CHAPTER 14

1350 Words
AYESHA'S POV TUMINGIN ako sa phone ko para tingnan ang oras. Dalawang oras pa bago ang klase ko. Bumalik ako sa lugar na kung saan doon ko nakita ang apparition ko. Napahawak ako sa mga tuhod ko at napahagulgol. "S-Sabi mo ako na bahala sa sarili ko?" Pagkausap ko sa kanya pero walang lumabas na kahit anong imahe. Wala rin akong bulong na naririnig. "B-Bakit pati ang daddy ko?" Napaupo ako at kumapit ng mahigpit sa mga d**o. Masakit sa akin ang makita ang susunod na mangyayari lalo na sa sa miyembro ng pamilya ko. Kahit ganun sila, ayaw ko silang mawala. Still, nandoon pa rin ang pagmamahal ko bilang anak at kapatid. Biglang humangin ng malakas kaya nahahampas sa akin ang mga matatas na d**o. "Hey," bumaling ako sa likuran ko. "You cannot stop yourself from predicting the future unfortunate events of the people, in the world, especially accidentally looking their eyes or intentionally looking their eyes. That's you. Hate yourself, there is nothing you can do. You, can you foresee what will happen to you next? Think of it as an advantage," matapos niyang sabihin iyon ay nawala na siya sa panimanman ko. Ibig-sabihin dadalhin ko ang bagay na 'to hanggang sa mamatay ako? Walang buhay akong pumasok sa school, dala-dala ang sinabi niya sa akin. Pagkarating ko sa school, bumungad kaagad sa harap ko ang mga schoolmates kong wagas kung makatalim ang tingin. Napataas lang ang kilay ko. Wala ako sa mood. Pagod na nga ako dahil sa trabaho ko, pagod pa ako sa pamilya namin at sa mga nangyayari. "Sana hindi na lang natin siya naging schoolmate! Nasira ang image ng school dahil sa kanya! I hate her! Siyempre pangalan ng school ang caption and ang uniform niya na huling-huli siyang nang-cheat." "I bet she will gonna cheat in this upcoming exam." "Yeah, I don't doubt that." Tinanggal ko ang suot kong salamin sa pagkairita. Hindi ko sinasadyang nadurog ko na 'to dahil sa higpit ng paghawak ko. I told you that I am not in the mood. She seemed astonished by my reaction, and I glared at the girl who had insulted me. I approached her with caution. My attention was directed solely to her eyes. Nothing more than her eyes. My vision has deteriorated. The sights I'm seeing in her eyes make me feel like I'm in another terrible world. Kahit maingay sa paligid ko, sa kanya pa rin nakatutok ang mata ko. Sa kanya lang. My body is starting to warm up. I want to hurt someone. My hands were trembling as I clenched my fist. Ganito ba ako kapag galit? Ngayong nalaman ko na kung sino ako, marunong na akong magalit. Surprisingly, I can see myself in her eyes. A gorgeous brown-haired Ayesha appeared. My apparition and I just talked with a while ago. She's grinning and looks like she is encouraging me. "B-Bakit mo ako nilalapitan?" Nakita kong natakot siya dahil sa ipinapakita kong expression sa kanya. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Mas natatakot ako kung pipikit ako. "Stop using your cellphone," seryoso ngunit madiin kong sabi. Parang isang bagay na katakot-takot ang hawak niyang phone sa mga mata ko. "What?! Ang kapal mong utusan ako!" Gusto niya pang ihampas sa akin ang kanyang hawak na phone pero pinigilan ko lang siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. "If you don't stop using your phone, it will explode in your face. Think about it. Once you have two phones in your hands, they will both explode..." I mumbled, sakto para marining niya. "Not just in your face, but in your entire hands. I can see it. I saw it. Don't say I didn't warn you. The phone is your death threat. It will kill you." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umiwas nang tingin sa kanya. Mabuti nang hindi ko nakita kung ano ang pangyayari sa isip ko. Maganda na yung sinabihan ko na lang siya dahil bigla itong pumasok sa isip ko. "Is she crazy?!" Dinig ko na lang na sinabi niya. Yes, I am. Napansin ko, while I am talking, my apparition in her eyes, iginagalaw niya rin ang bibig niya. Parang siya ang nagsasalita. Is she controlling me now? She said she would stop controlling me. Ang weird. Bakit ganito yung nakikita ko? Ibang tao ba talaga ako? Bakit parang hindi ko matanggap? Maya maya may nakita akong grupo na nakatipon sa isang bench sa ilalim ng mga puno. Barkada sila ng kuya ko, kasama doon ang boyfriend ko. Sakto naman ay napadako ang tingin niya sa akin. Agad kong isinuot ang bag ko na nakahawak lang pala sa palad ko. Nginitian ko siya pero inirapan niya ako. "I missed you already," I mouthed, alam kong hindi niya iyon nakita. "Aray!" Daing ko nang may bumangga sa akin. Chelsea again. Kailan kaya ako titigilan nito? "Haharang-harang kasi, e, laking basura," parinig niya at dire-diretso siya sa puwesto nina James. Bigla niya itong niyakap na ikinagulat ko pero tinulak siya ni James, I feel relieved. Ibahin mo ang boyfriend ko, Chelsea. "Stop staring at them. C'mon. You look stupid. You're embarrassing yourself," boses ni kuya sa likuran ko at hinawakan ako sa braso sabay hinila. Wala akong nagawa kundi sumama kay kuya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paghalik ni Chelsea sa pisngi ng boyfriend ko. "Kuya, gusto ko lang sanang kausapin si James," pakiusap ko kay kuya na patuloy pa rin akong hinihila. He stopped at tiningnan niya ako ng masama. "I told you before! Hindi mo dapat sinagot ang lalaking 'yun. I don't like him for you! Matigas ang ulo mo! Nabu-bully ka pa lalo dahil sa pinasok mo!" Taas boses niyang sambit sa akin at nakaramdam naman ako ng takot. "Matagal naman na akong binubully, kuya, simula pa lang," sagot ko na may hinanakit bawat salita ko. Because you never protected me from bullies. He looked at me in disbelief. "Sumasagot ka pa? Damn! I'm just concerned about your feelings! Why don't you just listen to me?! Why are you so stubborn as hell?!" Napapikit ako nang mariin. Ngayon concern ka? Galit na galit talaga siya at baka kapag sumagot pa ako, lalo siyang magliliyab. Bukod sa parents ko, si kuya ang pinakakinatatakutan kong tao. Wala namang problema kay James, bakit ayaw niya sa kanya? "K-Kuya, mahal ko po kasi siya," napipiyok kong sabi, nag-bitaw siya ng mabigat na hininga at pinakita niyang pagod na siyang manermon sa akin. "F*ck that love of yours. Fine! Do whatever you want, I don't care. I will no longer scold you. Matanda ka na," malamig at mababakas pa rin na galit sa tono niya. Napakagat ako ng labi ko at pinipigilang humikbi. Ayaw ko siyang nagagalit na ganun. Barkada niya si James dapat alam niya na mabait siya at healthy siya para sa akin. "Besides, ipapakasal ka naman din, simulan mo ng hiwalayan ang lalaking 'yan. Kung gusto mong magkaroon ka pa ng mabigat na issue sa buhay, sige ipagsabay mo si Katriel at James para bansagan ka ng malandi." "B-Bakit hindi mo man lang sila bawalan, kuya?" Ganun na ba ako kasama para hindi niya pa rin i-consider yung feelings ko para matulungan niya ako? "S-Si James at Chelsea, bakit hinahayaan mo sila?" "Bakit ko sila pipigilan? Bakit ko gagawin yun?" He scoffed in disbelief, "Barkada lang nila ako. Sinabihan na kita simula pa lang na huwag mo 'yang patulan, nakinig ka ba? Ngayong nasasaktan ka, sisisihin mo ako? Ang hirap mong makaintindi. That's why a lot of people hate you. Nakakasawa kang sabihan," naiinis niyang sabi at iniwan niya ako sa pwesto ko at dumiretso sa pwesto nina James para makapagbasa ng libro. Nang bumaling ako sa kanya, lalong sumikip ang dibdib ko. He said he loved me. Pero bakit...bakit nagagawa niyang halikan si Chelsea kahit na sa pisngi? Napailing ako. Ayaw ko mag-isip ng kung ano-ano. Mahal ako ng boyfriend ko at pinatunayan na niya sa akin yun. Sadyang malandi lang si Chelsea kaya sinusubukan niyang agawin ang boyfriend ko sa akin. I know it is just a friendly kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD