TBS-3

1452 Words
“Matino akong kausap Mr. Madrigal,” kalma ngunit may pagbabanta ang tono ng boses na sabi ni Aleck. “Sandali lang bata, hindi ko intensyon 'yan. Maging ang mga tauhan ko ay nagtataka kung bakit hindi nila magamit ang kanilang mga atm na naka-link sa pangalan ko.” paliwanag ni Rios. “Wala akong pakialam sa iba mong dahilan. Ang kailangan ko ay pera. Kung ayaw mo ng serbisyo ko, walang problema. Maghahanap ako ng mas kayang punan ang pinansyal kong pangangailan.” sabi ni Aleck at akma na itong tatayo ngunit pinigilan siya ng matanda. “Relax,” sabi ng matanda at may pinindot ito. Maya-maya lamang ay pumasok ang lalaking may bitbit na briefcase at nilapag iyon sa desk ni Rios. “Sampung milyon para sa serbisyo mo.” sabi ni Rios at binuksan ang briefcase. “Makakaasa ka. Mabuti naman at malinaw sa'yo ang lahat.” walang emosyon na sagot ni Aleck. Sinara ang briefcase at nilagay iyon sa kanyang back pack. Hindi man lang nagpaalam ng maayos sa matanda o nagpasalamat. Nanlilisik ang mga mata ni Rios na tinanaw si Aleck papalabas ng kanyang opisina. Dinampot ang cell phone at tinawagan si Aljur. “Kumusta ang resulta ng DNA test? Ang record ni Aleck?” “Boss, wala pa.” sabi nito habang busy ang mga kamay sa kaulayaw na walang iba kundi ang anak ng kausap. Kasalukuyang nagtatalik sina Zoey Madrigal at Aljur Montenegro nang abalahin sila ng tawag ng ama ng dalaga. Habang busy sa telepono, busy naman si Zoey sa pahsubo ng kanyang sanda at halos napaungol si Aljur. “Aljur, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” “Mr. Madrigal, oo naman..hmmm..” nakakalokong sagot ng binata at ginalaw ang balakang, nag-urong-sulong ito upang bayuhin ang bibig ni Zoey. “Busy ako, Mr. Madrigal. Mamaya na tayo mag-usap.” sabi ni Aljur at agad na ini-off ang telepono at ipinagpatuloy ang ginagawa. Dinakot ni Aljur ang ulo ni Zoey at kinabig ang ulo nito, hanggang masagad ang bibig at mukha ng babae sa kanyang sandata at inilabas ang katas sa lalamunan nito. Halos maduwal si Zoey nang maramdaman ang pag-ragasa na mainit na likido sa kanyang lalamunan. “Zoey, the best ka talaga." puri ni Aljur kay sa dalaga. Katunayan, alam na ni Zoey na tagilid siya kay Klaeb. At lalong hindi na niya balak seryosohin ang relasyon nila dahil ayon kay Aljur, wala itong sariling account at yaman na idineklara. Ngunit mapilit ang kanyang ama na ang mga Sorrento at may natatagong yaman. Samantala si Aleck ay biglang nalito kung paano maglalabas ng pera. Binigay naman sa kanya ang code ng briefcase at nabuksan niya ito. Nag-check-in sa isang hotel si Aleck. Agad na isinalin ang pera sa bag, nang matapos ay nahiga sa kama at pinatay ang ilaw. Ipipikit na sana niya ang kanyang mata nang mapansin niya ang maleta na tila may ilaw na halos kasing laki lamang ng tuldok ang liwanag. Bumangon siya at inabot ang maleta. Hinaplos ang parte na iyon. Tuso ka, Madrigal. Sabi niya sa sarili. Alam niyang tracker iyon. Mabuti na lang at naisip niyang ilipat sa back pack niya ang ibang laman nito. Kinabukasan ay nagmamadaling pinuntahan ang ina sa ospital. Wala pa rin itong malay ngunit maayos naman ang kundisyon. Dahil nakapag-provide na ng pera ay agad nagtungo si Aleck sa attending physician ng kanyang ina. “Doc, maaari niyo na hong operahan ang aking ina. May sapat na akong pera.” excited na balita niya sa doktor. Ngumiti naman sa kanya ang mabait na babaeng doktor. “Mr. Sorrento, naka-schedule na talaga ang operasyon ng iyong ina bukas.” paliwanag nito sa kanya. “Ha? A-akala ko ba hindi ninyo ooperahan kapag walang paunang bayad.” nagtatakang tanong ni Aleck, napakamot pa siya sa batok. “Calm down, Aleck. Nasa safe na ospital ang mother mo. Besides, she's fully paid.” “Ha? Bayad na? Paano? Sino nagbayad? Ngayon pa lang ako magbabayad.” nalilito na tanong niya sa doktor. Dahil siguro sa kanyang reaksyon, napahagalpak ang doktor na babae. Bata pa ito at mukhan dalaga pa, nakasuot ng salamin, mataas ang ponytail. Dahil sa suot na mask ay hindi sigurado si Aleck kung gaano ito kaganda. Napukaw siya nang magsalita ulit ang doktor. “I'm Margaux, Dr. Margaux Sañez, ako ang assigned doktor at surgeon ni Mrs. Gloria Madrid Sorrento.” “Ah, salamat kung ganun. Pero hindi Sorrento ang apelyido ng nanay ko. Wala–" napatigil sa pagsasalita si Aleck. Pakiramdam ni Aleck ay umikot ang kanyang paningin sa pagkalito. Kahit kailan ay wala siyang natatandaan na ginamit ng ina ang apelyido na iyon. Sa pagkakaalam niya ay hindi kasal ang ina sa yumaong ama ayon dito. Ganun pa man ay hindi nag-usisa si Aleck tungkol sa ama na kahit kailan ay hindi niya nakilala hanggang sa paglaki. Binalewala niya ang isipin na iyon. “Salamat sa pag-asikaso sa aking nanay. Pero Doc, isang buwan akong mawawala dahil sa aking trabaho. Heto ang pera, kapag kulang pa, sabihin mo lang. Pwede bang alagaan mo na rin siya hanggang sa gumaling.” sabi ni Aleck sabay abot ng bag ng pera. Nagulat naman ang doktor. Hindi ito ang misyon niya. Side work lamang niya ang pagpapanggap na doktor ng isang hindi kilala ng pasyente pero bakit naiinvolve siya sa lalaking ito. Ang pakay niya sa ospital na iyon ay patayin ang ina ng binata. Ayon sa kanyang boss, dahil ito ay isang lihim na tagapagmana rin ng yaman ng mga Sorrento. Umiwas ng tingin si Margaux, hindi niya inaasahan ang engkwentro sa anak ng bibiktimahin. Sa pakiusap pa lang ni Aleck, parang nadudurog ang puso ng dalaga dahil sa sinseridad ng pagmamahal nito sa ina. Mas lalo pang nalito ang babaeng doktor nang abutin ni Aleck ang kanyang mga kamay at lumuhod ito. “Please, Doc. Nakikiusap ako, alagaan mo ang nanay ko. Babalik ako, at sana pagbalik ko, magaling na siya at malakas.” “H-Hindi ko maipapangako. Gagawin ko lang ang trabaho ko. At saka, hindi ko trabaho ang mag-alaga ng pasyente. Doktor ako, oo, pero hindi nanny or caregiver para alagaan siya ng ayon sa gusto mong mangyari.” binawi ang kamay ang lihim na hinaplos pagkatapos magsalita. Naramdaman niya ang gaspang ng palad ni Aleck. Halatang banat ito sa mabibigat na klase ng trabaho. Ang makapal na kalyo at tigas ng mga daliri ay tila makaka-scratch ng balat na sensitibo. Ngunit ang ipinagnagtataka ni Margaux ay ang kinis ng mukha nito na tila alaga sa facial daily routine. “Dok, may dumi ba ako sa mukha?” “Ah, wala. By the way, wala akong pinapangako. Magha-hire na lang ako ng caregiver para sa mother mo. Busy akong tao," sabi ni Margaux at nagpanggap na may hinahanap sa drawer. Napabuntonghininga si Aleck at yumuko na lang upang magbigay ng respeto sa doktor at tumalikod na ito. Lihim naman siyang hinabol ng tanaw ni Margaux. Habang nasa hallway, iniisip ni Aleck kung sino ang nagbayad sa hospital bill at operasyon ng ina. Pumunta siya sa cashier at inalam dito ngunit ayon sa mga ito ay bawal daw ang pag-expose ng pangalan. Isa pa ay hiniling mismo ng sponsor na huwag sasabihin ang kanyang pangalan. ______ “Bata, alam mo na ang drill at si Aljur ang bahala sa'yo. Bawala magkamali, kapag nabulilyaso ang transaksyon, alam mo na ang mangyayari sa'yo." “Areglado Boss." Sabay na sagot nina Aljur at Aleck. Habang nasa biyahe, walang imik si Aleck, hindi naman niya ganun kakilala si Aljur ngunit ito rin ang nagbigay sa kanya ng trabaho kaya nagpapasalamat siya rito. Kinakabahan din siya sa klase ng kanilang trabaho. “O, ano ang iniisip mo. Kinakabahan ka ba?" “Medyo, illegal ang trabaho. Kapag nahuli tayo ng pulis tiyak sa piitan ang bagsak natin.” “Bro, easy. Kapag nakarating ka sa Black Market, sasabihin mo sa susunod, gusto mo na ang trabaho. Easy lang ang pera dito. Kailangan mo lang maging tapat kay Boss.” “Siya nga pala, eto ang ID mo. Tandaan mo, hindi ka Sorrento. Ito ang code name mo.” tapik pa ni Aljur sa balikat niya at binasa ang nakasulat sa ID. “Black Mamba?" “Bawat code name ay nakarehistro sa system. Hindi na-uulit ang pangalan. Code name ang ginagamit sa Black Market upang protektahan ang identity lalo na ang mga taong konektado sa illegal business na 'to. Gets mo?” mahabang paliwanag nito. “E ikaw? Anong code name mo?” curious na tanong ni Aleck sa kausap. “Jaguar. Simula ngayon, ikaw na si Black Mamba. Sa mundo ng illegal na negosyo, kailangan mong protektahan ang sarili mo.” paliwanag ni Aljur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD