"Good night, Sweetheart." Huling sinabi ko kay Veronica bago ko putulin ang video call namin dalawa. Simula ngayong araw ay sa Manila na ulit maninirahan si Veronica dahil may negosyong ibinigay sa kanya ang kanyang magulang. Iyon naman ang gusto kong mangyari para mas malapit siya sa'kin. Bihira lang ako bumisita sa negosyo ko sa Bicol dahil mas malaki ang negosyo ko sa Manila. Napadalas lang ang punta ko sa Bicol dahil naroon si Veronica pero ngayong bumalik na siya sa Manila mas marami kaming oras ngayon dalawa para sa isa't-isa. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ko ang larawan namin dalawa na magkasama. Ito ang unang picture namin na sweet dahil nakasandig ako ulo niya sa balikat ko habang ako ay hinahalikan ang ulo niya. Walang pagsidlan ang ligaya ko nang mga sandali na 'yo