KABANATA 8

1310 Words
Kabanata 8 Jarry Lee's POV     Nakabalik na nga kami sa table na pinagkainan namin kanina. Mabuti na nga lang at 'di pa nagalaw ng tagaligpit dito 'tong mga pinagkainan namin, eh mga loko rin kasi, susunod-sunod ba naman sa akin sa labas.     "Bakit naman kayo sumunod sa akin? Paano na lang kung niligpit na ito?" Pinagbabato ko talaga sila ng sermon para magtanda.     "At ikaw naman, Tristan. Bro, pinapahiya mo naman ako kay Niknik eh,"     "Ano iyon?" Pag-aagaw ni Niknik sa atensiyon ko at nakataas pa ito ng kilay.     "Wala po, ate." At pinandilatan ko naman si Tristan ng mata.     Nginisihan pa ako nang loko. Makakabawi rin ako sa'yo! Sabi ko naman sa isipan ko. At tahimik na ulit kaming tatlong kumakain ng appetizer. Hanggang sa may naitanong si Tristan kay Niknik na nakapagpakuha ng aking pansin.     "Oo nga pala ate Nik, ikaw pala may-ari no'ng bloke na nasa JZ Subdivision?" Napaluwa naman si Niknik ng kanyang kinain na icing sa cake at nagmamadaling uminom ng tubig. Dadaluhan na sana namin siya nang nag-signal siya na 'wag'.     "Okay ka lang ba, ate?" Ani Tristan. Ako'y nag-oobserba lang sa naging reaksiyon ni Niknik sa tanong ni Tristan.     Huminga na muna siya ng malalim at saka kinalma ang sarili.     "Ahh 'yon ba? O-Oo a-ako nga," Kaagad na sagot niya sa tanong ni Tristan. Kaya naman dinagdagan ko ang kaninang tanong ni Tristan.     "So, ibig sabihin. Ikaw ang nagdala kay Tristan, doon?"     "Ha?" May pagtataka naman sa kanyang mukha na para bang nalilito siya sa mga pinagsasabi naming dalawa.     "Kasi Ate, sa gabing iyon ay gumala ako mag-isa sa Dynamic Bar, tapos nalasing ako kaya 'di ko na kaya ang sariling tumayo, lalo na noong nasaksihan ko ang pangyayari sa loob ng Bar na pagmamay-ari ng isa kong kaibigan." Titig na titig si Tristan kay Niknik at naghihintay sa kasagutan nito.     "Ang totoo, kagabi lang ako nakarating. At...nakita ka nang kakilala ko sa bar na nawalan ng malay kaya...kaya ano, kaya-" Pinutol niya pansamantala ang sasabihin na para bang nangangapa ng mga sasabihin.      "Kaya sinabihan ko na lang na sa bahay ko na lang ikaw dalhin, doon sa JZ Subdivision." Pagpapatuloy niya. Pero parang may kung ano akong nais na itanong kaya kaagad ko siyang tinitigan.     "Bakit 'di ikaw ang sumundo kay Tristan? 'Di ba nga, ikaw ang may-ari ng bahay. Bakit iba ang inutusan mo? Is that mean, may iba pang nakakapasok sa bahay mo roon?" Nabigla siya sa aking katanungan. Napainom na naman siya ng tubig bago sumagot.     "Wait, is this an interview?" Naglabas siya ng ngiti sa kanyang mga labi na para bang 'di makapaniwala na ganito ang mga katanungan ko sa kanya. Pero kasi parang may iba kay Niknik eh.     "Oo nga naman Lee, para ka namang imbestigador kung makapagtanong. Ang importante, I am fine and safe na nakauwi 'di ba? By the way, if that was the real case, ate. Thank you for helping me." usal pa ni Tristan.     "Okay, I am sorry if my question's too much ate." I smiled to Niknik to ease the awkwardness.     "No, it's fine. Kasi that time kaya 'di ako ang sumundo kay Tristan kasi may kinikita akong importanteng tao." She explained. Pero 'di pa rin talaga ako satisfied sa kwento niya. Kaya napagdesisyonan ko nang magtanong pa.     "Pero kung sa iyo iyong bahay Ate, bakit 'di ka umuwi? Saan ka natulog? Sabi rin kasi noong sekyu na matagal na raw 'di inuuwian ang blokeng iyon. Kaya nagtaka lang ako kung bakit may mga kakilala ka na may access pala na nakabubukas sa bahay mo." Wala ng preno-preno ang pagtatanong ko. Ang nasa isip ko na sa oras na ito ay kailangan masagot lahat ang tanong ko. Kahit na nasa akin ang titig ni Tristan na para bang nangungusap. At si Niknik nama'y parang malalim na rin ang iniisip.     "Ah, 'yon ba? Naku naman, iyon lang pala. Siyempre wala ako roon sa oras na iyon, because I have my apartment in the city. That's why mas pinili ko na lang na roon na mag-stay dahil may kalapitan lang. Kaysa naman doon ako 'di ba? I understand na nag-aalala ka lang kay Tristan that time kaya ganyan ka makapagtanong." She smiled.     "Ahem, para naman tayong nasa isang confidential na kaso nito kung mag-usap, sobrang seryoso. Ang mas mabuti pa kainin na natin itong ice cream na ka-se-serve lang at baka matunaw na 'to." Agaw ni Tristan sa atensiyon naminng dalawa na parang nakakaramdam na rin ng kung anong feelings.     "Oo nga, ito kasing si Lee, ang seryoso. Parang may pinaghuhugotan. Kain na nga muna tayo!" Pampalubag loob ni Niknik.     Ngumiti lang ako at yumuko saka sumusubo na rin ng ice cream at malalim na nag-iisip at tinitimbang ang mga kasagotan ni Niknik.     Iniisip ko rin kong sa gabi ba na 'yon ay alam rin niyang may nangyari kayna Lorwan at Misty? O wala.     'Di ko naman maiwaglit sa isipan ang makapag-isip nang ganoon kay Niknik dahil sa may mga pangyayari noon na involved siya. Kahit na pagbalik-baliktarin pa ay may involvement siya kina Misty at Lorwan.     Kahit na sabihin pa niyang matagal nang panahon ang mga lumipas at imposibleng may kung ano pa siyang koneksyon dito. Ang sa akin lang ay kung bakit ibang tao ang tumulong kay Tristan at kung bakit may access 'yon sa kanyang bahay. Gusto ko pang magtanong pero ayaw ko ng makagulo pa sa isipan naming tatlo, at baka ano pa ang iisipin ni Niknik sa akin.     Nakatitig lang ako sa aking kinakain na ice cream kaya 'di ko narinig ang pagtawag nila sa'kin.     "Ha? Ah, ano ulit?" Nagkamot ako ng ulo at umaaktong nahihiya sa 'di pagtugon kaagad sa kanilang pagtawag.     "'Di ka naman pala nakikinig e, kanina pa kami nag-uusap ni Ate rito, tapos pa oo-oo ka pa r'yan 'di ka rin pala nakikinig. Mas mabuti pa, matulog ka nang maaga ngayong gabi at para mabawi mo ang pagkabangag mo ngayon." At  malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Tristan. Habang na kay Niknik naman ang aking mga mata na para bang nag-oobserba sa mga galaw niya.     Tumatawa rin naman siya at sumasabay sa bawat kuwento ni Tristan. Samantalang ako'y nakikisali na rin para maiwasan ang pagkailang.     Hanggang sa napagdesisyonan naming tatlo na umuwi na at magkikita na lang sa mga susunod pa na mga araw. Lalo na bukas at balik eskwela na naman.     Hinatid na muna ako ni Tristan sa bahay at sumunod lang sa amin ang kotse ni Niknik. Nagpaalam lang sila sa akin at saka pumasok na ako nang 'di ko na makita ang mga ilaw ng kanilang mga sasakyan.     Sumalubong sa akin si Mama sa pintuan at nagmano ako.     "Pagpalain ka anak, oh? Hinatid ka ni Tristan?" Usisa ni Nanay.     "Ah, opo nay, 'di na po siya bumaba dahil may kasama rin kasi kaming isang tao na malapit din sa amin." Nagulat si Mama.     "Oh, sino naman anak?"     "Si Franikka Vasquez po."     "Franikka Vasquez?" Pag-uulit ni Mama.     "Opo nay, si Niknik po."     "Nakabalik na siya?"     "Ah opo, sige Nay, maghahanda na po ako sa pagtulog. Goodnight po. Tapos na rin akong kumain. Busog na busog nga e. Sige po!" Sabay halik ko sa pisngi ni Mama.     Pumasok na ako sa kwarto ko at nagulat ako sa sumalubong sa akin.     "Ma! Ma! Nay!" Pagtawag ko kay Mama sa malakas na sigaw. Kaya pasigaw rin niya akong sinagot.     "Bakit anak? Nasa kusina ako nag-iinit ng tubig bakit?"     "Ma! May ginalaw po ba kayo rito sa kwarto ko?" Sigaw ko ulit.     "Wala naman anak. 'Di pa nga ako nakapaglinis d'yan, simula noong umalis ka. Kasi marami akong ginagawa. Bakit?"     Namutla ako at sobrang pagtataka ang tumatakbo sa aking isipan.     "Ah, wala po. Tinatanong ko lang. Sige po matulog na po ako." Kalmado ko ng sabi.     Nagtaka at nagulat ako dahil ang librong dinala ko galing sa library noong biyernes ay nakabukas sa aking  higaan. At sa mismong pahina pa kung saan ang kaso ni Jarella Zoon ito nakatuon. Anong nais ipahiwatig nito?     Pangarap kong maging detective. Pero kaya ko na bang lumutas ng kaso kahit na 'di pa ako isang kolehiyo? Pero ga-graduate na ako sa taong ito, kaya bakit hindi 'di ba?     Jarella Zoon case still unsolved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD