Nang magising ako nagtataka ako bakit na sa kuwarto na ako, naalala ko 'yung na sa resto kami kahapon may dalawa pangang lalaki na pilit nila akong sinasama. Tapos tinutukan ako ng kutsilyo sa tagiliran nang dumating si boss matapos n'yang um-order inupakan na n'ya ang mga lalaki, ang isa naman hinostage ako. Hay hindi ko na maalala ang iba, pero nakaka-trauma talaga 'yung kahapon. Ayoko na ulit maranasan 'yon, sh*t para kasi akong mamatay na sa takot. Sana makulong na sila at magsisi sa mga ginawa nila. Inayos ko na ang sarili ko at bumaba na para magluto ng pagkain ng aking Mahal na Hari. Pagbaba ko nadatnan ko si manang sa kusina. Palagi talagang maaga si manang, sobrang sipag niya talaga. "Good morning, manang!" bati ko at ngumisi ng malawak. "Good morning din sa'yo, hija!" balik n