Papasok na sa syudad ang ten wheeler truck na minamaneho ni Aljur. Dahil inaantok na siya at hatinggabi na, itinigil muna niya ang sasakyan. Bago siya pumikit ay tinitigan muna ang mukha ni Aleck na nakatulog na rin sa haba ng kanilang biyahe.
Naisip niya, parang may kamukha ito ngunit hindi niya maalala. Bukod pa dito, isa rin itong Sorrento pero malayo Naman ang mukha sa kilala niyang Sorrento brothers. Umiling lang si Aljur at sinandal ang likod upang matulog kahit ilang oras lamang.
Alas kwatro na ng madaling araw nang halos magkasabay na nagising ang dalawa. Kung alam lang sana ni Aleck ang kanilang destinasyon ay siya ang humalili sa kasama.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Aljur sa kanya.
“Oo, pasensya ka na. Kaya ko naman mag-drive kaso ayaw kong magkaprobela sa unang sabak ko sa trabaho.” sabi niya na napakamot pa ng batok.
“Ayos lang, ano ka ba?” natatawang sagot ni Aljur.
Nag-ayos ng sarili ang dalawa at tinuloy ang biyahe. Pagdating sa karatig-bayan ay walang naging problema. Lahat ng check point na daanan nila ay parang balewala lang at walang pagdududa kung ano man ang laman ng kanila container.
Halos labing-pitong oras na silang bumabyahe. Nasa kahabaan sila ng isang malaking probinsya nang biglang may humarang sa kanilang mga kalalakihan na nagpapanggap na checkpoint. Iba ang kutob ni Aljur. Wala siyang matandaan na nagkaroon ng checkpoint sa lugar na iyon. Imbes na huminto ay inapakan ang gasolina at mas lalong pinaharurot ang sasakyan.
“Yumuko ka!" sigaw na utos niya kay Aleck.
Naging alerto nman ang huli. Bago pa sila makalamapas ng barrier ay pinaulanan na sila ng bala. Agad namang sumemplang sa gilid ng tulay ang sasakyan at dahil makontrol ni Aljur ang manibela ay nalaglag sila sa tulay, kasama silang bumagsak sa malalim na tubig ng ilog.
Hindi pa man nakaka-isang oras ay laman na ng pahayagan ang insidente sa bayang iyon. Ngunit ang pinagtataka ng lahat ay wala ang driver at kasama nito ayon sa huling checkpoint. Nare-cover ang iba't ibang uri ng baril sa loob ng container pati na rin ang truck ay sinimulan ng hatakin.
“Mga inutil! Hindi ba't sabi ko, takutin niyo lang hindi ko sinabing patayin niyo! Mga bobo!" Galit na sabi ni Mayor Villafuerte.
Si Mayor Villafuerte ay isang respetado at kilalang mabuting lider sa loob ng dalawang dekada. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam na isa siyang protector ng kilalang illegal business sa Black Market. Ngunit hindi lang pagprotekta ang ginagawa niya. Kung minsan ay ninanakaw niya rin ang mga ito. Pinapalabas na naging mahigpit sa checkpoint. Ire-recover ang mga ito ngunit hindi ibabalik sa totoong may-ari. Sita na rin ang bahalang magbenta ng mga ito.
“Pera na, naging bato pa!”
“Sorry Boss, hindi kasi huminto,” sabi ng isang tauhan nito.
“Nangangatwiran ka pa!” Galit na sabi ng Mayor at agad na hinugot ang baril ng tauhan at walang awang binaril ito sa noo.
“Linisin niyo yan! Sa susunod na mabulilyaso ang plano, lahat kayo, maitutulad sa kanya!" banta niya sa mga tauhan at tinuro ng nakahandusay na bangkay.
Samantala, nanginginig sa lamig at uhaw na uhaw si Aleck. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya rin alam kung nasaan si Aljur.
Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng kahol ng kahol ng aso at boses ng isang babae.
“Savvy! Halika na, bumalik na tayo!" Sigaw ng babae ngunit hindi nakinig ang aso.
Tila may naamoy ito.
Kinabahan naman si Aleck at dahil sa pagod at gutom, nawalan na siya ng malay.
“Heaven, hija, dalian mo dyan. Yung pasyente mo, hindi pa napapalitan ng damit.” Sigaw ni Aling Rosa sa magandang doktor.
Kasalukuyang bakasyon si Heaven Vicente at nadestino sa bayan na iyon upang magbigay ng libreng serbisyo sa mga may sakit. Isa siya sa nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng break.
Isa ito sa pangarap ni Heaven, ang maging maluwag ang schedule. Sa probinsya, hawak niya ang oras, kahit na maraming pasyente hindi ito katulad sa malalaking hospital na halos wala ng pahinga at diretso ang shift kung minsan.
Mahal niya ang trabaho niya ngunit kailangan niya ring mahalin ang sarili. Marami din kasi siyang swapang na kapwa doktor. Mas madalas mag-party pagkatapos ng shift, kinabukasan ay hindi makakapasok kaya napipilitan siyang magsgraight at halos sa ospital na siya natutulog. Noong una ay isa siyang residential doctor ng private hospital.
Isa ito sa nagustuhan niyang programa ni President Kaleb Van Sorrento. Bukod sa mataas na sweldo, makakapagsilbi siya sa bayan ng maluwag sa puso.
Biglang nalungkot si Heaven nang maalala ang kapatid ng pangulo. Ayon sa usap-usapan, uto ang totoong pumatay sa dating Congressman 11 years ago dahil sa mana. Kunot ang noo ni Heaven at iniisip kung gaano nga ba kalaki ang yaman at ari-arian ng mga Sorrento.
Bukod pa dito, gwapo ang Sorrento Brothers. Kung hindi nga lang tungkol sa pera ang isyu, at walang problema, magkakagusto siya sa kambal ng presidente.
“Oho, Aling Rosa. Naghanda lang ho ako ng tubig. Sariwa pa ang sugat ng pasyente.” nakangiting sagot niya sa matanda na may-ari ng bahay na inuupahan niya.
Pumasok sa kwarto si Heaven at agad inilapag ang palanggana na may maligamgam na tubig. Wala pa ring malay ang lalaki, ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ito nagigising simula nang matagpuan ito ng alagang si Savvy.
Nagsimulang alisin ni Heaven ang benda sa dibdib ng lalaki, malalim ang sugat nito. Nung matagpuan niya ang lalaki ay naliligo ito sa sariling dugo. Saka lamang niya napagtanto na posibleng ang lalaking inaalagaan ngayon ay involve sa insidente at isa sa mga nawawalang kasamahan ng driver ng ten wheeler truck.
Hindi niya alam ang gagawin ng oras na iyon ngunit alam niyang baka mamatay ang lalaki kung dadalhin niya pa ito sa ospital. Tatlong oras pa ang biyahe, bukod pa rito, kinailangan niyang buhatin ang lalaki kaya nagmamadali siyang humingi ng saklolo sa matandang dalaga na si Aling Rosa.
Bumuntonghininga si Heaven, ang kapal na ng bigote ng lalaki. Maputla pa rin ang labi nito. Pagkaalis niya ng tela sa sugat nito ay agad lumabas ang dugo dahil sa paggalaw ng pasyente. Napaungol ito at biglang nataranta si Heaven.
“s**t! He's awake." sambit niya at biglang tinakpan ang sugat nito at napadiin lalo ang kanyang palad.
“Urgh!" Ungol uli ni Aleck.
Hindi niya maimulat ang kanyang mga mata at damang-dama niya ang palad na lumapat sa kanyang dibdib. Sobrang sakit at tila kinakapos siya sa paghinga.
“Heaven?”
Ayon lang ang narinig ni Aleck at bigla na naman siyang nawalan ng malay.
Ang kahol ng aso, awit ng mga ibon at tilaok ng manok ang gumising kay Aleck. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Nabungaran niya ang isang matamis na ngiti ng dalagang nakatitig sa kanya.
“You're awake, finally.” sabi nito at inalalayan siyang makaupo.
“Nasaan ako? Sino ka?" agad na tanong ni Aleck.
“Heaven ang pangalan ko, 'wag kang mag alala, buhay ka pa at wala ka sa totoong langit." biro ng babae ngunit seryoso ang mukha, wala ring bakas sa mukha na nagpapatawa ito.
“Is that a joke?” tanong ni Aleck ngunit napangiwi ito nang maramdaman ang kirot sa kanyang kanang dibdib.
“Kung nakakatawa, e di tumawa ka hanggat gusto mo, kung kaya mo." banta ni Heaven sa kanya ngunit ang tinutukoy nito ay ang sugat niya.
Isang tawa lang niya, tiyak na siya rin ang masasaktan kaya pinigilan ang sarili na matawa. Inisip na lang na hindi niya narinig ang unang sinabi ng babae.
“Bakit ako na dito?” tanong niya kay Heaven na ngayon ay busy na sa paglalagay ng betadine sa gilid ng kanyang sugat.
“'Yan din ang gusto kong malaman, bakit ka nandito." sagot lamang nito at tinuloy ang paglagay ng disinfectant sa kanyang sugat.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nairita si Aleck. Napatitig siya sa mukha nito at naisip.
“Maganda nga, maldita naman." bulong niya nguit di iyon nakalampas sa pandinig ng dalaga.
“Ano?" mabibilis na tanong ni Heaven, napadiin ang hawak na clipper at bulak sa sugat ni Aleck.
“Aaah!”