ALAS OTSO ng gabi ako susunduin ni Ramil para pumunta sa party ng kanyang kaibigan na businessman. Alas sais ng hapon ay nakahanda na ako. Nakasuot ako ng white long gown na one shoulder ang tabas ng tahi at may disenyong bulaklak sa laylayan niya niya. Suot ko rin ang stilettos kong sandals. Naglagay ako ng ash gray na kulay na contact lens upang bumagay sa suot ko. Nakatali ang buhok ko na abot hanggang tuktok upang ma-expose ang batok kong maputi at makinis. Marami ang nagsasabi sa'kin na isa sa asset ko ay ang batok ko na makinis at maputi bukod doon may manipis na balahibo. Nanonood ako ng pelikula nang narinig ko ang busina ang sasakyan sa labas. Ngumiti ako dahil siguradong si Ramil na 'yon. sumulyap muna ako sa salamin bago ako tumayo at lumabas ng bahay ko. Nakita ko si Ramil na