CHAPTER SIX

1592 Words
MARY LYNELLE Dala dala ko hanggang sa paggising kinabukasan ang saya at ngiti sa 'king labi. Mabuti na lamang pagkapasok ko sa aming kwarto ay tulog lahat ang mga kasama ko, siguro kung naabutan ako ng kaibigan ko na abot hanggang tenga ang ngiti hanggang umaga siguro ako nito hindi titigilan sa pangungulit certified marites pa naman ito. Lahat kami ay abala sa bahay sa pagdating nila ma'am Nhessa. Pinag utos kay Manang na kami ay magluto ng pananghalian at dito daw kakain. Sa'min ni Nanet inutos ang pag-luluto. Hindi nagtagal ay mayroon ng nag busina sa gate ng mansyon. Bakit ba kabado ako? "Hayys ano ba Lynelle? relax! sabi nga nila mabait naman ang mga magulang ni sir Henry." Huminga ako ng malalim. Kuryusong napatingin ang kaibigan ko. "Relax Lynelle,wag masyado magisip." mahinang ko sambit. "Ano nangyari sa'yo besh parang lutang ka yata?" tanong ng kaibigan ko. “Kanina lamang pag gising mo bakas sa 'yong mukha ang saya! pero ngayon parang hindi ka mapakali, kanina pa kita nakikita na wala sa sarili." Ngisi nito sa 'kin. Tsismosa din itong kaibigan ko. Panay obserba sa 'kin. Inirapan ko siya. "Dami mo napapansin." Wika ko sa kanya. Kunwari wala ako alam sa sinasabi niya. "Ako alam ko! pero di ko sasabihin!" Wika nito na nakataas pa ang kabilang kilay na nakatingin sa 'kin. Nabahala ako sa sinabi nito. "A-Ano Besh 'yon?'' taranta kong tanong sa kanya. “Yung nakita ko dito kagabi” sabay taas ng kanyang kilay. “Pero pag pilitin mo ako, sasabihin ko sa'yo." Sabay tawa. Pinamulahan ako ng mukha sa kanyang sinabi. Ang tinutukoy niya siguro 'yong halikan namin ni sir Henry kagabi. "Besh masarap?" tanong ng walang hiya kong kaibigan. Tinawanan ako nito at ang bilis ko daw mahalata. ‘Masyado ka kasi nagpapahalata’ Anang isip ko. "Okay lang naman besh mukhang patay na patay naman sa'yo si senyorito Henry" segunda niyang sabi. Tiningnan ko siya. "Besh, sana wag ka munang maingay ha! Alam mo na hindi pa alam ng mga magulang niya, kaya sekreto muna sa ngayon." Wika ko dito. "Ikaw pa ba besh at alam ko naman na kong sakali na hindi ka magustuhan nila Madam sure naman ako na kayang ipaglaban ni senyorito Henry ang pagmamahal sa 'yo! Kaya go beshyy ko." Ingay sa sala ang nagpatigil sa kwentuhan namin. Narinig namin ang kumustahan nila sa sala. "Manang naalala pa ninyo ang dati natin kapitbahay na nag migrate sa America?" narinig ko na tanong ng isang babae ,sa tingin ko ito na siguro ang ina ni sir Henry. "Opo ma'am !" sagot ni manang. "Ito na siya ang bilis ng panahon di po ba?" wika ng Mama ni Sir Henry. " Aba! ikaw na ba 'yan iha ? naku teenager ka palamang noon pero ngayon napakagandang dalaga na." Ang sabi ulit ni Manang. "Pansamantala muna siya dito tutuloy. Mayroon kasi siya fashion show sa susunod na linggo. Nagkataon na kasabay sa'min ang flight niya, kaya sinabihan ko na dito nalang mag stay kaysa mag hotel pa siya." Ang narinig ko na wika ni ma'am Nhessa. Tapos na namin ihanda ang mga nakahain sa mesa, nag tutulakan kami ni Nanet kung sino ang pupunta sa sala para tawagin ang aming mga amo. "Hmm..Magandang tanghali po.." Pagbibigay galang sa kanilang kwentuhan. "M-Ma'am, S-sir." Tumingin sila lahat sa'kin. "Nakahanda na po ang pagkain!” Malumanay kong sabi sa kanila. "Kumain na po muna kayo Ma'am, Sir bago magpahinga.?" Wika ni Manang sa kanila. Iniiwasan ko tingnan sa kanang bahagi ng upuan at katabi ni sir Henry ang maganda nilang bisita. Kahit ako napahanga sa ganda niya na tila isang modelo. Siguro nga Modelo ito halata sa katawan niya at kilos. Napakaganda din ng mama ni Sir Henry hindi mo mahalata sa kanyang edad. Ganoon din ang papa niya na di ipagkakaila na kasing gandang lalaki niya ito noong kabataan niya, dahil malaki ang pagkakahawig nila. "Hija halika kana, at nang makapag-pahinga kana sa 'yong kwarto pag kakain." Sabi ng mama ni sir Henry sa bisita nila. Matamis itong Ngumiti sa Ginang. "Okay po Tita,” narinig ko niyang sabi. Tumayo at lumakad papunta ng hapag kainan ang mag-asawa ngunit itong bisita parang ayaw pa yatang tumayo pag hindi tumayo ang katabi niya. "Hmm.. gusto pa yata na akayin ito." bulong ko. Nakangisi naman itong Henry na nakatingin sa akin. Napanguso ako ng tumayo siya at itong katabi niyang babae ay tumayo din, sabay pa talaga silang naglakad papunta sa kusina. Sumunod ako pagkatapos mag pakalma ng sarili. Masyadong pa importante itong bisita halata na papansin kay Henry. ‘Hinahayaan naman nitong lalaki na to!’ wika ng isip ko. ‘Selos ka gurl.’ Anang isip ko. ‘Kapag ako nainis sa kanya bahala ka Henry di kita papansinin.’ Mahinang wika sa isip ko. Mukhang enjoy siya sa pabebe nilang bisita kahit pag abot ng ulam pinakukuha pa. Malapit lang naman sa kanya gusto iaabot talaga! Lihim na tinaasan ko ito ng kilay. "Hija, may boyfriend ka bang naiwan sa America?" tanong ni ma'am Nhessa habang sila ay nag kwentuhan. Nginitian niya ang Ginang bago sumagot. "Single po ako ngayon Tita." Sagot ni Eloisa. "Tamang tama itong si Jude Henry ay walang seryoso na relasyon, baka sakaling magtino Hija, pag ligawan ka!" Kinikilig naman ito sa paglalakad ni Ma'am Nhessa ng anak sa kanya. "Naku Tita baka magalit si Jude sa pinagsasabi mo." Sabay tingin kay sir Henry na pa cute, "Kala mo naman cute.” Mahinang bulong ko. "Shitt..!! Lynelle kalmahan mo lang selos ka lang gurl." kausap ko sa sarili. "Ma,pwede ba tumigil kana? nakakahiya kay Eloisa, at Isa pa, may gusto na akong iba." Wika ni Sir Henry at napatingin sa akin. Lihim naman akong nangingiti. "Buti naman at gano'n Henry." mahinang kong bulong. "Naku tigilan mo ako Jude Henry! Ayan ka nanaman sa may gusto pag katapos nang one month hiwalay na!?" Wika ng Mama niya. "Gusto ko nang mag-kaapo at hindi na kami bumabata ni Papa mo kaya't habang maaga pa at nang may maalagaan na apo diba Hon?" tanong pa nito sa asawa niya. "Honey sa usaping 'yan alam mo na ayaw ko panag-himasukan ang mga anak natin sa gustuhin nila! Kung saan sila masaya suportado ako." Pahabol pa na sinabi ng Papa niya. "Naku kaya di nagtitino 'yang panganay mo at kinukunsinti mo sila." Sagot ng Mama ni sir Henry. "Kaya naman idol ko si Papa." Narinig ko na sagot niya. Pinaningkitan ito ng mata ng mama niya. "Basta sa sabado ipasyal mo si Eloisa. Hindi na niya kabisado ang Maynila sa tagal nilang nag migrate sa America." Giit ulit ng Mama niya. "Naku okay lang Tita at makakaabala ako kay Jude sa dami ng gawain niya sa opisina. Magpapasama na lamang po ako sa kasambahay nyo Tita pag gusto ko ng pumasyal." Wika niya pero ang mata ay nakatingin kay sir Henry habang nagsasalita. Napansin ko naman na hindi siya tinatapunan ng tingin ni Henry kahit panay nitong tanong. Tamad naman siyang sinasagot. Tapos na lahat kumain buti na lang si Nanet at ang isa namin kasama ang naghatid sa magiging kwarto niya, inabala ko ang sarili sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Nang may biglang humalik sa aking pisngi "I miss you." Bulong niya at pabirong kinagat ang tenga ko. Napalingon ako sa paligid sa takot na may makapansin sa amin. He chuckles. "Wala pong tao kaya 'wag ka na mag alala." Sabay pisil sa mukha ko. Aba malay ko ba at sabi nga niya wala siyang pakialam pag may makakita sa'min. "Dalhan mo ako ng kape sa library may tatapusin akong inuwing trabaho." Bilin niya sabay naglakad palayo. Binilisan ko ang pagliligpit at isinunod ang hinihingi niyang kape sa 'kin. Isang katok at binuksan agad niya ang pintuan at narinig ko na kanyang ni lock agad. "Uhm, planado." Irap ko sa kanya. Tinawan lang niya ang sinabi ko. Kasabay ko siyang naglakad papunta sa kanyang lamesa at binaba ang tasa ng kape. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay marahan na hinala pa-upo sa kanyang hita. Niyakap niya ako sa likod at hinalikan sa leeg. "I miss you” inikot niya ako paharap ang upo sa kanya at sinunggaban ang labi ko na akala mo ma-uubusan sa pagmamadali. Napakagaling niya talagang humalik na kaagad akong nawawala sa katinuan. "Henry lalamig ang kape mo!" Putol ko sa halikan namin, ayaw pa sana tumigil kung di ko pina alala kong nasaan kami. "Henry..?” patanong na tawag sa kanya. "Why?” Balik niyang sagot sa 'kin. "Hmmm..bakit Jude ang tawag ni Eloisa sa'yo?" Tumingin ako sa kanya na seryoso at nagantay ng sagot niya. "Magkakaproblema ba tayo kong Jude ang tawag niya sa akin?" tiningnan ako na parang pinpigilan ang tumawa. Hindi nga ako nagkamali, at nakita ko umaalog ang balikat niya. "Henry..!!" hampas sa balikat niya. "Bakit nga?" tanong ko ulit sa kanya. "Hindi ko alam sa kanya." Sagot niya sa 'kin at nakataas ang kilay na nakatingin sa 'kin. "Selos?" tanong niya at napakagat sa kanyang labi. "Hindi kaya parang special ka sa kanya at iba ang tawag niya." Wika ko na sa kanya tumaas. “Huwag kang magselos at wala siyang panama sayo hmmm." Sabay halik sa noo ko at mahigpit na yumakap. Kumalas ako sa yakap niya. "Nag selos? ako?" wika ko sa kanya. "Feel mo naman Gomez!" sabi ko na nakairap sa kanya. Nginisihan lamang ako at walang sinabi. Pero ramdam ko may pagtingin si Eloisa at feel ko na dati may special sila hindi ko lang matukoy. Aantayin ko na kusa niya sabihin sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD