Kabanata 9
Niknik's POV
"Ano? Naghihinala? Imposible! Unang kita niyo pa lang maghihinala na kaagad? Gawin mo ang lahat para 'di ka pag-isipan ng masama nilang dalawa! Lalong-lalo na ni Tristan. Dapat kontrolado mo ang mga galaw nila habang nandito pa ako sa ibang bansa." Sigaw sa akin na may tunong galit sa kanyang boses sa harap nitong screen.
Kasalukuyan kaming nag-vi-video call for the meantime na nasa ibang bansa pa siya. Pinauna niya ako rito dahil may balak daw na tatraydor sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano talaga ang plano niya.
"Pasensya na, si Lee kasi. Parang may napapansin siya sa bawat sagot ko sa kada magtatanong siya sa akin. 'Di ko alam kung ano ang dapat kong isagot." Depensa ko sa sarili.
"Kahit na! Mga bata lang ang mga iyan! At hanggang sa duda lang ang tangi nilang magagawa. Kaya kita pinauwi riyan para ikaw ang magsilbing mga mata at boses ko r'yan. Kaya sana gawin mo ang parte mo, Franikka! Dahil kapag hindi, alam mo na ang mangyayari sa ating dalawa!" Pananakot niya sa akin.
"Tek-" Hindi ko natapos ang balak nasabihin nang bigla niyang pinatay ang kanyang linya sa mismong video call namin na siya rin naman ang nag-set-up.
Ginulo ko ang buhok ko at ibinagsak ang sarili sa kama at sa kasamaang palad. Nauntog pa ako sa matigas na headboard na gawa sa kahoy.
"Aray! Ang malas naman." Hinihimas ko ang likurang bahagi ng aking ulo. Hanggang sa nakaidlip na nga ako.
...
Tristan's POV
Kasalukuyan pa rin akong nag-pa-park ng kotse ko sa garahe habang maingat na pina-park ang sasakyan ay biglang nagbalik sa aking isipan ang mga inaasta ni Lee kanina.
"I have to called Lee, later. Tatapusin ko muna ang pagparada ko nitong sasakyan." Kausap ko naman sa aking sarili.
Nang natapos ko nang maiparada ay kinuha ko na ang susi at saka bumaba na rin, sinarado ang pinto saka pinatunog ang lock ng sasakyan. Habang naglalakad ako'y pinaikot-ikot ko pa ang susi sa aking hintuturo.
Sinalubong ako ni Manang Peling sa main door kasama ang iba pang kasambahay. May napansin akong bagong mukha sa mga kasambahay na katabi ni Manang.
"Magandang gabi po Manang, sila Daddy at Mommy po?" Kahit na alam ko na kung nasaan ay nagbabakasakali pa rin ako at baka nasa opisina lang nila o sa kwarto.
"Naku hijo, mabuti't naitanong mo, nandoon sila sa hapag. Hinihintay ka nila roon. Magkasunod lang kayong umuwi." Napansin siguro ni Manang na ang mga mata ko ay nasa kasambahay na katabi niya na bago sa aking paningin. Kaya ipinakilala naman niya sa akin ang babae na sa tantya ko'y nasa edad kwarenta na.
"Hijo, oo nga pala, ito pala ang bago nating kasambahay si Loring." Ngumiti naman ang Ginang sa akin at nag-alok ng kanyang kamay.
"Aling Loring na lang ang itawag mo sa akin, hijo." Bilang respeto at kagalakan ay tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa akin at nginitian ko rin siya ng matamis.
"Oh tara na, hijo, puntahan mo na ang Daddy at Mommy mo sa kusina. Ililibot ko lang muna saglit si Aling Loring mo sa labasan." Tumango na lang ako at tinalikuran ko na siya. Pero biglang may humihila sa akin na lingunin ulit sila Manang at Aling Loring. Kaya sa paglingon ko'y nabigla ako dahil nakatingin pa rin pala sa akin si Aling Loring. Nangilabot naman bigla ang aking pakiramdam na naging sanhi ng nag-uunahan sa pagtayo ang aking balahibo sa katawan nang nginitian niya ako ng parang may pinapahiwatig na 'di ko malaman kung ano ang kanyang ibig sabihin.
Una akong nagbitiw nang titigan dahil kinikilabotan talaga ako. Tuloy-tuloy lang rin ang paglalakad ko patungo sa kusina kung saan nasa hapag na sila Mommy at Daddy.
Lumapit muna ako kay Mommy at nagmano saka hinalikan siya sa pisngi. At ganoon rin ang ginawa ko kay Daddy. Imbes na halikan siya ay niyakap ko lang siya.
At umupo na rin sa permanente kong upuan na katabi ni Mommy.
"Dad, Mom, buti naman po at maaga kayong nakauwi ngayon." Galak kong pagsisimula sa usapan.
"Oo anak, kasi lunes na bukas at may emergency na meeting kaming kailangan puntahan namin ng Daddy mo sa Europe. Ihahabilin na kita kina Manang Peling at Aling Helen mo. At may bago pala tayong kasambahay. Pakisamahan mo rin iyon ha?" Tinanguan ko lang si Mommy sa kanyang mga habilin.
"Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang si Manang. At h'wag kang mag-alala, pina-transfer ko na sa credit card mo ang budget mo this week. Baka kasi makauwi kami o baka lalagpas pa sa isang linggo." Seryosong sabi naman ni Daddy.
Nasasanay na rin kasi ako sa kanilang mga business trips kaya 'di na ako nalulungkot.
"Sasama ka rin Dad? Paano ang munisipyo?" Kaagad kong pinaalala sa kanya.
"Inihabilin ko na sa sekretarya ko ang mga gawain doon. Sasamahan ko ang Mommy mo at baka may humagip dito." At nagsitawanan kaming tatlo sa hapag.
Kahit na minsan may mararamdaman akong inis at tampo sa kanila dahil sa sobra nilang pagka-busy sa kanikanilang mga trabaho. Pero tama rin naman si Manang Peling na ginagawa lang nila ito para sa akin.
"Mom, Dad. I'm a top student po. Kami ni Lee." Napatigil sila sa pagsubo at tinignan nila ako na parang nasisiyahan.
"Wow, talaga anak. Naku! Congratulations." Proud na pagkasabi ni Mommy.
"Kanino pa ba magmamana, honey?" Pagmamayabang naman ni Daddy.
"Anong ikaw? Ikaw ba nagluwal kay Tristan?" Pang-aaway naman ni Mom kay Dad.
"Eh, kanino ba galing si Tristan bago mo siya naipagbuntis? 'Di ba sa akin? Oh 'di sa akin siya nagmana." Sabay subo sa pagkain.
"Ah, sa'yo pala ha. Pwes! H'wag ka nang tatabi sa akin simula ngayong gabi!" Pananakot ni Mommy.
"Honey, joke lang, 'di ka naman mabiro e. Siyempre sa'yo nagmana si Tristan sa pagiging matalino." At sabay yakap pa nito kay Mommy saka hinalikan din niya ito.
"H'wag na kayong magyabangan Dad at Mom, dahil sa inyong dalawa naman ako nagmana." At tumayo na rin ako at nagyakapan kaming tatlo.
Natapos ang gabi kong masaya. Kaya nakalimutan kong tawagan si Lee, dahil nakatulog agad ako nang nakahiga ako sa kama.
Pero 'di pa rin maialis sa akin ang mga tinging kakaiba ni Aling Loring. O baka namalikmata lang ako.