CHAPTER 22

1254 Words
"AW!" Daing niya ng mauntog siya. Napatakip ako ng bibig, "It's fine. One more," sabi niya kaya't tumango ako. Inulit ko ang proseso kung paano ko naigalaw ang nauna. "Ouch!" "Hala, sorry!" Akmang lalapitan ko siya ngunit sinabi niyang ayos lang kaya napakagat ako ng labi. "It's alright. Again, just try and try." "Sure kang okay ka lang? Baka durugin mo ako ah." Nakakatakot pa naman ang abilidad niya. "Yes, I am and I am not gonna hurt you, relax," natatawa niyang sabi. Ang pogi niya... Argh! Cut it. "Susubukan ko na ulit." Pinalipad ko ulit ang mga bato at sumubok na maglagay sa palad ni Riel. "Ah!" Napakagat ako ng labi at umulit pa ng umulit. "Aw!" ... "Ouch!" ... "Argh! F*ck!" "Haluh, tama na, uy!" Lumapit na ako sa kanya dahil dinudugo na talaga ng todo ang ulo niyo. "I feel dizzy. Ako yata talaga yung pinupuntirya mo eh," natatawang pagdaing niya at ginamit ang panyo ko para punasan ang dugo. "Sorry talaga. Sabi ko kasi sa 'yo tama na eh," hinaplos ko pa ang ulo niya. Sa ulo lagi kasi tumatama. "Try it, once more." "Tama na! Gusto mo bang mabasag ang bungo mo?" "Try it, isa na lang," pagpupumilit niya at itinayo ako. Huminga ako ng malalim at pumayag. This time, kinalimutan ko muna ang mga pangit kong alaala sa buhay ko at inisip na nasa iisang lugar ako na ako lang ang naroroon, kasama ang mga ibon na kinakantahan ako at simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko. Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko at tingin ko papunta sa palad sa ni Riel. Kung ano ang kilos ng ulo at ng mata ko ay siyang kilos ng batong inilagay ko sa palad niya. Malawak siyang ngumiti at ganun din ako. "You did it! Aha, told you!" Maligaya niyang sabi. "Oo!" Kinuha ko ang bato na nasa palad niya. "Can you try to control the big one? Ibato mo banda sa akin," utos niya pa. Umiling ako. "Ayoko, baka this time mapapatay kita." "Hindi 'yan. Let's just try our combination since I am enjoying doing this thing with you," I can see his smile. Pumayag na lang ako dahil halatang hindi naman siya magpapatalo. Medyo nahirapan ako ng paliparin ko ang malaking bato. Nangailangan ako ng maraming pwersa kaya hindi ko gaanong nakontrol ang pagpapalipad ko. Ang buong akala ko madadaganan siya pero isang suntok niya lang, durog ang batong malaki. "Ang galing!" Manghang sabi ko at nilapitan siya. "Seems like I used it properly. Nangalay ako ro'n ah," sambit niya habang pinapagpag ang kanyang braso. "Anyway, are you okay? Mukhang napagod ka. You use your all strength." "Ayos lang ako," umupo sa kinatatayuan niya kaya't tumabi siya sa akin. "Anong oras na?" "9:46 PM," sagot niya nang tumingin siya sa kanyang phone. "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tumawa ako na may halong sarkastiko. "Walang pakialam ang magulang ko sa akin kahit hindi ako umuwi," my bitterness is clearly with my voice. "Is that so?" "Halos ipagtabuyan na ako ni mommy. Kaya naman pala nila ako ipapakasal sa hindi ko kakilala para mawala na ako sa buhay nila," pagkuwento ko. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ko. Hindi ko pa rin matanggap na madali lang nila akong ipapamigay sa iba. At saka hindi naman kami magkakilala kaya kahit magkwento ako, wala naman siyang magagawa. Lalo na't may boyfriend ako. Hindi ko alam kung ano yung magiging plano. "Ganun ba yung dahilan? Paano yung boyfriend mo?" "Hindi ko nga rin alam. Ayokong mawala si James sa akin. Mahal ko siya, siya nga lang ang tumanggap sa akin. Medyo sumama lang ang loob ko kanina sa kanya kaya nakalimutan ko siya ngayon," sagot ko. "Pero susubukan ko pang kumbinsihin si dad para itigil niya itong fixed marriage," dagdag ko pa at nagbuntong-hininga. Nanatili siyang nanahimik at tanging hampas lang ng tubig ang naririnig namin. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ni James. Nananalangin ako na sana sagutin niya ito dahil gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako sinulpot. "Oh?" Nabuhayan bigla ang loob ko nang sagutin niya ito. "Baby, nasaan ka na?" Garalgal ang boses ko. "Oh..." May narinig akong kakaibang tono ng boses niya. Napalunok ako at pinakinggang mabuti ang kabilang linya. Parang may kasama siya at pareho silang naghahagikgikan. Sumisikip ang dibdib ko. "James?" Pinunasan ko ang biglang pagtulo ng luha ko. "Hey, sorry. May ginawa lang kasi... Sh*t. May ginagawa lang kasi ako that's why I wasn't able to text you. Sorry for waiting but I need to end the call now, I'm busy." "I love-" You. Naibagsak ko na lang ang cellphone ko nang babaan niya ako. Napakagat ako ng labi at yumakap sa tuhod ko para tumangis. There was nothing left to do but cry, anyway. Feeling ko may ginagawa siyang mali. Mayroon akong naramdaman na humagod sa likod ko. "Kailan pa siya ganyan? Do you trust him well that you are just the woman in his life?" "H-Hindi ko alam." "Why are you crying over him?" Tanong niya nang hindi ko matigil kakapunas ng luha ko. "K-Kasi nagseselos ako. Feeling ko niloloko niya ako. Kaya niyang makipag-halikan sa ibang babae," tinakpan ko ang mukha ko. "Wala man lang akong magawa, hindi ko naman siya maaway-away dahil baka hiwalayan niya ako." "Oh?" Reaksyon niya lang. "Stop crying when you feel jealous, you know? Cry if you regret that you love him. Or better do something to make him feel what you feel, to be fair." "Huh?" He scoffed. "Hindi naman siya ganyan sa akin noon eh. Siguro kinahihiya niya na ako dahil sa hitsura ko. Karamihan sa mga schoolmate ko ay nilalait ako. Isa rin sigurong factor 'yon na nahihiya siya para sa akin kaya siguro inilalayo niya ang sarili niya." Bigla niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at tinitigan. "Honestly, I really want to throw at the river those people who drag themselves down. Hindi ka naman pangit," when he said it, he smiled, staring at me. Napalunok ako at suminghot, "Ipaderma mo lang 'yang tumutubo sa mukha mo. Maganda ka, laging mong isipin 'yan. And first of all, wala naman kasi sa hitsura dapat. If he really loves you, he would rather sacrifice to protect and save you from bullies. Hindi yung siya pa ang magbibigay ng dahilan para bumaba ang self-confidence mo. Sa sinasabi mo, he is not good. He is just an angelic face, pero para sa akin para lang siyang isang tae sa kalsada na kailangan tapakan." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko na ipinagtatanggol si James kasi may sense yung sinabi niya. Sana kasing mindset na lang siya ng mga tao. Sana marunong na umintindi ang mga nanlalait sa akin sa sari-sarili nilang buhay at huwag na nila akong gambalain pa. "You know, Ayesha," humarap siya sa akin at lumapit pa. "Bakit ba pinoproblema mo yung mga taong nanlalait sa 'yo? Sorry for asking but I read your mind." "Dahil pagod na ako. Gusto kong matikman paano nga ba tanggapin bilang ako." "Accepting who you are is the best strategy for overcoming it. Accept yourself regardless of how you look or what bizarre things you are doing, and don't worry about those people who disregarded you. Make sense, right? Love and accept who you are. You are no longer a child, kaya mo ng gumawa ng mga desisyon kaya nasa sa 'yo paano mo patibayin ang sarili mo," lintaya niya. This is the best advice I ever heard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD