KABANATA 6

1059 Words
Kabanata 6 Someone's POV     "Nakita niyo ba ang bumaril kay na Lorwan at Misty?"     "'Di po boss,"     "Anong hindi? Bobo ka? Sabihin mo wala! 'Wag hindi ang isagot mo!"     "Bakit po boss?"     Napasabunot ako ng aking ulo. "Shut up! Lumayo ka sa harap ko, kung 'di--- 'Di ka na talaga masisikatan ng araw!"     "'Di naman po makulimlim sa labas boss, may sikat pa naman ng araw akong nakikita. Kaya okay lang na mag-stay pa muna ako rit-."     "Isa!" Malakas kong sigaw.     Nababalisa namang tumalikod ang bobong tauhan at saka kumaripas papalabas nitong opisina ko.     "Boss, I have news."     "Make sure that news is good or else..."     "Franikka is back."     "Franikka. Kailan pa?"     "Kaninang 12AM boss, she's with the two boys."     "Oh? Good, I hope she can do her job well. Thank you for calling."     I turned off the call and start to think something dreamy.     "Franikka, make sure you will make there world gone crazy." At nagpakawala ako ng malademonic na tawa.     Jarry Lee's POV     Papalabas na kami sa entrance gate ng sasakyan at kinausap na muna namin ang guard at nagpaalam. Pero nang e-down na sana ni Tristan ang window ng car niya na di n'ya rin daw alam kung bakit nandito rin ang sasakyan niya dahil doon naman daw niya ito pinarada sa labas ng Dynamic Bar. Lumapit si guard at may binigay na card.     "May nagpapabigay po Sir," anang guard.     "Sino?" Agarang tanong ni Tristan.     "Ang may-ari po ng bahay. Gusto niya raw kayong kitain sa tapat ng Dynamic Bar. Sige po mga Sir, ingat po." Kumaway ang guard at bahagya kaming nagkatinginan ni Tristan at pinastart na rin ang sasakyan.     "Ano bang nakasulat na pangalan d'yan sa card?" Kausap ko kay Tristan.     "Ay, oo nga pala. Hmm, Franikka Vasquez."     "Franikka Vasquez? Parang pamilyar."     "Pamilyar? Sino naman?" Takang tanong ni Tristan.     "Dalian na lang nating makauwi, pagkatapos kitain na natin ang taong iyan."     Tumango si Tristan at patuloy lang din ako sa pagmamaneho.     Isang oras na byahe ay ligtas naman kaming nakauwi nang bahay nila Tristan.     "Naku! Hijo! Saan ka ba nagsusuot kinakabahan ako sa 'yo." Salubong ni Manang Peling kay Tristan at sa akin.     "Naku! Lee, maraming salamat at nakita mo itong kaibigan mo. Naisturbo ko pa tuloy ang mama mo sa tawag ko. E, nag-aalala lang kasi talaga ako sa batang ito." Nakangisi lang si Tristan na sumusulyap-sulyap kay Manang Peling. Pero halata naman sa mga mata niya na may mga hinahanap siya.     "Salamat sa pag-aalala Manang, sila Daddy at Mommy po?" Sinasabi ko na nga ba.     "Naku,Tristan, maagang umalis ng bahay." Malungkot na sagot ni Manang.     "It's okay po Manang. Kwarto lang po muna ako. Magbibihis." 'Di na nahintay ni Tristan ang maaring isagot ni Manang.     Ako naman ngayon ang kinausap ni Manang.     "Lee, saan mo nahanap si Tristan?"     "Sa Dynamic Bar po," Pagsisinungaling ko.     "Alam na ba niya ang nangyari kay Wan?"     Tumango lang ako.     "Matagal na kayong magkaibigan Lee, alam mo rin kung gaano ka importante ni Wan kay Tristan. Kaya sana, ikaw ang magsilbing kasama niya ngayon. 'Di natin alam ang takbo ng utak niya."     "Opo, Manang,"     "May aasikasuhin lang muna ako sa kusina. May lakad ba kayo?"     "Opo,"     "O s'ya sige, mag-ingat kayo."     Kasabay ng pagpanaog ni Tristan sa hagdanan ay ang pagtalikod naman ni Manang papuntang kusina.     Tinapik niya ako sa balikat. "Ano? Tara na," Alok sa akin ni Tristan.     Sa pagkakataong ito ay siya na ulit ang nagmamaneho. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Tristan. At dahil naglalaro ako ng mobile legends ay sumusulyap-sulyap din siya sa nilalaro ko. Kaya nababawasan ang pagbibigay atensiyon niya sa pagmamaneho.     "Focus sa daan pre!" Suway ko sa kanya.     "Automatic 'to," Umiiral na naman ang pagkahambog niya nang biglang may nabundol ang sasakyan. Nakikita ko sa side mirror ang nabundol na tao. Nakahood ito na kulay berde. Napababa kaagad ako sa sasakyan at nagmamadaling daluhan ang babae.     "Ate, pasensya na po talaga, we can bring you to the near hospital." I offered her but she's saying no.     Pinipilit ko pero 'di talaga napipilit kaya tinantanan ko na. Doon nakakuha ako ng chance na masulyapan ang kanyang mukha na natatabunan ng scarf.     Nagulat ako dahil napansin ko ang isa niyang mata ay kulay puti ang gitnang bilog imbes na itim.     Tumayo ang babae at nilapitan na rin ni Tristan pero grabeng titig ang pinukol ng babae sa kaibigan ko. 'Di niya namalayang may tao rito.     "Miss, sure ka ba na 'di ka na magpapahatid sa hospital? Baka kasi may bali o ano, mas mainam kung ipa x-ray ka namin." Offer ko naman ulit.     Umiiling ng maraming beses ang babae at saka tinalikuran kami. Nang akala namin na lalakad na siya ay 'di pa pala dahil may habilin siyang mga salita.     "H'wag magtiwala sa mga mababait na mga tao. Para silang mga ahas, palihim na nanunuklaw." Matapos sabihin iyon ay nagpatuloy na sa paglalakad. Kaya nagtinginan na lang kami ni Tristan at ulit na sinulyapan ang babae pero laking gulat namin dahil 'di na namin mahagilap. Wala na ang babae sa kanyang nilalakaran.     "Nasaan na iyon?" Tanong ni Tristan sa akin.     "Aba'y ewan ko."     Pumasok na lang ulit kami sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ngayon ay mabilis bilis na ang pagpapatakbo ni Tristan sa pagda-drive.     "We're here." Sabi ko.     "Mabuti na lang 'di na gaanong maraming tao. Ang salimuot naman ng pagkamatay ni Lorwan at Misty. Ang nabalitaan ko walang makitang suspect, kahit na sa mismong CCTV. Deleted din daw." Naririnig naming usapan.     "Deleted? So may chance na inside job ang ginawang pagpatay. Baka may gustong nakawin, o baka may atraso. Baka nagsisimula ng maghiganti ang Pamilyang naagrabyado nila noon."     "Impossible, 'di ba wala na rito ang Pamilyang iyon dahil ayaw na nila ng gulo."     Nawala sa pandinig namin ang usapan nang may biglang yumakap sa amin sa may bandang likuran.     Nabigla kami kaya kumawala kami ni Tristan sa ginawang pag-akbay ng babae at hinarap siya.     "Sino ka?"     "Oo nga, sino ka ba? bakit bigla-bigla kang nang-aakbay?" Supladong tanong ko.     "Ouch, nakalimutan niyo na ba ako?" Aniya.     Tinignan ako ni Tristan kaya napatingin rin ako sa kanya at itinaas ko ang isang kilay ko.     "Ikaw ba si Franikka Vasquez?" Tanong kaagad ni Tristan. Napanganga ako at tinabunan ko kaagad ang bibig.     She smiled and smirked.     "Seriously? Nakalimutan niyo na talaga ako?" Her voice sounds like she's surprised dahil siguro 'di namin siya marecognize. "Yes, I'm Franikka Vasquez, pero God! Si Niknik 'to!" Napa'O' kami ng bibig ni Tristan.     "Weah? Niknik, gosh! Promise 'di ka namin nakilala." Na amazed talaga ako.     "Niknik! I miss you!" Napayakap na si Tristan sa kanya. Hmm, ang gago tsansing.     "Mabuti pa, let's go to an exclusive place and let's eat!" Anyaya ni Niknik.     "Yes Lapang!" Sigaw ni Tristan. Basta talaga pagkain. Parang patay gutom talaga. Mayaman naman sana.     Natawa na lang ako sa aking naiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD