse lumabas si Railey at Skyler. Si Skyler meron cellphone na nakalapat sa tenga habang si Railey naman ay may dalang tubo. 'Sakay." bilis sigaw ni Janus mabilis naman nag takbuhan ang mga lalaki at agad na umalis ang mga ito. Agad naman s'yang nilapitan ni Railey after binatawan ang hawak na tubo. "Megan." usal pa nito na napatingin sa tuhod n'yang dumudugo bigla naman parang batang napahikbi si Megan ng makita ang tuhod saka pa lang n'ya naramdam ang sakit nun. "Dimagiba." usal ni Megan saka malakas ng umiyak at napatingin pa sa kamay na nanginginig hindi dahil sa lamig ng tubig ulan kundi dahil sa takot na nararamdan. Maging ang kamay n'ya ay may ilang dugo at batong nakabaon dahil sa pag kakadapa. "Ssshh! kaya mo bang tumayo. Ihahatid ka na namin sa inyo." sunod-sunod na iling ni Megan sa pagitan ng pag-iyak. Inalalayan naman ni Railey na tumayo muna si Megan saka ito binuhat hanggang sa backseat ng kotse. "Tara na Sky." "Yes boss." sagot naman ni Sky na agad na pina-andar ang sasakyan. "Patay tayo kay Tatay Javier kapag nalaman na itinakas natin tong kotse." wika pa ni Sky na inutusan ni Railey na patayin ang aircon at nag mamadaling inabot ang bag at kinuha ang isang jacket doon at ibinalabal sa katawan ni Megan na pahikbi-hikbi na lang ang iyak. "Bakit nasa school ka pa? Akala ko kanina ka pa naka-alis. I been looking for you." hindi umimik si Megan na pahikbi-hikbi pa rin. Na nakatingin sa kamay na may sugat at sa tuhod na dumudugo. Agad naman muling inabot ni Railey ang bag at may kinuha sa bulsa nun napanyo. "Tatakpan ko lang pag-uwi mo sa inyo ipalinis mo na lang." ani Railey ng iatras ni Megan ng bahagya ang tuhod sa binata. Natigil naman sa pag hikbi si Megan ng makitang basa rin ang suot na uniform ni Sky at Railey. Bigla s'yang nakaramdam ng hiya sa dalawa. "Thank you." mahinang-usal ni Megan na inabot ang bag at dinukot ang cellphone para tawagan si Mang Nestor at sabihin na pauwi na s'ya. ******* "Megan hija." gulat na bulalas ng ina ng makita si Megan na inaalalayan ng isang lalaki habang ang isang lalaki naman ay dala ang gamit ng anak. "Ivo, Ivo." malakas na tawag ni Luxme sa asawa. Ang Ate Ana at ate Ella n'ya ang unang lumabas na galing kusina at lumapit sa kanila. "Anong nangyari?" tanong ni Luxme habang nag papalipat-lipat ng tingin sa dalawang lalaki. "Ano po kasi --Ma'am--ahmm.."hindi malaman ni Railey ang sasabihin. Agad naman kinuha ni Ella ang kapatid kay Railey at si Ana naman ang kumuha ng gamit ng kapatid. "What's is going on here." bungad ni Ivo na napatingin sa anak. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Ivo sa anak na tiningnan ito mula ulo hanggang paa saka galit na binalingan ang dalawang lalaki na lalapitan sana ng ama n'ya ng mabilis na pinigilan ni Megan. "Sila nag save sa akin Papa at inuwi nila ako dito. Si Janus at yung mga kaibigan n'ya po ang nangtrip sa akin." "At sinong Janus/" 'Yung pong lalaking pumalo sa puwet ko noon." napamura ang papa n'ya na agad na kinuha ang phone sa bulsa saka sinenyasan sina sky at railey na wag aalis bago inutusan ang mga ate n'ya na asikasuhin s'ya. Agad naman humingi ng dalawang towel si Luxme sa katulong. "Mga taga saan kayo mga hijo. Saan n'yo nakita si Megan? As i can see sa iisang school kayo nag aaral." "Yes, po maam." sagot ni Railey. "Sa labas po ng school namin nakita si Megan na tumatakbo habang sinusundan po ng grupo nila Janus. I believe po meron CCTV sa labas ng campus puwede n'yo pong gamitin yun para panagutin sila sa ginawa nila kay Megan." ani Sky. "Nanliligaw ka ba sa anak ko." tanong ni Ivo ng makalapit after nitong may tawagan sa phone. "Hindi po s'ya po." biglang turo ni Sky kay Railey na sunod-sunod naman umiling. "Hindi po. Hindi po ako nang liligaw." mabilis na sagot ni Railey. Hindi naman tumugon si Ivo. "Mga taga saan kayo?" "Ayala po." "Mga taga Ayala kayo pero nakarating kayo dito sa amin hindi ba magkaibang way." wika naman ni Ivo. "May babalikan po kasi kami sana sa school kanina ng makita namin si Megan na pinag-lalaruan ng grupo po ni Janus." "Mga ilang taon na ba kayo? May dala kayong sasakyan?" napakamot ng ulo si Sky napayuko naman si Railey. Nun naman dumating ang katulong na may dalang dalawang towel at binigay sa dalawang binata. "17 po." "17 and yet nag mamaneho kayo ng kotse." galit na wika ni Ivo. "May sakit po kasi ang driver namin napilitan lang po s'yang ipag drive kami kaninag umaga. Hinayaan na po namin s'yang mag pahinga. Nag-iingat naman po kami sa daan." paliwanag naman ni Railey. "Pag palitin mo muna sila ng damit mukhang kasya naman sa kanila ang damit ni Gab. Dito muna kayo ipapahatid ko kayo sa driver malakas din naman ang ulan sa labas." ani Ivo na binalingan si Luxme na tumango napilitan naman sumama ang dalawa sa ina ni Megan dahil mukhang walang balak silang pauwiin ng agad-agad marahil wala itong tiwala sa kanila. ******* "Papa." bungad ni Gabriel na napatingin sa dalawang lalaki na naka-upo sa sala nila suot ang mga damit n'ya. "Nahingi mo ba?" tanong naman ni Ivo. "HIndi po pa, nabura agad nila ang footage tas yung guard sa school nila nakulong sa banyo kaya pala wala post n'ya ng dumating si Janus Reyes sa school." "So ano hindi ako makakapag demanda?" galit na tanong ni Ivo. "Wala tayong proof Pa, mukhang pinag handaan nila ang araw na ito." "Kaya ko pong i retrieve you deleted files. Kailangan ko lang po ng computer." ani Railey na ikinalingon sa kanya ng lahat. "Opo sir, lahat po kaya n'yang i hacked. Genius po tong kaibigan ko." halatang nag kukuli pa si Ivo. "Kailangan n'yo pong maipakulong si Janus sir, hindi po s'ya titigil sa pang haharass kay Menggay---I mean Megan po." ani Railey. 'Tama s'ya Pa ipakulong na natin baka sa susunod hindi lang haraasment ang gawin n'ya kay Megan." sang-ayon ni Gabriel. "Tara sa office." wika naman ni Ivo na nauna ng mag lakad at nag tungon sa office n'ya sa loob ng kanilang mansion. "Hindi ka naman siguro mag nanakaw or scammer hijo." wika ni Ivo na itinuro na ang computer. "Naku hindi po ganun ang kaibigan ko. Magandang lalaki at Genius lang po s'ya."ani Sky agad naman ng inutos ni Ivo na maupos na si Railey sa harapan ng computer. Na nood na lang naman silang lahat sa ginagawa ng binata sa harapan ng computer. May 10 minutes lang ata nakuha na nito ang hinihingi nila na talaga naman ikinagulat ng lahat na talagang genius pala ito. "Galing mo bata? madali kang yayaman kung gagamitin mo sa kasamaan yan galing mo sa computer." ani Ivo. "Sir." biglang usal ni Railey na tumayo. "Yes." "Gusto ko po sanang ligawan si Megan pag nag 18 na s'ya." "No!" mabilis na sagot ni Ivo na siniko naman ni Luxme. "Masyado pa kayong bata, wala akong tiwala sa gandang lalaki mo. Mukha kang mama's boy." 'Wala po akong mama namatay na po s'ya." halatang napahiya si Ivo agad naman humingi ng sorry si Luxme. "Wala naman problema na manligaw ka sa anak namin Railey hijo pero kung puwede sana pag naka graduate na kayo. Sa ganda mo kasing lalaki hindi malabong hindi ka sagutin ng anak namin." ani Luxme. "Saka ulit tayo mag-usap pag dumating ang tamang panahon sa ngayon the answer is No and I'm sorry hijo." tumango naman si railey na nakakaintindi. "Kung dumating man ang araw na si Megan ang unang mag kagusto sa'yo, Isa lang sana ang hihilingin ko sa'yo hijo. Reject her hindi sa hindi kita gusto pero masyado pang malayo ang tatahakin n'yong dalawa. I enjoy n'yo muna ang buhay n'yo habang bata pa kayo. Believe me hindi mo pag sisihan ang advice ko na to. Na niniwala kasi ako sa kasabihan kung kayo-kayo." muling tumango si railey. "Susundin mo ba ang utos ng Papa ni Megan" bulong ni Sky habang nasa daan na sila pauwi habang nag mamaneho si Mang Nestor na inutusan na ihatid sila. "Oo, nakakatakot ang papa ni Megan, baka mas lalo akong mawalan ng pag-asa kapag ipinilit ko." "Sabagay. Friendzone ka muna saka ka na lumabas kapag puwede na bakuran mo na lang ng maayos para walang maka puslit na ligaw na damo sa bulaklak mo." tumango naman si Railey. ******* "Hello!" "Megan." napangiwi naman si Megan ng marinig na tinawag nanaman s'ya ni Railey sa pangalan n'ya nakakabog ng dibdib. "Bakit?" "Hindi na kami nakapag paalam sa'yo kanina tulog ka na daw sab ng katulong n'yo." oo naka tulog agad s'ya ng makaligo at linisin ng mga kapatid ang sugat n'ya. "Kumain ka na ng hapunan?" 'Hindi pa kakain pa lang kagigising ko lang." "Buksan mo camera mo hindi kita makita." 'Ayoko ang pangit ko." ani Megan mugto kasi ang mata n'ya. "Wala naman mababago." 'Alam mo demonyo ka na inihulog ng langit." usal ni Megan na tinawanan ni Railey. "Sige na promise hindi kita tatawanan." napabuga naman ng hangin si Megan na binuksan ang camera. "Oh ano! bang kailangan mo." "Wala naman nabago ganun pa rin." ngisi ni Railey. "Naku, pasalamat ka angel pang may sungay ang tingin ko sa'yo ngayon." "Janus will surely go to jail this time kaya wag ka ng mag worried. Ma eexpel na din sa school ang mga barkada n'ya." anusyo ni Railey. "Talaga. Kawawa naman sila pero tama lang sa kanila yun dahil sa kanila hindi na ako flawless may sugat na ako sa knees ko kainis." simangot ni Megan. "Hindi mo naman ikapapangit ang maliit na sugat." "Ayoko ng may peklat madumi sa katawan." "Soon mag kakapeklat ka rin naman kapag nag ka-anak na tayo kapag CS mom ka." awang naman ang bibig ni Megan na malakas na tinawanan ni Railey ang reaction ni Megan. "Alam mo mag patingin ka na sa doctor malala na ang ubo sa utak mo. Napupuno na ng plema ang braincells mo." irap ni Megan. "Bakit ayaw mo bang ma imagine na ako ang makakatuluyan mo someday." 'You wish." "Gusto mo nga akong maging boyfriend wag ka ng showbizz Meganda, masyado kang gumaganda kapag nag dedeny ka sa feelings mo. The more na pigilan mo yan the more na sisingaw na parang utot na kahit anong pigil mo lalabas at lalabas pa rin at maamoy ng lahat." natawa naman si Megan sa ginamit na example ni Railey. "Utot ka ba?" biglang tanong ni Megan. 'Bakit?" sakay naman ni Railey. "You just blew me away kasi."tawa ni Megan. "hala, tumitibok ang puso ko." ani Railey na sinapo ang puso. "Malamang kung 'di yan titibok patay ka na." ani Megan na malakas na tinawanan naman ni Railey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD