TBS-1

1279 Words
“Ano ka ba naman anak, sabi ko naman sa'yo iwasan mo na ang mga kaibigan mong iyan. Walang naidudulot na maganda.” naiiyak na sabi ni Aling Gloria sa anak na binata. “Nay, wala akong kaibigan na tulad ni Pinyin.” simpleng sagot lamang ni Aleck sa ina na hindi naunawaan ang ibig niyang sabihin. Kaka-release lamang nito sa presinto dahil napasabit sa away sa pabrika na pinagtatrabahuan nito. Nakipagsuntukan ito sa isang trahabante. Si Aleck ay kargador ng mga imported products at nire-re-pack ang mga ito. Ayon sa mga nakasaksi, madalas siyang mapag-initan ng Supervisor nitong si Pinyin. Hindi naman ito gaanong pinapansin ni Aleck ngunit kahapon ay sumobra na ang pagbibintang nito sa kanya. Alam ni Aleck na naniniwala sa kanya ang kanilang Manager ngunit hindi na rin siya nakapagtimpi kung kaya naman binigwasan niya ang epal at sipsip na si Pinyin. Walang ibang ginawa kundi ang manira ng imahe ng mga taong alam niyang posibleng higitan siya. Natatakot malamangan at gumagawa ng pekeng bad record o report sa mga walang laban gaya ni Aleck. Halos mabura ang mukha nito dahil sa lakas ng bigwas ni Aleck at hindi na niya mabilang kung ilang beses nyang sinuntok ang Supervisor sa mukha. Mabuti na lamang at may konting ipon si Aling Gloria at nakapag-piyansa siya para sa anak. Mag-tretrenta y siete na si Aleck ngunit wala pa ito sa tamang disposisyon. Nais lang naman niyang makitang may sariling pamilya ang anak, ngunit alam ni Aling Gloria na walang natitipuhan ang anak. Napabuntunghinga si Aling Gloria, nais niyang sabihin sa anak ang kanyang lihim ngunit hindi pa siya handa. Ngunit kapag nakikita niya ang anak na nahihirapan at kayod-kalabaw, araw-araw din siyang kinakain ng konsensya. Simula ng isilang niya si Aleck hanggang sa paglaki nito, hindi na siya natahimik lalo na nang mabalitaan niya ang pagkamatay ng ama ni Aleck. Halos hindi siya makakain dahil hindi man lamang niya nabigyan ng tsansa na makilala nito ang sariling ama. Naalala pa ni Aling Gloria, madalas siyang tanungin ni Aleck kung bakit magka-apelyido sila ng mga mayayamang Sorrento. “Nay, bakit sila mayaman, Sorrento din naman ako ah.” kuryos na tanong ng batang si Aleck. “Aleck, maraming magka-apelyido sa buong bansa o sa buong mundo. Kaapelyido lamang natin sila ngunit wala tayong relasyon sa kanila.” mahabang paliwanag ni Aling Gloria. Nakumbinsi naman agad ang bata at tinanaw muli ang billboard. Family picture iyon ng mga Sorrento. Marunong na siya magbasa at natandaan niya ang pangalan ng kambal. Kaleb at Klaeb. Ayon lamang ang natatandaan niya. Tinitigan ni Aling Gloria ang anak, khit nagkakaedad na ito ay bata pa rin ang mukha at kita sa mukha na mana ito sa kanya. Isa ito sa dahilan kung bakit nakukumbinsi niya si Aleck. Naisip niya, nakapagtapos siguro ang anak kung hindi siya nagkasakit o kaya naman ay binigay niya ito sa ama noon pa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil isa lang mahirap si Aling Gloria at katulong ng mga Sorrento, hindi siya nito na pangatawanan. Bagkus, pinakasalan nito ang anak mayaman na si Zenia Mortiz. Wala siyang laban kung kaya naman nagdesisyon umalis sa mansion ng mga Sorrento, nagtago siya. Ngunit makapangyarihan si Pablo Sorrento, nagagawa ang lahat at nahanap siya ng mga tauhan nito. Nang malaman na buntis siya ay pilit siyang ibinabalik sa mansion at nalaman iyon ng kanyang asawa. Nagtangka itong magpakamatay dahil nalaman ang relasyon nila dalawa. Nangako si Pablo Sorrento na babawi siya balang araw at ipapadala sa kanya ang letter of share sa yaman ng mga Sorrento para sa anak nila. Unang Sorrento si Aleck kaya excited si Pablo ngunit kailangan niyang ipagaptuloy ang position na iniwan ng ama. Lihim niyang pinatest ang DNA at kumuha ng ebidensya upang maging legal na tagapagmana ito kahit mawala siya. Pinalad magkaroon ng kambal na anak sina Pablo at Zenia. Ginugol nila ang panahon at oras sa mga ito hanggang makalimutan na ang lihim niyang mag-ina na sina Aleck at Along Gloria. Habang nagsasampay ng damit ay abala si Aleck sa pagsibak ng kahoy. Suspendido siya sa trabaho ng dalawang linggo. Nasa baryo sila nakatira at ito ay isang dampa lamang. Ang kanilang bubong ay pinagtagpi-tagping lumang yero na kinakalawang na at sa tuwing umuulan ay kailangan nilang sahuran ng timba o kaldero sa tapar mismo ng butas. Depende kung saan nagkaroon ng trabaho si Aleck ay doon niya dinadala ang ina at dito nga sila napadpad at nagrenta ng maliit na dampa. “Sobrang dami yata ng nakuha mong panggatong ngayon, Aleck,” puna ni Aling Gloria ngunit natutuwa siya dahil hindi ito mapakali kapag walang ginagawa. “Nay, sabi ko naman sayo ibibili kita gas stove, isang pihit mo lang may apoy ka na.” nakangiting sabi nito sa ina. “Naku Aleck, mahal ang gas problema lang yan. Kaya ko naman manguha ng kahoy, saka isa pa, 'pag walang kahoy, bumibili na lamang ako ng lutong pagkain. Hindi ko naman kailangan magluto lagi para sa sarili ko,” sabi nito at ipinagpatuloy ang pag-sampay ng damit. Tumingala si Aleck, ang ganda ng sikat ng araw. Umandar ang kapilyuhan at sumugod sa ina. Kinarga at nagpaikot-ikot sila. “Akeck, anak, ibaba mo ako. Ano ka ba?” “Shh, naglalambing lang. Na-miss kita, Nay. Sana makatagpo ako ng babaeng katulad mo. Maaruga at mapagmahal. Masayang naghahapunan ang dalawa ng matanggap nang may dumaan na grupo ng mga kalalakihan. Ito ay mga Barangay Officials na ikinakampanya ang kanilang manok sa politiko. “Tao po, maabala lang ho.” sabi ng lalaki. “Magandang hapon, anong mapaglilingkod namin sainyo.” bati naman ni Aling Gloria. “Itong party list po at ang ang aming kandidato, nawa ay iboto ninyo sa darating na halalan.” paliwanag ng lalaki at nagbigay ng leaflet. “E bago lang kami dito, pwede ba kaming bumoto agad?” nakakalitong tanong ni Aling Gloria. “Ay syempre naman, siya pala, heto ho ang inyong Ayuda, galing sa mga Sorrento bilang advance na pasasalamat, ayan laman pi ang nakayanan.” nakamot pa ng lalaki ang batok na kunwari ay nahihiya. “Naku, nag-abala pa jayo pero salamat, malaking tulong na rin ito.” masayang sabi ni Aling Gloria at inabot ang bag na may laman na groceries. Naramdaman ni Aling Gloria ang pagkimkim ng pera sa kanyang kamay. Alam niyang pera iyon. “Aalis na ho kami, salamat. Ay teka baka kayo ay may anak na pwedeng bumoto.” lumingon ulit ang lalaki, sakto namang lumabas si Aleck at nakita siya nito. “Ah, eto nga pala binata ko, boboto kami.” “Aba, gwapong lalaki ang anak ninyo, ano ho na ang mga apelyido ninyo?” “Sorrento, Aleck Madrid Sorrento,” pakilala ni Aleck at inangat pa ang kamay upang makipag-kamay sa konsehal ngunit hindi inabot ang kanyang kamay. “Kaapelyido niyo pala ang mga Sorrento, tiyak sila na rin ang iboboto niyo, di ba ho?” masayang sabi nito at yumuko ng konti. Umiwas ito ng tingin sa kay Alexk at agad nagpaalam, kumaway pa si Aling Gloria bago isinara ang pinto. “Nay, ang dami naman na ayuda yan. At may kipit pang pera.” tukso ni Aleck sa iba. “Hayaan mo na, ito ay biyaya rin. E d iboto mo kung sino sa palagay mo ang karapat-dapat. Ganun lang kasimple iyon.” “Tuso ka rin, Nay. Siya, tapusin mo na pagkain mo.” alok ni Aleck sa ina. Habang kumakain ay hindi makalimutan ni Aleck ang reaksyon ng konsehal nang makita siya nito. May kung anong kaba siyang naramdaman at napalingon sa ina na sapo ang dibdib at hirap itong huminga. “Nay? Nanay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD