Pagkarating namin sa aming pupuntahan, agad kaming pinagbuksan ni Manong Driver. Pumasok kami sa isang shop ang ganda ng shop mukhang ilegante ang mga gown. "Good day, ma'am / sir! Welcome!" magalang na bati ng babae na ang ganda malaki ang hinaharap. My god, ito na naman ako umiiral na naman ang inggit ko sa malaki ang dibdib. Pagkaupo namin may isang babaeng nag-abot sa amin nang mga wedding design nila. Ako naman nag-umpisa nang magtingin-tingin pero wala akong mapusuan. Pero bakit ba mas pinili ng boss ko na lumabas para lang mamili nito eh puwede naman niyang papuntahin sa bahay ang designer. Ang yaman naman niya. "Ano may napili ka na?" masungit na tanong ni boss. Grabe nagmamadali ba siya? "Wala pa nga eh!" sagot ko hayst ang hirap naman ng ganito. Saka talagang gusto ng lalaki