CHAPTER 1
MARY LYNELLE
“Anak mag-iingat ka sa pupuntahan mong trabaho. Kung meron kang hindi magustuhan bumalik ka dito sa atin. Kahit mahirap basta nasa maayos lang ang lahat ng kalagayan ninyo ay ayos lang sa akin,” nag-aalala na wika ng kanyang Nanay.
"Opo nay! Wag po kayong mag-alala dahil sabi naman ni Nanet mabait daw ang mga amo niya kaya ‘wag na po kayong mag-alala,” sagot ko."Hindi ko maiwasan mag-alala anak," Ngumiti siya sa ina.
“Nanay naman, basta po lahat ng ito ay para sa inyo. Alam kong mahirap dahil ngayon lang ako malalayo sa inyo pero kailangan po ng medyo malaki-laking sweldo. Lalo na sa maintenance ni Tatay kaya ‘wag niyo po ako alalahanin,” wika ko sabay yakap kay Nanay. Napalingon si Lynelle nang may kumatok sa kanilang pintuan.
"Aling Lina! Si Lynelle po? Nakahanda na ba siya?” tinig iyon ng aking kaibigan.
"Ay oo Nanet! Pasok ka muna at may kinuha lang sandali ang kaibigan mo,” sagot ni Nanay Lina.
"Bff ready ka na ba? ‘Wag kang mag-alala mababait ang mga amo ko. Wala kang alalahanin bukod sa malaking sweldo ay galante pa sila at di lang iyon bff sobrang gwa-gwapo ng dalawang anak nila sir kaya araw- araw gaganahan ka sa pagtatrabaho,” wika pa sakin ni Nanet sabay tawa.
Napapailing na lamang ako sa aking kaibigan. Makukurot ko talaga ito sa singit. Ang akala niya yata ay hindi trabaho ang pupuntahan. Isa pa wala pa sa isip ko ang lalaki sa ngayon. Focus ako sa pag-therapy ni tatay sanhi ng stroke niya dahil sa sobrang sipag sa trabaho. Bilang isang anak kailangan ko muna pagtuunan ng pansin ang gagamitin sa pagpapagamot ni tatay para agad gumaling.
Mabuti na lang at umuwi si Nanet sa lugar namin sa Sampaloc sa Rizal province at nagkataon daw na nangangailangan ng kasambahay ang amo niya dahil di na bumalik ang papalitan ko.
Mahirap kasi talagang humanap ng trabaho lalo na sa katulad ko na high-school graduate lang kaya nagtiyaga ako sa probinsiya namin na tindera sa grocery store.
Maswerte lang ang best friend ko kasi nakapasok siyang kasambahay sa amo niya ngayon at malaki ang sweldo dahil sobrang yaman daw ng kanyang mga amo. Palibahasa ang tiyahin niya sa pinsan ang mayordoma ng magiging amo ko kaya kaagad siya nakapasok pagka-graduate namin ng secondary.
"Besh andito na tayo," biglang sabi ni Nanet.
Hindi ko mapigilang hindi nalula sa binabaan namin na bahay. Hindi lamang iyon malaking bahay kundi isang malaking mansyon! Sabagay ngayon lang Naman talaga ako nakakita Ng ganitong sobrang laking bahay kaya medyo napapahanga ako.
"Besh buti nag kakakitaan pa sila dito sa bahay nila sa sobrang laki? Hardin pa lang pwede ng patayuan ng limang bahay at hindi pa kasama ang garahe ha," mangha kong wika.
“Ano ka ba besh, pag matagal ka na dito ay pangkaraniwan na lang sa’yo ang makikita mo,” sagot sa akin ni Nanet na nakangiti. Nagmumukha tuloy akong ignorante sa mga nakikita ko ngayon na dati ay sa telebisyon niya lamang nakikita.
Pagka-doorbell ni Nanet ay kaagad kaming binuksan ng security guard. Hindi lamang iisang security guard kundi dalawa pa sila."Kuya siya po Ang kaibigan ko na kapalit sa umalis na kasambahay," wika ni Nanet.
“Aba'y magandang dalaga itong kaibigan mo Nanet," sabi ni kuya guard.
Bigla akong nahiya at hindi ako sanay na sasabihan ng maganda kahit marami nagsasabi na maganda daw ako at sa di naman sa pagmamayabang ay kahawig ko daw si Yassi Pressman. Ang kaibahan lang ay likas na tuwid ang buhok ko na abot sa baywang ko at kahit di pa nasasayaran ng rebond na nauuso ngayon. Ang aking buhok ay straight pa din at natural na makintab ito.
"Andiyan na pala kayo Nanet bukas ka’na hija mag-umpisa sa trabaho at di nakita uusisain pa dahil kaibigan ka naman ng pamangkin ko,” sabi ni manang na lumapit sa amin. Siya na siguro ang tiyahin ni Nanet na mayordoma dito.
“Salamat po,” wika ko sa tiyahin ni Nanet. Ngumiti lamang sa kin ang matanda.
"Magpahinga na muna kayo. Alam ko na pagod pa kayo sa biyahe," wika ni Manang.
“Sige po Tiyang. Samahan ko po muna si Lynelle sa ating kwarto,"
Habang naglalakad kami ni Nanet papunta sa maids quarter ay may nadaanan kaming family picture na nakasabit sa sala. Napatitig ako sa larawang iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang lakas ng t***k ng aking puso habang nakatitig sa larawang kahit minsan ay hindi ko pa nakita.
Pumasok kami ni Nanet sa hindi kalakihan na kwarto. Mayroon ito tatlo na double-deck sa loob at kompleto din sa gamit at may sariling banyo. Kahit maids quarter ay maganda ang loob nito.
"Besh, ito ang kama ko 'yon dalawa na magkatabi sa kasama natin na kasambahay. Saan mo gusto sa taas o magtatabi tayo dito sa baba?" tanong nito sa 'kin.
"Tabi nalang tayo besh takot ako sa taas pakiramdam ko mahuhulog ako sa maling galaw ko." wika ko dito.
"Okay Besh, ang mga gamit mo nalang ang ilagay doon sa taas." wika nito. Pinatong ko sa taas ang bag na dala ko. Hindi ito kalakihan kakaunti lang ang dala kung gamit.
"Pwede ka magpahinga besh at ng may lakas ka bukas ng umaga. Paano iiwan na muna kita rito ha! lalabas lang ako para tumulong sa gawain." wika nito at naiwan ako magisa sa kwarto.
Kumuha ako ng damit pamalit at gamit sa katawan bago nagtuloy sa banyo. Agad ako nag sipilyo at naghilamos pagkapasok dito. Naginhawaan ako pagkatapos ng paglilinis ng katawan.
Naupo ako sa gilid Ng kama at napabuntonghininga. ‘Namiss ko kaagad sila nanay
Kumusta kaya sila ngayon?’ anang isip ko. Humiga na lamang ako sa kama at naisipan na umidlip kahit hindi ako inaantok.
Nagising ako at kita sa bintana na madilim na sa labas.
‘Anong oras na kaya?’ anang isip ko. Tumingin ako sa ding ding at sinipat ang oras. Alas-sais na pala ng gabi.
Dumating kami kanina ay alas-kwatro ng hapon. Halos dalawang oras ako natulog. Tumayo ako sa kama at pinasadahan ng mga daliri ang mahabang buhok. Hindi na ako nagsuklay wala naman sigurong tao sa labas. Wala din ako nakita kanina, tanging mga kawaksi lang ang andito.
Palabas na ako ng kwarto tama na pumasok si Nanet. "Sakto ang dating ko at kakain na Tayo!" wika nito.
"Pasensya na napasarap ang tulog," wika ko dito.
"Okay lang, si Tiyang naman ang nagsabi na bukas ang 'yong umpisa kaya walang problema kong matutulog ka ng bongga." wika nito.
"Labas na tayo mamaya tayo magkwentuhan baka mainip sila sa pag antay sa hapagkainan." wika nito sa 'kin. Lumabas na kami ng kwarto at nag tuloy sa kusina.
Nakahain na sila, nahihiya ako at wala ako naitulong. Malayo pa kami ay tinawag kami ni Manang. Nginitian ko sila, mukhang mababait naman at makakasundo ko ang iba namin na kasama.
"Wag kang mahihiya sa 'min hija! Kung mayroon ka hindi magustuhan at kailangan." Nginitian ko ito.
Ang gaan ng loob ko sa kanya parang si Nanay lang ito. Matapos kumain tumulong ako kay Nanet sa pag liligpit. Tutol pa sana ito noong umpisa pero mapilit ako. Mabilis namin natapos ang pagliligpit. Pumasok na kami ng kwarto para maghanda sa pagtulog.