Agad sinugod ni Aleck ang ina sa ospital. Buhat niya ito at halos manigas ang katawan ng ina dahil hindi ito makahinga ng normal.
Agad naman silang nakasakay ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na ospital. Mabuti na lamang at hindi gaanong traffic sa kabayanan kaya mabilis silang nakarating.
“Nay, lumaban ka please. 'Wag mo akong iiwan,” bulong ni Aleck sa ina at hinalikan ito sa noo habang nasa loob sila ng taxi.
“Boss, nandito na tayo,” sabi ng driver na bumusina sa emergency area.
Kinapa ang bulsa at inabit sa driver ang bayad. Ito ang pera na inabot kanina ng mga opisyales na nangangampanya.
Agad naman na rumesponde ang mga emergency staff. Ngunit nang mailapat ang katawan ng ina sa stretcher ay parang nagdalawang isip ang mga staff at nagtanong.
“Sir, may pambayad po ba kayo?” seryosong tanong nito kay Aleck.
“Bakit kapag wala, hindi niyo tatanggapin?” sigaw no Aleck sa kanila.
Sakto naman na napadaan ang isang lalaki at tinawag ang kanyang pangalan.
“Sorrento?” tanong nito sa kanya.
Dahil sa nasambit na apelyido, mabilis na kumilos ang mga nurse at inasikaso agad ang kanyang ina. Animo parang mga bahag ang buntot ang dali-daling kinakabitan ng kung ano-ano ang kanyang ina na nag-aagaw buhay.
Hindi na siya pinayagan na makapasok sa loob ng emergency at sa labas na lang siya naghintay ng resulta.
Nanlulumo na umupo siya sa waiting area at kinapana ang bulsa. Dalawang libo ang pera niya. Biglang nabahala dahil hindi alam kung magkano ang babayaran kung sakali.
Bigla niyang naalala ang lalaking tumawag sa kanya ng Sorrento ngunit agad itong nawala.
Naisip niya, baka busy rin ito.
Maya-maya lang ay dumating ang doktor.
“Mr. Sorrento, kailangan namin ng test and examination in your mom's brain. Na-stroke siya at upang makasiguro, we need thorough check-up on her brain. Posibleng meron siyang tumor or blood clot. So we are asking your permission at kung sakaling makumpirma namin ito, maghanda ka ng sapat na pambayad upang masimulan ang operasyon.” mahabang paliwanag ng doktor.
Titig na titig ito sa kanyang mukha na tila inaaral ang kanyang emosyon.
“Dok, gawin niyo po ang lahat, walang problema sa pera basta pagalingin niyo lang ang nanay ko.” sagot naman agad ni Aleck.
“Well then, maiwan na kita upang masimulan na namin ang pagtest.
Agad na kumilos si Aleck at tinawagan ang dating boss upang manghiram ng pera ngunit wala itong mapapahiram sa kanya.
Marami siyang tinawagan na kakilala upang humingi ng tulong ngunit ni isa ay walang nagpahiram sa kanya.
Nasa parking lot siya ng mga oras na iyon at nagsisigarilyo sa smoking area nang biglang may nagsalita sa likod niya.
“Aleck!” sabi niyo at ahad naman na paharam ang tinawag.
“Aljur, ikaw pala. Pasensya ka na kanina, nagmamadali ako.” sabi ulit nito at nagsindi rin ng sariling yosi.
“Wala iyon. Si Nanay, biglang na-stroke, pinaghahanda ako ng malaking halaga para sa operasyon.” paliwanag niya sa dating katrabaho sa isang construction dati.
Hindi naman sila gaanong close ni Aljur Montenegro ngunit hindi naman sila nagkaroon ng pangit na experience sa isat isa noong magkatraho pa sila.
“Baka gusto mo ng malaking kita, tiva tiba ka rito, walang lugi,” excited na sabi ni Aljur.
“Ano'ng trabaho naman 'yan?” taas ang kilay na tanong niya agad dito.
“Transporter,” maikling sagot nito kay Aleck at agad na ipinakita ang sariling ID.
“BM, d'yan ako nagtratrabaho pero isa lang ang boss ko. Nangangailangan siya ngayon ng transporter,” mahinang sabi nito at lumingon-lingon pa.
“At ano naman ang dapat i-transport?” bakas sa mukha ang kuryosidad na tanong muli ni Aleck.
“Smuggled weapons, drugs at salapi.” walang gatol na sabi ni Aljur.
“Ano? Gago ka ba?” seryosong napatayo sa pagkaka-squat si Aleck dahil sa tinuran ni Aljur.
Hindi siya makapaniwala na ganun ang klase ng trabaho na papasukin kung sakali. Napaka-delikado at napakaselan ng trabaho na inaalok ng kaibigan. Bukod pa rito, makukulong siya at maaaring masentrnsyahan ng habang buhay na pagkakakulong o kaya ay death penalty kapag nahuli siya.
“P're, hinaan mo lang ang boses mo. Alalahanin mo, kailangan mo ng malaking pera. Siya nga pala, hindi mo ba talaga alam kung magkano ang bill sa ospital bawat segundo?” Natatawang tanong nito at umiling.
“Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tumingin sa paligid.
Saka lang napagtanto ni Aleck na ito ay isang pribadong ospital at pawang mayayaman lang ang nakakapagpagamot sa nasabing ospital.
“f**k! Hindi ko napansin.” napamura si Aleck. Mas lalo siyang namroblema, kahit negatibo ang test result ng ina kung sakali, malaki pa rin ang kanyang babayaran.
“Here, kapag intresado ka, puntahan mo lang ang address na iyan. Sabihin mo lang ang pangalan ko at ipakita mo iyan.” sabi ni Aljur at tinapik pa ang balikat ni Alrck bago tumalikod.
“S-salamat."
Nanlulumong bumalik ng emergency area si Aleck. Nakausap niya ang doktor kanina at binigay sa kanya ang detalye tungkol sa kondisyon ng ina. Halos mapaluhod siya. Kailangan operahan sa utak ang ina upang alisin ang dugong namuo dito.
Agad naman siyang umakyat sa private ward ng ina at nakita niya na wala pa rin itong malay ngunit may suot na oxygen. Maputla pa rin ang mukha nito. Agad siyang lumapit at inabot ang kamay ng ina. Pinisil-pisil iyon at agad naluha si Aleck.
“Nay, lumaban ka. Gagaling ka ha, dito ka lang. Maghahanap ako ng pera para sa operasyon mo, gagaling ka.” pagkasabi ay tuluyan ng umagos ang luha ni Aleck sa kanyang pisngi.
Kahit gipit na gipit at hirap makahanap ng marangal na trabaho ay sinikap pa rin ni Aleck na mag-apply. Sa construction, restaurant, bodega at palengke upang magkaroon lang ng trabaho. Kahit isang kusing ay wala siyang hawak. Wala siyang pambili ng pagkain. Ang dalawang libo sa kanyang bulsa ay ayaw bawasan dahil ipandadagdag niya iyon sa bill ng ina sa ospital.
Ngunit tila mailap sa kanya ang pagkakataon.
Isang linggo na siyang naghahanap ng trabaho at hindi pa rin nagigising ang ina. Habang naglalakad sa tulay ay napadukwang si Aleck sa baba. Ang taas ng tulay na iyon at tantya niya kung sakaling tatalon siya ay tiyak lansag ang kanyang buto.
Napapailing na dumeretso ng lakad si Aleck. Hindi ito ang oras para magpakamatay. Madalas niyang maalala ang bilin ng ina. Kahit gaano kahirap ng buhay, kahit hindi pantay ang trato ng mundo sa kanya, magpasalamat sa itaas dahil araw-araw ay magiging pa siya.
Agad niyang naalala ang card na iniwan ni Aljur sa kanya at binasa ang nakasulat rito. Mukhang malayo ang lugar. Napa-buntong hininga siya, wala siyang choice kundi bawasan ang pera na pinipigilan ang sarili na huwag mabawasan ang mga iyon.
Nang makarating sa address na tinutukoy sa card, namangha si Aleck. Gate pa lamang ay alam niyang mayaman ang may-ari ng gusali.
Agad niyang pinakita ang card at sinabi ang pangalan ni Aljur Montenegro.
“Tuloy ka, diretso sa kanan tapos kaliwa." sabi ng gwardya, sabay turo sa hallway na tinutukoy.
Kinabahan naman bigla si Aleck. Pakiramdam niya ay isa itong kulungan na kapag pumasok ay walang sinuman ang makakalabas ng buhay.
“Papasukin mo," dinig niya sa pinto ang ma-awtoridad na boses.
Pagpasok niya ay isang matabang lalaki na medyo mababa sa kanya ng ilang pulgada at may edad na ito.
“Aleck Sorrento,” pakilala niya sa sarili.
“Mabuti naman at tinaggap mo ang alok na trabaho sayo ni Aljur.
“Kailangan lang ho,” magalang na sagot niya sa matanda.
“Magkano ba?” nakangising tanong nito sa kanya.
“Sampung milyon para sa serbisyo ko.” walang pag-aalinlangan na sambit ni Aleck.
“Tuso ka rin, bata." Naiiling na sabi nito sa kanya.
Hindi umimik si Aleck ngunit nakita niya may hinila ito sa drawer. Ganito ang madalas niyang makita sa mga pelikula. Bigla siyang kinabahan, baka iyon ay isang baril at papatayin siya dahil hindi sila nagkaayos sa presyo ng kanyang trabaho.
“Kinabahan ka ba?” nakakalokong tanong sa kanya nito, “Eto ang card, gamitin mo hanggat gusto mo, magsisimula ang serbisyo mo sa Lunes. Si Aljur ang bahala sayo.” sabi nito at sumenyas na pwede na siyang umalis.
“Hayop kang matanda ka!" Sigaw ni Aleck at binato ang card nang subukan niyang magbayad ng grocery items ngunit declined ang kanyang transaksyon.