Kabanata 7
Jarry Lee's POV
Sa isang mamahaling restaurant kami dinala ni Niknik. Grabe ang tagal na nang panahon noong huli naming nakita si Niknik. Si Niknik ay isa rin sa matalik naming kaibigan. 'Di lang matalik, sobrang napakalapit. Kapag may projects, assignments o basta related sa school works lagi kaming tinutulungan ni Niknik. Palibhasa matalino.
"Lee, ano? 'Di ka ba kakain? Pili na!" Nakatingin ako sa kanya pero ang tagal bago ko makuhang kinakausap niya pala ako.
"Ha-ah, oo," Wala sa sariling sagot.
"Anong oo? 'Di ka ba kakain?" Pag-uulit ni Niknik sa kanyang tanong.
"Ha? Bakit naman hindi? Kakain ako uy! Libre na 'to!" Agaran kong binuksan ang menu at namimili na ako ng kakainin.
"Ayan! Wala kasi sa sarili, nakita lang si Niknik nawala na ang utak sa puwesto. Focus-focus din, Lee, 'di ba, Nik?" Panunukso naman ni Tristan sa akin sabay kindat pa niya. Pero napadaing naman siya dahil' di niya napansin ang pagpukol ni Niknik sa ulo nito.
"Aray, Nik! 'Di ka pa rin pala nagbago. Nananakit ka pa rin." Hinihimas-himas ni Tristan ang ulo kaya natawa ako.
"Ayan ang nababagay sa iyo! Puro ka kasi biro. Ayan tuloy nakutosan ka na naman ulit ni Niknik." Patuloy ko pa rin sa pagtawa ng malakas.
Mabuti na lang at walang gaanong tao rito.
"Hoy mga bata kayo! 'Di nga rin kayo nagbago. 'Di pa rin kayo marunong gumalang. Niknik pa rin kayo nang Niknik sa akin. 'Di ba nga, mas matanda ako sa inyo ng ilang taon, kaya mag 'ate' kayo sa akin! Gusto niyo pag-umpugin ko kayo, ha?" Panenermon sa amin ni Niknik. Nakasanayan na talaga namin siyang tawaging Niknik o Nik kahit na sobra ang layo ng agwat nang aming mga edad.
"Mag-a-ate na po," Sagot naming dalawa at magkasabay pa.
"Good! Sige na umorder na kayo mga bata." Napa-angat naman ang ulo namin ni Tristan dahil sa narinig.
"Nik- ah, ate naman eh! 'Di na kami mga bata. Sixteen na kami!" Giit ni Tristan.
"Tumahimik ka! Pareho talaga kayo ng ugali noong lalaking iyon! Tse! Nag-iinit ulo ko sa pagmumukha mo!" May halong biro ang pagkasabi ni Ate dahil nakangisi siya.
"Ate! Magkaiba kami. Mas gwapo ako roon 'no, 'di ba, Lee?" Pagkuha ni Tristan ng atensiyon ko, pero nagpapatay malisya ako at tinawag na lang ang waiter para makapag-order na.
Matapos maka-order ay tahimik na muna kaming kumakain. Nagnanakaw ako nang tingin kay Niknik, siya pa rin naman ang Franikka Vasquez na nakilala namin simula grade school pa kami ni Tristan. She's a graduating student in highschool that time nang nakilala namin siya. Dahil na rin sa isang tao. She's a nerd type girl, matalino, nagsusuot rin siya ng eyeglasses, pero normal lang naman siya manamit. Not so conservative, not so liberated. Pero one time, nalaman na lang namin na nag-transfer siya dahil sa isang pangyayari noon sa klase nila. Ewan ko lang kung ano talaga ang buong kwento. Simula noon 'di na ulit namin siya nakita. Ngayon na nga lang ulit e.
Sa pagpapatuloy ko sa pagsubo ng aking pagkain ay may napapansin ako sa may bandang likuran nila Tristan at Niknik na isang naka-hood na sa tingin ko'y babae. Binitawan ko muna ang aking mga kubyertos at pasimpleng sumusulyap sulyap kina Niknik at Tristan at pati sa babaeng nasa likuran nilang dalawa. Pero 'di naman malapit sa amin ang naka-hood, nasa may main entrance na table lang siya nakaupo.
Tumayo ako para puntahan sana ang babae dahil ngayon ko lang napagtantong ito rin pala ang babaeng kumakausap sa akin sa may kumpolan ng tao sa Dynamic Bar.
"Saan ka pupunta, Lee?" Tanong sa akin ni Tristan.
Sasagot na sana ako kay Tristan nang napansin kong nakaambang na rin siyang tumayo.
"Lee?" Lalakad na sana ako nang pigilan ni Niknik ang kaliwang braso ko. Kaya napatigil ako saglit at tinapunan siya nang tingin at kaagad ibinalik ang mga mata sa babaeng naka-hood dahil baka makawala sa paningin ko. Nakatayo na nga ang babae kaya kaagad kong sinabing mag-C-CR lang muna ako. Dahil kapag 'di ako nagsalita agad ay baka mawaglit na nang tuluyan ang babae sa paningin ko.
Nilakad takbo ko na ang pasilyo malapitan lang siya. Rinig ko pa ang malakas na pagtawag ni Tristan.
"Lee! Dito ang restroom." Sigaw niya pero 'di ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagmartsa palabas dahil nakalabas na ang babaeng naka-hood.
Pagkabukas na pagkabukas ko sa main glassdoor ay kaagad kong inilibot ang buong mata ko sa magkabilang kalye. Lingon sa kanan tapos sa kaliwa naman pero wala talaga, 'di ko makita.
"Ang dali namang nawala ng babaeng iyon. Saan ba nagpunta iyon?" Pagsasalita kong mag-isa. 'Di ko pa rin tinigil ang paglingon-lingon sa buong kalye at kada eskinita ay sisusuyod ko ng tingin. Napakamot ako nang ulo at babalik na sana ako sa loob ng restaurant nang biglang may kung anong bagay na nahulog sa gilid nitong gusali. Dahan-dahan akong bumaba sa pang-apat na baitang na tinatayuan ko kani-kanina pa.
Nang nasa bukana na ako ng mismong gilid umaamba akong nanggugulat pero walang tunog na panggugulat. Tanging sumalubong lang sa akin ay ang pusang gala na naghahanap nang makakain sa malaking kahon nang basurahan. Lumapit ako sa basurahan at tinignan ang pusa. Naapakan ko naman ang plastic bottle ng mineral water na nahulog siguro kanina dahil sa kinalaykay ni muning ang basurahan.
"Muning, mingming, may nakita ka ba rito kaninang isang babae na naka-hood?" Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at kinakausap ko ang pusa.
Lalakad na sana ako nang ngumingiyaw ang pusa. Kaya napangisi ako dahil naisip kong para akong baliw rito. Nilapitan ko ulit ang pusa saka hinihimas-himas ito.
"Kawawa ka naman, muning, wala kang kasama rito," Kausap ko ulit sa pusa. Nang biglang may humawak sa balikat ko. Kaya napatayo ako nang tuwid at kinakabahan na rin, dahil baka ang babaeng naka-hood na itong nasa likod ko.
"Hoy, Lee." Pagsasalita naman ni Tristan.
"Nandito ka lang pala Lee," Ngayon napagtanto kong si Niknik pala ang nakahawak sa balikat ko. Kaya hinarap ko sila kaya nailaglag na rin ni Niknik ang kanyang kamay.
"Akala ko ba sa CR punta mo. Bakit ka nandito?" Usisang tanong naman ni Niknik sa'kin.
Sasagot na sana ako nang si Tristan ang nagsalita para sa akin.
"Kasi Niknik, I mean Ate, mas gusto naming mga lalaki na sa open wall kami maglabas ng tubig, kasi mas feel namin ang vibes, ito na talaga ang CR para sa amin. 'Di ba Lee?" Sumang-ayon na lang ako kay Tristan para wala ng problema.
"Okay, sabi niyo e." 'Di na lang rin umangal si Niknik.