JUDE HENRY
Nagmamadali ako na lumabas ng aking kotse at pumasok kaagad sa loob ng bahay. Hinanap kaagad siya ng mata ko sa pag aakala na andito siya, ngunit ni anino ay wala ito.
Sinubukan kung pumunta ng kusina at sakto nga nakita ko agad ito. Nakaharap siya sa nakasalang na kawali at nakahawak ng sandok at hinahalo ang niluluto nito. Amoy na amoy ko ang bango at nanunuot sa ilong ko. Bigla ako nakaramdam ng gutom sa niluluto nito. Unti-unti ako lumapit sa kanya ng walang ingay sa paglalakad. Niyakap ko siya ng nakatalikod.
"Ay Palaka." Biglang sambit niya. Hindi ko maiwasan ang matawa sa expression niya. Niyakap ko ito nang mahigpit at hinalikan sa buhok.
"S-Sir, bitaw na, amoy ulam ako." Saway nito sa 'kin. "Paamoy nga!" wika ko sa kanya.
Inilingan ako nito at nanlaki ang dalawang mata. I laugh at her reaction. Hindi ko mapigilan halikan ang kanyang leeg.
"Mabango nga." Biro ko sa kanya. Napanguso lang ito na hindi humaharap sa 'kin.
Shit..madikit lang ako sa kanya nag-iinit kaagad ang pakiramdam ko lalo na 'yong nasa ibaba ko.
Parang gustong magwala sa kinalalagyan nito. Hindi ko napigilan na sinubsob ulit ang mukha sa leeg niya at nagpakalma sandali.
"S-Sir..H-Henry, baka may makakita sa atin?" Wika nito. "At ano naman ngayon kung may makakita? maganda nga 'yon at ng malaman nila." Sabi ko ng walang pag aalinlangan. Bumubulong ito sa harap ng kanyang niluluto.
Napahalakhak ako at mahinang kinurot sa pisngi. "Naririnig kita!" wika ko na nakangisi sa kanya.
"Di mo ako na miss?" tanong ko sa kanya na seryoso. "Ako kasi sobrang miss kita kaagad. Gusto ko na umuwi sa trabaho. Tapos ikaw balewala sa 'yo." Wika ko sa kanya.
Sinulyapan niya ako na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko. Marahan itong umikot paharap sa 'kin. Hindi niya maiiwasan ang pamulahan ng mukha.
"Nakakahiya baka ano na amoy ko kanina pa ako pawisan, pero siya ang bango padin sarap sa ilong ng amoy niya." Mahina bulong nito na akala niya hindi ko narinig ito. Pinigilan ko tumawa sa mga pinagsasabi niya.
Nahihiya itong nagtaas ng tingin sa 'kin. Napanguso ito at umirap sa 'kin. Hinalikan ko siya sa noo at inayos ang ilang nakatakas na buhok sa mukha niya. Marahan ko hinaplos ang makinis niyang mukha. Naaakit ako nang napasulyap sa labi niyang mapula. Gusto ko itong halikan ngayon pero baka magalit ito sa 'kin.
**
MARY LYNELLE
Sobra akong nagulat sa pagdating nito. At sa kusina kaagad dumiretso. Hindi man lamang nailang sa ayos ko at sa kanya, basta na lang ito ng yayakap.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Magbihis na po Sir." Wika ko sa kanya.
" Mamaya na pag kakain na." Sagot nito sa 'kin.
Nakangiti ito na nakatitig sa aking mukha. Parang gusto yata nito e-memorize ang buong mukha ko na paborito nito titigan.
Hindi ko maiwasan ang mahiya minsan. Hindi maipagkakaila sa titig nito ang labis na paghanga sa kanyang mga mata. Kahit sa mga kasama sa bahay ay wala itong pakialam kung hindi ko sinasaway ito matagal na nila alam na boyfriend ko na ito. ‘Kinilig ka naman gurl.’ Sabi ng isip ko.
Well sino ba ang hindi kikiligin dito halos ang katangian nito ay gugustuhin ng lahat. Dagdag pa ang yaman nito.
" S-Sir.." nakita ko siyang sumimangot sa tawag ko.
"Pwede ba alisin mo na ang pagtawag sa akin ng Sir!?" wika nito na napahillot sa sintido niya, kala mo napakalaking problema para sa kanya.
Inirapan ko siya sa kanya sinabi. "Hindi ko susundin!" na nakanguso pagkatapos sabihin sa kanya.
"Aba't gusto siguro maparusahan!" sabay tingin ng matiim sa akin na kala mo tinatakot ako.
"Pagiisipan ko muna!" na napanguso. Lalong naging seryoso ang tingin niya.
Hinapit niya ako ng madiin papalapit sa kanya.
"Gustong gusto mo siguro maparusahan?" at walang babalang sinakop ang labi ko, mapusok akong siniil ng halik na marahas ngunit may pagiingat.
Sa galing niyang humalik di ko maiwasan ang tumugon sa halik niya, kala mo isang pagkain ang labi ko na magpapabusog sa kanya kung di ko pa siya inawat naguumpisa ng maglakbay sa katawan ko ang kamay niya. "F*ck!" mahina niyang sabi na pinagdikit ang aming noo dinig ko ang lakas ng paghinga niya.
"S-Sir.." sabi ko sa kanya ng mahina.
"What?" sagot niyang mahina habang hinahaplos ang mukha ko, ramdam ko ang pagpipigil niya sa sarili ramdam ko din ang kabog sa puso niya.
" A- ano 'yung nararamdaman ko sa baba H- Henry?” humalakhak siya sa sinabi ko, “Ang bastos mo!” hampas ko sa dibdib niya at masama ko siyang tiningnan. ‘My gosh ang tigas ng dibdib niya di nasaktan sa hampas ko’
Pumungay ang mata niya ng tinawag ko siya sa kanyang pangalan na tilang sarap na sarap sa pandinig niya.
"Damn! Mary Lynelle." Sambit niya at napakagat sa labi na tila nang aakit.
Biglang lumaki ang mata ko ng narealize ko 'yong bagay na tumutusok sa bandang tiyan ko, tiningnan ko si Henry na lihim itong tumatawa. Mabilis akong humiwalay na namumula ang mukha at di makatingin sa kanya.
Sinamaan ko siya ng tingin para ipakita na hindi ako apektado. ‘Sh*t.. bakit biglang naginit ang pakiramdam ko! Diba niya alam? nadudumihan ang inosente kong pagiisip pag kasama ko siya, at mula ng sabihin niya na pag- aari na niya ako.’
Sabay kami nag katinginan ng maalala ang niluluto ko. ‘Muntik ng masunog dahil sa malandi kong amo.Talaga ba Lynelle! amo mo lang?’ Sabay napasapo sa noo ko.
"Hijo! andito ka na pala!" Biglang salita ni manang na kakapasok lang sa kusina, dahil sa gulat sa biglang pag pasok ni manang
"Ouch" napadikit ako sa kawali. Muntik na kami maabutan kanina.
Biglang hinawakan ni Henry ang kamay kong napaso at masuyo tiningnan.
"Magiingat ka sa susunod." Masuyo niyang sabi sa 'kin. Lumapit ito at may kinuha na ointment sa isang sulok kung saan nakalagay ang medicine kit at dahan dahan nito nilagyan ang paso ko.
"Okay lang po ako sir" napatingin siya ng masama sa 'kin.
Sinadya ko siya tawagin sa gano'n at pinapanood kami ni manang.
"Magiingat ka sa susunod Hija" narinig kong sabi ni manang, pakiramdam ko nagtataka siya, at naabutan niya si sir Henry na kami lang sa kusina na naka pang-office pa ang damit niya.
"Senyorito tumawag pala sila ma'am Nhessa bukas daw ng tanghali ang dating nila," narinig kong sabi ni manang na nakatingin sa amin.
"Okay po manang ako nalang po sunsundo sa kanila at hapon pa ang balik ni Mang Dan," at humarap kay Manang.
Napag-alaman ko na pag nagbabakasyon sa America ang magulang ni Henry, ay nag babaksyon din ito sa probinsya nila para madalaw ang mga anak at apo.
"Uhm..” putol ko sa paguusap nila. " Sir ihahanda ko na po ba ang lamesa?"
Tiningnan niya ako ng masama at sabay irap. "Magbibihis muna ako."
"Sige po manang akyat po muna ako!" at palihim akong tiningnan.
"Sige na Hijo, at pagkabihis mo bumaba agad ha!" bilin pa ni manang na tumango lang siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng di na siya nagusisa sa akin, tahimik kaming magkatulong sa pagaayos ng lamesa.
"Manang dumating na po ba si Nanet?” kunwaring tanong ko sa kanya, day off kasi ni Nanet ngayon at nag paalam na pupunta ng mall.
"Kanina pa Hija, ang akala ko nga andito sa kusina, may pasalubong daw sa'yo kaya tinanong ka sa akin," sagot ni Manang saakin.
Pinamulahan ako ng mukha baka nakita kami ni Henry. “Lagot ka ngayon Lynelle sa kaibigan mo hindi ka tatantanan mamaya.” kausap ko sa sarili at napasapo sa noo.
Sabay kami ni Manang na napatingin sa taong pumasok ng kusina, at walang iba ang napa kakisig kung amo. Naka puti siyang sando at naka short sobrang lakas ng dating kahit simple ang suot. Sa lampas isang buwan ko na dito sa kanilang mansyon, walang damit na hindi bagay sa kanya pag siya ang nag suot.
At sa pag daan ng araw nararamdaman ko 'yong pagiingat niya sa akin, at kahit di niya sabihin nararamdaman ko 'yong salitang inlove.
"Sir kain na po!" tiningnan niya ako at tumingin kay Manang.
"Sabay na po kayong dalawa sa'kin” na binalik ang tingin sa akin at kinindatan ako.
Lihim na binaling ko sa iba ang aking tingin at pinamulahan ng mukha. ‘s**t simple kindat, kala mo naman teenager.’ sabi ko sa isip ko. Tahimik kami habang kumakain, itong amo ko naman ayaw paawat, nauna niyang nilagyan ang plato ko bago sa kanya.
Nauna na si Manang pagkatapos namin kumain, hinugasan ko ang mga ginamit sa pagluluto at mga plato. Papasok na ako sa aming kwarto ng salubungin ako nitong makulit na Henry.
"Bakit?" tanong ko sa kanya, tumingin lang siya sa'kin sabay hapit sa baywang ko at hinalikan ako, napahawak ako sa batok niya at lalo pa niyang nilaliman ang halikan namin at siya din ang kusang tumigil.
"Goodnight love" sabay halik sa noo ko. “Pasok na baka saan pa tayo umabot.” sambit niya ng mahina.